Episode 7

1500 Words
AGAD akong lumabas sa opisina ni Fernan dahil hindi ko nakayanang makita ang ginagawa ng babae at si Fernan. Nasasaktan ako ng sobra as in sobra na parang hinihiwa ng kutsilyo ang puso ko at unti-unting nawawasak. Hindi ko napigilang maluha dahil sa sakit na nararamdaman ng puso ko. Habang naglalakad ay nagpapahid ako ng luha sa aking mga mata. Nagpasya akong pumunta ng C.R. upang doon ibuhos ang mga luha ko. Pagkarating ko sa loob ng CR sakto namang walang tao. Nagkulong ako sa isang cubicle doon at impit na umiyak. Kung magkasakit kaya ako maawa kaya sa akin si Fernan? Parang gusto kong kutusan ang sarili ko dahil nananaginip ako ng gising. Mangyayari lang iyon sa panaginip ko. Gusto kong matawa sa sarili dahil umaasa pa akong magbabaogo ang pakikitungo niya sa akin. Noon ngang nakunan ako imbes na maawa sa akin ako pa ang sinisi sa pagkawala ng anak namin. Mas masakit sa aking mawala ang anak ko dahil ako ang ina. Walang kapantay sa akin ang sakit na mawalan ng anak. Nanghihinayang ako sa magiging anak ko sana. Siya na lang kasi ang masasabi kong akin. Dahil si Fernan ay kailanman ay hindi mapapasa-akin. Bumuhos na naman ang luha ko na parang talon na walang humpay sa pagbagsak. Naulinigan kong may pumasok na mga babae sa CR. Pinahid ko ang luha ko bago nagpasyang lumabas. Inayos ko muna ang sarili bago lumabas ng cubicle. Yumuko ako para hindi nila mapansin ang namumugto kong mga mata. Nagdalawang isip ako kung babalik ako sa opisina ni Fernan. Ngunit naisip kong baka hanapin ako ni Fernan. Hindi dapat ako magpa-apekto sa nakita ko. Huminga muna ako ng malalim bago bumalik sa opisina ni Fernan. Baka wala na ang babae. Pagkabukas ng pinto ay hindi ko inaasahan ang hindi ko dapat masaksihan. Umawang ang labi ko habang nakatingin sa dalawang taong magkapatong sa ibabaw ng table ni Fernan. Napaatras ako. Kahit ang pakiramdam ko ay mabigat dahil sa nasaksihan ko ay marahan kong isinara ang pinto at lumabas ng tahimik. Nang maisara ko ng maingat ang pinto ay napasandal ako doon. Ang t***k ng puso ko ay napakabilis. Napahawak ako sa ibabaw ng dibdib ko. Pakiramdam ko ang puso ko ay durog-durog na. Bakit ba lagi na lang niya akong sinasaktan? Kailangan bang ipakita sa aking may iba na siya upang iwasan ko siya? Naiinis ako sa sarili ko dahil kahit sinasabi ng isip kong lumayo ako kay Fernan ngunit hindi ko kayang gawin. Mas nahihirapan akong gawin ang inuutos ng isipan ko. Paalis na sana ako ng makasalubong ko si Tita Lily. Bigla ay kinabahan ako. Papunta siya sa opisina ni Fernan. “Tita!” tawag ko dito. Lumingon siya. Mukhang nagulat siya na makita niya akong nandito. “Anong ginagawa mo dito? Kinuha ka bang sekretarya ni Fernan?” tanong niya. Umiling ako. “Good morning. Tita,” bati ko. Humalik ako sa pisngin niya. “May pinagagawa lang po si Fernan sa akin.” Dagdag na sabi ko. Alangnaning ngiti ang sumilay sa aking labi. “Hindi ko akalaing isasama ka ni Fernan dito sa opisina niya. Unang beses ito.” Anito na hindi makapaniwala. “Well, maganda iyan para masanay kayo sa isa’t isa.” Nakangiti nitong sabi. Gusto ko sanang linawing hindi akoi pinapunta ni Fernan upang makapagsarilinan kami kundi para pahirapan. Nagulat ako ng kunin niya ang kaliwa kong kamay at hinila patungo sa opisina ni Fernan. “Halika sabay na tayong pumasok sa loob. May ibibigay kasi ako kay Fernan.” Bigla akong kinabaha. Paano nga ba niya mapipigilan si Tita Lilly? Baka makita niya ang ginagawa ng dalawa. Malaking gulo ito kapag nagkataon. Sigurado na ako ang sisisihin ni Fernan. Expect ko na mangyayari iyon. |Palagi naman. Napatigil sa paglalakad si Tita Lilly at nilingon ako. “Are you alright? You look tense,” sabi nito. “O-Okay lang po ako Huwag niyo po akong alalahanin.” Sabi ko kahti kabang-kaba ang nararamdaman ko sa sandaling ito. T-Tita, m-may kausap po si Fernan sa loob. Mamaya na lamang po kaya tayo pumasok?” Pagkumbinsi ko sa kanya para hindi niya makita ang hindi dapat makita. Napangiti si Tita sa sinabi ko. Hinawakan niya ang braso ko at tinapik. “Ayos lang, hija. Palagi naman akong pumapasok diyan kahit may bisita pa siya. Okay naman yun kay Fernan.Kug hindi pumayag ang lalaking iyon, tutuktukan ko ang ulo niya!” gusto kong matawa sa biro ni Tita Lilly. Nangamot ako ng ulo ko. Hindi ko na siya napigilang pumasok sa loob ng opisina ni Fernan. Sumunod ako sa kanya. Kinakabahan ako sa mangyayaring gulo. “Mahabaging langit! Anong ginagawa niyong dalawa?! Diyos ko! Fernan, anong ibig sabihin nito?” Narinig kong sabi ni Tita Lilly. Nanlalaki ang mga mata nito. Ako naman ay nasa medyo malayo sa kanya. Hindi ako makatingin ng maayos sa dalawang taong nasa ibabaw ng table. Parang ako pa ang nahihiya sa hitsura ng dalawa. Kung kaninang nakita ko sila ay may damit pa. Nakahubad ang kasamang babae ni Fernan. Samantalang siya ay nakababa ang pants nito. Halos kita na ang puwit niya. Napabaling sa iba ang tingin ko. My god! Ako pa ang nahiya sa hitsura nila. Parang nawala ang nararamdaman kong sakit ng puso ko dahil sa hitsura nila ngayon. Nag-antanda si Tita Lilly. Dali-daling nagbihis ang dalawa kahit nandoon pa kami. Namumula ang hitsura ng dalawa. Dapat lang mahiya sila sa ginagawa nila. Bakit dito pa nilang nakuhang gumawa ng milagro. Puwede namang sa hotel. Bakit dito sa opisina na puwedeng may ibang tao ang makakakita. Nakakahiya sila. “Ikaw babae get out! Ayokong makikita ang pagmumukha mo dito! Napakabalahura niyong dalawa. Dito pa talaga kayo nagkakantutan?” Napamaang ako sa sinabi ni Tita Lilly na word. Nag-init ang pisngi ko. Hinawakan ko ang braso ni Tita Lilly upang pigilan siyang magalit ng todo. “Ikaw Fernan kailan mo pa ito ginagawa? Of all places dito pa kayo gumagawa ng kababuyang dalawa! Paano na lang kung ibang tao ang pumasok? Kahiya-hiya ka! I’m very disappointed to you Fernan. Akala ko -” hindi naituloy ang sasabihin ni tita Lilly ng mapahawak ito sa ibabaw ng kanyang dibdib. Tila nahihirapang huminga. Hinawakan ko siya. “Tita, ayos lang po ba kayo?” nag-aalalang tanong ko. “Mom!” Akmang hahawakan ni Fernan si Tita ngunit tinabig niya lang ang kamay ng anak. Tiningnan niya ito nang may pagkadismaya. “Tayo na Bernadette ayoko dito.” Utos sa akin ni Tita. Nag-alala ako sa kanya kaya sinunod ko ang utos niya. Napasulyap ako kay Fernan. Isang masamang tingin ang ibinigay niya sa akin. Isang malalim na buntonghininga ang pinkawalan ko. Inalalayan ko si Tita Lilly palabas ng pintuan. Bakit naman masama ang tingin sa akin ni Fernan? Iniisip niya bang ako ang nagsabi na may ginagawang masama sila ng babae? Pinaupo ko muna si Tita sa upuang nandoon nang marating namin ang lobby ng building. Mukhang hindi maganda ang lagay ni Tita Lilly. Hinahabol niya ang kanyang paghinga. “Dalhin ko na kaya kayo sa ospital? Mukhang hindi maganda ang lagay niyo, Tita.” Suggestion ko sa kanya. Umiling siya. “Ayos na ang pakiramdam ko. Huwag ka ng mag-alala.” Hinimas ko ang likod nito. Napakapit ng mahigpit si Tita sa braso ko ng habulin nito ang paghinga. Nataranta ako ng mawalan ng malay tao ito. “Tita!" Sigaw ko. Napaiyak na ako dahil natakot ako sa mangyayari sa kanya. Kasalanan niya ito dahil hindi siya gumawa ng paraan upang hindi matuloy sa pagpunta sa opisina ni Fernan. Natatakot akong may masamang mangyari sa kanya. Huwag naman sana. “Tulong! Tulungan niyo ako!” Paghingi ko ng tulong. Humahangos na dumating si Fernan. “Anong nangyari?” Galit na tanong nito sa akin. “Bigla na lang siyang nawalan ng malay tao,”sabi ko. Matalim niya akong tiningnan. “It’s all your fault. Sinadya mong papasukin si Mommy sa opisina para makita niya kami. Ano masaya ka na? Ikaw ang may kasalanan! Kapag may nangyaring masama kay Mommy mananagot ka sa akin. Ihanda mo ang sarili mo! I swear to god!” galit na sabi nito. Parang gigil na gigil siya sa akin. Bakit ako ang sisisihin niya? Siya itong dapat nag-iingat. “Hindi ko alam na may ginagawa kayong milagro sa loob ng opisina mo.” Hindi ko na napigilang ipagtanggol ang sarili ko. Palaging ako na lang ang mali sa paningin niya kahit siya naman ito ang mali. Sumusobra na siya! Napaigik ako ng hawakan niya ang braso ko. “Oras na may masamang mangyari kay Mommy I will make sure you will pay for this!” aniya saka niya malakas na binitawan ang braso ko. Binuhat niya si tita Lilly at iniwan niya ako. Nangilid ang mga luha ko. Bakit ba ako ang lagi niyang sinisisi? Hindi ko ginusto ang nangyari. Bakit ko naman gusto na mawala si Tita Lilly? Siya na lang ang nag-iisang taong nagmamahal sa akin bakit ko gugustuhing mawala siya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD