This is the night that I've been waiting for. Ito na 'yon. This is the night na ipinangako ni Tita na magiging mag-asawa na kami ni Stuart. She organized a plain party. ‘Di kasi namin mapalabas na ito ang supposed to be reception ng kasal namin dahil sabi ni Tita paniguradong aangal si Stuart.
Nasa gitna kami ng stage na nadedekorasyonan ng white roses. May table sa gitna ng stage na may nakatakip rin na puting tela. Nasa ibabaw ako ng stage kasama sina Stu, Tita Angela at ang judge na kaibigan nito. She made it look like a welcome party for me as a new member of their family. And I was okay with it. Stuart was all that I have and I tend to keep him forever.
I didn't know how Tita did it, but she was able to trick Stuart into signing the papers. Buong akala niya he signed the papers as one of the witnesses to adopt me pero ang totoo niyan 'yon ang marriage contract namin.
Kinabahan pa ako noong nagtanong si Stu bakit may judge and Tita simply told him na para daw mapadali ang process ng papers ko. I could still remember how he shrugged and signed the papers without having any second thoughts. He seemed to be convinced. Sino ba naman ang mag-iisip ng iba? The party was organized by his mother. How could he distrusts his mother?
After he signed the papers, he looked at me and smiled. He walked towards me and enveloped me in his warm embrace. He then kissed my cheeks. Everyone at that party clapped their hands.
"Welcome to the family, Shin. I'm so glad you're my family now," he sweetly whispered in my ears.
I can't help but cry. I'm so happy. At last, ito na 'yon. My dreams are coming true. Totoo pala 'yong sabi nila na, ‘There's a rainbow always after the rain. A part of me is saying this is wrong, pero mali nga ba na pasayahin ko ang sarili ko? I have been hurting because of unrequited love. I just wanted to be with the man I love. I've been waiting all my life for this. Maybe it's wrong to trick him, but I know he will eventually come around. Kasi sa kanya naman nanggaling na mahal niya rin ako. I know as a sister, but with hard work, he will love me and see me as a woman.
Niyakap ko siya.
"Thanks, Stu. This is a dream come true, and I can't wait to spend my life with you..." pabulong din na sagot ko sa kanya.
"Huh?" nagtataka nitong tanong. Bahagya pa niya akong tinulak para makita ang mukha. Confusion is all over his face.
Nanlaki ang mga mata ko. That was supposed to be unspoken words. Hindi ako aware na naisantinig ko pala. Nang ma-realize ko ang sinabi niya, I immediately rolled my eyes na para bang walang ibang kahulugan ang sinabi ko, pero ‘yong puso ko parang luluwa na sa dibdib ko sa sobrang lakas ng t***k nito.
"Ba't nagtataka ka? Siyempre ‘di ba kasi sa inyo na ako maninirahan? So, it's like spending my life with you and Tita. Bakit gusto mo ba ng ibang 'spending my life time' sa iyo?” Tinaasan ko siya ng kilay at matiim na tiningnan. “Ikaw ha? Sabi ko na nga ba may pagnanasa ka sa akin, eh."
"Siraulo ka talaga.” Pinitik niya ang noo ko at pagkatapos ay ngumiti nang matamis. “Pero seriously speaking I'm so happy, Shin."
"Me too, Stu.. me too."
"Welcome to the family, Shin." Napalingon kami kay Tita Angela. Lumapit sa amin at siya naman ang yumakap sa akin.
"Thanks, Tita," walang pagsidlan ng kasiyahan na ani ko sa kanya. Gumanti na rin ako ng yakap.
"Oh no, it's now Mommy, Shin," aniyang hinaplos-haplos pa ang likod ko.
"Oh yes, Mommy. Thank you. Thank you for making my dreams come true," manhinang bulong ko sa kanya. Sinisigurado kong hindi ako maririnig ni Stuart.
"Of course, Hija." Inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko. "Now that kasal na kayo ni Stu. It's your time to work para maranasan mong magsuot ng wedding gown at makasal sa simbahan. Don't let this opportunity go to waste, Shin,” bulong niya rin sa akin.
"Of course, Mommy."
"Remember time is ticking. " Hinalikan niya ako sa pisngi at niyakap ulit ng mahigpit bago niya kami iniwan sa stage kasama ang judge. "Enjoy the party!" pahabol nito.
Nagpalakpakan naman ang mga tao. Ang daming inimbitahan ni Mommy. Mommy---just by uttering the word makes me so happy. I don't know if alam ba ng mga bisita ang totoong rason bakit may party. But I didn’t think about it too much because what’s more important is that I'm now Stu’s wife. At ito na ang simula ng panibagong yugto ng buhay namin.
WALA akong inaksayang panahon. Simula nang tumira ako sa bahay nila Stu lagi akong tumutulong sa paghahanda ng pagkain kahit may mga katulong naman.
Sabi nga nila a way to a man's heart is through his stomach. Inaral ko talaga na maging magaling sa pagluluto para sisiw na lang sa akin ang ipagluto siya sa anumang gusto niyang kainin.
Magkahiwalay kami ng kwarto pero okay lang 'yon. Soon, sa kwarto na rin niya ako matutulog. I just have to work hard and make him see that we’re meant to be.
Tiningnan ko ang nakahain sa mesa. Mayroon ng nakahandang sinangag, sunny side-up eggs, tapa, bacon at isang pitsel ng orange juice. Napahawak ako sa akong baba.
“Hmmn… Ano pa ba ang kulang?” Napapitik ako ng daliri nang maalala ko ang kape ni Stu. Black and no cream.
Mabilis ang kilos na pumunta ako ulit sa counter para ipagtimpla siya ng kape. Buti na lang at may na-brew na akong kape. Kaya binuksan ko na lang ang cupboard sa itaas ng counter at kumuha ng matched cup and saucer plate.
"Aba-aba, kina-career mo na yata ang paghahanda ng pagkain, Shin ah?" bungad ni Stu pagkapasok niya ng kusina.
Napalingon ako sa kanya. ‘Ayon na naman ang puso ko, nagsisimula na namang magrigodon. Ang gwapo nito sa suot na white long sleeve polo na nakatupi hanggang siko at black slacks. Sobrang kintab ng itim na sapatos nito na kahit langaw ay pwede ng manalamin. Bagong ligo ito base sa basa nitong buhok. Nasa bungad pa lang ito ng kusina pero naaamoy ko na ang pabango nito. Halos mapapikit ako sa sobrang bangi niyonLumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo. Feeling ko tuloy isa talaga akong ulirang asawa. ‘Yon nga lang tanging ako at si Tita lang ang tanging nakakaalam.
Lagi niyang ginagawa sa akin ang halikan ako sa noo or sa pisngi simula nang tumira ako sa bahay nila. Naging mas maaalahanin na rin siya sa akin. Para akong baby kung ituring niya. And that's fine. Kasi feeling ko nagle-level up na kami. My hopes are so high and I know patungo na kami doon.
"Siyempre, I have a new family now. Saka ‘di ko nagagawa ‘to noong buhay pa sina Mommy at Daddy kaya I'm making this for you and Mommy. Ayokong pagsisihan ulit na marami akong hindi nagawa para sa mga magulang ko. Hindi ko man lang naipadama sa kanila kung gaano ko sila kamahal.”
But of course, more for you as your wife. I can't wait for that moment to tell you what I really am in your life. That way, I don't have to make these pretensions.
Lumamlam ang mga matang tinitigan niya ako. Masuyo niya akong niyakap at pagkatapos ay hinaplos ang buhok ko. Buti na lang talaga at bagong ligo rin ako. Kaya hindi diyahe. Halos araw-araw ay parang kinulang ng tela ang damit ko para mapansin niya. Gaya na lang ngayon, crop top na puti at p*kpek shorts ang suot ko.
"Eh bakit feeling ko naghahanda ka ng mag-asawa? Feeling ko nagsasanay ka na at ako ang napagpraktisan mo? Pinaghahanda mo pa ako ng damit."
