I can't contain my happiness. Gusto kong ipamalita sa lahat na buntis ako but I know I can't do that. Gusto kong tawagan si Mommy Angela kaso out of the country na naman siya. I've been trying to reach her but to no avail.
‘Di pa rin umuuwi si Stu.
I decided to call Risha. Gusto ko lang talaga na mag mapagsabihan ng kasiyahang nararamdaman ko. Feeling ko kasi para na akong sasabog sa saya. I just hope she's free. Last naming kita, noong pinuntahan ko pa siya sa opisina niya. I know I can trust her and besides, I have no one else to confide to. Mayroon pa pala, ‘yong yaya ko mula bata pa ako. Panigurado matutuwa si Mama Rosing. She knew my feelings for Stu ever since. Though napagsasabihan niya ako minsan, pero alam kong sa pagkakataong ito ay magiging masaya siya para sa akin.
I've been so close with my yaya na minsan tinatawag ko siyang Mama Rosing because she's like my second mother. Pinauwi ko muna siya sa probinsiya nila dahil manganganak ang anak niyang babae.
Come to think of it. I miss Mama Rosing. I will surely visit the mansion once nakauwi na siya. Ngayon pa lang ay nai-imagine ko na na siya rin ang magpapalaki ng anak ko.
I dialed Risha's number and at first ring sinagot niya ito.
[Hey, Girl! I miss you. What's up?]
"Hi, Rish. Are you free today? It’s been awhile. ‘Di na tayo nakakapagchikahan. I miss you too, you know?"
[Sure! We can hang out today. Tamang-tama, I’m free today. Punta tayo sa favorite bar natin ‘yong Havens. Open naman ‘yon at 12 NN since nagse-serve na sila ng lunch. And if we want to drink, open naman ‘yong bar side.]
Napangiti ako. "Okay, sounds good. So, see you at 12-ish?" excited kong pagkompirma sa kanya.
[Sure. Ta-ta!]
Excited na nagligo na ako at naghanda papunta sa meeting place namin ni Risha. Nagsuot ako ng black tube at in-insert ko ang dulo noon sa loob ng suot kong tattered jeans. Pinaresan ko ang outfit ko ng isang black gladiator wedge. Nagpahid na rin ako ng manipis na make up. Tiningnan ko ulit ang sarili ko sa salamin sa huling beses. Kung mayroon mang makakakita sa akin ay malalaman agad nila na sobrang saya ko ngayon dahil sa nangniningning kong mga mata. Ngumiti ako sa aking repleksyon at kinuha na ang crossbody bag ko sa ibabaw ng dresser. Nagpasya na akong bumaba sa garage. I decided to drive myself using the black Cadillac CT4 car. That way wala nang maghihintay na driver sa akin.
Pagkadating ko sa Havens, nakita ko agad si Risha na nakaupo sa mesa. Malapit iyon sa front bar kung saan may bartender na kasalukuyang pinupunasan ang ibabaw ng counter.
"Risha!" nakangiting tawag ko sa kanya.
Napalingon sa akin si Risha at kaagad tumayo para salubungin ako. Nakasuot pa siya ng office uniform na pencil skirt na pula at sleeveless na itim. Ang blazer nito na kulay pula rin ay nakapatong sa isa pang upuan kung nasaan din nakalagay ang LV Neverfull MM bag niya. Agad ko siyang niyakap at bineso-beso nang makalapit na ako sa kanya.
"Hey, Girl. I missed you. I ordered your favorite already, baby back ribs and mashed potato. We'll just have to wait. So what's new with you? Same old, same old?" anitong ikinawit ang braso sa braso ko. Sabay kaming pumunta sa mesang kinauupuan niya kanina. Umupo ulit siya sa puwesto niya. Tumabi naman ako sa kanya at inilagay ang bag sa kabilang silya.
“Thanks, Rish! I appreciate you. Hmmn… I actually have something exciting,” sambit ko sa kanya.
