Episode 1
DAHIL sa sama ng loob hindi mapigilan ni Fernan na maghinanakit kay Isabella dahil mas pinili nito si Chris na nanakit lang sa kanya. Ano ba ang meron sa lalaking iyon at tila balewala na siya kay Isabella?
Ilang buwan na ang lumipas ngunit narito pa rin ang sakit sa kanyang puso dahil sa pakikipaghiwalay ni Isabella sa kanya. Nakakapanghinayang lang dahil akala niya sila na ang nakatadhana ngunit hindi naman pala. Mahal na mahal niya si Isabella na kahit ang anak nito ay kaya niyang ituring na parang tunay niyang mga anak. Ngunit sadyang mas matimbang ang asshole na si Chris.
Tinungga ni Fernan ang isang bote ng whiskey. Hindi niya alintana ang ingay sa kanyang paligid at walang pakialam kung mukha na siyang wasted sa itsura niya.
“Hey, stop drinking!” May umagaw ng bote na hawak niya. Napalingon ako sa mapangahas na taong iyon.
“Give me back the bottle I need to drink!” Pilit kong inagaw sa kanya ang bote ngunit inilayo lang niya iyon.
“I was looking at your office but your Secretary told me you didn’t come to the office. Ano bang nangyayari sa iyo, Fernan? Look at yourself mukha kang pulubi. Para kang hindi nagpalit ng damit at hindi naligo.” Sermon sa kanya ni Leonardo.
“Go away kung sesermunan mo lang ako! Wala kang ipinagkaiba kay Mommy, lagi na lang sermon ang inaabot ko. Please, pagbigyan niyo na ako kahit ngayon lang!” Aniya saka inagaw muli ang bote ngunit hindi na niya nakuha. Marahas na nagbuntonghininga si Leonardo.
“Naiintindihan ko ang nararamdaman mo pero hindi dapat ganito. Sinisira mo ang sarili mo at pati na ang trabaho mo. Ilang araw ka nang absent sa opisina mo sabi sa akin ng Sekretarya mo. Fernan, isipin mo naman ang mga taong nasa paligid mo at hindi ang taong iniwan ka. She’s not worth for your time and love. She love someone else, you need to accept it or else masisira ang buhay mo.”
I shook my head at what his statement. “I can’t just let her go. Hindi ko kaya, Leo. Ikamamatay ko kung hindi siya ang babaeng para sa akin!
KUMUNOT ang noo ni Fernan nang makita si Bernadette na nasa tabi niya at walang saplot sa katawan. Napasulyap ako sa katawan ko na wala ring saplot. Nakatakip ang kumot ang pang-ibabang bahagi ng katawan ko. Wala akong matandaan sa nangyari kagabi. I was too drunk.
Tinapik ko ang balikat niya ng malakas. Naalimpungatan si Bernadette. She get up and looked at her naked body. She immediately wrapped the blanket around her body.
“Plinano mo ba ito? Magaling kang gumawa ng plano. b***h!”
She shooked her head at my question. “L-Lasing ka k-kaya may nangyari sa atin.” She explained. Bumaba sa kama si Bernadette at isa-isang pinulot ang mga damit niya na nasa sahig. Sinusundan ko ng tingin ang bawat galaw niya.
“I'm drunk and have no idea what I'm doing. However, you were not drunk. You took advantage of my drunkenness.”
Akala naman niya maniniwala ako sa mga alibi niya. Kahit hubot hubad siya tumayo siya upang pumunta sa banyo. Bago pumasok sa loob ng bathroom ay nilingon niya si Bernadette na umiiyak. Nagmamadaling lumabas ito ng silid niya.
Nagtagis ang bagang niya dahil sa inis sa sarili dahil sa nagawa niyang pagkakamali! Yes, pagkakamali iyon dahil hindi ko siya mahal at hindi dapat nangyari sa amin ito!
Napasuklay siya sa kanyang buhok dahil sa frustration. Why did I allow myself to get drunk last night? It would never happen. I shut my eyes. What if I accidentally get her pregnant? I should have exercised more caution. s**t! I didn’t use any protections.
“F*ck!” Napamura siya.
Pagkatapos niyang maligo ay dumiretso sa lagayan ng alak. Kinuha ang alak at tinungga mismo sa bote. Napangiwi siya sa tapang ng lasa nito. Pero wala na yatang papantay sa sasakit na nararamdaman ng puso niya nang makipaghiwalay sa kanya si Isabella. Umupo ako sa sahig at itinunga ang hawak kong bote ng alak. Habang umiinom ay siya namang walang tigil ang pagpatak ng mga luha ko sa mga mata.
I’m still sad because I can’t be with Isabella. Napasalampak ako sa sahig habang tinutungga ang alak. May luhang pumatak sa pisngi ko. I wiped it using my thumb. Hanggang ngayon napakasakit pa rin sa kanya ang nangyari. Napahiga siya sa carpeted floor at doon ginupo na ng antok.
Nagising si Ferna dahil sa hanging dumadampi sa kanyang pisngi. Iminulat niya ang mga mata. Nagtaka siya dahil nasa ibabaw na siya ng kanyang kama. Napahawak siya sa kanyang ulo nang kumirot ito. Tila martilyong pinupokpok ang sakit na nararamdaman niya.
Paano ako nakapunta dito? As I remember I was lying on the floor. Tanong niya sa kanyang sarili. Napatingin siya sa orasan na nasa ibabaw ng table sa gilid ng kama niya. Alas dose na ng tanghali.
I need to go to my office. Muntik na siyang ma-out of balance nang tumayo siya sa kama. Napahawak siya sa kanyang ulo nang makaramdam ng hilo. Parang umikot ang kanyang mundo.
Pagkababa niya ng hagdan nasalubong niya si Bernadette na may dalang tray ng pagkain. Tila paakyat na ng hagdan. Napahinto siya sa paglalakad.
“G-Gising ka na pala dadalhan sana kita ng tanghalian mo.” Nang makita niya akong pababa ng hagdan. Sinamaan ko siya ng tingin.
“Did I tell you to bring me food? I do not want to eat!” galit na sigaw ko rito saka tinabig siya. Muntik ng mahulog ang dala nitong tray mabuti na lang naagapan nitong mahawak ang tray.
“Tsk! Paharang-harang sa daanan ko!” Inis na sabi ko at saka niya ito tinalikuran. Hindi ko na tiningnan ang kanyang mukha. I don’t care if she is disappointed by my actions.
NAPASULYAP ang mga empleyado ni Fernan sa kanya. Maybe they notice my look. Hindi maayos ang kanyang suot at pati na ang buhok niya. Parang hinabol ng plantsa ang shirt niya at pati na ang pants na suot niya. Pumasok siya sa opisina niya. Napasulyap siya sa kanyang table. Napabuntonghininga siya nang makita kung gaano kadami ang kanyang gagawing trabaho. Tambak ang mga papeles na re-review-hin at pipirmahan.
Nang makalapit sa kanyang table ay agad siyang umupo at pagod na isinandal ang kanyang likod sa sandalang ng swivel chair. Suddenly my door open. My secretary gets in.
“Sir, hinahanap po kayo ni Mr. Sarmiento kahapon. Sabi niya hindi niya raw po isasarado ang deal kung wala po kayo,” sabi ng secretary niya.
Napabuntonghininga siya. Nakalimutan niyang may meeting pala sila ni Trevor.
“Call him and set an appointment again,” he ordered my secretary. She nodded and left his office. I was having difficulty dealing with the papers in front of me. I need to focus on my work. It will not help my business if I am distracted by my problem.
Natuloy ang meeting nila ni Trevor. Kung hindi niya lang kailangan ang lalaking iyon hindi siya makikipagkita. Nayayabangan kasi siya sa isang ‘yun at kaibigan niya rin ang numero uno kong kaaway. Walang iba kundi si Chris Montero. Dahil sa kanya hindi mawawala sa akin si Isabella, inagawa niya siya sa akin. Bakit pinili niya pang balikan ang asshole na ‘yon.
“Are you okay, Fernan? You don't seem to sleep well?” Trevor joked with me. I just laughed.
“Nah, I’m just busy and tired. I’m sorry I look sleepless. You may have read our proposal. We both benefit from this project. I can assure you that our company will have more exposure not only here but also abroad.” I said.
For a few years, I have been running my own company, and I have also become well-known in Asia. I also want to venture into the US market.
“Just make sure Fernan. Because your life will be hell if our business is not successful,” napangiti ako sa kanya.
“Don't worry you know me,” paniniguro ko sa kanya. We shook hands to close the deal.
Pagkapasok ng bahay bumungad sa harapan ang kanyang ina - may ngiti sa kanyang labi.
“Mom,” bati ko. I approached and kissed her cheek.
“I just want to visit you son.” Hindi lang naman siya ang gusto niyang bisitahin kundi pati na rin si Bernadette.
Napasulyap siya sa babaeng kinaiinisan niya. Todo ang pagngiti nito sa kanyang ina. Subukan lang niyang magsumbong sa nangyari sa amin. Mananagot siya sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang kaya niyang gawin. Walang ibang makakapalit sa puso niya at tanging si Isabella lamang ang mamahalin niya ng habangbuhay.
“Magpapaturo akong magluto kay Bernadette.” Napasulyap ako sa kanya. Alam niya namang nagpapalakas ito sa kanyang ina. Kahit noon pa man gawain na niya iyon. Para ngang mas close pa sila ng kanyang ina kaysa sa kanya.
“I am sure you will love pochero ni Bernadette sobrang sarap.” Napasulyap muli siya kay Bernadette na nakatitig ngayon sa kanya. Nagtagis ang kanyang bagang. Sinamaan niya ito ng tingin. Napayuko ito at hindi na siya sinulyapan dahil siguro sa hiya. Sa totoo wala naman siyang hiya.