NAKATITIG ako sa aking anak. Na parang ayaw kong kumurap at baka mawala na lang siya bigla. Napakaganda niya. Nakuha niya ang feature ni Fernan.
Ang kulay ng balat niya ay nakuha niya din kay Fernan. Maputi at mamula-mula. Ang kulay ko kasi ay hindi kaputian, tama lang. Hinaplos ko gamit ang hintuturo na may pag-iingat ang noo ng anak ko. Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwalang nasa bisig ko ang anak ko. Kailan lang nasa sinapupunan ko pa siya.
Gagawin ko ang lahat upang maibigay ang pagmamahal sa aking anak. Siya ang magiging inspirasyon ko sa pagbangon mula sa masakit na nangyari sa akin.
Mamahalin kita anak ibibigay ko lahat sa iyo. Magsisikap ako para sa kinabukasan mo.
Hinagkan ko ang maliit na noo ng anak ko. Pinangalanan ko siyang Abigail. Yun kasi ang pangalan ng Nanay ko. Kung buhay lang sana si Nanay may katukayo na siya.
Nangilid ang luha ko. Hindi ko maiwasang manabik sa nanay ko. Naalala ko noong bata pa ako kung paano niya ako alagaan. Ayaw niya akong nadudumihan noon. Madalas akong sumasama sa kanya kapag nagpupunta kila Mommy Lilly upang tulungan siya sa paglilinis ng bahay. Ayaw niya nga akong pagtrabahuin noon pero sadyang matigas ang ulo ko. Gusto ko kasing tulungan siya.
“Nagdala ako ng damit mo anak.” Napaangat ako ng tingin ng dumating si Mommy Lilly. May dala itong paper bag. Inilapag niya sa lamesita. Umuwi muna ito para kumuha ng damit ko. Bukas puwede na akong ma-discharge sa ospital pati na si baby Abaigail. Natapos kanina ang newborn test na isinagawa ng doktor sa baby ko kaya puwede na kaming umuwi.
“Salamat po, Mommy. Magpahinga na po kayo. Alam ko pong napagod kayo.” Sabi ko. Lumapit ito at napangiti ng makita ang apo.
“Ayos lang sa akin, Bernadette. Nawala na ang pagod ko nang makita ko ang apo ko. Napakaganda niya. Kaya lang bakit ganun kamukha ni Fernan dapat kamukha mo.” Ngumuso si Mommy Lilly. Natawa ako. Iyon din ang naisip ko. Sana kamukha ko na lang ang anak ko. Hindi naman sa ayaw kong makamukha ni Fernan ang anak namin, pero siyempre bilang ina ako dapat ang kamukha.
“Hayaan niyo na po. Ganoon po talaga,” natatawa kong sabi. Kinuha niya sa akin ang apo niya. Maingat kong ibinigay sa kanya ang anak ko.
“Doon muna ako sa inyo, ha? Ako ang mag-aalaga sa inyo ng apo ko. Hayaan mong maghanap sa wala ang anak kong si Fernan. Kailangan niyang magdusa.” Aniya.
“Mas kamukha ko pala ang apo ko, hindi ba?” Kausap niya sa anak ko. Kunsabagay kamukha naman ni Fernan ang Mommy niya. Kaya hindi malayong kamukha ni baby Abigail ang lola niya.
KINABUKASAN alas nuwebe ng umaga nang ma-discharge na kami ni baby Abigail. Si Mommy Lilly ang may hawak sa apo. Ayaw niya daw mabinat ako. Natatawa nga ako sa kanya. Ayos lang naman na buhatin ko ang anak ko. Hindi pa naman ito mabigat. Although may nararamdaman pa akong kaunting sakit sa tahi ko sa puwerta. Gayon pa man carry ko pa naman ang sakit. Unlike nang humihilab ang tiyan ko para akong mamamatay. Pinagbigyan ko na lang si Mommy Lilly. Alam kong sabik sa apo.
Napatingin ako sa sasakyang kulay itim na nasa likuran namin. Kanina pa kasi nakabuntot magmula sa ospital. Nakahinga ako ng maluwag ng lagpasan ang sasakyan namin. Akala ko sumusunod ang sasakyan. Baka dito din ang daan na pupuntahan nito. Napasunod na lang ang tingin ko sa papalayong itim na sasakyan.
Napasulyap ako kay Mommy Lilly habang kinakausap si baby Abigail na nakamulat na ang mga mata. Hindi niya pa masyadong maibuka ang mga mata dahil sa liwanag. Kumikibot ang labi niya. She is so cute kapag ginagawa niya iyon. Napahikab si baby Abigail tanda na inaantok na naman.
“Matutulog ka na naman? ’Di bale kapag big ka na maglalaro tayo,” kausap ni Mommy Lilly kay baby Abigail. Aliw na aliw ito sa apo. Hindi na din ako makapaghintay na lumaki ang anak ko.
BUMANGON ako sa kama ko. Napahinto ako sa pagtayo nang makaramdam ng pagkirot sa ulo ko. May hangover ako mula sa paglalasing kagabi.
Ilang minuto akong nakaupo bago nagpasyang tumayo sa kama ko. I have to get to work. Tumayo ako upang maligo. Kahit naman down na down ang pakiramdam ko hindi ko hahayaang pabayaan ang company ko.
Seryosong naglalakad ako sa hallway ng building. Dedma sa mga bumabati sa akin. Una sa lahat hindi ko ugaling bumati sa mga taong hindi ko kilala.
Pagkapasok ng opisina ko nakaramdam na naman ako ng kalungkutan. Para bang kulang ang araw ko. Hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko ito?
Biglang sumagi sa isip ko si Bernadette. Where is she now? where are you? Gusto kong kutusan ang sarili ko dahil pinagkakaabalahan ko pang maalala ang babaeng iyon. Hindi siya worth para isipin.
“Hey, I have to tell you something,” bigla na lang pumasok sa opisina ko si Gavin. Nangunot ang noo ko. Anong kailangan ng lalaking ito? Wala naman kaming usapang pupunta ito dito sa ganito kaagang oras?
“I have no time for that. Just leave madami pa akong gagawin.” Masungit kong sabi sa kanya. Ngunit hindi man lang naapektuhan si Gavin sa pagsusungit ko. He chuckled.
“What?” inis na tanong ko dahil sa pagtawa niya. Nakakainis!
“Ayaw mo bang malaman ang importanteng sasabihin ko?” Tumaas ang sulok ng labi nito. Napairap ako. Bakit hindi na lang niya ako diretsahin? May pabitin pa lalaking ito?
“Parang hindi ka yata interesado, eh?” tinaasan ko siya ng kilay. Ano bang gustong palabasin nito?
“Although I am not interested. Nandito ka rin naman sabihin mo na kung anong pakay mo. Make sure importante yan! Kapag nonsense huwag ka ng magpapakita sa akin.” I said seriously.
Naupo si Gavin sa sofa at nagdekwatro at isinandal ang likod sa backrest ng sofa.
“Kanina habang nasa ospital ako may nakita ako. Well, sa una hindi ko siya nakilala dahil medyo malayo ako sa kinaroroonan nila. Lumapit pa ako para masigurong siya nga iyon.” Nangunot ang noo ko. Ano bang gusto niyang sabihin? Ano naman kinalaman sa akin?
“So ano naman ang kinalaman ko sa taong nakita mo sa ospital? Straight to the point Gavin. Wala akong panahon sa mahaba mong kuwento na wala namang katuturan. Ano bang ibig mong ipahiwatig diyan sa kuwento mo?” naiiritang sabi ko.
Kinuha ko ang papel na binabasa ko. Nag-angat ako ng tingin nang marinig ko ang tawa ni Gavin. He looks amuse. Salubong ang kilay kong napatingin sa kanya.
“Bahala ka kung ayaw mong ituloy ang kuwento ko.” Sumenyas akong magpatuloy lang siya.
“Kakausapin ko sana siya nang makilala ko kung sino siya. Pero nagbago isip ko. Kaya ginawa ko sinundan ko sila. Nagulat ako dahil may hawak na baby yung kasama niya. Hindi ko talaga akalain. Ang buhay nga naman.” Napapalatak pa ito. Natigil ako sa pagbabasa. Tiningnan ko si Gavin.
“You know what bago ko pa maibato itong swivel chair ko sa iyo puwede ba sabihin mo na kung sino ang nakita mo? Alam mo bang nakakapikon ka na sa pambibitin mo sa kuwento mong walang kwenta!”
Natawa na naman ito.” Relax ka lang. High blood ka naman diyan. Kaya ka iniiwan masyado kang masungit.” Nagtagis ang bagang ko sa sinabi niya. Sinamaan ko ito ng tingin. Itinaas nito ang dalawang kamay na parang sumusuko. Ipinagpatuloy ko ang pagbabasa.
“Nakita ko ang Mommy mo.” Napaangat ako ng tingin.
Pagtataka ang reaction ko. “Anong ginagawa ni Mommy sa ospital?” bigla akong kinabahan. s**t hindi ko man lang siya tinanong kung ayos lang ba siya? Napahimas ako sa batok ko. Tanging sarili ko lang ang inisip ko. Hindi ko na inalala si Mommy.
“Na-admit si Mommy?” tanong ko sa kanya. Umiling ito.
“Mukhang okay naman ang Mommy mo. Ang tanong kung sino ang kasama niya?” Pagpapatuloy ni Gavin sa kwento nito.
Hindi ko pinansin ang huli nitong sinabi. “Nakausap mo ba siya?”
“Hindi ko nga nakausap ’di ba? Naintindihan mo ba ang kwento ko? Hindi ka kasi nakikinig, eh? Patapusin mo muna kaya ang kuwento ko.” Nag-igting ang panga ko sa inis. Wala talaga akong balak makinig sa kuwento niya pero dahil nabanggit niya si Mommy kaya kahit nakakainis itong si Gavin gagawin ko.
“May hawak na baby ang Mommy mo habang nasa tabi lang yung kasama niya.” Napakunot ang noo ko. Sino namang kasama ni Mommy at bakit may hawak na baby? Pagkakaalam ko wala naman akong kamag-anak na manganganak?
“Sino ang kasama ni Mommy?” Tanong ko. Napatitig si Gavin sa akin. Napabuntonghininga pa siya.
“Kasama niya si. . .” naputol ang sasabihin niya ng tumunog ang cellphone nito.
“Ah, wait lang sasagutin ko muna itong tawag at baka importante.” Napairap ako. Ilang minutong kausap ni Gavin ang taong tumawag at ako naman ay ipinagpatuloy ang pagbabasa sa mga papeles.
“I am so sorry. I have to go. Next time ko na lang sasabihin. Importante itong pupuntahan ko.” Sumalubong ang kilay ko. Sa sobrang inis ko ibinalibag ko sa kanya ang lagayan ng ballpen ko. Buti naisara na ni Gavin ang pinto bago tumama sa kanya.
Pinatong ko ang dalawa kong kamay sa ibabaw ng mesa. Palaisipan sa akin kung bakit nasa ospital si Mommy. Bakit may hawak siyang baby? Pupuntahan ko si Mommy mamaya.
Papasok na sana ako sa loob ng gate ng makita ko si Mommy na may inilalagay na mga gamit sa sasakyan niya. Hindi muna ako pumasok at pinanood ko lang siya sa ginagawa. Nang sumakay si Mommy sa sasakyan nito nagmadali akong bumalik sa sasakyan ko. Sinundan ko ang sasakyan nito.
Nakarating ako sa isang exclusive village na malayo sa tinitirhan ni Mommy. Hininto ko ang sasakyan sa malayo na hindi mahahalata ang sasakyan ko. Nakapasok na siya sa loob na hindi niya ako napansin. Napangiti ako ng hindi nai-lock ni Mommy ang front door. Napatingin ako sa kabuuan ng kabahayan. Maganda ang bahay dahil kumpleto sa kagamitan. Napansin ko din na may malawak na lawn sa labas. Umakyat ako sa inakyatan ni Mommy. Para akong magnanakaw ingat na ingat sa bawat kilos at paghakbang huwag lang makagawa ng ingay.
Pumasok sa isang silid si Mommy kaya sinundan ko siya. Habang papalapit hindi magkamayaw ang pagtibok ng puso ko ng mabilis. Pakiramdam ko may malalaman akong ikabibigla ko.
Sa nanginginig ng mga kamay dahan-dahan kong pinihit pabukas ang doorknob. Hindi ako makahinga ng maayos dahil sa sobrang kaba. Hindi ko alam kung bakit. Pwede ko namang kausapin na lang si Mommy. Pero ang ginagawa ko ngayon ay para akong magnanakaw. Hindi ko itinuloy ang pagbukas. Nanatili akong nasa labas
Bumilis ang t***k ng puso ko nang marinig ko ang pamilyar na boses. Boses iyon ni Bernadette. Hindi ako nagkakamali!