Chapter 19

3054 Words
"Blair?" nagtatakang tanong ko. Kunot-noo ko silang tinitigan. "Yup, she's Ken's best friend," sagot ni Jake na huminto na sa pagkain. Nasa akin na ang buong atensyon niya. Hindi na siya nakayakap sa akin, pero ang kamay niya ay nananatili sa likod ko at marahang hinahaplos iyon. "Omg, Shin 'yong buhay mo para talagang teleserye! You should tell Stuart the truth baka mamaya yayain noong pakasal si Blair," nag-aalalang sambit ni Katie. "Nako, Shin gigil na gigil ako riyan sa mother-in-law mo, modern santa-santita rin, eh!" dagdag pa nito. Gigil na tinuhog nito ang tocino bago isinubo. Dinaan nito sa pagnguya ang gigil. "I doubt na papaniwalaan ako ni Stu. Naniwala nga iyon sa nanay niya na baliw ako. He even hurt me dahil akala niya sinaktan ko nanay niya," malungkot kong tugon. "If he only knows how to listen... ‘Di kami aabot sa ganito. Though, kasalanan ko rin naman kung bakit siya nagkaganoon. Kung hindi ko lang siya trinaydor, then maybe, he will still believe me. If I wasn't too blinded about my feelings for him.” I sighed. “The crazy things you do for love." Dinampot ko ulit ang kutsara at tinidor mula sa pinggan kahit na nawalan ng ganang kumain. "At some point in our life, we do crazy things because of our greatest desire. Successful or not, there will always be consequences. The most important thing is that you realize your mistake and learn from it. You have the realization of how to become a better person. Besides, making mistakes is what makes us humans," masuyong payo ni Jake. I looked at him, and our eyes met. He smiled at me, and I smiled back. I guess it’s because of his profession that he knows exactly what to say to make me feel better. Despite the pain that Angela and Stuart give me, I'm still thankful because I've met these people. They took care of me without any hesitation. They didn’t even know me! "Ken," tawag ko sa lalaking nagligtas as akin, trying to get his attention. He was silent the entire time after I told them who my husband was. Nakailang ulit pa akong tawagin siya bago siya tumingin sa akin. Bahagya pa siyang nagulat nang makitang nakatingin na kami lahat sa kanya. "Why something's wrong?" tanong nito na nagpalinga-linga pa sa amin. Parang kagigising lang nito sa mahimbing na pagtulog. "Well, ang lalim lang naman ng iniisip mo. Hindi nga kami makalangoy eh," natatawang sabi ni Katie. Pailing-iling pa ito. "Panigurado si Blair ang iniisip niyan," dugtong ni Jake sa tonong nagbibiro. I looked at Ken at napansin ko na kahit nakangiti siya sa biro ni Jake halatang-halata na may iniisip siya, na para bang katulad ko ay may mabigat din siyang dinadala. Then, it hit me. "You're in love with, Blair," di ko mapigilang sabihin iyon. "Yep, everyone knows it except, of course, Blair," sagot ni Katie na nakataas na ang kaliwang kilay habang nakatingin kay Ken. "Why didn't you tell her?" "I actually don't know.” He sighed. “I thought by doing these nice things to her, she would know eventually. You know, action speaks louder than words. I actually thought mahuhulog siya sa mga pa-fall moves ko, pero parang dahil sa ginawa ko na-friendzone tuloy ako. 'Langya lang," aniyang natatawa pero bakas naman ang lungkot sa mga mata. "Yet, you continue to become his knight in shining armor. To the rescue ka agad every time na nangangailangan siya," Katie snorted. "Anong magagawa ko, eh marupok ako sa kanya? I'd be willing to give my world to her if only she'd let me." "Binigay mo na nga kahit ‘di niya pa hinihingi. Itsura nito," banat ulit ni Katie na napapailing pa. "Hindi man makinig si Stuart sa akin pero I think kailangan mong sabihin kay Blair ang totoo. She will be heartbroken. Oh my God, dahil sa ginawa ko ang daming nagiging complicated ang sitwasyon,” nakokonsensyang ani ko. Napatungo ako at binitawan ang mga kubyertos sa plato. "Hey, hey, don't stress yourself out,” agad na saway ni Ken. “Don't worry about it. Siyanga pala, aalis ako sa linggo. Blair invited me to a celebration." "Can I go, please? I have a feeling na dadalo si Stu. I know it is such a big risk kasi akala niya patay na ako at kapag nalaman ng nanay niya, panigurado akong may gagawin siya uling ‘di maganda sa akin. But then, I have to do this. I have to take a risk. Baka this time paniwalaan na niya ako. I still believe in him, though…." "If that's what you want. I can take you with me," sang-ayon ni Ken makaraan ng ilang segundong pananahimik. "Thanks, Ken. Ang laki na ng utang na loob ko sa inyo." "Nah, don't mention it. Glad we can be of help.” Napangiti ako. I just wished this time paniwalaan na ako ni Stu kung sakali. I’M at the side of the pool sitting while my feet are submerged in the water. I feel at ease while playing with my feet, regardless of the coldness of the water. I’m enjoying the serenity of the place. Malayo kasi ito at medyo liblib. But despite that, it’s still an excellent place to unwind. Napapikit ako at ninamnam ang malamig na ihip ng hangin kasama na ang mainit-init na sikat ng araw. Medyo malimlim ang pwesto ko dahil sa mayayabong na mga puno. Naramdaman ko na lang na parang may na tumabi sa akin. I open my eyes and find Jake sitting beside me, doing the same thing. Bahagya siyang ngumiti sa akin na sinuklian ko naman. We are both silent. Tipong pinapakiramdaman lang namin ang isa’t-isa. "Are you sure you want to go?" tanong nito sa akin pagkalipas ng ilang sandali. Marahan akong tumango ng hindi man lang tumingin sa kanya. Itinukod ang mga kamay ko sa magkabilang gilid at tiningnan ang mga paa ko sa tubig. "Yes, buo na ang pasya ko. Marami pa rin akong agam-agam pero I know I have to talk to Stu. Sasabihin ko sa kanya ang lahat at kung ‘di niya pa rin ako matanggap, siguro panahon na para mag-move-on, mag-file ng annulment at makasama ang anak ko. ‘Di ko siya tatanggalan ng karapatan sa anak namin." I sighed. Masakit pa rin and I wonder when this pain will end. "Alam mo, kahit galit siya sa akin, hindi niya talaga dinadamay ang anak namin. Noong pinagbubuntis ko si Alex, I thought he would despise her, but he didn't. Kahit ‘di kami nag-uusap, kahit ‘di niya ako pinapansin, every time na may out of the country business trip siya, kada uwi niya lagi siyang may pasalubong kay Alex. He was even the one who named her. Kaya kahit nasasaktan ako habang kasama siya, tiniis ko ang lahat kasi iniisip ko na darating 'yong panahon na mapapatawad niya ako at baka matututunan niya ring mahalin kahit para man lang sa anak namin. I thought that showing him how much I cared for him and loved our daughter would be enough for him to love me. But boy, I was wrong… so wrong." Iniisip ko pa lang mga pinagdaanan ko naiiyak na ako at pakiramdam ko pinipilipit ang puso ko sa sakit kapag naiisip ko na masaya sila ng anak ko kapiling ang ibang babae. "You can cry if you want." Nilingon ko si Jake and he gently smiled at me. "You can use my shoulder too,” aniyang tinapik pa ang kaliwang balikat niya. "Why are you so good to me? I mean kayo. Ang bait ninyo sa akin, ni hindi niyo ako kilala. What if nagsisinungaling lang ako sa inyo?" "If ‘di ka namin tutulungan, if we are not too trusting.. then who else will?" malamlam ang mga matang tugon niya sa akin And it warms my heart. "I'll be forever grateful." "To tell you honestly, Shin sa mga buwan na nakasama ka namin, I know you're a good person. People make mistakes, but it doesn't define them as a person. Sometimes, all we need is someone who will listen to us. Someone who understands and will knock some sense into our heads if our actions are too much." Tumango ako. "Right. I can tell you're a great guy, Jake. Ang swerte ng babaeng mamahalin mo." Napatawa siya na ikinataka ko. Bahagya pa siyang napakagat-labi. Whenever I look at him, there's something in his eyes that makes me drawn to him. 'Yong tipong para kang hinihipnotismo ng mga mata niya. "You think so?" "Of course! Ang tanga na lang niya kung pakakawalan ka pa niya. And I don't know if it's because you're a psychiatrist. You know exactly what to say and you have a way of talking to people." "Hmmn... that's interesting," napapangiti niyang komento. Yumuko siya at tiningnan ang mga paa na nakalublob din sa pool. "Bakit naman?" nagtataka kong tanong. Humarap ako sa kanya para makita ang reaksyon niya. Hinarap niya rin ako at tumingin ng matiim sa akin. "Sa'yo na rin nanggaling. Tanga ang babaeng papakawalan ako. Now tell me, Shin. Tanga ka ba?" Napaawang ang mga labi ko. I didn't expect that from him. Gino-good time lang ba ako ng lalaking ito? I was waiting for him to take it back, na joke lang iyong sinabi niya. Tapos sasabihin niyang it’s a prank. But to my dismay, he never did. Seryoso ba talaga siya? It doesn’t take a genius to read between the lines. Bahagyang umawang ang mga labi ko. Shock is wrtten all over my face. "Is it too hard for you to believe me?" "A-are you serious?" "Bakit hindi?" "Jake, alam mong may asawa't anak ako. My life is very complicated and I don't want any more complications." Diyos ko. Why me? I mean, obviously, Jake is a very handsome guy, and his personality is superb, pero bakit ako? Ako na napakagulo na nga ng buhay, may sabit pa! "Life is never easy, Shin. At some point in time, it will really get complicated lalo na sa mga maling tao. I'm not asking you to reciprocate my feelings. I just want you to know that I'm always here till you figure everything out. I will help you as much as possible and wait till you're ready," anitong parang ‘di man lang naapektuhan sa sudden rejection ko. "Pero, Jake bakit ako? For sure, maraming nagkakandarapa sa'yo. Bakit ako na ‘di lang maraming issues sa buhay, may sabit pa?" "Noong nainlab ka ba kay Stuart, may mga rason ba?" Napaisip din ako. As far as I remember, ‘di ko rin maipaliwanag kung bakit. Basta naramdaman ko na lang. ‘Di ako nakasagot sa tanong niya. "Quiz ba ito? 'Di kasi ako nakapagreview." After a while, I jokingly said trying to divert the topic. Napatawa naman ito at mahinang kinurot ang pisngi ko. "You're so adorable, Shin. I hope you'll realize how genuine and valuable you are. Pasok na ako sa loob. If you need me I will be at my office," anitong ginulo muna ang buhok ko bago tumayo at umalis. He was smiling knowingly. Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa nakapasok na siya ng bahay at nawala na sa paningin ko. Seriously, what the hell was that? "AALIS na kayo?" tanong ni Jake nang papalabas na kami ni Ken ng bahay. "Yes, nakabihis ka yata may lakad ka?" Kunot-noong tanong din ni Ken sa kanya. Pinaikot-ikot pa nito ang key chain ng kotse na nasa sa hintuturo nito. Nakasuot ito white long sleeve shirt na hapit na hapit sa katawan. Kitang-kita ang defined biceps nito na alagang gym. Nakapangbaba ito na blue jeans. Ang leather black shoes nito na sa sobrang kintab ay mahihiya ang langaw na dumapo. Maayos na nakaside part ang buhok nitong may ivy league cut. "Yep, I'm coming with you. Panigurado kasing mabi-busy ka mamaya kay Blair. Shin needs support and I'll volunteer myself. By the way, you look great, Shin," nakangiting komento nito at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Nakasuot ako ng plain black long sleeve dress na may mermaid style. Hanggang sakong ang haba nito. Pero kung gaano ako kabalot sa damit na ito ay hindi naman naitago ang kurba ng katawan ko sa sobrang hapit ng gown. Kahit may anak na akong isa ay hindi iyon halata. Sabi ni Katie ay para pa rin daw akong dalaga tingnan. Napapailing na lang ako. Simula noong usapan namin sa pool naging extra sweet ito sa akin. Lagi nitong sinisigurado na ayos ako at lahat ay provided sa akin. Kahit ilang beses ko na siyang sinabihan na wala siyang mapapala sa akin, parang balewala lang ito. Bagkus ay ngingiti-ngiti lang ito sa akin. "That's great! Now, let's go,” yaya ni Ken na naka-black long sleeve shirt naman, black jeans at checkered vans ang suot nitong sapatos. GULAT na gulat ako nang huminto ang sasakyan. Hindi ko akalain na sa Havens pala ang location ng pupuntahan namin. Maraming nakakakilala sa akin dito dahil regulars kami ni Risha. "Oh my, God sa Havens talaga?" Nanlalaki ang mga matang tanong ko kay Ken. Siya kasi ang nagmamaneho ng sasakyan, katabi niya si Jake na siyang nakaupo sa shotgun at ako naman, sa back seat. Bahagya pa akong lumapit sa kanila at sumiksik sa espasyo sa pagitan nila. Sinisiguro ko na karatula ng Havens ang nakikita ko. "You know this place?" tanong ni Jake na nilingon ako. Halos muntik nang dumampi ang labi niya sa labi ko sa bigla niyang paglingon! Agad akong umayos ng umupo sa backseat at ibinaling ang tingin sa labas ng sasakyan. For some odd reason, kinabahan ako nang magkalapit ang mukha namin. "You're so cute, Shin," napapangiting sabi nito sa ginawi ko. Nagtataka namang nagpalipat-lipa't nang tingin si Ken sa aming dalawa ni Jake. "May ‘di ba ako alam? I feel so clueless." Mahinang napatawa si Jake. "So, Shin you know this place?" tanong niya ulit at ‘di pinansin ang sinabi ni Ken. "Yep, I'm a regular here. Kilala ako ng mga tao riyan at kilala rin nila si Stuart. I wonder why Blair invited you here, Ken." "She said she only wanted to have a good time. Anyway it's a good thing, I'm a boy scout. I know this will happen, so I got you a wig and thick eye glasses," he said while handing me over the eye glasses and the long hair wig that had bangs. "Salamat." Agad ko itong sinuot. Buti na lang nabagay sa suot kong dress. Pinagbuksan pa ako ni Jake ng pintuan at inalalayan hanggang sa makapasok at makahanap ng mauupuan sa loob ng bar. Halos walang nagbago sa Havens, pareho pa rin ang ayos nito noon. Maingay dahil sa tugtog at medyo madilim. Tanging disco lights at mga maliit na wall light lang ang tanging ilaw na nakabukas. Napili naming maupo sa medyo sulok at madilim na bahagi ng bar. Kitang-kita sa kinaroroonan namin ang mga taong papasok. Sinadya namin iyon para malaman kung dumating na ba si Stu or hindi pa. Napapagitnaan ako ng dalawa habang nakaupo kami. Nag-order na rin ng inumin sina Ken at Jake. Buti na lang at wala pang nakakakilala sa akin. Mukhang effective nga ang wig at eyeglass na hinanda ni Ken. Ilang sandali pa ay may nakita akong babae na papasok ng bar. ‘Di ko masyadong maaninag ang mukha niya. Pero kahit gano'n, napapalingon ang mga taong nadadaanan niya. She has this strong yet soft aura na lahat ay napapalingon sa kanya. I wonder if she's a model because she walks and dress like one. I'm trying so bad to see her face nang biglang nag-excuse si Ken. Ni hindi na nito hinintay na sumagot kami. "That's Blair," sigaw ni Jake para magkarinigan kami. Masyado ng malakas ang tugtog at bukod pa doon ay ang hiyawan ng mga tao sa dance floor. ‘Di ako kumibo sa sinabi ni Jake. Nakatingin lang ako sa babae habang sinisimsim ko ang orange juice ko. Wala akong balak uminom ng alak ngayon. I want to be sober. Baka kasi kapag nag-usap kami ni Stuart maging issue pa ang pagiging amoy alak ko. Nakita kong lumapit si Ken sa babae at nag-beso-beso sila. Iginiya niya ang babae sa may bar counter at inalalayang umupo. I don't know why, but I can't just take my eyes off them. She moves so finesse. Makalipas ang ilang sandali ay nakita ko na si Stuart na papasok. He looks so handsome in his outfit, kahit na simpleng black long sleeves na itinupi hanggang siko at pantalong maong lang ang suot nito. May dala-dala pa itong bouquet . Ibinaba ko ang inumin ko at akmang tatayo na sana para puntahan siya pero pinigilan ako ni Jake. Hinawakan niya ang braso ko. Sobrang bilis nang pangyayari. Nakita ko na lang si Stu na nakaluhod na sa harapan noong babae at parang may inaabot. Everyone in the bar were chanting, "yes". Biglang lumiwanag ang buong bar. Ang bawat tv na nasa loob ay may video clip ng mga pictures ni Stu at noong babae. Hindi ko mapigilang mapahikbi nang makita kong tumango 'yong babae ng ilang beses at inilahad ang mga daliri niya. May kung anong bagay ang nilagay ni Stu sa daliri niya na napagtanto kong singsing. Nagyakapan sila at hinalikan niya ang babae sa labi. Nakatulala lang akong nakatingin sa kanila habang patuloy na umaagos ang mga luha ko. Ganito pala kasakit makita ang minamahal mong masaya sa iba. Mas masakit palang makita ang katotohanang walang kayo. At kahit may karapatan ako bilang asawa, hindi ko magagamit 'yun kasi we tricked him in the first place. Ayokong i-risk iyon at gawing alas dahil baka mas magalit pa si Stu sa akin. Hanggang kailan ba ako masasaktan? Kailan ba ako sasaya? Bakit ang damot ng kaligayahan sa akin? Bahagya pa akong nagulat ng may humila sa akin at may dalawang brasong pumalipot sa katawan ko. "Iiyak mo lang. Ibuhos mo lahat. Lagi mong tatandaan na nandito lang ako. When the star you longed for, gives his shine to someone else; always remember that, there will always be a little star who's willing to give his shine to you. Even if you don't ask for it. I can be that little star, Shin.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD