"No, no, no!" I cry so hard.
‘Di ko man lang siya napasalamatan nang mabuti o kaya nakuha man lang ang pangalan niya. She saved me, and yet I couldn't save her.
I was in so much pain. Hindi ko na alam kong ano ang masakit sa akin. Basta ang alam ko lang ay masakit ang katawan ko. I tried to stand up pero ilang beses akong natumba. I know it may be too late, but I wanted to check if she is still alive. Hindi ko masyadong matanawan ang kinaroroonan ng babae dahil sa matataas na d**o.
Sa pangatlong pagkakataon, sa tulong ng punong sinandalan ko kanina ay nakatayo na ako. Mahigpit ang kapit ko sa puno na iyon. Ilang beses akong huminga nang malalim bago nagpasyang maglakad. Pero bago ko pa lang maihakbang ang paa ko ay agad akong natigilan. May nakita akong apat na lalaki na papalapit sa nag-aapoy ko ng kotse.
"Tingnan niyo kung buhay o patay na! Kung buhay pa tuluyan niyo na!" narinig kong sigaw ng isang lalaki na may malaking katawan. Hindi ko sila masyadong mamukhaan dahil nakatalikod sila sa kinaroroonan ko.
Agad akong dumapa buti na lang talaga at matataas ang d**o. Dahan-dahan akong gumapang papalayo. Sana nga lang ay di nila ako makita.
I’m praying so hard.
Dinig na dinig ko pa rin ang tinig ng mga lalaking tila naghahanap sa akin. Mas lalo akong binibigyan ng lakas ng loob habang naririnig ko ang boses nila. Mas bilisan ko pa ang paggapang para makalayo roon.
Hindi ko na alam kong nasaan ako. Unti-unti nang nanlalabo ang mga mata. Parang naghalo-halo na ang sakit ng kawan ko at pagod. It feels like forever. Pakiramdam ko ilang oras na akong gumagapang. Feeling ko rin parang mawawalan na ako ng malay. Pero sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko, lagi kong nakikita ang mga tawa ni Alex.
Kaya kahit hilong-hilo na ako'y pinipilit ko pa rin na magpatuloy hanggang sa makahanap ako ng tutulong sa akin. Nabuhayan ako ng loob nang makita ko sa ‘di kalayuan ang isang bahay. Pinilit kong tumayo para makapunta sa bahay iyon. Timing naman nang may makita akong lalaki na lumabas.
"Tulong... tulong!" Hindi ko na inisip na baka kilala ni Angela ang nakatira doon. Ipinapasa Diyos ko na lang na sana hindi. At sana'y tulungan niya ako.
"Tulong!" muli kong sigaw sa namamalat kong tinig. Abot-abot ang dasal ko na sana man lang marinig niya ako.
And it feels like I’ve won a lottery when his gaze meets mine.
"Nako, Miss!" Nanlaki ang mga mata nito nang makita ako.
Napahagulhol ako sa tuwa. Patakbo ako nitong nilapitan at bago pa ako nabuwal ay nasalo na niya ako.
"Help me.. please..." nagmamakaawa kong hiling sa kanya.
"What happened to you?"
Iyak lang ako nang iyak. Ni hindi ko na siya masagot because I’m so overwhelmed. For the first time, I feel like I'm safe with this guy.
"Stop crying. I'll help you." Kinarga niya ako. Malalaki ang hakbang na tinungo niya ang sasakyan at agad na pinaandar iyon. Mabilis ang pagpapatakbo niya ne, pero ramdam ko pa rin ang pag-iingat nito.
Ilang minuto lang lumipas at nakarating na kami sa harap ng ospital. Bumaba siya sa sasakyan at patakbong pinuntahan ang pinto ng shotgun seat kung saan ako naroroon. Binuksan niya ang pinto. Ibababa na niya sana ako ng sasakyan nang makita ko yung mga lalaking umaaligid sa sumabog kong sasakyan.
Bigla akong pinagpawisan nang malamig. Nilukob ng takot ang buo kong pagkatao. Ni hindi ako makagalaw. Tila naninigas ang katawan ko.
"Are you okay? Nanginginig ka. Halika na nandito na tayo sa ospital.”
"No, no, no..." I keep on shaking my head. I want to explain to him what happened pero parang walang lumalabas na salita sa bibig ko na parang nawawalan ako ng boses.
I’m shivering so bad and I don't know if it's because of my injuries or because I’m too afraid that those guys would find me.
"Okay, okay I'll bring you to another place. May kaibigan akong doctor. I'll bring you to him," agad na desisyon nito nang ni hindi ko gumawang gumalaw.
I feel so relieved because he is able to understand me through my actions somehow, and he bases his decision because of it.
I don’t know what else happened. All I know is that I fell into a deep slumber.
STRANGER’S POV
"SINO iyang bitbit mo? Ba't ganyan ang itsura niyan?" tanong ng kaibigan ko nang pagbuksan niya kami ng pinto.
Gulat na gulat ito nang makita akong may buhat na duguang babae at walang malay.
"Mamaya mo na ako tanungin. Tulungan mo muna ako,” mabilis kong sagot na hindi man lang sinagot ang tinatanong niya.
Hindi na niya ako tinanong ulit. Agad naman niya akong tinulungan at iginiya sa isang bakanteng kwarto. Iniwan niya muna ako at nang bumalik ito ay may dala na itong mga kagamitan sa panggagamot. Ako naman ay hindi mapakaling nagpalakad-lakad sa loob ng kwarto.
He is a psychiatrist by profession. Wala na akong maisip na pagdalhan kaya sa kanya ko na lang dinala ang babae. I was thinking that maybe he can assess her.
"Dude, you have to bring her to the hospital. You know that, right? Good thing nandito ang isa kong kapatid, she can take care of the wounds at pasalamat ka everything we need is here pati x-rays. Ano ba nangyari sa kanya?" anitong napapailing. Tiningnan pa ako nito na para bang tinubuan ako ng ikalawang ulo sa balikat.
"I actually don't know. Paglabas ko ng bahay ganyan na siya at humihingi ng tulong. I even brought her to the hospital pero noong nandoon na kami bigla na lang siyang umayaw na pumasok. Iyak lang siya nang iyak tapos nanginginig siya. It seemed like my kinakatakutan siya kaya dinala ko na lang dito. Besides, you're a shrink. This is your expertise, right? And I know you have all the apparatus, that's why I brought her here instead. And I just have a feeling that she’s in danger."
Napatapik ito sa noo. “What the hell did you get yourself into, Ken?”
I scratched the back of my neck. Hindi ko rin alam kung ano ang pinasok ko. Nang makita ko ang babae ay agad akong nagdesisyon na tulungan siya.
"Okay, so what do we have here?"
Agad kaming napalingon ng kaibigan ko sa pinagmumulan ng tinig. Mula sa nakabukas na pinto ay pumasok ang isang babae na nakasuot pa ng doctor scrubs na kulay dark blue. Nakalugay na ang medyo kulot nitong buhok na kulay brown. Maputi ito. May medyo singkit na mga mata at mapipilantik na mga pilik-mata. Matangkad ito na may height na 5’8”. Kung hindi lang ito naka-doctor scrubs ay mas mapagkakamalan pa itong modelo. Pumasok ito at tiningnan ang babaeng natutulog pa rin sa kama. May kasama itong dalawang katulong na may dalang mga damit.
"So, what are you guys still doing here? We have to undress her, you know? And we don't need any audience," istriktang sita nito sa amin. Tinaasan pa niya kami ng kilay at pinandilatan ng mga mata.
"C'mon, bago pa bumuga ng apoy itong kapatid ko," aya sa akin ng kaibigan ko.
‘Di na rin ako umuwi ng bahay dahil gusto kong masiguro na maayos ang lagay noong babae. Kaya rito na ako natulog sa bahay ng kaibigan ko.
Halos ‘di rin ako makatulog sa pag-iisip kung ano na ang nangyari sa babae. Ilang beses akong lumabas ng kwarto pero hindi pa lumalabas ang kapatid ng kaibigan ko mula sa kwarto ng babae.
“How is she?" tanong ko sa kaibigan ko pagkabababa ko ng hagdan. Naabutan ko siyang papunta ng kusina habang hawak ang wala ng lamang tasa.
"O, gising ka na pala,” anitong napalingin sa akin. “Halika, sabayan mo akong mag-breakfast. Gising na iyong babaeng dala mo kagabi. Kasama niya si Katie ngayon."
Hindi na siya huminto sa paglakad at nagtuloy-tuloy na sa pagpunta ng kusina. Kaya sinundan ko na lang din siya.
Ramdam ko na rin ang pagkalam ng sikmura ko nang maamoy ko ang mabangong amoy ng pinaghalong amoy ng fried rice at bagong brewed na kape. Ang mga ito ang sumalubong sa akin nang pumasok kami ng kusina.
"And..?" curious kong tanong. Ang tinutukoy nitong Katie ay ang kapatid nito na siyang gumamot sa babae kagabi. Hinatak ko ang katapat na silya ng kaibigan ko at naupo roon. May nakahanda ng pagkain sa mesa gaya ng fried rice, tocino, bacon, sunny side up eggs, tapa, bacon at longganisa. Mayroon ding nagpapawis na pitsel ng orange juice at isang pot na hinala ko’y kape ang laman. May mga plato at kubyertos na rin ang nakahanda.
"She had it bad. I mean physically she's fine. Maliban sa sugat sa noo, mga pasa sa katawan lang ang natamo niya. She’s lucky at iyon lang ang natamo niya. According to Katie, she seemed to be in a car accident."
"I'll look into it. As I have mentioned, nakita ko lang siya sa labas ng bahay, humihingi ng tulong. Best thing to do is to ask her, right?" tanong ko sa kanya. Nagsimula na akong sumandok ng fried rice at tapa. Ang katulong naman nila ay agad na nilagyan ng kape ang tasa sa tabi ko.
"Diyan tayo mahihirapan. It seems like she's having a trauma. Nagising siyang nagsisisigaw kanina. It's like she was having a nightmare. She's also very distant and she just keeps on crying. I will talk to her after nating kumain. I also suggests na nandoon ka habang chine-check ko rin siya, since ikaw ang tumulong sa kanya. We will need to establish trust," anitong nagsimula na ring kumain.
"Sure. I just have to call Blair to say that I'll be gone for a few days or weeks... depende na lang."
"You're really very smitten with her, huh?"
Napangiti na lang ako sa kanya. Blair is my best friend. And can do anything for her.
Nagtungo kami sa kwartong nakalaan noong babae pagkatapos naming kumain. Kumatok muna kami ng tatlong beses bago pumasok. And there she is, she looks so disoriented. She's hugging her knees and is swaying her body back and forth while biting her nails.
Katie is still with her, pero noong makita na niya kami ay agad na siyang nagpaalam.
"Hi, my name is Dr. Jake Dankworth and this is my friend Kenneth Kee. Do you remember him?" masuyong tanong ng kaibigan ko habang itinuturo ako. Napatingin naman sa akin ang babae at unti-unting humihikbi.
"Hey, what's wrong? You know we're here to help you. Masakit ba ang sugat mo?" Lumapit ako sa kanya at umupo sa silya na nasa tabi ng kama niya.
Umiling-iling lang siya pero patuloy pa rin sa pag-iyak.
Halos ganoon lang ang reaksyon niya kapag tinatanong namin siya. Lagi na lang siyang umiiyak. Nalaman na lang namin ang pangalan niya dahil sa isang news flash sa tv kung saan nakapaskil rin ang kanyang litrato.
Ayon sa balita, namatay na siya. She got into a car accident and her car exploded. There was also a dead body found in her car.
I have a feeling that there's something wrong with the news. I don’t usually associate myself with someone else's business, but my instinct tells me otherwise with this woman. So, I told Jake not to report her alive. Good thing I somehow convinced him.
Akala ko pa nga mahihirapan ako sa pag-convince kay Jake at sa kapatid niya. But surprisingly, pumayag agad sila. Napansin ko ring alagang-alaga ni Jake ang babae. And I've never seen him being like that with women before.
Months had already passed, bago sinabi ng babae ang pangalan niya. And just like what the news said, she is Shinohara Gener. Jake is so patient with her. And I don't know if it's because he's a shrink. During those times, lagi akong nasa bahay ni Jake. Halos sa kanila na rin ako nakatira. Umaalis lang ako kapag kailangan ako ng company ko.
"Matagal niyo na palang alam ang pangalan ko. But how come you didn't report me to the police?" tanong nito sa amin nang bumuti na ang lagay nito. Nakakapagsalita na ulit ito at ‘di na masyadong umiiyak. Nakakasama na rin namin siyang kumain. Nalaman din namin ang totoong nangyari noong gabing iyon.
"I asked Jake not to,” agad kong sagot sa kanya. Kasalukuyan kaming kumakain at magkatabing nakaupo sina Shin at Jake habang ako naman ay kaharap nila na katabi si Katie.
“It was just a hunch pero parang may mali kasi sa sinabi sa balita, eh. Good thing this guy right here agrees with me,” ani ko sabay turo kay Jake.
"Thank you sa inyo,” ani Shin na ngumiti nang tipid. “Tatanawin kong malaking utang na loob ang pagtulong ninyo sa akin. Kung sana'y napasalamatan ko rin nang maayos iyong babaeng tumulong sa akin."
"Hey, cheer up! ‘Di mo kasalanan ang nangyari sa kanya. Minsan may mga pangyayari sa buhay natin na ‘di natin kayang kontrolin. Things that no matter what we do, we have no control over. So, you shouldn't blame yourself," masuyong paliwanag ni Jake na hinawakan pa ang kaliwang kamay ni Shin.
Pasimple namang binawi ni Shin ang kamay niyang hawak ni Jake. Makahulugang napatingin kaming dalawa ni Katie sa isa't-isa. Mukhang nagbibinata na yata si Jake.
Nahihiyang nagyuko ng ulo si Shin.
"I'm not that naive,” aniyang tinitigan si Jake sa mga mata nang buong kaseryosohan. “I know your intentions are pure, Jake, and I really appreciate all the things you did for me. I also don't want to give you a wrong signal pero kasi may anak at asawa na ako. It will be unfair to you."
"I understand and thanks for being honest, Shin. Gusto mo bang tawagan ko siya?" Nanatiling nakangiti nang masuyo si Jake. Parang hindi man lang ito naapektuhan sa sinabi ni Shinohara.
Katie and I are just listening. We didn't dare interrupt their conversation. Para kaming hangin sa kanilang dalawa at sila lang ang taong nag-eexist sa hapagkainan.
"No, please don't!” kaagad na tutol ni Shin. Nabitawan niya pa ang kubreyentos at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa amin. “Baka ilayo nila nang tuluyan ang anak ko." Napapakagat-labing dagdag pa nito. Niyakap nito ang sarili at mukhang nagpipigil na hindi maiyak. Nag-uumpisa na ring maginig ang katawan nito. Mukhang inaatake na naman ito ng anxiety. Agad na niyakap ito ni Jake at hinaplos-haplos ang likod.
"It might be too hard for you, but can you tell us why you said that? Bakit nila ilalayo ang anak ninyo?" ‘di makatiis na tanong ni Katie pagkatapos na ilang sandali.
Agad namang tumango si Shin at ikwenento ang lahat sa amin. Mula sa pagiging baliw niya sa pag-ibig, sa pakikipagsabwatan niya sa nanay ng asawa niya, sa pagpasok sa kanya sa mental hospital hanggang sa pagtangkaan na ang buhay niya kung saan ay kailangan na niyang tumakas.
"Napakawalang-hiya naman ng asawa mo, baka bonjing kaya makananay?" ‘di makatiis na komento ni Katie. She even rolled her eyes.
Agad naman itong sinaway ni Jake.
"Wait, ano nga ulit pangalan ng asawa mo?" curious kong tanong sa kanya.
"Stu... Stuart Gener."
"What?!" napasigaw ako. Hindi ako makapaniwala sa pangalang narinig ko. Ilang beses kong kinurap ang mga mata ko. I want to make sure that I heard it right.
"I know he's popular because of their businesses kaya ‘di na kataka-takang kilala ninyo siya," anitong hindi na nabigla sa reaksyon namin dahil pati sina Jake and Katie ay napaawang ang mga labi.
"Oh no, Shin mas may malalim na rason kung bakit kilala namin siya. Apparently, he's the boyfriend of Ken's best friend-- Blair," prangkang sagot ni Katie.
And just like us, her jaw dropped.