NAGISING si Bernadette nang maramdaman ang kamay na nakayakap sa kanyang beywang.
Inilingon niya ang kanyang ulo. Nasamyo niya ang magkahalong amoy ng alkohol at pabango nito. Kapag ganitong lasing si Fernan ay dito ito natutulog sa kanyang silid. Siguro ay iniisip niyang siya si Isabella.
Tinitigan niya muna si Fernan bago nagpasyang bumangon. Marahan ang bawat galaw niya dahil baka magising ito. Ayaw pa namanm nitong nagigising sa pagkakatulog. Nahirapan siya sa pag-alis ng braso nitong nakapulupot sa beywang niya. Napahinto siya sa pag-alis ng kamay nang mapaungol ito ng kaunti.
Nangunot ang noo niya na parang may sinasabi ito ngunit hindi niya maintindihan. Nagbuntonghininga siya. Alam na niya kung sino ang binabanggit niyang pangalan. Malamang si Isabella na naman iyon.
“Isabella. . .” sabi nito.
Parang piniraso ang puso niya nang marinig ang pangalang iyon. Dahan-dahan siyang bumangon. Umupo siya sa tabi nito. She looked at his handsome face. As she do that she can’t help myself but smile. Hindi ko maiwasang mainggit kay Isabella. She is so lucky because Fernan loves her even though she doesn’t love him.
Hinaplos niya ang pisngi nito.
Nandito naman ako Fernan bakit hindi mo imulat ang mga mata at makita mong tapat ako sa iyo. Tanga ako dahil minamahal kita ng sobra kahit nasasaktan na ako. Hanggat ikaw ang tinitibok ng puso ko kakayanin ko lahat ng sakit mahal kasi kita Fernan.
Napatakip siya ng kanyang bibig. Hindi niya mapigilang maluha. Nagsibagsakan ang kanyang luha sa mga mata. Bago pa siya mapaiyak ng todo ay tumayo na siya at nagmadaling lumabas ng silid niya. Nagpasya siyang lumipat sa kabilang silid. Doon na lang siya matutulog. Ayaw niyang abutan niyang magising si Fernan. Sigurado naman siyang sisinghalan at magagalit ito na katabi niya ito sa kama kahit ito naman ang nagpunta sa silid niya.
Maaga siyang bumangon upang maghanda ng almusal ni Fernan. Sinilip niya muna ito sa silid kanina kung gising. Nang makitang tulog pa ito hindi na niya ito ginising.
Napatayo sa inuupuan niyang silya nang makita si Fernan papasok ng kusina. Bigla ay na-conscious siya sa hitsura ni Fernan. Nakahubad baro ito at nakasuot lang ng boxer short. Magulo ang buhok nito ngunit hindi naman kabawasan iyon sa kanyang kakisigan. Napalunok siya ng mapagmasdan ang kabuuan nito.
“Nakahanda na ang almusal mo. Gusto mo ba ng kape?” tanong ko sa kanya. Kahit may takot pinilit niyang hindi mautal. Napaangat ng ulo si Fernan. Salubong ang kilay nitong napatingin sa kanya.
“Why I’m in your room?” imbes na sagutin ang tanong niya ay iba ang sinabi nito. Napalunok ako. Although hindi ko naman kasalanan na doon siya natulog ngunit parang nakaramdam ako ng kasalanan.
“Nagising na lang ako na katabi kita sa kama ko. Hindi ko alam kung paano ka nakarating doon.” Parang gusto niyang kutusan ang sarili dahil sa sagot niya. Baka isipin nitong gusto naman niya na doon matulog sa silid ko katabi siya. Napairap ito ng mga mata. Naupo ito sa silya.
Napahiya ako sa klase ng tingin niya sa akin. Kinuha ni Fernan ang kapeng ginawa niya para sa kanya. Lihim siyang napangiti dahil kahit paano’y ininom niya ang ginawa niya kahit sagad sa langit ang galit niya sa akin.
Naglagay siya ng pagkain sa plato nito. Alam naman niyang paborito nito ang niluto ko ngayon. Tapsilog. Kahit ganito lang sila ay kontento na siya. Tahimik si Fernan habang kumakain at hindi na siya sinulyapan kahit nasa tabi lang siya at nanonood sa pagkain nito. Napaatras ako nang mapasulyap siya sa akin. Seryoso at mukhang may inis sa kanyang mukha.
“Come with me in my office. I’ll give you 10 minutes to fix.” Nagulat siya sa sinabi ni Fernan. Gusto siyang isama sa opisina nito?
Hindi na siya nagsalita tumayo na siya. Hinanda ang kanyang sarili para sumama dito. Although maikling oras lang ang ibinigay niya sa akin hindi na ako nagreklamo. Maikling oras iyon para magbihis. Mabuti na lang nakaligo na siya kanina bago magluto. Magpapalit na lang siya ng kanyang damit.
Nagsuot siya ng simpleng formal dress para naman hindi naman nakahihiya. Napatingin siya sa relos niya. Tatlong minuto na lang ang natitirang oras para sa kanya. Lumabas na siya sa silid niya at pinuntahan si Fernan. Napatingin ito sa suot niya at saka napailing.
Nagtaka siya kung bakit napailing siya sa suot niya. Baka hindi niya gusto ang suot niya. Tahimik na sumunod siya sa kanya. Gusto niyang tanungin ito kung bakit gusto niyang isama siya sa opisina nito. Ngunit natakot siyang baka singhalan lang siya. Kaya pinili na lang niyang sumunod sa utos nito.
This is the first time na isasama siya sa trabaho kaya nakapagtataka. Ilang minuto lang narating nila ang building kung saan ang kompanya ni Fernan. Siya na ang nagbukas ng pinto dahil lumabas na lang si Fernan at iniwan ako.
Hinabol pa niya ito papasok sa loob. Napakabilis nitong maglakad. Muntik na siyang mapagsarhan ng pinto ng elevator. Isang buntonghininga na lang ang nagawa niya. Hindi man lang kasi nito pinigilang magsara ang pinto. Malapit na siyang maipit ng magsara ito. Mabuti na lang nakapasok siya bago magsara ang pinto. Isang matalim lang ang natanggap niya nang makapasok sa loob ng elevator.
Habang naglalakad kami patungo sa opisina ni Fernan. Binabati ito ng mga empleyadong nakakasalubong nito ngunit ang isa ay parang walang nakikita. Napapatingin ang iba sa kanya. Bahagyang ngiti lang ang ginawa niya.
Hindi niya maiwasang manliit sa sarili dahil sa suot kompara sa nakakasalubong nilang mga empleyado na talagang naka-formal attire. Samantalang ang suot niya ay simpleng damit at luma pa. Ito lang kasi ang matinong damit niya na medyo pormal na meron siya. Slack na itim at blusa na kulay yellow na raffles ang manggas. Minana pa niya ito sa kanyang ina. Wala naman kasi siyang pambili ng mga damit kaya lahat ng pinaglumaan ng Nanay niya ay minana niya.
Napababa ang tingin niya sa suot. Nakakahiya ba ang suot ko? Para kasing pinagtatawanan nila ang suot ko. Napabuntonghininga siya. Itong kasama niya ay tila walang pakialam kung pagtatawanan siya sa suot niya. Asa ka pa Bernadette na ipagtatanggol ka niya. Baka nga plano pa na ipahiya ka kaya ka isinama.
Pumasok na sa loob ng opisina si Fernan. Papasok na sana siya ng pagsarhan siya. Buti na lang nakaatras siya kundi sapol ang mukha niya. Napasulyap siya sa mga dumaang empleyado na natatawa.
Ano naman nakakatuwa sa pinagsarhan ng pinto? Muntik na nga akong matamaan sa mukha. Sila kaya ang makaranas ng ganito? Inirapan ko sila kahit nakatalikod na sila sa akin.
Pinihit niya ang seradura ngunit naka-lock. Kinatok niya ang pinto ngunit walang nagbubukas. Mukha yatang walang balak siyang papasukin ni Fernan. Isa pang katok ang kanyang ginawa at bumukas iyon. Seryoso ang mukha nitong humarap sa kanya.
“Ang bagal mong kumilos. Hindi kita kailangang hintayin sa paglalakad mo. Ano ka boss na kailangan hintayin?” inis na anito. Napayuko siya sa pagkapahiya sa sinabi nito. Paano naman kaya niya mahahabol ito kung napakabilis maglakad. Hindi naman kasi siya mabilis maglakad. At isa pa malaking lalaki ito at siya naman ay maliit lang ang height niya.
Tinalikuran siya ngunit nanatiling nakabukas ang pinto. Pumasok na ako sa loob ng opisina nito. Napasulyap ako sa loob ng opisina nito. Maganda ang opisina niya, malinis. Marahan niyang isinarado ang pinto at nagpasyang maupo sa sofa. Ngunit hindi pa sumasayad ang kanyang puwit nang magsalita si Fernan.
“Did I tell you to sit? I didn’t bring you here to sit like a queen and do nothing. You’ve come to my office to clean it. You’re my maid. Don’t pretend to be my girlfriend because you weren’t.” Pang-iinsulto nitong saad.
Awang ang labi niyang napatingin dito. Nakaramdam siya ng pagkapahiya sa kanyang sarili dahil sa masakit na sinabi nito. Ano nga ba ang aasahan niya sa taong sagad hanggang langit ang galit sa kanya? Ang tingin lang naman niya sa kanya ay isang katulong at isang mababang nilalang.
“Ano pang itinatanga-tanga mo diyan? Maglinis ka na at baka abutan ka pa ng hapunan kung tatayo ka lang diyan at walang gagawin.” Utos nito.
Tumalima ako kahit hindi ko alam kung saan ko ba kukunin ang panlinis. Lumabas muna ako ng opisina nito upang hanapin ang janitor na naglilinis sa floor na ito. Hihiram na lang siguro siya ng gamit panlinis.
“Salamat,” sabi niya sa isang janitor na nakita niya at nakihiram siya ng panlinis. Pumasok na siya sa loob ng opisina ni Fernan. Pagkaharap niya ay hindi sinasadyang makita ang dalawang taong naghahalikan. Ang babae ay nakakandong kay Fernan at hinihimas ang ibabaw ng dibdib nito. At si Fernan naman ay hinihimas ang nakalilis na skirt ng babae na halos umabot na sa kanyang singit.
Napaawang na lang ang kanyang labi sa labis na kabiglaanan sa nakita. Nabitawan niya ang hawak na walis at pamunas. Naglikha iyon ng ingay na ikinatigil nitla sa kanilang ginagawa. Napatingin ang dalawa sa kanya.
Wala na akong inaksayang sandali agad siyang tumalikod at lumabas ng opisina nito. Pagkasara ng pinto ay napasandal siya doon at nagsimulang pumatak ang kanyang luha sa mga mata. Hindi niya maiwasang masaktan dahil sa nasaksihan niya.