Chapter 17-2

1584 Words
PINLANO ko na makaalis ngayong gabi. Hindi na pwedeng ipagpaliban ko ito. Pagkatapos ng nangyari sa amin nina Angela at Stu, hindi na pwedeng manatili pa ako rito. Baka kapag pinatagal ko pa ang pag-alis ay baka hindi lang sa mental ang bagsak ko. Isang linggo kong minanmanan ang kilos ng mga katulong at security guard sa loob at labas ng bahay. I found out that by 2 AM ay wala ng tao sa may guard house dahil nagro-roaming ang dalawang guard na nakatalaga roon. Wala na ring mga katulong na palibot-libot sa loob ng bahay. 10 PM palang ay tulog na sila. Chin-eck ko ang wall clock sa ibabaw ng couch at nakita kong fifteen minutes na lang before 2 AM. Nakabihis na ako ng maong na pantalon, blank hoodie, at black sneakers. Suot ko na rin ang itim na backpack ko na may mahahalagang gamit at documents ko. Doon ko rin sinilid ang cellphone ko. Tiningnan ko si Alex na mahimbing na natutulog sa crib niya. Unti-unting nanlalabo ang mga mata ko dahil sa luha. Masakit man sa akin na iwan ang anak ko pero this is what I have to do. Nakita ko kung gaano kamahal ni Stu si Alex kaya alam kong hindi niya ito pababayaan. I just need to pull myself together. At kapag nakatayo na ako ay babalikan ko sila. I acted as if everything was normal. Hindi ako umalis ng kwarto. Iginugol ko lang ang oras ko kay Alex at nagpapahatid na lang ako ng pagkain. Sumilip ako ulit sa bintana. Nakita ko na lumabas na ang dalawang guard sa guard house. May dala-dala silang naka-on na flashlight. Ang isa ay binuksan ang gate at lumabas ang isa naman pumunta sa gilid ng mansyon. Mukhang magsisimula na silang mag-roving. Dali-dali akong pumunta sa crib ni Alex. Tuluyan nang tumulo ang mga luha ko. Napahawak ako sa dibdib ko. Para iyong pinipiga sa sakit. I bit my lower lip to suppress myself from sobbing. Nagtatalo pa rin ang isip ko kung aalis ba ako or hindi pero alam kong manganganib ako at tuluyang ‘di makakasama si Alex kapag nagpatuloy pa ako sa pag-stay sa bahay na ito. Pinatakan ko ng halik ang mga daliri ko at maingat na idinampi iyon sa pisngi ni Alex. Halos hilain ko na ang sarili ko para makalayo sa crib ni Alex. ‘Yong puso ko ay para nang kinakatay sa sobrang sakit. ‘Yong tipong gusto ko na lang pumalahaw ng iyak. Nang makarating ako ng pinto ay nilingon ko ulit si Alex. Wala siyang kamalay-malay na iiwan siya ulit ng nanay niya. Kung pwede ko lang siyang dalahin ay ginawa ko na pero I know it’s not a wise decision. Pinihit ko na ang seradura para buksan ito nang kaunti. Sumilip ako. Madilim na ang buong bahay at tanging liwanag na lamang mula sa poste sa labas ang siyang ilaw sa loob. Tuluyan na akong lumabas. Hindi ko na nilingon ulit si Alex baka panghinaan ulit ako ng loob. Dali-dali akong pumunta sa may garahe. Buti na lang at nasa akin pa rin ang susi ng sasakyan ko. Itinago ko iyon nang magkandaletse-letse ang buhay ko sa mansyon nina Stu. And it becomes very handy today. Kinuha ko ang susi mula sa bulsa ko at pinindot iyon para mag-unlock ang pinto. Kaagad akong pumasok sa driver seat. Hinubad ko ang backpack ko at inilagay iyon sa shotgun seat. Pagkatapos niyon ay sinuot ko na ang seat belt ko. Lahat ay may pagmamadali kong ginawa. Pinindot ko na ang start button ng sasakyan. Kinabig ko ang gear stick at tuluyan ng tinapakan ang silinyador. Narinig ko pa ang sigaw ng isang guard ng madaanan ko siya. Diniinan ko ang silinyador at pikit matang binangga ang nakaawang na na gate. Gaya ng isang guard kanina ay sinigawan din ako ng guard na lumabas ng gate. "Babalikan kita, Alex. Pangako ko sa iyo ‘yan. Mommy has to save herself first," I whimpered while driving so fast. Hindi ko na nilingon ang mga guard. Patuloy lang ako sa pagmamaneho nang mabilis. Wala akong saktong destinasyon. Ang gusto ko lang ay makalayo. Patuloy lang ako sa pagmamaneho hanggang sa makarating ako sa isang lugar na maraming puno at halos wala ng bahay. Lumingon ako at nagpakawala nang malalim na buntong-hininga nang makita kong walang sumusunod sa akin. I thought I had already escaped only to find out that the brake was not working! Binaha ng kaba ang puso ko. Halos mabingi ako sa sobrang lakas ng t***k ng puso ko. I keep on pressing the brake pero ayaw talaga. I can feel myself trembling. "No, no, no, you can't do this to me. I can't die like this. No!" Natataranta na ako. Mas bumilis ang andar ng sasakyan nang magkaroon ng slope ang dinadaan kong kalsada. Kahit gamitin ko ang emergency brake ay ‘di pa rin gumagana. Nilukob na ng takot ang puso ko. I'm thinking of the only way. I prayed to God na sana gumana ang plano ko. I made sure na nakakabit ng maayos ang seat belt ko. Hinila-hila ko pa ‘yon to make sire hindi iyon faulty. Sinigurado ko rin na naka-turn on ang airbag ng sasakyan. Tamang-tama madaming puno akong nadadaanan. Huminga ako ng ilang beses. Ibabangga ko ang sasakyan sa puno once the road is no longer on a slope. Bahala na... Hinawakan ko nang maigi ang manubela. Hindi ko na tinapakan ang silinyador. Akmang gigilid ko ang sasakyan nang biglang may sumulpot na itim na sasakyan at binangga ang sasakyan ko! Hindi ako makakilos sa sobrang gulat! Naging dahilan iyon para mawalan ako ng kontrol sa sasakyan. Huli na ang lahat nang makabig ko pakanan ang manubela. It is as if my life flashes before my eyes. Tila biglang nag-slowmo ang lahat. Tila naririnig ko ang hagikik ni Alex habang nagpagulong-gulong ang sasakyan. I can feel my right arm slams on the window. Ramdam na ramdam ko ang kirot niyon kasabay ng paghampas rin ng ulo ko sa bintana. Kahit saan na lang tumatama ang katawan ko. It feels forever bago ito huminto. Hilong-hilo ang pakiramdam ko. It’s as if I’m seeing stars above my head. Ito na yata ang katapusan ko. A tear fall from my left eye. Iniisip ko na sumuko na lang dahil napapagod na rin ako. But then, I remember my daughter’s giggles. They are ringing in my ears. I can't leave her. Hindi ko hahayaan na lumaki siyang walang kalinga ng ina. I have to fight for her. Kahit masakit na masakit ang katawan ko ay pinilit ko pa ring makalabas ng sasakyan. The car is already upside down. Napaigik pa ako nang bumagsak ako pagkatapos kong tanggalin ang seatbelt. Basag na bintana sa side ko. Kaya doon ko na napagpasyahan na dumaan. Pagapang na pinagkasya ko ang sarili sa bintana. Ramdam na ramdam ko ang sakit ng mga bubog na tumarak sa katawan ko pero ipinagwalang bahala ko na lang iyon. Ang mahalaga ay makalabas ako. Magkahalong tuwa at takot ang naramdaman ko nang may humila sa mga kamay ko. Akala ko iyon ang bumangga sa akin. I instantly suspected Angela as the main culprit of my accident. Kaya ganoon na lang ang tuwa ko nang makita kong babae ang tumutulong sa akin na makalabas sa saksakyan. "S-salamat," naluluhang sabi ko sa kanya. Halos hindi siya magkandaugaga sa pag-alalay sa akin. Hindi ko na kasi halos maihakbang ang mga paa ko sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Feeling ko nabugbog ako ng isang dosenang tao. Pinaupo niya ako sa tabi ng puno na hindi kalayuan mula sa sasakyan ko. "Wala iyon! Kahit sino naman na nasa katayuan ko ngayon, eh tiyak na tutulungan ka. May cellphone ka ba para makatawag tayo ng tulong? Lowbat kasi iyong akin," aniyang may mga ngiti sa mga labi. Mukhang kagagaling lang nito sa trabaho base sa suot nitong black pencil skirt, short sleeve na white polo at black pumps na may humigit-kumulang three inches. “N-nasa backpack ko…” "Sige kukunin ko muna medyo malayo pa kasi ang bahay namin dito. Baka mahirapan kang maglakad mas mabuti na magpasundo na lang tayo para madala ka na sa ospital." "S-salamat,” ani ko na napapapikit dahil sa sakit ng katawan ko. Napahawak ako sa noo ko nang maramdaman kong parang may tumutulo roon. When I check what it is, I see my blood. "Sige saglit lang ha?" Patakbo siyang pumunta pabalik sa sasakyan ko. Dahil bumaliktad ang kotse, padapa siyang pumasok para makuha ang backpack ko. At dahil sa ilang beses gumulong ang sasakyan ko ay mukhang ‘di niya agad nahanap ang backpack ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang nagsisimulang umapoy ang trunk ng sasakyan. May tumutulo na rin na kung ano mula roon. "Hey!!! Umalis ka na riyan!" malakas kong sigaw sa kanya "Saglit na lang malapit ko nang maabot nasa may backseat na kasi ang bag!" balik niyang sigaw sa akin. Mas lalo pa siyang sumuot sa loob ng sasakyan. "No, no, no, no! Please umalis ka na riyan! Umaapoy na ang sasakyan!" I try standing up. I need to save her! Ilang beses akong natapilok. Bumibigay ang mga paa ko sa tuwing humahakbang ako. “Please! Get out of there!” Nang makuha ko na ulit ang balanse ko ay akmang pupuntahan ko na sana siya pero bigla na lang sumiklab ang apoy. It was too late. Bigla na lang sumabog ang sasakyan. "No!!!" impit na sigaw ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD