UMALIS ako sa bahay ni Mommy na walang nahita. Hindi niya sinabi kung saan nakatira si Bernadette. Nahihirapan akong galit sa akin si Mommy. Ayoko siyang ganito sa akin.
Kailangan kong hanapin si Bernadette. Kahit mahirap sa part ko ang gagawin ko magpapakumbaba ako para madaling makuha ang loob niya. Susundin ko na ang gusto ni Mommy kahit labag sa loob ko. I heaved out a deep sigh. I don't know where to or how to start.
Tumuloy ako sa opisina ko kahit wala akong ganang magtrabaho. Kapag uuwi naman ako ng bahay wala naman akong gagawin doon. At saka mag-isa ko lang sa bahay.
Nagpasya kong tawagan ang detective na kinuha ko para hanapin si Bernadette. Saan na ba ang babaeng iyon? Pinahihirapan niya lang ako sa paghahanap. Kung hindi lang kay Mommy hindi ako magtatangkang hanapin siya.
“Hello may balita ka na ba sa pinapahanap ko sa iyo?” tanong ko kay Detective Marlon Lumba.
“Tatawagan ko sana kayo naunahan niyo akong tawagan. I have a good news Sir. Alam ko na po Sir kung saan ang tirahan ni Bernadette. Na-send ko na sa email niyo ang buong details about her. I myself confirmed na nandoon nga siya. And one more thing Sir. . .” pinutol ko ang sinasabi niya.
“I’ll send the cheque to your account. I will go there now. Thank you.”
“Okay, Sir.” I ended the call.
Napangiti ako dahil magkakaroon na ng kalinawan ang pag-aayos namin ni Mommy. Kailangan kong gumawa ng paraan para mapilit ang babaeng iyon na bumalik sa bahay.
I checked my email. Nabasa ko ang buong details at nakita ko ang address kung saan ito nakatira. Sa condo pala siya nakatira ngayon.Saan naman kaya kumuha ang babaeng iyon? Mahal ang rent sa condo at mukhang high-end condo ang address ng tinitirhan nito?
“Cancel my meeting. I’m out for today.” Sabi ko sa Secretary ko. Ibubuka pa sana nito ang bibig nang lagpasan ko lang siya at nagmamadaling naglakad patungo sa elevator.
Narating ko ang lugar. Napatingin ako sa building. Mataas ang condo. Nasa 30 palapag. Pumasok ako sa loob ng building. Tinanong ako ng guard kung anong pakay ko.
“I’m visiting my friend Bernadette Pelayo sa 121.” Sabi ko. May hinanap silang pangalan sa sinabi kong number ng unit.
“Sir wala pong Bernadette Pelayo ang nakalagay sa unit 121. Si Cyrus Andrada po ang nakalagay na pangalan doon.” Sabi ng guard. Nangunot ang noo ko. Lalaki ang may-ari.
“Oh, that’s my friend. M-My cousin is Bernadette Pelayo.” Pagsisinungaling ko. Sana gumana ang alibi ko.
“Okay, Sir.” Nakahinga ako ng maluwag ng pinapasok ako. Sumakay na ako sa elevator. Habang nasa loob ng elevator nakaramdam ako ng kaba at the same time excited. Hindi ko alam kung bakit ko naramdaman iyon?
Bumukas ang elevator at lumabas na ako. Pinuntahan ko ang unit 121. Bumuga muna ako ng hangin bago kumatok. Kailangan kong makuha ang kapatawaran ni Bernadette. She is the only way upang maibalik ang tiwala sa akin ni Mommy.
NAPAKAGANDA ng bahay na sinasabi ni Mommy Lilly. Napag-isipan kong mga sinabi niya. Mas okay na dito ako at alam kong tutupad siya sa sinabi niyang hindi sasabihin kay Fernan kung nasaan ako. Nakakahiya kasi na doon pa ako manirahan sa condo ni Cyrus. Nakakaistorbo na ako sa buhay niya. Hindi niya ako obligasyon para alagaan at patirahin ng libre. Kawawa naman yung tao nagtatrabaho na nga sa umaga pati sa gabi ganun din. Kahit buntis ako itutuloy ko pa din ang business kong sweets.
“Nagustuhan mo ba ang lugar at ang bahay?” Tanong sa akin ni Mommy Lilly. Tumango ako habang may ngiti sa labi ko. Ang nagustuhan ko ay maaliwalas ang paligid at malamig dahil sa mga punong nakapaligid sa bahay. At isa pa ang napansin niya wala masyadong nakatayong bahay. Malayo ang distansya ng mga bahayan.
“Napakaganda po ng bahay at mukhang presko ang paligid.”
Balak kong magtanim ng mga halaman para naman maganda ang harapan ng bahay.
“Alam mo noong una ko itong nakita nagustuhan ko na. Ang may-ari nito ay kaibigan ko noong kolehiyo pa ako. Binenta niya sa akin dahil balak niyang tumira na sa probinsya sa Palawan. Meron kasi siya doong resort na pinapatakbo. Maingat sa bahay niya ang kaibigan kong iyon kaya alagang-alaga niya ang mga halaman at puno na siya ang nagtanim.” Napatango ako sa kuwento ni Mommy Lilly.
Nai-imagine ko na kapag malaki na si baby dito siya maglalaro sa garden. Tamang-tama maluwang naman ang lawn. Hindi na ako makapaghintay na makita ang anak ko. Napahimas ako sa malaki kong tiyan. Lumapit sa akin si Mommy Lilly at hinawakan ang tiyan ko.
“Excited na akong lumabas ang unang apo ko. Sigurado madalas akong magpupunta dito. Salamat anak at kahit galit ka kay Fernan hindi ka nagalit sa akin.” May lungkot sa kanyang mga mata. Kinuha ko ang dalawa niyang kamay at mahigpit na hinawakan.
“Mommy, hindi ko po magagawang magalit sa inyo. Naging mabuti po kayo sa akin, sa amin ng Nanay ko. Kahit hindi niyo po kami kamag-anak itinuring niyo po kaming kapamilya. Ako po ang dapat magpasalamat, sa pagmamahal na ibinigay niyo po sa akin.” Nangilid ang luha ko. Naalala ko na naman ang Nanay ko.
HINAGIS ko ang bote na walang laman. Nabasag ang bote at nagkalat ang bubog sa sahig. Hindi ko nakita sa condo si Bernadette. Nagngangalang Cyrus Andrada ang nakatira doon. Hindi ko naitanong kung anong kaugnayan nilang dalawa. Bakit ko bas itatanong kung anong kauganayan nilang dalawa? In the first place I don’t care. Ang pakay ko lang naman mahikayat kong umuwi si Bernadette sa bahay para magkaayos na kami ni Mommy.
Kahit anong pakiusap ko sa kanya hindi niya sinabi kung saan nagpunta si Bernadette. Wala daw siyang alam kung saan ito nagpunta. Kaya umuwi akong walang nahita sa pagpunta doon.
That b***h! Bakit kailangan pang pahirapan ako? Kung wala lang akong kailangan sa babaeng iyon. Hindi ko siya hahanapin!
“Ganyan na lang ba ang gagawin mo sa buhay mo?” Nag-angat ako ng tingin. Bigla ay nawala ang kalasingan ko ng makita ko si Mommy. Tumayo ako at muntik na akong matumba kung hindi lang ako nakakakapit sa hawakan ng upuan. Inayos ko ang sarili ko upang hindi niya mahalatang lasing na lasing ako. Although hilong-hilo na ako.
“Hi, Mom! Pasensya na at madumi ang bahay ko.” Naigala ko ang tingin ko sa kabuuan ng sala. May mga boteng basag at nakakalat sa sahig. Ang sofa ay wala na sa ayos.
Napaiiling si Mommy habang nakatingin sa akin.
“Instead you find her. You’re here drinking. Bakit ginagawa ito? Hindi ba ito ang gusto mo mawala sa buhay mo si Bernadette? Pinakawalan mo lang ang babaeng nagmamahal sa iyo ng totoo. She will never hurt you. But instead ikaw ang nananakit sa kanya. Nasaan ang puso mo, Fernan? Walang hinangad si Bernadette kung hindi mahalin ka. Mahal ka niya kahit hindi mo magawang mahalin siya pabalik. Nagtiis ang pobreng babae sa mga ginawa mong p*******t sa kanya. May narinig ka ba sa kanya? Dapat magsaya ka at natupad na ang gusto mo. Nagsisisi ako dahil ipinakasal kita sa kanya. Pumapayag na akong I-annul ang kasal niyo ni Bernadette. Don’t worry hindi ako magagalit kung sakaling pumayag ka. Well, I know papayag ka.” Natigilan ako sa sinabi niya. May kung ano akong naramdaman sa puso ko. Bakit hindi ko maramdaman ang saya?
“Mom. . .” ang tangi kong nasabi. Nawalan ako ng sasabihin. Nabigla ako sa naging desisyon ni Mommy. I didn’t expect this.
“Annul your marriage with Bernadette. Sign the annulment paper at sasabihin ko sa iyo kung nasaan siya.”
Kumunot ang noo ko. Alam niya kung nasaan si Bernadette? Bakit ba ginagawa niya sa akin ito? Bakit kailangan niya akong pahirapan?
Is she doing this to punish me for what I did to Bernadette? Hindi pa ba sapat na pumapayag na akong bumalik sa buhay ko si Bernadette? Tila pinaglalaruan niya ako.
“Kung sakaling pirmahan ko ang annulment maibibigay niyo ba sa akin ang kapatawaran na hinihingi ko sa inyo?” tanong ko kay Mommy.
Ilang minutong katahimikan. Nakatitig lang siya sa akin. Mukhang tinitimbang pa niya ang magiging desisyon nito.
“Hindi kasali ang galit ko sa pagpirma mo sa annulment paper. I already mention you will know where is she. It’s not included ang problema nating dalawa.”
Mas lalong nangunot ang noo ko. Ano bang gustong palabasin ni Mommy? Papipirmahan niya ako ng sapilitan?
“I can’t do that, Mom!” Pagtanggi ko sa hiling niya. Kung ganoon lang na hindi ko rin naman makukuha ang kapatawaran niya. It’s useless kung pumayag akong pirmahan ang annulment paper.
“Kung ganoon hindi mo na siya makikita. Kahit ilang detective pa ang kunin mo hindi ko papayagang mahanap nila si Bernadette. Just accept the fact that you and Bernadette are not meant to each other. Ito ang kabayaran ng lahat ng masamang ginawa mo sa kanya. Kaya pagdusahan mo.” Tinalikuran na niya ako at iniwan. Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Mommy. Nawala na ang kalasingan ko. Napahagod na lang ako sa aking buhok.
NAPAKABILIS ng panahon ngayon na ang araw na lalabas na si baby girl ko. Pina-admit na ako ni Mommy Lilly sa ospital na malapit lang dito sa village para hindi ako mahirapan sa biyahe. Madalas ang pagsakit ng tiyan ko. Ayon sa doktor 6 cm na ang cervix ko ng i-check kanina. Masakit na ang paghilab at kada isang oras ang paghilab ng tiyan ko. Naupo ako sa upuan na nasa silid ko. Lumabas muna si Mommy Lilly para bumili ng pagkain.
Nagpasya akong lumabas muna at magpapahangin. Naupo ako sa upuan na nasa gilid lang ng hallway. May mga dumadaang pasyente. Napasulyap ako sa dalawang mag-asawa na napadaan sa harapan ko. Buntis ang babae. Hawak ng lalaki ang kamay ng babae. Hinagkan ng lalaki ang noo ng babae na kinangiti niya. Hindi ko maiwasang makaramdam ng inggit.
Naalala niya si Fernan. Ganito din kaya ang gagawin nito kapag natutunan niya akong mahalin? Hindi niya maiwasang kaawan ang sarili dahil namamalimos na lang siya ng pagmamahal rito. Tanga ang dapat itawag sa katulad niyang umaasang mamahalin pa ng lalaking una ay hindi na siya mahal. Hinawakan ko ang tiyan ko at hinimas.
Anak, ibibigay ko sa iyo lahat ng pagmamahal ko. Sisikapin kong hindi ako magkukulang sa mga pangangailangan mo. Kaya natin ito anak. Ikaw ang magiging lakas ko para lumaban sa buhay. Sa loob- loob ko.
Nagpasya na akong bumalik sa silid ko. Hindi ko pa naihahakbang ang mga paa ko nang sumakit ang tiyan ko. Habang patagal nang patagal ay palala nang palala ang pagsakit. Napahawak ako sa balakang ko. Tila mabibiyak ang beywang niya sa sobrang sakit.
Napakagat labi siya at pinilit na maglakad. Napakapit ako sa dingding habang sapo ang tiyan ko.