Episode 8

1972 Words
KAHIT ayaw ni Fernan na nandito ako nagtiyaga akong naghintay. Pinagtatabuyan niya ako kanina ngunit hindi ako umalis. Gusto kong malaman ang kalagayan ni Tita Lily. Hindi ako tumigil sa pagdarasala na mabuti na ang kalagayan ni Tita Lilly. Ayaw kong mawala siya. Kanina pa kumukulo ang tiyan ko at nauuhaw na din ako ngunit mas nangingibabaw sa akin ang pag-aalala sa kalagayan ni Tita Lilly. Mamaya na lang siguro ako kakain kapag nakita ko na si Tita Lilly. “Water?” isang baritonong boses ang narinig ko sa bandang gilid ko. Napalingon at bumungad sa aking harapan ang isang bote ng tubig. Napatingala ako sa taong may hawak niyon. Isang lalaking matipuno ang katawan at masasabi kong may hitsura ang lalaki. Umiling ako sa alok niya. Kahit uhaw at gutom ako hindi ko magawang kumain o uminom dahil sa pag-aalalang nararamdaman ko. Umiling ako. “You appeared to be in distress. Drink water para naman maibsan ang dinadala mo sa dibdib. Try it.” Pagpupumilit nito sa kabila ng pagtanggi ko. Nahihiya ako sa inasal ko dahil sa pagtanggi ko. Siya na nga itong concern sa akin. Kinuha ko na lang ang bote ng tubig. Kimi akong ngumiti sa kanya. “Salamat sa tubig,” pasasalamat ko. Binuksan ko ang takip ng bote at ininom ang laman niyon. Hindi ko namalayang naubos ko ang laman ng bote. Hindi naman halatang uhaw talaga ako. Nakaramdam ako ng kaunting kaginhawaan nang makainom ako ng tubig. Totoo nga ang sinabi sa akin ng lalaki. Bahagya akong ngumiti sa kanya. “Nandito ka din ba dahil may kamag-anak kang naospital o nandito ka dahil gusto mo lang nandito ka?” natawa ako ng bahagya sa sinabi ng lalaki. Hindi ko alam kung nagbibiro siya o seryoso. “Nandito ako dahil na-ospital ang Tita ko,” malungkot na sabi ko. Tumango ang lalaki. “Same with you. Nandito ang Nanay ko dahil inatake siya sa puso.” malalim na napabuntonghininga ang lalaki. Sa ginawa niyang iyon ramdam ko ang bigat ng nararamdaman nito. Pareho pala kami ng nararamdaman. Mabigat din ang nararamdaman ko sa dibdib ko. Hindi ko maiwasang mapatitig sa lalaki. Naka-side view ito kaya kita ko ang tangos ng kanyang ilong. Ang kanyang manipis na labi ay kulay pula. Kahit sinong tao ay mapapasulyap sa lalaki. Guwapo ang lalaki at may malaking pangangatawan. Siguro may lahi ang lalaki base sa kulay ng mga mata nito. Akala ko nga foreigner dahil asul ang kulay ng mga mata nito. “Don't worry she'll be okay,” sabi ko. Kahit pareho kaming may iniindang problema gusto ko pa ring magbigay ng positibong pananaw sa ibang tao. Kahit may iniinda rin akong problema. “By the way I’m Dominico Gazpar.” Pakilala nito sa akin. Napangiti ako at nakipagkamay sa kanya. “I’m Bernadette Pelayo,” Pakilala ko sa sarili. “Hindi ko sinasadyang makita kita kanina. Kausap mo ang lalaking mukhang galit na galit sa iyo. Pasensya ka na narinig ko kasing ang sinabi ng lalaking kausap mo kanina. Hindi naman sa nakikialam ako sa problema ninyonh dalawa. Para sa akin hindi maganda ang ginawa niya sa iyo. Hindi man ako ang direktang sinabihan niya ng masama pero masakit ang sinabi niya. Kung hindi man siya okay sa iyo huwag na lang sana siya nagsalita ng masasakit against sa iyo. Manahimik na lang sana siya.” Napayuko ako. Nakaramdam ako ng hiya. May nakarinig palang tao sa sinabi ni Fernan kanina. “Sorry, I'm just being honest. Ako kasi kapag ayaw ko sa babae I say it in a nice way. Hindi mo naman kailangang ipamukha sa taong yun ang disgusto mo sa taong iyon. Puwede mo namang sabihing ayaw ko lang mapalapit sa iyo dahil wala akong maramdaman. Maging honest ka lang, but not in a harsh way.” “Ako naman ang may kasalanan kung bakit ganun siya sa akin. Ako kasi ang lapit nang lapit sa kanya at pinagsisiksikan ko ang sarili ko. Alam kong katangahan ang ginagawa ko. Nagmamahal lang kasi ako. Saka hindi naman siya ganun sa ibang tao. Mabait naman siya. Sanay na ako sa ugali niya.” Paliwanag ko. Umiling ang lalaki sa sinabi ko. “You know what? Hindi mo dapat ipinagtatanggol ang lalaking iyon. Sa huli ikaw ang talo sa inyong dalawa. He doesn’t love you the way you love him. Hindi masamang magmahal pero sa tamang tao. Ikaw ang talo sa huli tapos nasaktan ka pa. Minsan hindi porket mahal mo ay tama na.You should brace yourself for pain and be courageous enough to give up. Giving up does not imply that you are a failure. Instead, this is how you can love yourself more unconditionally.Unlimited ika nga ng matatakaw kumain ng rice.” Natawa ako sa huli nitong sinabi. Gusto ko na sanang maiyak. May punto siya sa sinabi niya. Hindi ko namamalayang sinasaktan ko na pala ang sarili ko dahil puro si Fernan na lang ang iniisip ko dahil mahal ko siya. Naniniwala pa ako sa kasabihang may second chance. At naniniwala akong magbabago siya. I love him unconditionally kahit nasasaktan na ako sa ipinapakita niya sa akin. Sabi nga nila part ng pag-ibig ang masaktan para maging matatag ka. Naniniwala akong bilog ang mundo. Magbabago din ang lahat pagdating ng araw. Ang pag-ibig ay parang sugal. Walang kasiguraduhan kung mananalo ka o matatalo. Hindi ako umaasang mananalo ako agad. Ang mahalaga kasi sa akin naipadama ko sa kanya ang pagmamahal ko kahit walang kapalit. “Alam kong mahirap makalimutan ang taong mahal na mahal mo. But before you give your heart to the man you love, you must first love yourself. Doon masasabi mong tunay nga ang bato ni darna.” Hindi ko na napagilang matawa. Nahampas ko ang kanyang mamasel na braso. “See, napangiti na kita sa simpleng joke ko.” Nakakahanga ang lalaking ito. Sa kabila ng problemang kinahaharap nito, pero nakukuha pa niyang magpatawa sa ibang tao. SOBRANG pag-aalala ko kay Mommy. Kasalanan ito ni Bernadette! Alam kong plano niya ito. Hindi siya magtatagumpay sa plano niyang siraan ako kay Mommy. Hinawakan ko ang kamay ni Mommy. Sabi ng doctor nasa maayos naman na siya. Pero binilinan akong mag-ingat sa susunod dahil hindi maganda ang mangyayari kay Mommy. Napabuntonghininga ako. Napatuwid ako ng upo nang magmulat ng mga mata si Mommy. “Mommy.” Tawag ko dito. Hinaplos ko ang kanyang buhok. “Nasaan si Bernadette? Gusto ko siyang makita. At ikaw umalis ka sa harapan ko. Ayaw kitang makita.” Pagtataboy sa akin ni Mommy. Malalim akong huminga “I am so sorry, Mom,” paghingi ko ng tawad dahil sa ginawa ko. She just looked at me. Blangko ang kanyang reaction. Inalis niya ang kamay kong nakahawak sa kanyang kamay. “Did you hear me what I say? I want Bernadette to be here not you!” tumaas ang timbre ng boses ni Mommy. “Okay, I’ll contact her. Relax, mom. You are not allowed to be angry because it is harmful to your health, according to the doctor. It can result in a heart attack.” Sabi ko. Nagpasya akong tumayo at lumabas. Ayokong may masamang mangyari kay Mommy. Habang palabas ng pintuan ay hindi ko maiwasang magngitngit ng galit kay Bernadette. Anong pinakain ng babaeng iyon kay Mommy at parang siya ang itinuturing ni Mommy na anak. Dapat ako ang gusto niyang nandoon at hindi ang babaeng iyon! Hinanap ko si Bernadette sa hallway ngunit hindi ko siya nakita. Naglakad pa ako papunta sa canteen ng ospital baka sakaling nandoon. Alam ko namang hindi aalis iyon. Well, pakiramdam ko lang. Pagkapasok ko sa canteen ng ospital nakita ko agad si Bernadette. Nangunot ang noo ko nang makita kong may kasama itong lalaki. Mas lalong sumama ang mukha ko nang makita siyang tumatawa habang ang lalaki naman ay tila may sinasabi. Nakuha pa ng babaeng ito ang tumawa samantalang ang aking ina ay muntik ng mawala nang dahil sa kanya. Hindi niya dapat pinapunta si Mommy sa opisina ko. Hindi niya sana nakita ang ginagawa ko. Lumapit ako sa kinauupuan nila. Napatikhim ako ng malakas. Sabay na napatingin sa akin ang dalawa. “F-Fernan.” Tumayo si Bernadette at takot na takot na makiita ako. Dapat lang na matakot siya dahil hindi ko mapapatawad ang ginawa niya. “Oh, siya pala? Hi, brod!” bati ng lalaki,. Napatingin ako sa kamay nitong nakalahad sa harapan ko. Hindi ko siya kinamayan bagkus isang masamang tingin ang ibinigay ko sa lalaki. Nagkibit balikat lang naman ito at ibinaba ang kamay niya. “Tama ka nga pala.” biglang sabi ng lalaki. “What did you say?” inis na tanong ko. Natawa ng nakaloloko ang lalaki sa tanong ko. Mas lalong nagpuyos sa galit ang dibdib ko. Ang sarap niyang gawaran ng suntok sa mukha. Napangiti ang lalaki sa akin na tila balewala ang ginawa ko sa kanya. “You know what? You look professional, but may pagkabingi ka pala.” Diretsahang saad nito. Napakuyom ako ng mga kamao. Napakaangas ng lalaking ito akala mo kung sino. “I'm just being nice to you, but it appears you take it negatively.” The man said. Mas lalo akong nainis. Ibinaling ko ang tingin kay Bernadette. Ayaw ko man siyang naroon sa tabi ni Mommy pinagbigyan ko na lang ang gusto nito. “Bernadette, hinahanap ka ni Mommy. I looked for you everywhere. Nandito ka lang pala nakikipaglandian.” Napaawang ang labi ni Bernadette sa sinabi ko. Tumayo ang lalaking kausap ni Bernadette. Umabot lang ako hanggan tainga ng lalaki. Sa laki ng katawan ng lalaki natakpan na si Bernadette. “You have no right to say that to her. May ebidensya ka ba na ginagawa niya iyon? We were just talking. Pakikipaglandian na pala ang tawag dito?” sagot ng lalaki. Tumayo si Bernadette at lumapit sa lalaki. Napatingin ako sa kamay nitong humawak sa braso ng lalaki. Mas lalong umigting ang panga ko. “Hindi naman ako nakikipaglandian. Nag-uusap lang kami. Hindi ba pinalabas mo ako kanina sa silid ni Tita Lilly?” “So kasalanan ko pa? Hindi ko gusto na pumasok ka sa loob. Si Mommy ang may gusto. Hindi ko alam kung anong pinakain mo sa kanya. Bakit ganoon na lang ang pagkagusto sa iyo? Isa ka lang namang basura!” Pang-iinsulto ko sa kanya. Bigla akong itinulak ng lalaki. Napaatras ako at napaupo sa katabing lamesa. Napasigaw si Bernadette sa ginawa ng lalaki sa akin. “Marunong kang gumalang sa babae. How dare you to say that to her? For f**k sake babae ito! You don’t have to say bad words to her. In the first place Nanay mo naman ang may gusto na siya ang nandoon at hindi ikaw!” dumagundong ang boses ng lalaki. Hindi ako natakot. Kahit mas matangkad sa akin ang lalaki wala akong pakialam. “It’s none of your business! Huwag kang makikialam sa problema namin. Sino ka ba?” Dinuro ko siya. Natawa ang lalaki sa sinabi ko. “May pakialam ako kasi inaagrabyado mo ang babae! Babae lang ang kaya mong gago ka! Sa tingin mo kaya ka niyang labanan? I think babae lang ang kaya mo, no?” Nainis ako sa huli niyang sinabi. Sa galit ko ay itinulak ko ang lalaki ngunit hindi ito natinag. Nakita ko ang pagtagis ng panga nito. Pumagitna na sa amin si Bernadette. “Please, huwag kayong mag-away.” Pakiusap nito. Napasulyap ako sa kamay ng lalaking humawak sa braso ni Bernadette. “Ako na ang maghahatid sa iyo sa silid ng Tita mo.” Matalim na tingin ang ipinukol ng lalaki sa akin. Tumango naman si Bernadette. Napakalandi talaga ng babaeng ito. May gana pang sumama sa lalaking hindi naman niya kilala. Tumalikod na ang dalawa at umalis. Naiwan akong nagpupuyos ng galit. May araw din ang lalaking iyon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD