Episode 9

1745 Words
HINATID siya ni Dominico sa silid kung saan naka-admit ang Mommy ni Fernan. Magkatabi lang pala ang silid kung saan naka-admit ang ina ni Dominico. “Pasensya ka na sa kanya,” hinging paumanhin na tinutukoy niya ay si Fernan. “Hindi mo na sana pinatulan ang patudsada niya sa iyo. Hindi ka mananalo doon kahit ikaw pa ang tama,” sabi niya. Ganoon ang ugali ni Fernan kahit noon pa man. “Sinong tao ang hindi iinit ang ulo kung kagaya ng lalaking iyon ang ugali? Alam mong hindi tama ang ginawa niya. Saka hindi ako ang tipo ng lalaki na basta na lang manonood sa pang-aapi niya sa iyo. Mali siya at tama lang na itama. Tinuruan ako ng nanay kong galangin ang mga babae at iyon ay dala-dala ko hanggang ngayong malaki na ako.” Anito. Hindi niya mapigilang mapahanga kay Dominico. Napakaswerte ng babaeng mamahalin nito dahil may paggalang ito sa mga babae. At higit sa lahat mapagmahal sa kanyang Nanay. “Salamat sa pagtatanggol mo sa akin. Kahit hindi mo man ako kilala ng lubusan ay hindi ka nagdalawang isip na gawin iyon.” Sabi niya habang may ngiti sa kanyang labi. “Tutal friends na tayo, hindi ba? Sasabihin ko sa iyo kung anong trabaho ko. Isa akong dancer sa club at binibenta ko ang aking katawan. Iyon lang kasi ang masasabi kong malaki ang kita lalo ngayong nangangailangan ng pera ang nanay ko para sa kanyang sakit. Wala akong choice kundi gawin ang pinakamdaling trabaho na medyo malaki ang pera. Siguro nandidiri ka na ngayon sa akin. Alam mo na kung anong uri ang trabaho ko.” Inaamin niyang nagulat siya sa nalamang trabaho nito. Pero hindi naman tamang husgahan niya ang pagkatao base sa trabaho nito. Sa katunayan mas humanga siya sa kanya. May iba-ibang dahilan kung bakit kumakapit sa patalim ang iba. Totoo ang sinabi niya na walang choice. “Hindi ako ang tipo ng tao na hinuhusgahan ang taong hindi ko pa kilala. O kahit kilala ko pa siya hindi ko magagawa iyon. Hindi din naman ako mayaman. Ang nanay ko ay labandera at tumutulong ako sa kanya sa tuwing naglalabada siya. Sa kabila ng trabaho ng nanay ko, hindi ko ikinahiya iyon bagkus ipinagmamalaki kong marangal ang trabaho ng nanay ko.” Hindi ko maiwasang maging malungkot sa pagkawala ni nanay. “Natutuwa akong hindi mo ako hinusgahan. Minsan kasi kapag sinasabi kong stripper ang trabaho ko nilalayuan nila ako. Hindi ko namang hahayaang magkaroon ako ng sakit. Kailangan kong mag-ingat at hindi magkasakit dahil kailangan ako ng nanay ko. Saka gumagamit ako ng condom sa tuwing may kliyente ako.” Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. Condom? Biglang namula ang pisngi ko nang mapagtanto kung ano ang condom. Natawa si Dominico. Hinampas ko siya sa balikat dahil sa pagtawa niya. “Don’t worry hindi naman ako ang tipo ng lalaki kung sino-sino lang ang kliyente. Pinipili ko naman. Well, matanda sa akin ang mga iyon parang Nanay ko na. Mabuti naman sila sa akin kasi hindi naman sila kagaya ng iba na alam mo na. Kaya mas gusto ko ang mas matanda.” Natatawa pa ito. Ako naman ay nakatingin sa kanya. I admire him dahil gagawin nito lahat para sa ina. Kaya ano naman ang karapatan kong husgahan ang pagkatao niya? May mga bagay nagagawa ang tao alang-alang sa minamahal. Alam kong madaming inis dahil nagpapakatanga ako pagdating kay Fernan. Mahal ko siya. “Thank you,” ulit na pasasalamat ko. Tumango lang siya at nginitian ako. Magaan ang loob ko kay Dominico. Sa mga sinabi niya nakaramdam ako ng pag-asa. Siguro dahil pareho kami ng katayuan sa buhay. Dahan-dahan kong pinihit ang pinto. Pumasok ako sa loob. Napahinto ako sa paglalakad nang mapansin ko ang isang babae. Nakaupo ito sa isang sulok. Habang si Tita Lilly ay nakasandal sa headboard may binabasang magazine. “Tita. . .” tawag ko rito. Napalingon siya sa akin. Malawak itong napangiti at inilahad ang dalawang braso sa akin. Lumapit ako sa kanya at niyakap ito. “Hindi ka ba inaway ni Fernan?” tanong ni Tita Lilly sa akin ng maghiwalay kami mula sa pagkakayakap. Natigilan ako sa tanong niya. Anong sasabihin ko? Malamang inaway ako ni Fernan. Palagi naman. Umiling ako. Tiningnan ako ni Tita Lilly. Hindi siya naniniwala sa sinabi ko. “Alam kong ikaw ang sisisihin niya kung bakit ako naospital. Siya itong dapat sisihin sa lahat. Hindi ako aatakihin sa puso kung hindi siya gumawa ng karumal-dumal mismo sa loob ng opisina niya. Ang kapal nilang gumawa mismo sa harapan natin.” Napaiiling si Tita Lilly. Hinaplos ko ang kanyang braso para pakalmahin. “Tita, relax lang po. Baka atakihin na naman kayo. Sabi po ng doktor mag-iingat na po kayo sa susunod. Please, Tita take care of yourself para po sa akin at kay Fernan.” Nangilid ang luha ko. Ayaw kong mawala siya. Para ko na siyang tunay na ina. “Hindi ako mawawala. Nandito lang ako para sa iyo. Nangako ako sa Nanay mong aalagaan at mamahalin kitang parang tunay kong anak. Handa kitang ipagtanggol kahit sa sarili ko pang anak.” Sabi niya kaya mas lalo akong naiyak. Sana ganito din si Fernan sa akin. Mahirap ba akong mahalin? HINDI muna ako pumasok sa loob ng silid ni Mommy. Nandoon pa si Bernadette. Baka kapag nakita ako ni Mommy magalit siya at baka atakihin na naman sa puso. Sa isang banda may kasalanan ako. May ginawa akong masama. Wala na akong magagawang baguhin ang nangyari na. Nagawa ko na. Sa susunod mag-iingat na lang ako. Naupo ako sa bench at isinandal ang ulo ko sa sandalan ng upuan. Ipinikit ko ang mga mata ko. I feel tired today. “Tsk! Nakukuha mo pang matulog dito. Humingi ka ng paumanhin kay Bernadette dahil sa masamang inasal mo sa kanya.” Nagmulat ako ng mga mata dahil sa taong nagsalita. Nasa harapan ko ang lalaking nakasagutan ko kanina. Tumaas ang isang kilay ko. Tumayo ako. The nerve of this man na sabihan ako! Ang kapal ng mukha niyang utusan ako! “Who are you to tell me what to do? ” Sinamaan ko ito ng tingin. Natawa ito ng nakaloloko. Umupo pa ito sa katabing upuan. Sumandal at prenteng nagdekwatro. “Hindi naman ako importanteng tao sa paningin mo. Well, I don’t care anyway. I’m being concern to Bernadette. Binabastos mo siya the way you treated her. Hindi lang nagrereklamo ang pobreng babae. Bakit iniisip mo na kasalanan niya palagi? Nabubulagan ka lang sa galit mo sa kanya. I know I have no right to ask you kung saan ba nanggagaling ang galit mo kay Bernadette. Nakakapagtaka kung saan ka humuhugot ng sama ng loob sa kanya?” Nag-isip pa ito habang hawak ang baba nito. Nag-igting ang panga ko. “Maybe she is lovely while your girl is just a plain woman?” dagdag na sabi nito. Marahas ko itong tiningnan. Anong karapatan niya para panghimasukan ang buhay ko? At anong karapatan niyang ikompara ang babaeng iyon sa kaibigan ko? “You don’t know anything about me! You have no right to judge me!” sabi ko. Tumawa ng pang-asar ang lalaki na mas lalo kong ikinainis. “So, anong ipinagkaiba mo sa pinaparamdam mo kay Bernadette? Hindi ba you’re judging her too? Silly.” Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tumayo ito at iniwan akong nagpupuyos sa galit. Napakayabang ng lalaking iyon. Akala mo kung sino. Napatingin ako sa pinto kung saan naka-admit si Mommy. Lumabas doon ang babaeng kinasusuklaman ko. Hindi ko nga alam kung bakit inis na inis ako kay Bernadette. Magmula ng dumating sa buhay namin si Bernadette. My mother spends more time with her than she does with me, her son. Hindi naman niya ito anak kung ituring niya ay parang kadugo niya. Napairap ako ng lumapit si Bernadette. “Puwede ka ng umuwi hindi ka na kailangan dito.” Pagtataboy ko sa kanya. “Pagsabihan mo ang lalaki mo masyadong pakialamero! May lakas loob pa siyang sabihan ako ng hindi maganda. Mahilig ka talagang magsumbong kahit sa ibang tao para siraan ako. Kahit ano pang gawin mo hindi kita magugustuhan. Put that in your narrow mind!” Napayuko siya sa sinabi ko. “Hindi naman ako nagsumbong sa kanya.” Paliwanag nito. “Sa akala mo maniniwala ako sa sinabi mo? Hindi mo ako mapapaniwala sa kasinungalingan mo. Don’t bother explaining your side to me because I won’t believe you,” sabi ko. Pagkasabi ko niyon ay pumasok ako sa silid at iniwang lumuluha si Bernadette. Kahit may sama pa ng loob si Mommy sa akin kinapalan ko ang mukha ko. Ayokong magalit ng lubos sa akin si Mommy. I want to make it up with her. “Mabuti nandito ka. Gusto kitang makausap. Hindi ibig sabihin pinatatawad na kita sa mga ginawa mo. Masama ang loob ko sa iyo. Makakabawi ka lang sa akin kung susundin mo ang hiling ko.” Umupo ako sa tabi ni Mommy. Tumango ako sa sinabi niya. “Whatever you want me to do I will do it. I want to make it up to you.” Sabi ko. Napangiti si Mommy sa sinabi ko. Bigla akong kinabahan sa uri ng kaniyang ngiti. “Marry Bernadette.” It was only two words, but they had a big impact on me. I can’t do it! Paano naaatim ni Mommy na hilingin sa akin na pakasalan ko ang babaeng iyon. Even at the start ayoko siyang pakasalan. I don’t love her. Pinagbigyan ko siya noon dahil nabuntis ko si Bernadette, but this time wala na akong pananagutan sa kanya kaya wala ng dahilan na pakasalan ko pa siya. Tinaasan ako ng kilay ni Mommy ng hindi ako nakaimik. “Mukhang hirap kang magdesisyon. You told me will do anything I say. Bakit tila nagdadalawang isip kang gawin ang sinabi ko.” Seryosong saad ni Mommy. I heaved a deep sigh. Napasubo yata ako? Anong magagawa ko? Lihim akong nagngingitngit sa galit kay Bernadette. Gagawin ko ang lahat maging impyerno ang buhay niya sa akin. “Okay, I will marry her. Tutuparin ko ang pangako ko sa inyo.” Ngumiti ng malawak si Mommy at niyakap ako. Sa kabila ng pagpayag ko hindi ko ramdam ang kasiyahan na nararamdaman ni Mommy sa sandaling ito. Ipinapangako kong gagawin kong lahat upang maging impyerno ang buhay ni Bernadette sa piling ko. Hindi ko hahayaang maging masaya ang babaeng iyon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD