Chapter 6

2320 Words
"So, how's your relationship with Stu, Shin?” tanong ni Mommy sa akin nang makapasok ako sa opisina niya. Nakaupo siya sa paborito niyang LaZboy recliner. May hawak siyang kopita na may lamang red wine. Ang bote ay nakapatong pa sa ibabaw ng center table. Inilapit niya sa mga labi ang kopita at dahan-dahang sumimsim doon. She made a hand gesture like telling me to sit down sa couch na katapat ng inuupuan niya. I sat down. Kadadating niya lang galing sa isang business trip sa Japan at pinatawag niya agad ako sa office niya. "We're okay naman, Mommy--" "Pero gaya pa rin ng dati?" putol nito sa sinasabi ko. Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong-hinga at naglakad papunta sa terrace na kanugnog ng office niya. Kita doon ang garden niya na napupuno ng iba't-ibang kulay ng roses at ang nagtataasang sunflowers. "You have to do something, Shin. Baka mamaya may dadalhing babae na rito si Stu and it will not be good for you. If Stu falls in love with someone else, have you ever thought of what will happen to you? That will crush your heart, Shin." Lumapit sya sa akin at nilagay ang wine glass sa center table at umupo sa tabi ko. Napatigagal ako. I never thought of those things. Paano nga kung ma-in love si Stu sa iba? Paano ako? Hinaplos niya ang mukha ko. She then stroked my hair as a lovely mother would. "You know I'm only thinking about you, Shin. I'm sorry if it feels like I'm pushing you. However, I know that you are already working on it. But bear in mind, Shin, I'm not always here to help you. And I know, you know that," malumanay na paalala nito. "I know, Mommy. I've known Stu for all my life and I still don't understand why ‘di niya ako makita as a woman? Halos lahat naman ng pagpapapansin ginawa ko na,” pagsusumbong ko sa kanya. "Oh, Sweetie.” Hinawakan niya ang dalawa kong kamay. Marahan niyang pinisil ang mga iyon. “Pansin na pansin ka niya. Come to think of it. Ikaw lang ang bukod tanging babae na close sa kanya. He doesn't even have girl friends aside from you. Nag-co-confide siya sa'yo because he trusts you and ikaw ang mas nakakilala sa kanya. Make those as your advantages." This is what I love about Stu's mother. She's very caring, and she's always looking out for me. Dati kapag dumadalaw siya sa bahay namin lagi siyang may dalang pasalubong. She always makes me feel that I'm important to her. She keeps on telling me how she wishes that I'm her daughter. Nag-iisang anak ako ng parents ko and I was longing to have a sibling. It doesn't even matter to me kung lalaki o babae ang magiging kapatid ko. But my mom couldn't bear another child because of her heart issues. It will be too dangerous for her. Dating secretary ni Daddy ang mommy ni Stu kaya lagi rin siyang nasa bahay namin. Naalala ko noon lagi niyang dala si Stu kaya somehow may nakakalaro ako at nang dahil din doon naging close kami ni Stu. She eventually ends up marrying one of my Dad's business associates and her husband made her stop working. She eventually became one of my family's friend. Stu and I became closer. ‘Di ko na maalala kung kailan nagsimulang lumalim ang pagtingin ko kay Stu. I thought before that I only see him as my brother kasi ang tagal kung hiningi na sana may kapatid ako. He was always there for me, even sa lahat ng kalokohan ko. ‘Di ko namalayan na unti-unti na pala akong nahuhulog sa kanya and na-realize ko lang ‘yon noong nagka-girlfriend si Stu for the first time. That was my first heart break. It made me realize that I want him for myself. I don't want another girl in his arms, another girl who will kiss him, or another girl who will be romantically involved with him. Gusto ko ako lang ‘yong babaeng ‘yon at wala ng iba. Kaya nagpapasalamat ako na kahit namatay ang parents ko, nand’yan pa rin ang nanay ni Stu for me. "Of course, Mommy, thank you for always being there for me. For always helping me out. I will never let you down." "I know, Shin. You can go now. Win my son." Hinalikan niya ako sa pisngi at bahagya niyang tinapik ng dalawang beses ang hita ko bago tumayo at pumunta sa working desk niya. "May mga pasalubong pala ako sa'yo pinahatid ko na sa mga katulong sa silid mo,” anitong tinitingnan ang mga documents sa mesa nito. Mukhang magsisimula na naman siyang magtrabaho ulit. Napakasipag talaga ni Mommy Angela. "Thanks, Mommy. " I smiled and blow her some kisses bago umalis sa opisina niya. So, this is it... I went to my room. Nakita ko ang mga shopping bags na nakalagay sa ibabaw ng kama ko. I decided to check them out later. Kinuha ko ang laptop ko sa nightstand na katabi ng kama ko at pagkatapos ay umupo sa sofa sa mini living room ng kwarto ko. Sa harap niyon ay isang center table na may nakapatong pa na fresh red roses. Nakalagay ito sa isang clear vase na parang malaking tall glass. Binuksan ko na ang aking laptop at inilagay ito sa ibabaw ng hita ko. Nagsimula na akong mag-type nang mabuksan ko na ang browser. How can I make someone fall in love with me? Napanganga ako nang bumulaga sa akin ang 5,880,000,000 results! Diyos ko ang daming results! But it’s okay. Mas marami, mas mabuti. I know this will be helpful. I hope. Nag-click ako ng isang link. Nakapangalumbaba ako sa armrest ng sofa habang binasa ang nakasulat sa article. 1. Love yourself Hmmnn...I already love myself, so nada... 2. Make a new you. When you look in the mirror, do you see a person that is lovable? Are you the best version of yourself? Lovable naman ako. So, I don't think I have to change myself. Though, Stuart doesn't like the way I dressed up. So, maybe I should change that. But if I did, then that would not be me. So...nada again. Umiling-iling ako. I continue reading the article. 3. Learn to say "no". Making yourself always available will diminish your value. It is human nature that people will always want something that they can't have. Parang ako lang to, ah? I’m always available for him. Dapat pala maging hard-to-get ako. Baka sa paghindi ko sa kanya ay makita niya ang worth ko as a woman. I was thinking maybe if I can't always be available for him then maybe, he'll see me differently. But I can't say "no" to him. Nagpakawala ako nang malalim na buntong hininga. Maybe I can revise this one. Baka kapag kinulit ko siya, aayon ang tadhana sa akin. Operation: how to make Stu fall in love with me. PATAKBO akong pumunta sa kwarto ni Stu. Hindi na ako nag-abalang kumatok. Bakit pa? Sanay naman na siya sa akin. When I entered his room, I saw him shirtless lying on his bed. Nakadapa siya. Ginamit niya ang kanyang mga braso bilang unan at nakakumot lang siya ng hanggang bewang. Napakagat-labi pa ako habang nakatingin sa h***d niyang likuran. Nagwawala na naman ang mga paru-paro ko sa tiyan. Likuran pa lang ni Stu, yummy na. Paano pa kaya kung humarap ito at ma-expose ang mga pandesal nito sa tiyan? Iniisip ko pa lang para na akong maiihi sa kilig. Tuluyan na akong pumasok sa kwarto niya. Kahit kailan talaga ‘di marunong mag-lock ‘tong si Stu. Napapailing na sinara ko na lang ang pinto at hindi na iyon ni-lock. Tutal hindi naman iyon naka-lock. "Stu!!!" sigaw ko sabay lundag sa kama niya. Humiga ako paharap sa kanya at ikinawit ko ang kanang braso sa bewang niya. Sinadya ko pang idikit ang dibdib ko sa tagiliran niya. Ang ilong ko ay nasa bandang kilikili niya. Palihim ko pang inamoy ito. Grabe! Ang bango talaga ng lalaking ito! Mukhang bagong ligo—amoy after shave. Padabog na kinuha ni Stu ang unan at ginamit ito para takpan ang tenga niya. "Stu, gising na. Anong oras na, oh? Samahan mo na ako. Wala ka namang gagawin ngayon, ‘di ba?" yugyog ko sa kanya. Bumangon ako at umupo sa likod niya. Pilit kong hinahablot ang unan para magising siya. "Shin, ang aga pa. Patulugin mo muna ako mga 5 minutes lang,” nayayamot niyang sagot. Bakas sa boses nito na antok na antok nga ito. “Ah, ayaw kong magising ha?” At dahil umandar ang kapilyahan ko, ipinuwesto ko ang mga daliri ko sa bewang niya. Alam kong malakas ang kiliti niya roon kaya kiniliti ko siya nang kiniliti. “Shin!!” malakas na boses na saway niya. Padaskol na ibinato niya ang unan na nakatakip sa ulo niya. L-um-anding iyon sa sahig, pero ‘di ko na iyon pinansin pa. Tawa lang ako nang tawa dahil para siyang uod na inasinan. Bigla siyang tumihaya. I slipped from sitting on his back. Napatili ako. Akala ko mahuhulog ako. Pero sobrang bilis ng reflex niya. Nahawakan niya ako agad ako sa palapulsuhan. Kaya imbes na mahulog ay napaupo ako sa tiyan niya! We are in a very awkward position. Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko. Sino ba naman ang hindi? May naramdaman akong matigas na bagay na tumutusok sa puwetan ko. Pero imbes na ipakita ang pagkahiya, eh kinapalan ko na ang mukha ko. Ngumisi ako sa kanya. He looked so annoyed. Kunot na kunot ang kanyang noo at magkasalubong na ang kanyang mga kilay. But instead of being afraid, I find him so adorable. Pinanggigilan ko ang kanyang magkabilang pisngi at kinurot ang mga ‘yon. Ngumiti pa ako nang pagkatamis-tamis pagkatapos. Sinimangutan niya ako. Mahigpit niyang hinawakan ang mga kamay ko kaya napatigil ako sa pagkurot sa pisngi niya. Pero ‘yong ngiti ko ay abot na yata hanggang tenga. "Aba! Bawal sumimangot sa umaga nakakapangit. Ang init ng ulo mo pati ang baba mainit din yata." Napapailing na napangiti siya sa sinabi ko. ‘Di niya talaga ako matiis. "Siraulo,” aniyang binitawan ang isa kong kamay at pinitik ang noo ko. “Ba't ba ang aga mong mangbulahaw?" "Sabayan mo naman ako sa mall. Bibili ako ng mga bagong damit." "Na naman? Ang dami mo ng damit ba't bibili ka ulit?" Itinukod niya ang dalawang braso sa may likuran niya. Mataman niya akong tiningnan. Nakataas ang kaliwang kilay niya. "I'll change my wardrobe na kasi. Iniisip ko, parang ‘di nga maganda na magsusuot ako ng revealing clothes lalo na kapag lumalabas ako. Kaya I need you to come with me for your honest opinion. Besides, ikaw ‘tong reklamo nang reklamo sa mga damit ko,” nakapamewang na sagot ko sa kanya. "Fine! Now, alis ka na sa ibabaw ko. Masyado ka na yatang nag-eenjoy sa pag-upo diyan?” Sabay nguso sa tiyan niya. Napahagikik naman ako. “Ang bigat-bigat mo. Akala ko ba nagda-diet ka? Laki-laki pa ng hita mo," aniyang itinulak ako patagilid. Dahil doon, bahagya akong napahiga. Pinalo niya muna ang p***t ko bago bumangon nang tuluyan. Naglakad na siya papunta sa banyo. He has his own cr in his room, kaya ‘di na niya kailangan na lumabas. Iniwan niya akong nakaupo sa gitna ng kama. Hindi nagtagal ay lumabas din naman siya. "Asus! Kung makareklamo sa hita ko, pero ‘yong mga mata naman titig na titig. Itsura nito!” Inirapan ko siya. “Pinagnanasahan mo ako, ‘no?" tukso ko pa sa kanya. Ilang beses ko kasi siyang nahuling patingin-tingin sa legs kong na-exposed dahil sa suot kong napakaikling shorts na medyo mahaba lang ng konti sa panty. Ang pang-itaas ko naman ay isang cami shirt na black. Na-emphasized pa noon ang mayayaman kong dibdib. Siya naman ay nakasuot lang nang maikling boxer's short. Kitang-kita ko pa ang bakat ng anaconda niya. Napakat-labi akong tumitig doon. Gifted talaga tong si Kuya. I bit my inner cheeks. Kung saan-saan na nagliwaliw ang utak ko dahil sa namumukol na anacoda niya. Naagaw niya ang pansin ko nang bigla na lang siyang tumikhim. "Eyes up here, Shin. Make sure I don't catch you doing that to another guy. Malilintikan ka talaga sa akin," istriktong sabi nito. Nginitian ko lang siya ng pagkatamis-tamis bilang sagot. Hindi ko pinansin ang pagiging masungit niya. I like it when he's like that na para bang isa siyang nagseselos na boyfriend. It makes me feel like I’m the most important woman in his life aside kay Mommy Angela. "So, pagsayo okay lang pero sa iba ‘di pwede?” nakanguso kong tanong. “Ang possessive mo naman! Makaalis na nga ang init naman ng mga ulo sa kwartong ‘to."” Handa na akong tumayo para umalis nang bigla niya na lang akong itinulak ulit sa kama. Napahiga ako sa gulat. He took advantage of my position. Siya naman ang dumagan sa akin at kiniliti ako nang kiniliti. Napapasigaw na ako sa ginagawa niya habang tawa naman sya nang tawa. "Tama na, Stu!" Nagpupumiglas na ako dahil masakit na ang tiyan ko sa kakatawa. Nahihirapan na rin akong huminga. "Ano ‘di ka pa makikinig sa akin? Kapag sinabi kong ‘wag mong gawin sa iba, ‘wag mong gagawin. Nagkakaintindihan ba tayo?" nakangisi nitong banta habang kinikiliti pa rin ako. "Oo na, oo na!" hinihingal kong sagot. Abot-abot ang pasasalamat ko sa langit nang tigilan niya na ako. "Buti naman at nagkakaintindihan tayo." Ngumisi muna siya sa akin. Tinapik niya muna ang p***t ko bago tuluyang bumangon. "Dapat pagkalabas ko ng walk-in closet bihis ka na," pahabol na paalala nito bago tuluyang isinara ang pinto. Napangisi na rin ako at napakagat-labi Okay... Mission accomplished #1 --- make him want you.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD