Chapter 4

2545 Words
"Hi, Manang! Nandiyan ba si Tita Angela?" bati ko sa singkweta’y uno na katulong nina Stuart. Siya ang una kong nakita sa sala pagkapasok na pagkapasok ko sa mansyon. Matagal na siyang naninilbihan sa pamilya kaya kilala na niya na rin ako dahil ilang ulit na akong labas-masok sa mansyon. I need to speak with Tita Angela. Sasabihin ko sa kanya na payag na ako sa kung anumang plano niya. Alam kong hindi ako niya ako iiwan sa ere. Itinuturing niya na akong anak. And I know that she loves me. Her offer might be the only way to be with the man of my dreams, who happens to be her son. "Ay, Ma'am Shin nasa office niya po sa taas. May bisita po kasi siya si Atty. Epi. Puntahan niyo na lang po. Baka tapos na rin sila mag-usap," magalang na sabi nito bago dumiretso sa kusina. Marahan akong napatango at napatingala sa ibabaw ng hagdan. I was wondering, ano’ng ginagawa ni Atty. Epi rito? He is our family lawyer. He’s been serving our family for years, hindi pa ako pinapanganak ay siya na ang abogado ng parents ko. If I’m not mistaken, he is already in his early 60’s. Medyo may kulubot na ang mukha nito at may malaking salamin sa mga mata. Wala pang nakikitang puti sa buhok nito na may clean cut na gupit. Maintained ang buhok nito ng black hair dye. I remember, lagi itong naka-coat at tie na kulay black kapag nakikita ko siya sa bahay. Ganoon pa rin ba ang suot nito? Napahagikik ako nang mahina nang maalala ang itsura nito. Mukhang kinukuha rin yata ni Tita Angela ang serbisyo. Whatever they're talking about wala naman akong pakialam doon. It’s their business. Umakyat na ako sa grand staircase. Hinaplos ko ang makinis na railings nito na gawa sa narra at bahagyang napangiti. Halatang alaga ni Tita Angela ang bahay niya. Ang pulang carpet na nakalatag sa grand staircase ay mukha pa ring bago dahil hindi pa kumukupas ang kulay nito. Hindi pa man ay kinakabahan na ako habang binabagtas ko ang kahabaan ng hallway. Ilang sandali pa ay nasa harap na ako ng office door ni Tita Angela. Kumatok ako ng tatlong beses sa pinto bago ko pinihit ang seradura. And there, I saw our family lawyer talking with her as I entered the room. Mukhang may maganda silang pinag-uusapan dahil panay ang tawa nila. "Hi, Tita!" agad kong bati sa kanya para makuha ang kanilang atensyon. Mukhang hindi pa na kasi nila nararamdaman ang presensya ko. Natigil ang pag-uusap nila at parehong napatingin sa direksyon ko. I gave them my sweetest smile. Tuloy-tuloy akong pumunta sa gilid ni Tita Angela at niyakap siya sabay halik sa pisngi. "Hi, Shin. What a pleasant surprise!” aniyang may malaki ring ngiti sa mga labi. Good mood na good mood ito. Binalingan nito si Attorney Epi at tinanguan. “Attorney, we will talk again sometime soon. Just remember to keep me updated." Tiningnan ko ang direksyon ni Attorney at binati rin siya, “Hi, Attorney!” Kinawayan ko siya at matamis rin na nginitian. Nagpalitan muna sila ng makahulugang tingin sa isa’t-isa bago ako tiningnan ni Atty. Epi at nginitian. That’s weird. Hindi ito nagsalita. Kumaway lang ito nang hindi malinaw sa akin kung sino ang kinawayan nito. Tumayo na ito sa kinauupuan at naglakad na papunta sa pinto. Nakapagtataka ang kilos nito. Dati ay binabati pa niya ako at nakikipagkwentuhan saglit. Pero ngayon ngumiti lang ito. Nagkibit-balikat ako at hindi na lang siya binigyang pansin. He must be swamped. "Anong atin at napaaga ang punta mo dito?" Bahagya pa akong nagulat nang marinig ang boses ni Tita. Hindi ko napansin