I tried to suppress my smile by biting my lower lip. Pero nahalata pa rin iyon ni Risha. Tinaasan niya ako ng kilay.
"Well, tell me what it is because it seems like nanalo ka ng lotto dahil sa ngiti mo. I mean I know you're rich but you know what I mean. It must be something big." She leaned forward and put her arms on the table.
"Well…” pabitin kong sabi. “May nangyari na sa amin ni Stu,” ani ko na hindi na mapigilan ang malaking ngiti.
Napatili ito sa tuwa. “Oh my God! Oh my God!”
“Shh!!!” kaagad kong saway sa kanya. Agad kong tinakpan ang bibig niya dahil nagtinginan na sa amin ang ibang mga customers.
"Sira, ‘wag ka ngang tumili nakakahiya sa nga tao." Napalingon pa ako sa ibang customers na nakatingin pa rin sa amin. Hilaw na nginitian ko sila.
Inalis niya ang kamay ko sa bigbig niya. Mahina niya pang tinapik ang kamay ko. "I just couldn't contain my excitement, Shin. Ang tagal mo na kayang nagnanasa diyan kay Stu for God knows how long?! Simula yata nang nagkaisip ka tumibok na ang puso mo roon sa lalaking ‘yon."
Pansamantala siyang tumigil dahil dumating na ang waiter at inaayos ang order namin sa mesa.
"You even make sure na naging close kayo,” patuloy nito noong umalis na ang waiter. Nakapangalumbaba siyang tumingin sa akin. Inilapit niya ang mukha niya at sa manihang boses ay nagtanong, "So, Girl si Papa Stuart talaga ang naka-pop ng cherry mo? Nagkatotoo na rin sa wakas ang dream mo? How did you do that? To think, dati-rati BFF lang talaga turing sa'yo tapos ngayon, aba lume-level-up na!"
Nginisihan ko siya. "No one can resist my charm, Rish. You know naman ‘yan. Saka you know naman na simpleng manyak si Stu." Tumawa pa ako nang pagkalandi-landi. "Saka kahit magkaibigan lang kami, he always believes in whatever I say. So, kung malaman man niyang sinadya naming lasingin siya para may mangyari sa amin, keri lang sa kanya ‘yon. Magagalit man siya pero gagamitan ko lang ng charm ‘yon para maging okay kami ulit. Ang dali lang kaya mauto no’n.” Kinindatan ko siya. Pangiti-ngiti ako habang nai-imagine kung ano ang magiging set-up namin ni Stu.
"Aba! Good luck diyan, Girl. So praying ka na sana lumubo ‘yang tiyan mo?" Umayos na siya ng upo at dinampot ang tinidor at kutsilyo.
"Oo naman, Girl para wala na talaga siyang kawala sa akin.” Kinuha ko na rin ang tinidor at kutsilyo. Sinimulan ko ng humiwa ng maliit na karne. “He's only mine and I'll do whatever it takes for him to be mine. Saka si Stuart pa? Bukod sa nanay niya, ako lang pinaniniwalaan no’n. So, kahit magsinungaling ako or magdrama, sa akin pa rin siya maniniwala. Saka invited ka sa wedding, Girl,” confident na sabi ko sa kanya sabay kindat. Isinubo ko ang karne sa bibig ko at marahang nginuya iyon.
Napapikit pa ako sa sobrang sarap niyon. The meat just melts in my mouth.
"Ay, kaloka! Confident!" anitong nagsimula na ring kumain.
"Of course! I know how to play him. Saka you know sa bahay na nila ako nakatira so madali na ang lahat para sa akin," nakangisi kong sabi.
Ipinagpatuloy ko nang kainin ang pagkain ko nang mapansin kong parang nakakita ng multo sa likuran ko si Risha. Laglag ang baba nito at nanlalalaki ang mga mata habang nakatingin sa likuran ko.
Curiosity got me. Lumingon ako at ganoon na lang ang gulat ko nang makita ko si Stu. Nabitawan ko ang mga kurbyentos ko.gumawa iyon nang malakas na ingay pero parang naging bingi ako. Mas naba-bother pa ako sa lakas ng t***k ng puso ko.
Madilim na madilim siyang nakatitig sa akin. He's angry, no scratch that, he’s so furious .
"Hi, Stu kanina ka pa ba diyan? C'mon let's join us for lunch," patay-malisya kong yaya sa kanya nang mahinasmasan ako. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatunganga sa kanya. Nanginginig na ang nga kamay ko. Pinagsalikop ko ang mga iyon at ibinaba sa kandungan ko.
"I can't believe you. Of all people..." aniyang nagbabaga ang mga tingin sa akin.
Before I could respond mabilis siyang umalis papalabas ng Havens. Agad kong kinuha ang bag ko at sinenyasan si Rish na tatawagan ko siya. Isinuot ko ang strap ng bag. Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Dali-dali akong pumasok sa kotse at sinundan siya.
Bakit naman kasi napaka-wrong timing? Sa lahat ba naman ng lugar, nagkataong nandoon din siya at narinig niya pa.
I didn’t mean it to sound like that. Oo at madali ko lang siyang napapasunod sa mga gusto ko, pero never kong binilog ang ulo niya. I was just exaggerating.
Mabilis akong lumabas ng sasakyan nang makita ko siyang papasok ng bahay. Agad akong nagtungo sa kwarto niya at nagbabakasakali na nandoon siya. Ni hindi ko na pinansin ang mga bati sa akin ng mga katulong. I know I have to speak with Stu because of what he heard. I have to explain myself! Good thing, ‘di naka-lock ang pinto nang pihitin ko ang seradura nito. I opened the door and went in slowly. Sinara ko na rin ang pinto bago lumakad palapit sa kanya.
At hindi nga ako nagkamali. Nasa loob bga siya ng kwarto niya. He's packing his clothes.
"Stu..." mahina kong tawag sa pangalan niya
"Not now, Shin,” matigas niyang sagot.
"Bakit ka ba nag-iimpake? Saan ka pupunta? Ang tagal mong nawala. Magbabakasyon ka ba?" I acted casually as if walang nangyari.But deep inside, I already want to cry.
"Really, Shin? You're playing dumb now?" Huminto siya sa pag-iimpake at hinarap ako. "Ano? Magkukunwari kang wala akong narinig sa pinagusapan ninyo ni Rish?! My God, Shin! Alam mo ba kung ano’ng naiisip ko after noong may mangyari ulit sa atin?! Alam mo bang para akong masisiraan ng ulo sa kakaisip how to make these things right?! Nakokonsensiya ako kasi nagalaw kita tapos maririnig ko lang na you were planning it all along?! Anong kagag*han ang pumasok sa utak mo?!" galit na galit niya na bulyaw sa akin.
"Hindi naman kasi ganoon ‘yong narinig mo, Stu," nanginginig ang mga labing sagot ko sa kanya. I don't know how to explain it to him in a way that he can forgive me. I was trembling in fear. I keep pulling each of my fingers in hopes that it will somehow make me calm.
"Bullsh*t!! Ano’ng hindi gano;n?!” Napalundag ako sa gulat dahil sa sigaw niya. Ang mga kamay niya ay nakalagay sa bewang niya. “Are you kidding me?! Are. You. F*cking. Kidding. Me?!"
"Please, Stu let me explain. I didn't mean to say those words." Bumuhos na ang mga luha sa mata ko. Galit na galit talaga siya. And I couldn’t think straight either. I don’t know how to pacify him!
"Para ano? Para mabilog mo ulit ang ulo ko? No, Shin. No f*cking way! And here I am, I thought iba ka sa lahat, but you are indeed one of a kind conniving woman! You are even worse than them!" aniyang dinuro pa ako.
