IYAK ako nang iyak habang naglalakad. Pinagtitinginan na nga siya ng mga taong nakakasalubong niya.
Nang makauwi sa bahay nila ay nanghihinang naupo ako sa sofa. Napagod ako sa kaiiyak. Napakasakit sa pakiramdam na makitang may ibang kasama ito at higit sa lahat masabi ang salitang gusto niyang marinig rito. Pakiramdam niya nahati ang kanyang puso. Sobrang sakit.
Pinahid ko ang mga luha kong pumatak sa aking pisngi. Huminga siya ng malalim upang pagaanin ang mabigat niyang pakiramdam. Tila naubos ang hangin niya sa kanyang baga dahil sa pagpipigil na umiyak ng sobra. Tinampal-tampal niya ang kanyang pisngi upang gisingin ito sa katotohanang hindi siya mamahalin ni Fernan at hindi man kailanman mamahalin. Sagad hanggang langit ang galit nito sa kanya. Susuko na ba ako? Ngunit mas nananaig sa puso ko ang pagmamahal dito sa kabila ng p*******t niya sa akin emotionally. Martir ako sa pagmamahal sa kanya. Kahit durog na durog na ngunit pinipilit ko pa rin ang sarili kong baka may pag-asa pa na magbago ang damdamin niya sa akin. Ayokong mawalan ng pag-asa.
Hindi dapat ako mawalan ng pag-asa. Mag-asawa na kami ni Fernan. Iyon ang panghahawakan ko. Mambabae man siya hindi nila maangkin si Fernan dahil sa akin siya! Kahit ilang babae pa ang kasama niya sa akin pa din siya uuwi. Dahil ako ang asawa niya. Iyon ang dapat isipin ko.
NAGHANDA ako ng hapunan namin ni Fernan. Gusto niyang sorpresahin ito sa niluto niyang masarap na ulam. Limang oras na ang lumipas ngunit wala pang Fernan ang dumating. Nagpasya siyang iligpit ang mga pagkain. Inilagay na lang niya sa ref ang mga ulam. Ibinalik na din niya ang mga pinggan at baso sa lagayan.
Nagpasya akong lumabas upang doon na lang hintayin si Fernan. Ilang oras pa akong naghintay ngunit walang Fernan na dumating. Papasok na sana ako ng makarinig ng paghinto ng kotse. Napalingon ako.
“Why are you still up?” Tanong sa akin ni Fernan nang makababa ito sa sasakyan nito. Hindi naman siya mukhang lasing base sa pananalita at paglalakad nito. But he looks tired.
“Hinihintay kasi kita. Kumain ka na ba? Gusto mo bang ipaghain kita? Nagluto ako ng paborito mong ulam,” sabi niya. Napatitig sa akin si Fernan na tila may nasabi siyang masama. Napalunok ako. Nagulat ako nang hablutin niya ang braso ko at mahigpit na hinawakan iyon. Napangiwi ako sa sakit dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa braso ko.
Naningkit ang mga mata nito. “Do you think I will treat you like my wife? That’s absurd! All I think of you is you’re a b***h and desperate woman! I cannot love you, and it will never happen! Let’s see kung hanggang saan yang sinasabi mong pagmamahal sa akin!” He smirks. “Walang ibang papalit kay Isabella dito sa puso ko. Whatever you do hinding-hindi kita mamahalin. Tandaan mo yan!” binitawan niya ang braso ko. Napaatras ako.
Nangilid ang luha ko dahil nasasaktan ako sa sinabi niya sa akin. Ano bang mayroon ang Isabella na iyon at hindi siya makalimutan ni Fernan? Niloko lang siya ng babaeng iyon. Pinaasa at iniwan.
Napakuyom ako ng kamao. “Ano bang wala ako na meron si Isabella? Ikaw lang ang minahal ko mula noon hanggang ngayon. Wala akong minahal kung hindi ikaw. Mas mahal pa nga kita kaysa sa sarili ko. Bakit hindi mo nakikita iyon? Kulang pa ba ang ipinapakita at ipinaparamdam ko sa iyo? Sabihin mo sa akin kung anong gusto mo gagawin ko? Para maipakita kong totoo ang pagmamahal ko sa iyo,”
Hindi ko na napigilang ilabas ang saloobin ko. Feeling ko kapag hindi ko nasabi iyon sa kanya sasabog ako. Sobrang sikip na ng dibdib ko dahil sa itinatago kong sama ng loob sa kanya. Kailangan niya ring malaman ang nasa loob ko.
Natawa si Fernan sa sinabi ko. “Gusto mong malaman kung bakit mahal ko si Isabella at siya lang wala ng iba?”
Napahiyaw ako ng hawakan niya ang panga ko. Sobrang higpit na parang pipigain na niya ito.Tuluyan ng tumulo ang mga luha ko habang nakatingin sa mga mata ni Fernan na nanlilisik sa galit.
“Because Isabella is not desperate woman just like you. Hindi niya pinagsisiksikan ang sarili niya sa akin at mas lalong hindi siya gumawa ng paraan para pilitin na mahalin ko siya! Kahit wala siyang effort na ginagawa mahal ko siya! Ikaw napakamanhid at tanga pa. Alam mo ng hindi kita mahal pero pinagsisiksikan mo pa ang sarili mo sa akin. Tandaan mo ito hindi kita mamahalin kahit anong effort ang gawin mo!” Binitawan niya ako kaya napaupo ako sa sahig.
“Put that in your narrow mind!” Pagkasabi niyon tinalikuran niya ako. Napahagulgol ako ng iyak. Ito lang naman ang kaya ko, ang umiyak. Ilang beses na ba akong umiyak sa araw na ito?
PABAGSAK na isinarado ni Fernan ang pinto ng kanyang silid.
I can’t help to annoy she’s such stupid! How many times I should have to tell her that I don’t love her. I just married her because of Mommy. I have no choice. Inalis ko ang suit ko at ibinalibag sa kung saan. Humiga ako sa higaan. Napatitig ako sa kisame. Malalim akong nagbuntonghininga.
Hindi naman ganito ang gusto ko. I only want Isabella. Gusto kong siya ang makasama ko sa habang buhay. Pero paano mangyayari iyon? Pinili niya ang asshole na Chris na ’yun!
Bumangon ako upang tanggalin ang long sleeve. Nakarinig ako ng kalabog mula sa labas. Binuksan ko ang pinto upang tingnan kung ano iyon. Napatingin ako sa taong nakabulagta sa harapan ng silid ko. Ano na namang drama itong gustong palabasin ng babaeng ito? I knelt to check on her. I tap her shoulder, but she doesn't respond.
“Bernadette, it’s not funny! Is this a joke or what?! Hey!” Napakunot noo ako nang hindi siya nagre-response sa pagtapik ko sa kanyang pisngi. I checked her false. Bigla akong kinabahan dahil sobrang bagal ng t***k ng puso niya. I checked her breathing halos wala na akong maramdamang init sa kanyang ilong. Maputla ang kanyang hitsura.
Bumalik ako sa loob upang isuot muli ang long sleeve - ni hindi ko na naikabit ng maayos ang butones ng long sleeve ko. Wala na akong sinayang na sandali. Agad ko siyang binuhat upang dalhin sa ospital.
Nang madala ko siya sa ospital agad siyang nilapatan ng lunas. Nagdadalawang isip ako kung tatawagan ko si Mommy. Ano naman ang sasabihin niya? I decided not to call her. Maybe kapag maayos na ang lagay ni Bernadette. Alam naman niyang magagalit ito at sisisihin na naman siya kahit wala naman siyang ginawa rito.
Ilang minuto din akong naghintay at lumabas ang doktor. Tumayo ako sa inuupuan ko upang lapitan ang doktor.
“How’s my wife?” natigilan siya sa sinabi niyang wife.
“Don’t worry she’ll be okay. Her blood pressure was low, which caused her to pass out. We checked her and discovered she was dehydrated. If you want to make sure your wife is okay, she can be released tomorrow.” Sabi ng doktor.
“Thank you.” Pasasalamat ko.
Nang makaalis ang doktor pumasok ako sa loob ng silid ni Bernadette. Nakita kong may nakakabit na dextrose sa kamay nito. Naupo ako sa tabi niya.
Bakit hinayaan niyang mangyari ito? Plano ba niyang pabayaan ang sarili para maawa ako sa kanya? What a nice plan.
Nag-vibrate ang cell phone ko. Sinagot ko ang tawag na galing kay Mommy.
“Hello, Fernan, kamusta si Bernadette? Tinatawagan ko ang cell phone niya hindi sinasagot. Nag-aalala ako sa kanya.” Natigilan ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Although wala naman akong kasalanan ngunit pakiramdam ko parte ako sa pagkakahimatay niya.
Before I spoke, I swallowed. “Mom, I have something to tell you. I am here in the hospital.”
“What are you doing in the hospital? Are you sick?” may pag-aalala sa boses ni Mommy. Napapikit ako dahil hindi ko kayang sabihin sa kanya ang kalagayan ni Bernadette. Bahala na!
“I am okay. Mom. S-Si Bernadette po ang na-ospital.” Napakagat labi ako.
“What?! Anong ginawa mo sa asawa mo!” Sigaw ni Mommy sa kabilang line. Napahagod ako sa mukha ko. Plano ba ito ng babaeng iyon? Palalabasing ako na naman ang masama.
“Kapag may masamang nangyari kay Bernadette hindi kita mapapatawad.” Galit na sabi nito. Nailayo ko pa ang cell phone sa tainga ko dahil sa lakas ng boses ni Mommy. Hindi ako makapagsalita
“I didn’t do anything to her, Mom. I found her unconscious on the floor. It has nothing to do with me. So please don’t blame me.”
Bakit ako ang sisisihin niya? Ang babaeng iyon naman ang nagpabaya sa sarili niya? Anong kinalaman ko doon? Nag-alala ako kay Mommy dahil baka ma-ospital na naman ito. Atakahin na naman siya sa puso.
“Mom, please just calm down okay? She’s just fainted according to the doctor. She’ll be out of the hospital tomorrow. Na-dehydrate lang po siya.” Napahina ang boses ko sa huling sinabi ko.
“Pupunta ako diyan. Hintayin mo ako at mag-uusap tayo.” Magsasalita pa sana ako ng babaan ako ng tawag ni Mommy. Napahawak ako sa batok ko.
Napasulyap ako kay Bernadette na mahimbing natutulog. She looks like an angel. Hindi ko alam kung anong nagtulak sa aking haplusin ang pisngi nito. I hesitated, but I went ahead with it. I abruptly removed my hand from her face when I felt something in my heart. It’s an oddity to me. Hindi ito maaari! I will never like her! Never! Tumayo ako at lumabas ng silid.