Nanigas ako bigla. Hindi naman siguro niya nahahalata? Bigla akong natakot. Baka mamaya sumablay pa ang plano namin ni Tita. It's too early for him to know.
“Wow! Malisyoso lang?” Tinulak ko siya. Pilit kong tumawa at tinalikuran na siya. Kinuha ko yung coffee pot at nagsalin na ng kape sa kinuha kong tasa kanina. Nanginginig ang kamay ko kaya ikinuyom ko muna ito in hopes na huminto ito sa panginginig.
"May boyfriend ka na ba?” Napalingon ako sa kanya. Mas lalo pang lumakas ang t***k ng puso ko nang makita ang seryoso niyang mukha. “Ikaw, Shin pinaglilihiman mo ba ako? Nahahalata na kita." Nakapamewang na naglakad siya palapit sa akin.. Nakakunot pa ang noo niya.
"A-anong ibig mong sabihin?"
"Naghahanda ka ng pagkain, pinaghahanda mo ang suot ko saka lahat ng kailangan ko ikaw na halos gumagawa. May boyfriend ka na ba?"
Natuod ako sa kinatatayuan ko. Amoy na amoy ko ang mabango niyang pabango na naging dahilan para mas magwala ang mga paru-paro ko sa tiyan. "Ba't mo naiisip yan?"
"Sagutin mo ako," aniyang mas idinikit ang sarili sa akin. Para tuloy akong batang pinagalitan sa ayos naming dalawa.
"Wala ah!” Mahina ko siya ulit na itinulak, pero useless lang rin dahil ‘di naman siya natinag. “Ang OA nito para maghahanda lang ng pagkain may boyfriend agad? Halos ‘di na nga ako lumalabas ng bahay paano ako magkaka-boyfriend?" Eh, asawa mo na nga ako? Gusto ko sanang idugtong pero alam kong ‘di pa ito ang tamang panahon pa.
"Siguraduhin mo lang ah? Dapat makilatis ko muna, Saka ayoko 'yong sa kalsada ka lang nililigawan. Papuntahin mo dito sa bahay," istriktong sabi nito.
"Ang OA mo! Wala nga sabi. Saka if ever naman alam ko for sure you'll approve of him," nakangiti kong tugon. For sure na okay 'yon sa kanya kasi siya naman ang tinutukoy ko.
"Nope. Paano ka nakakasiguro? Not unless kakambal ko ‘yan masisiguro kong nasa mabuti kang kamay."
"Oh eh ‘di ikaw na lang..."
"Siraulo ka talaga, Shin," aniyang sumimangot at ginulo ang buhok ko.
'Sira naman talaga ang ulo ko dahil sa'yo. I was able to trick you because I'm so madly in love with you.'
"Kung ‘di lang talaga kita kapatid, nako!" Napakamot pa siya sa ulo niya na parang sumasakit na ang ulo niya sa akin.Tinaliman pa ako ng tingin bago tumalikod sa akin at nagpunta na sa hapag-kainan. Hinila niya ang isang silya at umupo na doon.
"’Di naman talaga tayo magkapatid... sinasabi mo?" Sumandal naman ako sa counter at kibit-balikat na tiningnan siya.
"’Di nga sa dugo pero sa papel--oo."
"Ano ngayon if ‘di tayo magkapatid sa dugo or sa papel? Ano gagawin mo? What if mag-asawa pala tayo?" lakas-loob kong tanong. I know, what I’m doing risky pero bahala na. Baka kung sakali lang na okay sa kanya at least masasabi ko agad ang totoo. Kung hindi naman, at least I can think of other ways to win his heart.
Pero ganoon na lang ang pagbulusok ng pag-asa ko pababa nang marinig ko ang sagot niya.
"That will not happen, Shin,” aniyang umiiling-iling pa. “I will never let that happen. You're too important for me para mapabilang sa mga babae ko. You're not like that. Gago ako sa mga babae at alam mo 'yon. Iiyak ka lang sa akin. And I don't want you to cry for me."
"Why not? What if you're worth it?" I bit my inside cheeks. Tama na, Shin. Masasaktan ka lang sa sasabihin niya. I keep reminding myself. Habang hinihintay ang sasabihin niya ay walang tigil sa pagrigodon ang puso ko.
"May gusto ka ba sa akin, Shin?” Matalim siyang tumingin sa akin. Mamaya at nakapangalumbaba na siya sa mesa. “Sabihin mo sa akin ang totoo."
Bigla akong natakot sa paraan ng pagtatanong niya na para bang kung magkakamali ako ng sagot, eh mawawala siya sa akin. I have to be patient. Dapat ‘di ko muna siya i-push sa mga ganitong bagay. Good things come to those who wait. And I will wait for that perfect time. I rolled my eyes at ngumisi sa kanya.
"Hala siya! Galit ka na niyan? Ikaw kaya ‘tong nauna sinasakyan ka lang, eh. May pa—‘gusto ka ba sa akin, Shin' na agad? Suntukan nalang tayo." Nagkunwari pa ako na parang may kaboxing habang nakaharap sa kanya para mapagtakpan ang totong nararamdaman ko. Dahil ngayon pa lang, parang kinakatay na ang puso ko sa sakit. Gusto ko na lang tumakbo at umiyak sa gilid. But that’s me. Kung artista lang siguro ako baka naging best actress na ako sa lahat awards at napalanunan sa galing kong umarte.
"Siguraduhin mo lang, Shin. Kasi kapag nalaman kong gusto mo ako... ‘Di na ako magtataka kasi ang pogi ko kaya and I'm irresistable!" Sabay tawa nito nang pagkalakas-lakas na para bang isang malaking joke ang seryosong usapan namin kanina.
Bigla akong nakaramdam ng inis. Kinuha ko ang sandok at hinampas ang braso niya. Nakakainis! ‘Yon na 'yon, eh tapos biglang parang joke lang sa kanya.
Tawa pa rin sya nang tawa habang umiilag sa paghampas ko ng sandok sa kanya. Hinawakan niya ang kamay kong may sandok at hinila ako. Bumagsak ako sa kandungan niya. Hinapit niya ako sa bewang at mahigpit na niyakap. Maya-maya ay pinatakan niya ako ng mabining halik sa noo. Nagpaubaya ako sa kung ano ang ginagawa niya. Kung sa kanya, marahil walang malisya ito. Pero pagdating sa akin, I'm treasuring moments like this. These sweet gestures that his making while he's with me.
Totoo 'yong sinabi niya kanina. Lahat ng babaing na-link sa kanya, lahat 'yon umiyak at dahil 'yon sa kagaguhan niya. Madali siyang magsawa sa isang babae lalo na kapag nakuha na niya ang gusto niya rito. He is not a perfect lover for those girls. And I think because they are girls and Stu is looking for a woman.
A perfect woman who is me… I just need him to see it.
"Seriously speaking, Shin,” aniyang hinawakan ang dalawa kong kamay habang nakakandong pa rin sa kanya. “If you found yourself falling for me, please dismiss it. Don’t entertain that feeling. I treasure you so much, and I don't want you to end up like those girls who got their hearts broken because of me. You’re one of a kind. You’re like the rarest piece of gem that only a worthy person can have," seryosong bulong niya sa akin.
Ibinaon niya ang mukha niya sa leeg ko. Naramdaman ko ang mainit niyang mga labi na lumapat sa naka-expose kong balikat. Pinatayo niya ako at marahang itinulak para makatayo siya. Nilingon ko siya pagkatayo niya, pero isang tipid na ngiti lang ipinakita niya sa akin. Naka-poker face lang siya. Ni hindi ko mabasa kung ano ang iniisip niya. Niyakap niya ulit akot at hinalikan ulit sa noo bago lumabas ng kusina na walang sabi-sabi.
Naiwan akong tulala sa sinabi niya. Nakatingin lang ako sa nilabasan niyang pinto at parang naistatwang nakatayo lang sa tabi ng mesa.
'Just what the hell did he mean by that?'
I wonder...