"Maniwala ka naman sa akin, Stuart! Please!" nagmamakaawa kong sabi sa kanya. Pinagsalikop ko ang mga kamay ko ay itinapat iyon sa dibdib ko. It hurts like hell. And though I know kasalanan ko kung bakit kami nagkaganito, gusto ko pa ring magpaliwanag sa kanya kung ba't ko nagawa ang mga nagawa ko.
"Shut up with your lies, Shin! How long are you planning to deceive me? Hanggang kailan mo ako lolokohin? At bakit pa kita bibigyan ng pagkakataon para magpaliwanag? Para mabilog mo ulit ang ulo ko? You know how I feel right now? I feel like crap! We've known each other for God knows when. You're the only person that I allowed to invade my personal space. You're the only one, Shin! You're the only one! How can you do this to me?! At proud ka pa talaga kanina na napapaikot mo ako sa mga kamay mo!" nanlilisik ang mga mata niya sa galit habang nakasigaw sa akin.
Dinampot niya ang lamp shade sa may bedside table at itinapon ito sa dingding ng kwarto niya. Halos durog na ito nang malaglag sa sahig.
Napaupo ako sa kama. I’m trembling in fear. Takot ang una kong naramdaman sa ginawa niya. This was the first time I saw him like this. He had always been so sweet and kind to me. Kahit minsan ay hindi ko pa siyang nakitang nagalit nang ganito sa akin. But because of what I did, what he heard. I turned him into a monster. He is not the gentle Stuart I know. And it is my fault. This is entirely my fault.
"Please naman, Stuart. Listen to me naman. I can explain everything naman, eh. Just please listen to me. That's all I ask of you."
I can't give up right now. He's the only one I have. I already lost my parents and I can't afford to lose him too.
"No! You have all the time in the world before. Kung meron ka ngang matinding rason to do this. You should have informed me already. But you didn't! Instead ito pa ang ginawa mo! Now, get out! Get out, Shin!"
"You can't do this to me, Stuart. Please hear me out!" I don't want to give up. I know eventually he'll let me explain. I just have to be persuasive.
"Oh, I can, Shin just watch,” aniyang hinila ako sa pagkakaupo mula sa kama at kinaladkad ako pababa sa hagdanan.
"Wag, Stuart! Nasasaktan ako! Buntis ako for goodness sake!" hagulhol ko sa kanya.
He paused without looking at me.
Napasalampak ako hagdan habang walang tigil sa kakaiyak. I can't bear to lose my child. I can't!
Lumuhod siya sa harap ko at hinawakan ang mukha ko gamit ang dalawa niyang kamay. Pinahid niya ang mga luha ko and I felt happy. Baka naman nagbago na ang tingin niya at pinatawad na niya ako dahil may anak na kami sa sinapupunan ko.
Nagalit lang naman siya ng ganito sa akin dahil nalaman niyang plinano pala namin ang nangyari noong gabing lasing siya. He thought I took advantage of him kasi nalaman niyang matagal na akong may gusto sa kanya. Narinig niya pa ang sinabi ko sa kaibigan ko.
"How long are you going to fool me, Shin? How can you be this cruel?"
Kahit umiiyak at nanginginig ang kamay ko, I took the small rectangle from my crossbody bag and hand it to him.
"I'm not fooling you, Stuart..."
He took it.
It's a pregnancy kit with two red lines.
"So, your plans turned out so well, huh?" sarkastiko nitong tanong. Mahigpit ang kapit niya sa pregnancy test. "And if the child you're carrying is really mine, sorry, but I won't marry you. I'll give the child a name and have him or her carry my name but that's all about it. I will never marry you. You already have my last name because you were adopted into this family. You will be a part of this family but you, you will never be my wife." He stood up and turned his back on me. Ni hindi na niya ako niingon.
And all I could do was cry so hard. Iniwan niya akong nakasalampak lang sa sahig. Napahawak ako sa impis kong tiyan.
If you only knew, Stuart... If only...