Chapter 2

1446 Words
It feels like I'm floating in the air. My parents' anniversary will be the happiest moment of my life as well. I'm sure of that. Botong-boto talaga sa akin si Tita. She really wanted me to end up with her son. And I honestly love it. 'Naaalala ko pa rin and sinabi ni Tita at hanggang ngayon ay 'di pa rin ako makatulog sa kakaisip kahit kanina pa ako nagpabaling-paling sa higaan. It's already been midnight for goodness sake! Kaso iniisip ko rin baka naman magalit si Stuart kapag nakiayon ako sa plano ng Mommy niya. Ayaw pa naman no'n na niloloko siya. Pero sabi naman ni Tita siya na ang bahala... Kasi kahit anong mangyari nakikinig at nakikinig naman daw si Stuart sa kanya which is true. Pero ano ba dapat kong gawin? Tita told me to trust her. And I think I should. Gustong-gusto ko talagang magkatuluyan kami ni Stuart. Parang 'di ko maimagine ang sarili ko with other man. And Tita promised me that she will help me. I only have two weeks. Binigyan ako ng palugit ni Tita para sa sagot ko kung papayag ako sa plano niya o hindi. And then, I remembered our conversation... "Anong plano, Tita?" nagtataka kong tanong na nae-excite na rin. "Halika, doon tayo sa garden."Hinila niya ang kanang kamay ko at iginiya papunnta sa garden. Umupo kami sa bench na naroroon kaharap ng malaking angel fountain. Napapalibutan ito ng iba't ibang kulay ng malalaking roses. Ilang beses na akong nakapunta rito pero hanggang ngayon ay naa-amaze pa rin ako kung gaano kaalaga si Tita sa mga halaman niya, pwede na nga iyong gawing tourist spot sa ganda. Although may hardinero sila ay personal pa rin niyang inaalagaan ang mga bulaklak na nandoon particular na ang mga naglalakihan at naggagandahan rosas. "You know na gustong-gusto kita para sa anak ko, ‘di ba? And I know that you like my son as well. Pinagkakatiwalaan ka ng anak ko, Shin at pareho nating alam na di basta-bastang nagtitiwala si Stuart kahit sa mga barkada niyang lalaki. So, your parents and I were thinking na ipagkasundo kayo ni Stuart." "Ano po? Sina Mommy? Pumayag po sila?" halos lumuwa ang mga mata ko sa gulat. Is this a dream come true? "Oo, Iha. Well, I know you are their most precious daughter at gusto ko rin na my precious son will end up with you,” anitong pinisil-pisil pa ang mga kamay ko. Ang laki rin ng ngiti niya na para bang she’s also excited of what’s about to happen. "I'm speechless, Tita. I don't know what to say." "Well, this is your opportunity to make your dream come true. This is Plan A, Shin just in case it will not work. Pero of course, I know it will definitely work. I know my son so much. Makikinig ‘yon sa akin kahit ano pa ang mangyari." "I know, Tita. Pero baka magalit si Stuart kapag nalaman niyang may kinalaman ako," nag-aalala ko pa rin na tanong. "Wag kang matakot. Ako ang bahala sa anak ko. Besides sinabihan lang naman kita sa mangyayari at ‘di naman talaga ikaw ang may pakana. So, leave it all to me. Just trust me, Shin. You're like a daughter that I never have. Gusto ko rin maging masaya ka. And I know that your happiness is with my son." "Pero, Tita--" "Trust me, Shin,” agad nitong putol sa mga sasabihin ko. Idinikit niya pa ang hintuturo niya sa mga labi ko. “Just trust me. If you still want to think it over, that’s okay. I'll give you two weeks. If you say yes, we will announce it on your parents' anniversary. Nakahanda na ang lahat kung sakaling o-oo ka. And if my son doesn't approve it, you don't have to worry. I'll take care of it. So you see, Shin wala ka na talagang gagawin kung hindi pumayag lang." "I'll think about it, Tita." "Okay, but remember may two weeks ka lang. If you failed to give me your answer, I'll assume your answer is no. Just let me tell you this too, Shin kasi gusto ko talaga na ikaw ang maging daughter-in-law ko at napamahal ka na sa akin at para maging aware ka rin. My son is now eyeing a beautiful woman, just so you know." Litong-lito na talaga ako sa kung ano ang gagawin ko lalo na ngayon na mukhang may ibang babae na involve, when suddenly, my phone rings. Napakunot ang noo ko. When I look at the wall clock. It's almost 1 AM! Sino naman ang tatawag sa akin sa ganitong oras? Inabot ko ang cellphone na nasa night stand at agad tiningnan ang screen kung sino ang tumawag. Hindi ko mapigilang mapangiti nang malaki ng mapagsino iyon. "Hello?" bati ko na nakataas ang kanang kilay. Ba't napatawag ‘tong si Man-of-my-dreams ko sa ganitong oras? Miss na niya ba ako? Napakagat-labi ako. "Shin, gising ka pa?" Napatawa ako. "Malamang dahil kung hindi, ‘di mo ako kausap ngayon." Napatawa rin ito nang malakas. "Siraulo!" "Oo na sira na ang ulo sa'yo." "Hayyy nako, Shin. You never failed to make me laugh. Kaya mahal na mahal kita, eh. Sa bahay ka na lang kaya tumira?" I was shocked. ‘Di ko alam ano ang isasagot ko. Nagrarambulan na ang mga paru-paru ko sa tiyan. I don't want to get my hopes up. Pero I can't help it!!! Gusto niya rin ba ako? Oh, how I wanted to ask him! "’Di ka na nakasagot. Weird ba? Awkward?" "Ammmm..." Argh, I'm so frustrated like really Shin? Geez! Where's your voice? I keep on reprimanding myself. Pero wala talaga ang lakas na ng t***k ng puso ko. He laughed. "Uy, grabe ‘di ka na talaga nakasagot, syempre walang malisya ang pagmamahal ko sa'yo. Kinabahan ka ba na baka nagkagusto na ako sa'yo?” He laughed out loud. “I told you, mahal kita as a sibling–as my younger sister." ‘Yong feeling na parang nag-bunjee jumping ako pero naputol ang tali...That’s exactly what I felt. Ang sakit… Parang nadurog ang puso ko. I knew it. I'm just like a little sister to him. It will never be beyond that. "Ahhh... I k-know that. W-why would you want me to stay in your house?" I tried to be as normal and cheerful as possible kahit na nga ba nagdurugo na ang puso ko. "Well, you know nangungulila siguro ako sa kapatid since I'm the only son. Saka there are times na gusto ko lang may kausap just like now. Saka alam mo naman na sa'yo lang ako comfortable. Sa'yo lang ako nagsasabi ng sama ng loob. Sa'yo lang din ako nalilib*gan." "Ul*l!" Tumawa ito nang malakas sa lakas ng mura ko sa kanya na para bang isang daang clown ang nagpapatawa sa kanya. Ang sama ng ugali ng lalaking ito. Ilang beses ko ng ibinaling sa iba ang feelings ko pero may magnet yata ang kolokoy na ito at palagi na lang mina-magnet pabalik ang pag-ibig ko sa kanya. Kaya ito daig pa ng na-mighty bond ang puso ko sa kanya. Dikit na dikit. ‘Di na makawala. "G*go ka ba? Flip ka rin, eh. Kaya ang daming babae ang nahuhulog sa'yo, eh kasi napakapa-fall mo. Paano kung gaya rin ako ng ibang babae? Paano kung ma-fall ako sa'yo?" I'm taking my chances. I want to know how would he react if ever na magkagusto ako sa kanya. "Yan ang kaibahan mo, Shin kasi hindi ka 'ibang babae'. So, I don't think it will be a problem." "Paano nga, if ever?" kulit ko sa kanya. Please say you'll catch me. "Bakit nahuhulog ka na ba sa akin?" seryoso niyang sabi. And it scared me. "Wag mo na ngang sagutin. Nagtatanong lang, eh." "Syempre sasaluhin kita, particulary ng kama ko." "Arrghh!!! Heto, piso bumili ka ng kausap mo!" napipika kong sabi. Lahat na lang dinadaan sa biro, sa panloloko. Parang nakahalata na rin si Stuart na napipikon na ako. "Ito naman, niloloko ka lang, eh. ‘Di na mabiro. But seriously if that happens, pigilan mo, Shin. I want you to be my family pero ‘di sa ganoong paraan. With you, I don't want to take risks. Natatakot ako. I may have not tell you about it, but you're my kryptonite. I want us to remain like this kasi baka ‘di ko kayanin kung sakaling mawala ka at ang meron sa ating dalawa pag nag-upgrade tayo. Besides, there's this girl I'm eyeing on..." 'Ouch', and so I thought… So, Tita was not lying when she told me about a certain girl that caught his attention…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD