Chapter 7
"Girl, bagong buhay na ba tayo at medyo balot na balot ka today?" tanong sa akin ni Risha. Si Risha ang isa sa pinakamatalik kong kaibigan. I met her noong nag-aaral pa lang ako ng college. We're roomates she's taking up Accounting while I'm taking Business Ad. Nag-click agad kami kaya even after college, we still manage to keep in touch.
Binisita ko siya sa opisina niya. She’s working in her parent’s company as Vice-President of Finance Department. Minsanan na lang kaming magkita dahil most of the time nasa ibang bansa siya. Kaya kapag nababalitaan kong nasa Pilipinas siya, automatic na bibisita agad ako sa opisina niya.
May mini sala sa loob ng opisina niya. May dalawang three-seater black leather couch na magkatapat at sa unahan ng mga iyon ay isang single couch na kapareha rin ng kulay. Sa gitna ng mga ito ay isang mamahaling glass center table na hugis rectangle. Pinalamutian ng isang clear vase na may naka-arrange na iba’t-ibang uri ng bulaklak.
Agad kong tinungo ang three-seater couch at nakadekwatrong umupo roon.
“Bagay ba?” nakangisi kong tanong. Nakasuot kasi ako ng long sleeves polo na puti. Naka-insert ang laylayan nito sa suot ko ring tattered jeans at p-in-artneran ko ng black ankle boots na may taas na three inches ang chunky heels. Ang medyo wavy kong buhok na hanggang balikat ay nakalugay lang.
“Kahit ano naming suotin mo, eh babagay ba rin,” aniyang lumapit sa akin at nakipagbeso-beso bago umupo sa tabi ko.
Natawa ako nang malakas. "Kaibigan nga kita kasi binobola mo ako. Labas naman tayo. Ang tagal ko ng ‘di nakapag-bar. Simula noong tumira na ako sa bahay nina Stu wala na akong nightlife. Saka kapag niyayaya ko siya ang daming arte sa katawan kesyo kababaeng tao ko daw eh ang hilig mag-aya sa inuman." I rolled my eyes.
"At talagang kina-career mo ang pagiging isang mabuting babae? Kaya ba nag-iba ang way ng pananamit mo ngayon?"
"Sinabi mo pa,” ani ko sabay halukipkip. Napanguso pa ako.
"Don't get me wrong, Shin. Pero ang daming nababaliw sa'yo, lalo na ‘yong masugid mong manliligaw---ano nga pangalan no’n? Jake ba ‘yon? Diyos ko, ang gwapo no’n, ah? Saka napakaresponsable pero pinipilit mo talaga ang sarili mo sa kinakapatid mong ‘yan na sobrang manhid. Halos alam na ng lahat pero siya wa kebs pa rin." Patagilid siyang sumandal sa sandalan ng couch at tumingin nang mataman sa akin.
Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi niya. I’m very much aware of it. Totoo ang sinabi niya na marami akong manliligaw. ‘Yon nga lang, I always wanted to be with Stu. Walang ibang lalaki akong nakikita kung hindi siya lang. Kung tutuusin mas may higit pa sa kanya. Pero human nature na nga siguro ang gustihin ang isang tao na walang gusto sa iyo.
"May french term diyan, eh, 'la douleur exquise'. An exquisite pain expresses the pain of wanting someone you can't have."
"Ay grabe siya may pain agad?" natatawa kong komento.
Ang totoo hindi naman nakakatawa ang sinabi ni Risha. I’m just trying to hide the pain. Sapol na sapol ako sa sinabi niya. Kasi masakit naman talagang magmahal ng isang tao na ‘di kayang i-reciprocate ang pagmamahal mo.
"At bakit, ‘di ka na ba nasasaktan?" taas kilay niyang tanong. Hindi ako umimik. Maya-maya ay nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga. "Anyway baka kung saan pa umabot ang topic natin. We can go tonight sa favorite bar natin. Ang problema na lang is if papayagan ka ni Stu. Ang lakas ng loob mong magyaya, eh tiklop ka naman sa kanya once he says, 'no'."
"Hmmn…” Inilagay ko ang aking hintuturo sa ilalim ng baba ko habang nakatingin sa kisame. After almost two minutes, tumingin ulit ako kay Risha. “Good question. I'll tell him na ikaw ang nagyaya and that isasama ko siya para kunwari good girl ako."
"And here I thought that you missed me," nagtatampong sambit niya.
Nagkatinginan kami at tila nabasa niya ang iniisip ko. pagkalipas ng ilang saglit ay nagtawanan kami.
I'm sorry, Risha. I will use you for my plan.
I know na mali ang gagawin ko, but I can't think of anything else on how to make him fall in love with me. It might be absurd pero this is my last card. And I'm sure that this will work.
I’M so happy that I was able to convince Stu na mag-bar kami. I used Risha as bait. I told him that Risha is inviting me out kasi matagal na kaming ‘di nagkikita. Sometimes I feel jealous of Risha because she is now a very accomplished lady. May trabaho, may sariling bahay at kotse..basically every woman wants to have, she has it all.
I have my own house and car and I can get everything that I want too pero I don't have a job. May kompanya nga kami pero ang nanay ni Stu ang namamahala no’n. After my parents died, she told me na siya na muna ang mamamahala because I'm still grieving. And it’s better to focus my time with Stu. Ang sabi niya if I'm working, mahihirapan akong paibigin si Stu. I think she has a point and so I agree.
I have to get him by hook or by crook.
Naunang dumating sa amin Risha. Nasa parking lot na siya. She was waiting for us inside her car. Baka raw kasi pagkaguluhan siya sa loob ng bar kung sa loob siya maghihintay. Maganda at sexy si Risha so ‘di na kataka-taka kung maraming lalaking gustong lumapit sa kanya.
Agad siyang lumabas ng kanyang sasakyan nang makita niya kami. Nakasuot siya ng red party dress na hanggang hita ang haba at five inches pumps. Sinalubong niya kami at nakipagbeso-beso sa akin at kay Stu. Pagkatapos ng batian ay pumasok na kami sa loob ng The VIP—ang pangalan ng bar.
Nagkakasayahan na ang mga tao nang makapasok kami sa bar. Maingay na ang saliw ng tugtogin at marami na ring mga tao sa dance floor na masayang nagsasayawan. Bukod tanging ang malaking disco ball sa gitna ng dance floor at ang maliliit na wall lights ang nagsisilbing ilaw ng bar. Halos lahat din ng nakiki-party sa bar na iyon ay galing sa alta sosyedad ang mga pamilya.
Napagpasyahan namin na magtungo sa VIP room na lagi naming pinupuwestuhan kapag nagtutungo kami rito. Nasa second floor ito ng bar kung saan para itong private room na may glass window. Kitang-kita mula roon ang mga customers na sumasayaw sa dance floor.
Hindi na kami naghintay ng matagal dahil pagkaupo namin sa couch ay siyang pagdating naman ng waiter. Binigyan kami ng tig-iisang menu. We ordered our drinks and food and while waiting for our order nag excuse muna ako sa kanila para mag-cr.
Gusto sana akong samahan ni Stu but I declined. I have to do it para sa plano ko.
May cr sa second floor for vip pero bumaba ako para kitain ang taong tutulong sa akin. I found him malapit sa bartender's area. Nang makita niya ako ay sinenyasan niya ako papunta sa emergency exit.
Agad akong sumunod sa kanya at luminga sa second floor. Siniguro ko muna na hindi ako makikita nina Stu. Good thing naman na hindi. Nagmumukhang blind spot sa second floor ang kinaroroonan ko.
"Is that it?" tanong ko sa kanya nang nakalapit na ako.
Pinasadahan niya muna ako ng tingin mula ulo hanggang paa. He smirked as if he was satisfied with how I looked. Nakasuot kasi ako ng black tube dress na hapit na hapit sa katawan. Na-emphasized nito ang gifted na dibdib ko, maliit na bewang at mabilog kong likuran.
Marahan siyang tumango. Inabot niya sa akin ang isang boteng maliit na may lamang liquid.
"Yup, ihalo mo ‘yan sa inumin niya.” Napabuntong-hininga siya. “‘Di kita maintindihan. Sa ganda mong ‘yan ‘di mo na kailangang gumamit n’yan saka andito naman ako."
I scoffed. "Trust me I have to. Sige, salamat dito. Thanks for helping me out. I appreciate it." Agad kong nilagay sa clutch ko ang bote at walang lingod-likod na tinalikuran siya.
Dali-dali akong bumalik sa VIP room. Dumating na rin ‘yong mga order namin pero sobrang tahimik ng dalawa. Mukhang nagpapaligsahan sila ng papanisan ng laway.
"Oh, bakit ‘di pa kayo kumakain?" bungad ko sa kanila.
Si Stu ay nakatingin lang sa mga sumasayaw at si Risha naman ay busy sa kakapindot ng cellphone niya.
"I have to go, Shin. I'm so sorry, Girl, may emergency sa bahay. I have to be there pasensya na talaga."
Napanganga ako. "What? ‘Di pa nga tayo nag-uumpisa ba't uuwi ka na?"
Napasulyap na rin si Stu sa kanya. His face was void of any emotions.
"I'm really sorry, Girl. Babawi na lang ako next time.” Bumaling siya kay Stu. “I'm sorry, Stu kayo na lang muna. Enjoy the drinks. I'll pay for everything you ordered. I know naman may pera kayo, but please don’t refuse it. Take it as my apology. Kung bakit naman kasi ngayon pa nagka-emergency sa bahay."
She hurriedly took her things and kissed my cheek. She waved goodbye to Stu too at mabilis na umalis.
"Awww..akala ko pa naman makakapagchika kami sa tagal naming ‘di nagkikita," nanghihinayang kong sabi. Pasalampak na umupo ako sa tabi ni Stu at napanguso.
I may look disappointed, but deep inside, I’m celebrating. Mukhang umaayon talaga ang tadhana sa plano ko. I bit my inner cheeks to suppress myself from smiling.
"’Andito naman ako. Tayo na lang magchikahan." Ginulo niya ang buhok ko sabay akbay sa akin.
"Eh, paano ‘yan ang dami nating beer na in-order? Mauubos kaya natin ‘yan na nakakatayo pa tayo?" taas kong kilay na tanong sa kanya.
Limang bucket kasi ang in-order naming beer. Iniwasan naming mag-order ng hard drinks para mas matagal-tagal ang kwentuhan.
"Ang konti lang niyan kaya paniguradong mauubos natin ‘yan. Ang lakas mo kayang uminom," kantiyaw niya sa akin. Kinuha niya ang isang nakabukas na bote ng beer at binigay sa akin. Kumuha din siya ng para sa kanya at parang tubig lang na tinungga ‘yon.
"Grabe siya ang judgmental. Ilang buwan na rin kaya akong ‘di nakakainom kasi wala naman si Risha tapos kapag niyayaya kita ayaw mo naman." I rolled my eyes and took a sip of the beer. Hindi dapat ako malasing ngayon para magawa ko ang dapat kong gawin.
"Kasi naman pwede ka namang mag-inom sa bahay. Bakit kailangang sa bar pa?" aniyang tumungga ulit sa bote hanggang sa maubos ito.
"S’yempre ang boring kaya ‘pag nasa bahay lang. Ang tahimik-tahimik alangan naman na magpatugtog ako ng malakas, eh ‘di nabulahaw na ang mga katulong." Mataman kol siyang tiningnan nang makita kong kumuha siya nang panibagong bote ng beer.
"Saka naaalala mo, tambayan naman natin ‘to dati noong nag-aaral pa tayo? Tapos ngayong nagtatrabaho ka na, ang tagal-tagal mo ng umuwi. Iniisip ko na nga kung may girlfriend ka na."
Nakaubos na ako ng isa nang mapansin ko na limang bote na naubos niya.
" Ay, uhaw lang?" pabiro kong tanong.
"Sira, na-realized ko lang na ang tagal na nga pala nating ‘di nakakapunta dito and I admit, I kinda missed it. Napaka-busy sa office. Saka wala akong girlfriend at kung meron man ikaw ang unang makakaalam. Paglilihiman pa ba naman kita? Matik na ‘yon."
Palihim akong natuwa sa sinabi niya. Pero kahit naman meron na wala pa ring makakapigil sa gagawin ko. Besides, we are married. ‘Yon ang lamang ko sa magiging girlfriend niya.
Kahit ano na lang ang napagkwentuhan namin. Para kaming nag-reminisce ng mga kalokohan namin noon. Medyo tipsy na rin ako pero kaya pa rin naman. Ilang bote na rin ang naubos ko. Magkaganoon pa man ay lagi kong pinapaalahanan ang sarili ko na may dapat pa akong gawin sa gabing ito. This is the only time I can do my plan. Ayokong mabulilyaso ang gagawin ko. And as the night becomes older, I’m silently waiting for the right timing.
Ang limang bucket ay naging sampo. Mukha na ring natatamaan na si Stu dahil papikit-pikit na ang mga mata nito. Panay din ang tawa , akbay at yakap nito sa akin. Maya-maya pa ay nagyaya na rin siyang umuwi. Akala ko papalpak ang plano but it seems like God is also helping me out.
Nag-excuse siya na pupunta muna ng cr. Pagkalabas niya, agad kong kinuha ang maliit na bote sa clutch ko at binuhos sa bote ng beer niya na meron pang laman. Dali-dali kong itinapon ang maliit na bote sa basurahan na nandoon. Medyo napalundag pa ako sa kinauupuan ko nang biglang bumukas ang pinto.
"Tara?" yaya niya sa akin. Lumapit muna siya sa mesa at kinuha ang bote ng beer at tinugga ‘yon hanggang sa maubos.
Inalalayan niya akong tumayo hanggang sa palabas ng bar ay hawak niya ang siko ko. Pinagbuksan niya ako ng pinto at siya pa ang umayos ng seat belt ko. Nang makitang komportable na akong nakaupo ay doon pa siya pumunta sa side ng driver seat at pumasok.
Pinagmamasdan ko lang ang mga galaw niya. Napapansin kong hinihila niya ang collar ng suot na black Balenciaga t-shirt nang paulit-ulit. Ilang beses muna siyang huminga nang malalim bago pinaandar ang sasakyan. He looks like he’s struggling about something. Iniabot niya ang button ng aircon and set it to maximum. Hindi pa rin niya pinapatakbo ang sasakyan.
Unti-unting lumakas ang t***k ng puso ko habang tinitingnan ko siya. Ang sabi naman sa akin ay safe ang gamot na iyon, pero hindi ko pa rin maiwasang mag-alala.
"Are you okay, Stu?" Humarap ako nang tuluyan sa kanya at hinawakan siya sa hita.
"Yeah, yeah, I'm fine." Ilang beses siyang huminga nang malalim at inabot ang ang kamay kong nakahawak sa hita niya.
He looked at me intently. And the next thing I know, we are kissing passionately...