na kanina pa pala ako nakatingin sa nilabasang pinto ni Atty. Epi. Tumingin ako sa kanya saglit at tumikhim. Nagtungo ako sa harap ng office table niya na gawa sa narra at umupo sa visitor’s chair na naroroon. I'm pretty nervous pero I decided wala na ‘tong atrasan. "Well, Tita. I wonder if your offer still stands?" malakas ang loob na tanong ko sa kanya. Bahagya pa akong napakagat-labi habang naghihintay sa sagot niya. Hindi ko maiwasang paglaruan ang mga daliri ko na nakapatong sa aking kandungan. Parang sasabog ang puso ko sa kaba sa bawat segundong lumilipas. What if nagbago na ang isip niya? Paano na lang? Goodbye, Stuart na lang ba talaga ako? She raised her left eyebrow and smiled at me. Mas nagrigodon pa ang puso ko sa reaksyon niya. "I-I was just wondering, Tita. Kasi I would like to take advantage of it if the offer still stands,” I stuttered. She smirked. She leaned her right elbow on the table and put her chin in her palm. I don't know, but somehow I got nervous when she did that. Pero ‘di ko na lang ulit pinansin. Tita Angela has been so kind to me ever since. She always had this bïtch resting face. Ipinilig ko ang aking ulo. I’m overthinking again. "Of course. You know how much I wanted you to be my daughter, Shin." I beamed with happiness. Mabilis akong tumayo at buong galak na tinakbo ang pagitan namin ni Tita Angela. Niyakap ko siya mula sa gilid kahit nakaupo pa rin siya. "Thank you so much, Tita. So, how will---" I stopped when her phone rang that was on the table. Sumilip ako sa screen ng cellphone at nakitang hindi naka-register ang numerong iyon. Inabot niya ang cellphone at sinagot ang tawag. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya para bigyan siya ng privacy. Humakbang ako palayo sa kanya. I just stared at her as she was listening to her phone. I started to imagine how my life would be with Stuart. Hindi pa man ay napapangiti na ako. It would truly be a dream come true. Naputol lang ang pag-iimagine ko nang makita kong nakatingin ulit si Tita Angela sa akin. Nakangiti lang siya. I think she hears good news just by looking at her delighted expression. I smiled back. Suddenly my phone rings from the back pocket of my jeans. Nakasuot lang kasi ako ng pink sleeveless crop top, tattered jeans at naka- black sandal na walang takong. Kunot-noo kong tinitigan ang unlisted phone number. Normally, hindi ko sinasagot ang mga ganitong tawag. But this time, it was different. My instinct is telling me that I have to answer it. Pinindot ko ang answer button at tinapat ang cellphone sa kanang tenga ko. “Hello?” “Hi, Ma’am! Ako po si SPO2 Marvin Debukid. Ito po ba si Miss Shinohara Harlington?” Pulis? Bakit may pulis na tumatawag sa akin? “Yes, po speaking….” nagtataka man ay sinagot ko pa rin ito. “Ma’am, ibabalita lang po sana namin na naaksidente po sina Mr. and Mrs Harlington. Dead on arrival po sila sa hospital. Kaya kung pwede po ay mapuntahan niyo po sila sa morgue ng…” Hindi ko na maintindihan ang sinabi ng pulis. Pakiramdam ko ay nabibingi ako. Napatingin ako sa paligid at tila lahat ay nag-slowmo. Parang pinipilipit ang puso ko sa sobrang sakit. Hindi ako makahinga. Ibinuka ko ang bibig ko para kahit papaano ay makahinga ako. Tumingin ako kay Tita Angela na para bang tuwang-tuwa sa kausap niya. Ni hindi niya man lang ako nagawang sulyapan. My heart is aching so bad. Gusto kong sumigaw pero ‘di ako makasigaw. Tila nawalan ako ng boses sa sobrang sakit ng puso ko. Napakapit ako sa dibdib ko at sinuntok-suntok ito na para bang mawawala ang sakit na nararamdaman ko kapag ginawa ko iyon. ‘Di ako makapaniwala na nangyayari ito sa akin. I could still remember the laughs that we shared earlier before I left the house. Hindi ko inaakala na ‘yon na pala ang huli naming pag-uusap. Ang huling tawa na maririnig ko at ang huling mainit na yakap na mararamdam ko sa kanila. May namumuo ng luha sa mga mata ko. Unti-unting nanlalabo ang aking mga mata dahil doon. I looked at Tita Angela. Our eyes met. I found her looking at me–smiling. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Why is she smiling? Hindi niya ba nakikitang I’m so devastated? Maraming tanong sa isip ko pero hindi ko maisantinig mga iyon. Napaatras ako hanggang sa naramdaman kong bumangga ang puwetan ko sa couch na naroroon. Agad akong napakapit sa sandalan para kumuha ng suporta. Pakiramdam ko ay mabubuwal ako. Tuluyan nang umikot ang paningin ko. At kasabay niyon ang pagkahulagpos ng cellphone sa aking kamay. I looked again at Tita Angela. She was just looking at me. There was an evil sneer painted on her lips. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako o hindi. Pero hindi ko na iyon binigyang pansin. The pain I felt was just unbearable. Biglang bumukas ang pinto. ‘Di ko na tiningnan kung sino ‘yon. I was just too focused how to ease the pain I felt inside. Literal na parang hinihiwa ang puso ko. And then suddenly, I felt a warm feeling enveloping me. Nanunuot sa ilong ko ang isang pamilyar na amoy. And when I looked up, I saw Stuart. Feeling ko nakahanap ako ng kakampi. My tears fell. Tila siya lang ang hinihintay ng mga luha ko para bumagsak ang mga ito. "I'M so sorry for your loss, Shin. You know you're always welcome to stay in our house. You're like a daughter to me naman,” malungkot na offer ni Tita Angela sa akin. Nakasuot siya ng black dress na may simpleng tabas at nakaputong sa ulo niya ang isang oversized na black hat. Nasa bahay na kami. We were in the living room. Magkatabi kaming nakaupo ni Stu sa couch. Nasa unahang single couch naman nakaupo si Tita Angela. Kauuwi lang namin mula sa funeral service ng mga magulang ko. Kanina pa nila ako niyayaya na sa bahay na lang nila tumira. Kung sabagay pakiramdam ko ay masyado ng malaki ang mansyon para sa akin. I sadly smiled at Tita Angela. I'm grateful for all her help. I was so devastated na ‘di ako makagalaw ni makaiyak. I couldn't believe I'm an orphan now. Parang noong isang araw lang, nagtatawanan pa kami. Tinutukso pa nila ako kay Stuart. Now, they're gone. Gone together with their laughters. Si Tita Angela lahat ang umasikaso. And I just let her. Feeling ko ‘di ko kayang asikasuhin ang lahat. I was drowned with pain. That was why I'm so thankful to her. Plus, Stu didn't leave my side. He was with me all the time, from the wake and now na inilibing na ang mga magulang ko. "I think Mom is right, Shin. Sa bahay ka muna manuluyan para may kasama ka. Nag-aalala rin ako sa'yo. Lagi ka na lang tulala habang umiiyak, pangungumbinsi pa ni Stu sa akin. "How am I supposed to feel then? I have no one now, Stu. Wala na ang parents ko,” halos bulong na lang ‘yon nang lumabas sa bibig ko. My tears started to fall again. I didn’t want to be rude. It’s just that I feel so alone. Wala akong kapatid na pwedeng dumamay sa akin. I literally have no one. ‘Yong mga kamag-anak namin ay wala namang pakialam sa akin. Mas tutok sila sa inheritance ko. Niyakap niya ako ulit nang mahigpit. "You have me. I will always be by your side. I will never leave you." His words somehow lift me up. I was thinking na siguro totoo nga ang sabi nila. When someone leaves, another arrives. Nawala ang mga magulang ko. And it's not just someone who arrived, but also a person who promised to stay and would not leave me. Kung sa ibang pagkakataon, masisiyahan na sana ako. Kasi ang taong nag-promise na hindi ako iiwan ay si Stuart. The man whom I’m in love with. Pero kahit iyon hindi ko man lang maramdaman sa tindi ng sakit dahil sa pagkawala ng mga magulang ko. Sa pangungumbinsi ni Stu at pati ni Tita Angela ay napapayag rin nila akong tumira sa kanila. Feeling ko rin kasi mababaliw ako sa mansyon kapag nanatili ako roon. She said it's better na sa bahay nila ako tumira kung gusto kong maging akin talaga si Stu. And he is all I have right now. Kaya pumayag na ako. My happiness is with him. I’m sure of that. So, I'll do everything to be with him or near him. FORTY days since my parents died, pinatawag ako ni Tita sa office niya. I'm quite ecstatic kasi feeling ko about ‘yon sa plano na maging asawa ni Stu. Dali-dali akong pumunta. Whatever the plan is I'll agree to it. Iniisip ko pa lang ang pag-aalaga ni Stu sa akin habang nagluluksa akin at kapag naging asawa ko siya, alam kong I’m in great hands. Nakasuot ako ng white boho dress na may sunflower prints at naka-gladiator sandals. Tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin. Nang ma-satisfied ako sa itsura ko ay lumabas na ako ng guest room na itinalaga nika sa akin. Malakas ang t***k ng puso ko habang naglalakad papunta sa office ni Tita Angela. Kumatok ako ng tatlong beses sa pintuan nang nasa harap na ako nito at binuksan ang pinto. Hindi ko na hinintay na sumagot si Tita Angela. Pagkapasok ko, I saw her sitting on her swivel chair behind her desk. Matipid akong ngumiti sa kanya. Lumapit muna ako sa kanya at nakipagbeso-beso bago umupo sa silyang nasa ng kanyang mesa. "Pinatawag mo daw ako, Tita Angela?" tanong ko sa kanya nang makaupo na ako. "Yes,” agad nitong sang-ayon. Pinagsalikop nito ang mga kamay sa ibabaw ng lamesa. Mataman siyang nakatitig sa akin. “And I think you know why. So, ‘di na ako magmamaang-maangan pa. I want this quick and easy para maging legal ang lahat. I really want you to be my son's wife at wala ng iba. So, ilang buwan mula ngayon I will get you two married." "How Tita? Stu only sees me as his sister.” Kunot-noo ko siyang tinitigan. "Exactly. We will pretend that he will be signing the documents for your adoption. I know it may sound impossible, pero money can do great things, Shin. And we will take advantage of the power of money. So, he will sign that, not knowing it's actually a marriage certificate. It will only be a closed celebration, Shin para ‘di mahalata ng anak ko. So, you have to work on your end para maranasan mo ang maglakad sa simbahan ng naka traje de boda. Lakas ng loob ang labanan dito, Shin. Are you up to it?" When my parents died, it was too much heartache for me. I want my happiness. It's time for me to be happy. Alam kong parang niloloko na namin dito si Stu. Mas matindi pa ito kaysa sa shotgun marriage. Alam kong magagalit siya sa akin. But I know that he will come around. Hindi niya ako matitiis. Besides, I will do my best. Mahal na niya ako kahit pa nga bilang kapatid lang iyon. In no time, he will be able to love me more than that. Without having a second thought, I answered, "Yes, Tita." And she grinned.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD