Chapter 3

2159 Words
A week passed after that phone call. Nabuo na sa isipan ko na hihindi ako sa offer ni Tita. Sa bibig na mismo galing ni Stu na ayaw niya kaming mag-level up. Masakit. Pero mas masakit marinig na ayaw niya kasi may napupusuan na siyang iba. Ayoko ring mag-take ng risks. Siguro mas okay na ‘yong ganito, ‘yong magkaibigan kami. Sabi nga nila, mas okay na ‘yong magkaibigan kayo kasi ang jowa napapalitan, ang kaibigan, hindi. It’s so hard to find true friends nowadays. Some of the people you thought were your friends only remembered you when they wanted something from you. Pero kapag wala, they acted as if you were just a stranger. May iba naman na gagatasan ka lang nang gagatasan at iiwan ka kapag wala ka ng maibibigay. I sighed. Ito yata ang pakiramdam ng na-friendzone. Makaka-recover naman siguro ako sa sakit. At least I still have him as a friend. One week ko na rin siyang iniwasan.Ang mga text o tawag niya ay hindi ko sinasagot. I decided na magkulong na lang sa kwarto para ‘di ko siya makita. Gusto ko lang magpaka-emo at namnamin ang sakit. Baka kapag nasaktan ako nang husto ay maging manhid ang puso ko. Buti na lang ‘di ako kinulit nina Mommy. Noong sabihin ko sa kanilang gusto kong mapag-isa, pinagbigyan nila ako basta lang na kakain pa rin ako kapag oras ng kumain. In which I did. Kahit naman broken hearted ako, ayoko namang magpakamatay sa gutom. Nakadapa akong nilalaro ang cellphone sa kama nang biglang may humablot sa kumot na nakatabon sa katawan ko. "Hey!" angal ko. Jusmeyo naka-sleeveless na manipis at panty lang ako! Wala pa akong b*a! Nilingon ko ang demonyong lumapastangan sa privacy ko. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko siya at gaya ng dati naglulumikot na naman ang mga paru-paru sa tiyan ko. "So ano’ng balak mo rito? Magmomongha? Ilang araw mo nang ‘di sinasagot ang mga text ko o kaya tawag. Pinagtataguan mo ba ako?" I felt a glimpse of hope. Hindi niya talaga ako matiis. I bit my inner cheeks as if I’m not bothered by his presence. Pero ang totoo ay gusto ko ng magpagulong-gulong sa kama sa sobrang kilig. My god! Ang rupok mo talaga, Shin! "Bakit naman kita pagtataguan, aber? Napaka-assuming mo naman. ‘Di ba pwedeng gusto ko lang magmukmok? Napaka nito." Pasimple kong hinablot ang kumot at tinakip sa katawan ko. Inirapan ko siya at nagpatuloy sa paglalaro ng cellphone. "’Wag mo nang takpan maganda na ang view, eh,” nakangisi nitong tutol. Nang-aasar na naman ang loko. "Siraulo! Ano bang ginagawa mo rito? Paano ka nakapasok?" I rolled my eyes and tried so hard to ignore his presence as if it didn’t bother me a bit. Kahit na ang totoo ay halos gusto ng manginig ang katawan ko sa sobrang lakas ng dating niya. "Syempre dumaan sa pinto. Ano’ng akala mo sa akin magnanakaw na dadaan sa bintana? Ang gwapo ko namang akyat-bahay?” Lumingon ako saglit sa kanya at nakita siyang papalapit sa kama ko. Inirapan ko siya at nagbutingting ulit sa cellphone ko kahit na nawala naman na ang focus ko roon. "’Di ka naman nagmamayabang sa lagay na yan?" tanong ko ulit na hindi na muling tumingin sa kanya. "Hindi naman. Humble pa nga ako sa lagay na 'to, eh,” anitong tumawa pa ng malakas. "Ba't ganiyan nga pala ang suot mo? Paano kung may ibang taong pumasok ng kwarto mo tapos ganiyan ang suot mo?" biglang seryoso nitong tanong at umupos sa gilid ng kama ko. "Ay, bipolar lang? Galit agad? Sino namang maglalakas ng loob na papasok dito? Saka bahay namin 'to at kwarto ko ‘to. I can wear whatever I want." Bumangon na ako at umupo sa harap niya. Ang kaninang mapang-asar na tono nito ay biglang napalitan ng kaseryosohan. Para itong kuya na akmang pagagalitan ang nakababatang kapatid dahil sa pagiging pasaway. But I don’t want him to be my oldest brother… "Ako." "Anong ikaw?" kunot-noo kong tanong sa kanya. Hindi ko mapigilan ang dibdib ko na magrigodon habang nakatingin sa seryoso niyang mukha na para bang mortal sin ang suot ko. And deep inside, I felt happiness. I knew it. May dating ako sa kanya. "Ako lagi ang naglalakas ng loob na pasukin ‘tong kwarto mo. Kaya dapat disente ‘yang suot mo." "Ayoko nga. Aba, ako pa ba dapat mag-adjust sa'yo habang nasa kwarto kita?" "Alam mo namang may mga pagkakataon na pumapasok ako ng kwarto mo kaya dapat presentable ka.” Tumaas ang kaliwa niyang kilay at pilyong ngumiti sa akin. “Siguro inaakit mo ako kaya ganiyan ang suot mo, ‘no? Aminin," nakangisi na nitong tukso sa akin. "Feeling-ero!” agad kong nahablot ang unan ko at hinampas iyon sa mukha niya. Tawa naman siya nang tawa. “‘Di ko alam kafederasyon ka pala ng GGSS! Mukha nito, gwapong-gwapo sa sarili. Ano ba kasing kailangan mo?" kunwari’y napipikon kong tanong. Humiga ito sa kama at inunan ang sariling mga braso. Kitang-kita ko tuloy kung paano mag-flex ‘yong mga muscles niya. Pakiramdam ko tuloy biglang uminit ang kwarto ko. "Na-miss na kita, eh. Pasyal tayo. Sembreak naman kaya gala tayo sa mall. Manonood ng sine tapos mag-bar hopping tayo. Tapos alam mo na. Magjajamming tayo,” anitong hindi man lang nakahalata sa uneasiness niya. "Ba't ‘di mo yayain ‘yong trip mong babae? Para naman may pag-asa ka sa kanya kaysa sa ako ‘yong kukulitin mo," kunwari’y pakipot ko pa. Pilitin mo ako, please. Nilingon niya ako na may mapaglarong ngiti sa mga labi. Nang dahil doon ay mas naglumikot pa tuloy ang mga paru-paru ko sa tiyan. "’Ayon naman pala kaya ‘di nagpapakita or nagpaparamdam kasi nagseselos. Halika nga." Bumangon ito at sumandal sa head board ng kama at hinila ako payakap sa kaniya. Hindi ako sumagot. Hinayaan ko lang siyang yakapin ako. Somehow it gives me contentment. "Kung maging kami man no’ng type ko, ‘wag kang magselos kasi kung magkalabuan man kami at least tayo hindi." I sighed. As I have thought, my case is hopeless. "Cheer up ka na labas tayo ililibre kita. Or kung ayaw mo pa rin ok lang sa akin yakapin ka buong magdamag. Partida, ang lambot eh!" He said and squeezed me. When I realized what he meant. Nanlaki ang mata ko at sinuntok ng mahina ang dibdib niya. "Kahit kailan talaga napakamaniyak mo! Aminin mo na kasi na pinagnanasahan mo ako. ‘Di naman kita lalayuan, matatanggap naman kita." I was waiting for a come back pero ngumiti lang siya at pinisil ang ilong ko. And it made me sad. Wala nga siyang sinasabi pero ang katumbas naman niyon ay parang sinaksak ang puso ko. Bakit kasi umaasa pa? Ilang ulit ka na bang sinampal ng katotohanan na walang kayo? "Dali na mag-prepare ka na aalis na tayo,” anitong hinablot ulit ang kumot sa katawan ko at pinalo nang mahina ang pang-upo ko. "Manyak! Chansing!" Bumangon na ako at naglakad patungo sa banyo na kanugnog ng walk-in closet ko. "Gusto mo naman," natatawang sigaw niya. "Feelingero!" "Pero gwapo." "Assuming!" "Mahal ka naman." Napahinto ako at napalingon sa kanya na nanlalaki ang mata. Tama ba ang narinig ko? Mahal niya ako? Umusbong ang saya sa puso ko. Pero kung gaano kabilis niya akong napasaya ay ganoon din kadali niya akong saktan nang marinig ko ang sagot niya. "Oh ba't parang gulat ka? Mahal naman talaga kita like a sister. ‘Di ba ilang beses ko nang sinabi ‘yan sa'yo? I knew it... I sighed. "Di pwedeng magulat? Akala ko mag-co-confess ka na eh." He laughed so hard that his face became reddish. "You never failed to make me laugh, Shin." Pero ‘di naman ako nagbibiro. I meant every word I said. Gusto ko sanang sabihin sa kanya, pero nananatili na lang iyon sa isip ko. One of my unspoken words. I smirked and went to the bathroom with a heavy heart. AS always, enjoy na enjoy ako sa company ni Stu. We played arcades, ate, and strolled until we decided to watch The Age of Adaline. Nakabili na kami ng isang bucket ng popcorn at dalawang large drinks. Iniwan niya muna ako sa may entrance para bumili ng ticket. Nakatayo lang ako sa may entrance. Napansin kong may dalawang babae ang tumayo sa ‘di kalayuan ko. ‘Di ko sana sila papansinin pero nakuha nila ang atensyon ko dahil sa malakas na bulungan nila. "Girl, kinikilig talaga ako sa inyo. Feeling ko talaga, girl type ka niya, eh," anitong pinagsalikop ang mga kamay. Nagniningning ang nga mata nito. Nakatingin ito sa babaeng kaharap na kumupas na ang pagiging blonde ng buhok. Nakalugay ang lampas balikat na buhok nito na kinulot pa ang dulo. Nakasuot ito ng maikling checkered skirt at kita na halos ang singit nito. Nakabukas ang dalawang butones ng white blouse nito na halatang sinadya para makita ang black na b*a at mayaman na dibdib nito. Mukha pang inipit ang dibdib nito para magmukhang malaki. Tinali pa ang dulo ng blouse nito para ma-expose ang pusod nito. Parang ipinaglalandakan nito ang silver na hikaw na korteng bilog. Isang black wedge ang sapin nito sa paa. Halos pareho lang rin nito ng suot ang unang babaeng nagsalita kanina. Ang kaibahan nga lang ay parang telephone wire ang buhok ng unang babae. Basi sa mga suot nito, mukhang nasa kolehiyo ito at nag-aaral pa basi na rin sa tig-isang librong hawak-hawak ng mga ito. "Ay nako, Girl feel ko rin ‘yan. Pag ‘yon nanligaw sa akin sasagutin ko agad. Masasama ‘yon sa listahan ng mga boylet ko,” sagot ng babaeng blonde. Napailing na lang ako. Grabe ang guts nitong babaeng ‘to, nag-uumapaw. Ayoko na sanang makinig sa mga pinag-uusapan nila pero Diyos ko! Ang lalakas ng mga boses na akala mo’y nasa palengke at naglalako ng paninda. I couldn’t help but rolled my eyes and looked away. "’Di mo seseryosohin?" tanong ulit ng babaeng may telephone wire ang buhok. "Depende, Girl. Pero sayang din kasi ‘yong ibang boylet ko, Girl. Mga sponsor ko kasi mga ‘yon ng mga gamit at panglakwatsa ko.” "Ikaw na talaga, Girl. Mukhang tinamaan pa naman ng husto ‘yong lalaki sa'yo. Ano nga pangalan no’n?" "Ay sinabi mo pa, Girl. Remember no’ng natapunan ako ng juice no’ng nasa school tayo? Aba, agad-agad binilhan ako ng damit at infairness mamahalin. Valentino lang naman ang brand. Kaya ‘di ko pakakawalan ‘yon kung sakali. Napakagalante. Stuart—‘yon ‘yong name niya." Nagpanting agad ang tenga ko nang marinig ang pangalan ni Stuart. Nilingon ko ulit ‘yong dalawang babae pero tamang-tama namang nasa harap ko na si Stuart. Kinuha niya sa akin ‘yong isang bucket ng popcorn at softdrinks. At dahil mas matangkad siya sa akin ay nagkadahaba-haba pa ang leeg ko sa pagtingin sa direksyon ng dalawang babae. "Sino tinitingnan mo?" kunot-noong tanong niya sa akin at lumingon din sa direksyon nang tinitingnan ko. "Ah, wala may narinig lang kasi akong interesanteng usapan.” Hinila ko na siya sa entrance para ‘di na niya makita ‘yong mga babae. Baka mamaya mapurnada pa ang panonood namin ng sine. “Lakas ng hangin no’ng babae, eh. Nangongolekta ng lalaki." Mahina siyang natawa. "’Di ko alam na chismosa ka pala, Shin," nakangising sabi pa nito. Tiningnan niya ulit ang direksyong na tinitingnan ko kanina. Lumingon din ako at nakahinga nang maluwang nang makitang wala na ang dalawang babae roon. Pinalo ko siya agad sa braso. "Loko-loko! Ang lakas ng boses, eh narinig ko pa ang pangalan mo. Pero siguro kapangalan mo lang." "Wow, ang famous ko naman ‘ata kung ako ang napag-usapan?” Natawa ulit ito. “Halika na, pasok na tayo." Inakbayan niya ako at siya na ang gumiya sa akin papasok ng sinehan. Maganda ang pelikulang pinanood namin. And it made me realize that some people are lucky to have second chances. Most of them are not fortunate enough to have it. Naisip ko, what if ‘yong offer lang ni Tita ang tanging chance ko para makatuluyan si Stuart? What if magsisi ako kapag pinalampas ko? What if ‘yong babae kanina ang nagugustuhan ni Stu? What if ang mga babaeng makikilala ni Stu ay sasaktan lang siya? O kaya peperahan lang? Alam kong ‘di naman gano’n katanga si Stuart pero ayoko rin na pagsasamantalahan ng mga tao ang kabutihan niya. ‘Di ko alam pero ayokong may iba siyang makasama. Gusto ko ako lang. Selfish nga yata ako. Ang gusto ko lang nasa akin siya. At ako lang ang babae sa buhay niya aside sa kanyang ina. I think..I'll have to agree with the plan... Deserve ko naman sumaya, ‘di ba? Whatever the consequence is… Bahala na. Tatanggapin ko na lang. Ang mahalaga sumaya ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD