NANG dumating si Mommy hindi ko magawang tumingin ng diretso sa kanyang mga mata. Nanunumbat ang mga tingin niya sa akin na tila tumatagos sa katawan ko.
Wala naman akong nakikitang kasalanan sa nangyari kay Bernadette. Pabaya sa sarili ang babaeng iyon. Nakakasakit lang dahil ako na sarilin niyang anak ay masama sa paningin niya.
“It’s all your fault that’s why Bernadette fainted! Sa palagay mo hindi ka I’m so disappointed to you Fernan. Mas lalo mo lang pinalala ang sama ng loob ko sa iyo. I told you huwag mong paiiyakin ang asawa mo! Someone saw your wife is crying!” Seryosong saad ni Mommy napayuko ako. Sino naman kayang nagsabi?
“Huwag mo ng tanungin kung sino ang nagsabi. Wala iyon kinalaman sa atin na dapat mong komprontahin. In the first place ikaw ang may kasalanan dito.” Tinalikuran ako ni Mommy at pumasok sa loob ng silid ni Bernadette.
Napaupo ako at napahilamos ng mukha. Mas lalong sumama ang loob niya sa akin. Lumabas muna ako ng ospital para bumili ng pagkain nila Mommy. Nag-vibrate ang cell phone ko. Tiningnan ko kung sinong tumatawag. Tumatawag si Leila.
“Hello, bakit napatawag ka?” tanong niya. Narinig niyang umiiyak si Leila sa kabilang linya. Nag-alala siya. “What happen?” I asked her.
“Please I want you here.” She said while sobbing.
“Okay, I’ll be there wait for me, okay?” I said. I ended the call.
Narating niya ang bahay ni Leila. Nagulat siya nang makita ang sala. Magulo ang bahay niya. Parang may pumasok na magnanakaw. Pinuntahan niya agad ito sa silid nito. Napaangat ng tingin si Leila nang pumasok siya sa loob ng silid nito.
“Anong nangyari?” tanong niya at agad na lumapit dito. Yumakap sa kanya si Leila habang umiiyak at nanginginig ang buong katawan.
“Natatakot ako Fernan. Bumalik na siya.” Anito na umiiyak. That asshole!
“Don’t worry he will never hurt you anymore. I’m here to protect you from him.” Pinaupo niya ito sa sofa.
“He threatened me. Natatakot ako.” Kuwento nito. Hinawakan niya ang kamay niya. “Don’t leave me Fernan
please?” Napabuntonghininga siya.
“Magpapalagay na lang ako ng security at mga CCTV para ma-monitor ang papasok dito sa loob ng bahay mo. I can’t be with you all the time you know why.”
Kung dito siya titira mas lalong sasama ang loob ng kanyang ina.
“Stay with me.” Nakikiusap ang kanyang mga tingin. Hinawakan niya ang kamay nito.
“You know that I can’t. Kung kagaya sana dati wala pa akong asawa kahit dito pa ako ng ilang buwan gagawin ko. But now hindi na puwede.” Nagulat pa siya sa sinabi ko.
“Hindi mo naman siya mahal, hindi ba? Bakit magtitiis ka pa sa kanya? Nakuha na nga niya ang gusto niya nang pakasalan mo siya. Ano pa bang gusto ng babaeng yun?” may inis sa tono ng kanyang boses.
“Kung hindi lang kay Mommy hindi ko pakakasalan ang babaeng iyon. Ayoko lang kasing magkaroon kami ng away ni Mommy. Okay, ganito na lang from time to time pupunta ako dito. Okay, ba yun sa iyo?” Malawak na napangiti si Leila at niyakap niya ako. I chuckled.
“Much better. Basta lagi kang bibisita dito para hindi ako nalulungkot. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag wala ka sa tabi ko?” I caressed her hair. Kung puwede nga lang hindi na ako umuwi sa bahay gagawin ko. Ayokong ma-compromised ang pangako ko kay Mommy.
Nag-vibrate ang phone ko. Sinagot ko ang tawag ni Mommy. Siguradong tatanungin na naman kung nasaan ako.
“Hello, Mom.”
“Where are you? Kanina pa kita hinihintay dito. Ang akala ko nandito ka lang sa ospital! Bakit umalis ka?” may inis sa boses ni Mommy. Napatirik ako ng mga mata.
“Nagpunta muna ako sandali sa office ko Mommmy.” Pagsisinungaling ko.
“Nakuha mo pang pumunta sa opisina mo sa ganitong oras?! Nandito sa ospital ang asawa mo at ikaw ay pagalagala lang. Ikaw naman ang may kasalanan kung bakit nandito ang asawa mo!” Napapikit ako dahil sa pagpipigil na mainis. Ayoko sanang maramdaman ito kay Mommy pero minsan nakakainis na siya.
“Mom, calm down, okay? Babalik na ako diyan.” Sabi ko na lang para hindi na siya magalit. Delikado pa naman sa kanya, iyon ang bilin ng doktor.
I heaved out a deep sigh. Pinatayan ako ni Mommy ng cell phone.
“I need to go. Baka mas lalong magalit sa akin si Mommy at baka atakihin na naman yun sa puso kapag hindi ako nagpakita sa asawa ko.” Sabi ko.
“Makakapunta ka ba bukas dito?” tanong niya.
“Titingnan ko, pero hindi ko maipapangako. Don’t worry magpapadala ako ng magbabantay na mga security dito sa bahay mo. Okay?” I kiss her forehead.
“Huwag na. Tatawagan ko na lang ang kaibigan ko para samahan niya ako dito. Ayoko namang magalit lalo si Tita sa iyo.” Napangiti ako sa sinabi niya.
“Always take care, okay? If there’s might something wrong, don’t hesitate to call me.” Tumango ito.
NANG makarating sa ospital hindi ko na naabutan si Mommy sa silid ni Bernadette. I try to call her number, but she didn’t picking up my call. Talagang galit na sa akin si Mommy. Wala naman siyang magagawa doon dahil kahit anong gawin niya siya pa din ang masisisi.
Naupo ako sa tabi ni Bernadette. Hindi pa din ito nagigising. Kunot noo ko siyang tinitigan. Nagtagis ang panga ko. Nang dhil sa kanya nagalit sa akin si Mommy. Talagang gagawa ng paraan ang babaeng ito para ako ang palabasing masama.
Ilang sandali pa ay nagising na si Bernadette.
“Mabuti naman gising ka na. Talagang gumawa ka pa ng drama kagaya nito para lang masira ako kay Mommy. Para ano? Ikaw na naman ang api at ako ang kontrabida? Alam kong plano mo ito para pabagsakin ako at mapasunod sa gusto mo. Bravo! Nagtagumpay ka! Matalino ka ang sama na ng tingin sa akin ni Mommy." napailing iling ito sa sinabi ko.
“H-Hindi totoo ’yan. Sorry. . .” marahas akong tumayo at napahilamos ng mukha.
“’Yan na lang ba ang lagi mong sinasabi? Sorry? Bakit maibabalik ba ng sorry mo ang galit sa akin ni Mommy? Mababago ba ang sorry mo ’yung buhay ko? Hindi di ba?” galit na sabi ko.
Nagtagis ang bagang ko dahil sa galit kay Bernadette. Narinig kong napahikbi ito kaya bago pa ako mainis lalo iniwanan ko siya at lumabas ng silid niya. Nasasakal ako tuwing nasa malapit lang si Bernadette. Hindi ko maiwasang magalit kapag nakikita ko siyang umiiyak. Pakiramdam ko ginagawa niya iyon para makaramdam ako ng guilty sa ginagawa ko sa kanya.
DALAWANG buwan mula ng maospital ako. Mas lalong naging aloof sa akin si Fernan. Umuuwi naman siya sa bahay pero halos gabi na. ’Yung tipong nakatulog na ako. Parang gusto kong sumuko pero nananaig pa din ang pag-asa kong magbabago pa ang pakikitungo niya sa akin. At saka nakiusap din sa akin si Mommy Lilly na habaan ko pa ang pasensya ko kay Fernan. Naniniwala siyang magbabago ang pagtingin sa akin ni Fernan. Iyon naman ang ginagawa ko. Kahit nahihirapan na ako sa situation ko. Para kasing may malala akong sakit kung tratuhin niya ako.
Para masuportahan ko ang sarili nag-business ako. Para din malibang ako sa bahay. Gumagawa ako ng mga panghimagas na tinitinda ko sa online. Ako mismo ang nagde-deliver sa mga suki ko. Masaya ako dahil may bumibili naman kaya may pagkakakitaan ako. Ayokong umasa kay Fernan. Baka isumbat lang niya sa akin ang lahat ng kinakain ko. Masa mabuti nang may sarili akong pera although wala naman siyang ibinibigay sa akin. Si Tita Lilly ang nagbibigay ng grocery kada buwan kaya may laman ang refrigerator namin. Nahihiya naman akong kausapin si Fernan about sa gastusin sa bahay. Ang bill ng kuryente si Fernan ang nagbabayad. Nilalagay ko sa silid niya ang mga bill dito sa bahay. Para kaming estranghero sa isa’t isa hindi bilang mag-asawa. Nasanay na yata ako na ganito kami. Sinusubukan kong hindi na umiyak at tanggapin ganito na lang kami ni Fernan.
Hinanda ko ang mga leche plan para I-deliver sa suki ko na malapit dito sa subdivision. Sumakay ako ng jeep papunta doon. Pagkarating ko ibinigay ko agad ang in-order niyang leche plan.
Natutuwa ako dahil sa maikling panahon madami na akong suki. Nilakad ko na lang ang papunta sa gate ng Subdivision para makatipid ng pamasahe. Nakalimutan kong magdala ng payong dahil sa pagmamadali kanina. Ayaw ko kasing maabutan ako ng traffic sa daan. Mahirap makasakay sa jeep kapag naabutan ako ng rushed hour.
Habang naglalakad napatingin ako sa dalawang taong magkayakap. Huminto ang inog ng mundo ko dahil ang taong iyon ay si Fernan. Natigil ako sa paglalakad. Natulos ang paa ko sa kinatatayuan ko.
Ang akala kong manhid na ang puso ko ay hindi pa pala. Ramdam na ramdam ko ang sakit dito sa puso ko habang nakatingin sa dalawang taong nagyayakapan.
Naramdaman ko na naman ang pamilyar na sakit sa puso ko. Nangilid ang luha ko. Napahawak ako ng mahigpit sa bag na dala ko. Naikuyom ko ang kamao ko habang hindi inaalis ang tingin sa kanila. Gusto kong sugurin ang dalawa nang maghalikan ang mga ito.
Ayos lang naman sa akin kung hindi niya ako kayang mahalin huwag lang ganito. Mas ipinararamdam niyang hindi ako importante sa kanya. Gusto kong matawa sa sarili ko dahil totoo namang hindi niya ako mamahalin kahit kailan.
Ang kaninang luhang pinipigilan niyang tumulo ay tuluyan ng nagsibagsakan. Nanghihina man ang kanyang pakiramdam ay agad siyang umalis sa lugar na iyon. Wala man siyang balak sumakay ng taxi ay pinara niya ang paparating na taxi. Mabuti na lang ay wala itong sakay. Sumakay ako agad nang huminto ito.
Nang makasakay sa loob ay agad siyang naiyak. Iyong iyak na hindi na kayang pigilan. Hindi na siya nahiya kung makita at marinig siya ng taxi driver. Wala na siyang pakialam. Ang mahalaga sa kanya sa sandaling ito ay mailabas niya ang nararamdaman niyang sakit sa kanyang puso.
“Ma’am, okay lang po ba kayo?” may pag-alala sa boses ng taxi driver. Hindi ko sinagot ang tanong ng driver. Abala siya sa pag-iyak at hindi na niya makuhang sagutin ang tanong nito. Ang gusto niya lang ay umuwi. Napahawak ako sa aking ulo nang makaramdam ng pag-ikot ng paligid ko.
“Ma’am! Ma’am!” narinig ko pang sabi ng taxi driver bago ako nawalan ng malay tao.
NAGISING ako sa isang silid na hindi pamilyar sa akin. Napatingin ako sa lalaking nasa gilid ko.
“Ma’am ayos na po ba ang pakiramdam niyo? Nahimatay po kayo sa loob ng taxi kaya dinala na kita dito sa ospital.” Sabi ng taxi driver.
“S-Salamat po. Pasensya ka na naabala pa kita.” Hinging paumanhin ko sa kanya. Napatitig ako sa lalaki. May hitsura siya at mukhang hindi naman taxi driver although nakasuot ito ng uniform ng pang-taxi driver.
“Ayos lang po ’yun Ma’am. Basta nakatulong po ako sa kapwa.” Napangiti ito kaya mas lalong naging guwapo.
“Ano nga palang pangalan mo?” Tanong ko.
“Ako nga po pala si Cyrus Andrada.” Pakilala nito sa akin at nakipagkamay-na tinanggap ko naman.
“Bernadette Velasco. Salamat, ha?” Sabi ko. Napakamot ng ulo si Cyrus. Napatingin kaming pareho sa doktor na pumasok. Nakangiti ito sa amin.
“Hi, I’m Dr. Mike Orion. Maayos naman ang lahat ng test mo. Ire-refer nga pala kita sa OB-GYNE hindi ko kasi porte ’yan.” Napakunot ako ng noo. OB-GYNE?
“Congratulation! You’re pregnant.” Nakangiting sabi ng doktor. Napasulyap ito sa kasama ko.
“Naku, Dok hindi po ako ang ama.” Napakamot ng ulo si Cyrus. Hiyang-hiya ang hitsura nito dahil napagkamalan pa siyang ama ng magiging anak ko.
Napahawak ako sa tiyan ko. Magkaka-baby na kami ni Fernan. Baka ito na ang simula na pagkakaayos namin ni Fernan. Nawala na ang lahat ng alinlangan ko dahil sa magiging anak namin.