Episode 15

1885 Words
“ARE you sure pupuntahan mo ang Mommy ni Fernan the asshole?” Natawa pa si Cyrus sa tinuran. Napamakeface ako sa kanya. “Ikaw talaga kung ano-anong tinatawag mo kay Fernan. Hindi mo pa naman nakikilala iyon ng personal.” Sabi ko. Naikuwento ko kasi sa kanya ang lahat tungkol kay Fernan. “Kahit sa kuwento ko lang siya nakilala ramdam kong stupid at asshole yang si Fernan. Imagine mo pinakawalan niya ang katulad mo? Wala siyang awa sa iyo. Ulila ka na nga lang ginanun ka pang gago na yun. Sorry for my word nakakabwisit naman kasi. Pangalan palang nakaka-high blood na.” Tumawa ako kasi mukhang si Cyrus ang na-stress sa aming dalawa, hindi ako. “Oh, ano naman nakakatawa doon?” Tanong nito. “Eh, kasi parang ikaw iyong na-stress sa ating dalawa. Kung mainis ka daig mo pa ako. Dapat ako iyong nagngingitngit sa galit kay Fernan. Pero ikaw yata iyon, eh?” sabi ko na natatawa. Natawa na din si Cyrus. “I am so happy I make you laugh. Kasi mula noon hindi ka na ngumiti. Iyong ngiti na halos maningkit ang mga mata mo.” Pinahid ko ang luha ko sa mga mata dahil sa matinding pagtawa. “Kasi lagi mo akong pinapatawa. Sinong hindi matatawa? Salamat Cyrus sa lahat. Balang araw makakabawi din ako sa iyo.” Sabi ko. Dahil sa sayang nararamdaman ko niyakap ko siya. Napakagaan ng loob ko sa kanya kahit noong una ko siyang nakita. “Sure na pupuntahan natin ang Mommy Lilly mo?” Tumango ako. Gusto ko siyang puntahan at kamustahin. Siya lang ang nagmamahal sa akin. Bakit ko naman siya iiwasan? Nakokonsensya ako sa hindi pagpaparamdam sa kanya. Napakalaki ng utang na loob ko sa kanya. Nagpasya akong dalawin si Mommy Lilly. Sinigurado kong wala si Fernan bago ko pumunta sa bahay nila. Ayokong magkrus ang landas namin. Tama na yung nagpakatanga ako noon sa pagmamahal sa kanya. Sarili ko naman ang iisipin ko ngayon at ang magiging anak ko. Huminga muna ako ng malalim bago bumaba ng kotse. “Gusto mo bang samahan kita?” alok ni Cyrus sa akin. Umiling ako. “Hindi na Cyrus, kaya ko na ito.” Sabi ko. Pinapasok ako ng guard dahil kilala naman niya ako. Napatingin pa nga sa malaki kong tiyan. Hindi naman ito nagtanong dahil ngiti lang ang tinugon ko sa kanya ng batiin niya ako. Pagkabukas palang ng pinto sinugod na ako ng mahigpit na yakap ni Mommy Lilly. “Diyos ko bakit ngayon ka lang nagpakita sa akin Bernadette? Nag-alala ako sa iyo!” sabi ni Mommy Lilly. Gulat na gulat ang reaction niya nang mapasulyap sa malaki kong tiyan. Umawang ang labi at napahawak sa ibabaw ng kanyang dibdib. Kinabahan ako at baka atikihin siya sa puso. “Buntis ka?” Hindi makapaniwalang tanong niya. “Alam ba ni Fernan ito?” dagdag pa nito. Hinawakan niya ang braso ko at pinaupo sa sofa. “Hindi niya po alam na buntis ako.” Sabi ko. Napatitig siya sa akin. Inabot niya ang aking pisngi at hinaplos iyon. “I am sorry anak kung hindi man lang kita naipagtanggol sa anak ko. Kasalanan kong lahat ng ito. Sana hindi ko na lang pinilit na maikasal kayo. Ikaw tuloy ang nagdurusa. Akala ko ito ang tamang panahon para makalimutan na niya si Isabella ngunit mali ang naging desisyon ko. Nagkamali ako. Patawarin mo ako, anak.” Napaiyak si Tita Lilly habang ako naman ay hindi napigilang maluha sa sinabi niya. “Wala po kayong kasalanan. May kasalanan din naman po ako. Sana tumanggi ako sa kasal. Akala ko kasi iyon ang tama. Umasa kasi akong mamahalin niya din ako kapag naikasal na kami.” Nangilid ang luha ko. Nagpakatanga naman kasi ako sa pagmamahal sa lalaking walang pakialam sa akin. Niyakap niya ako. “Dito ka na mag-stay sa bahay. Buntis ka pa naman. Ayokong may masamang mangyari sa apo ko.” Anito nang kumawala ito sa yakap. Hinaplos niya ang pisngi ko. “Sorry po, Mommy Lilly ngunit hindi ko po mapagbibigyan ang hiling ninyo. Gusto ko po kasing malayo kay Fernan. Sana po maintindihan niyo.” Naalala ko na naman ang ginawa ni Fernan. Hindi ko maiwasang magngitngit sa galit. Napakahalay nila! Bakit sa mismong bahay pa namin. Sinadya ba niyang gawin iyon para makita ko ang kababuyan nila? Napakasakit sa part ko na makitang may ibang kasiping ang asawa ko. “Tell me kung anong nangyari kung bakit ka umalis. Huwag kang mag-alala hinding hindi ko sasabihin kay Fernan ang kalagayan mo. Dapat siyang parusahan at magdusa. I even give him a chance para maging mabuti sa iyo. I even used my situation para mapasunod siya ngunit nabigo ako. Kaya dapat lang bigyan ng leksyon ang lalaking iyon. Kahit na ba anak ko pa siya.” Hinawakan ni Mommy Lily ang kamay ko. “N-Nahuli ko po silang may ginagawang milagro sa mismong silid ni Fernan.” Umiiyak na sabi ko. Kapag naalala ko iyon parang hinihiwa ang puso ko. “Anak humihingi ako ng tawad sa ginawa ni Fernan.” Napayakap sa akin si Mommy Lily. Pareho na kaming umiiyak. “Wala po kayong dapat ikahingi ng tawad sa akin. Si Fernan po ang nakagawa ng kasalanan po sa akin.” Kumawala ako sa pagkakayakap. “Doon ka na tumira sa isang bahay na dapat ibibigay ko sana sa inyo. Huwag kang mag-aalala hindi alam ni Fernan ang bahay na iyon. Hindi niya malalamang magkakaroon na siya ng anak. Alam kong masama ang gagawin ko. Gusto kong magdusa siya at magsisi sa mga ginawa niya sa iyo.” Napatitig ako sa kanya. “Pag-iisipan ko po. Huwag po kayong mag-alala nakikituloy po muna ako sa isang mabuting kaibigan.” Pagpapanatag ko sa kanya. “Pag-isipan mo ang alok ko. Para din sa apo ko ito. Ayokong mahirapan kayong dalawa. Akong bahala sa lahat ng pangangailangan niyo.” Hinaplos niya ang pisngi ko. “Salamat po, Mommy Lilly. Aalagaan ko po ang sarili ko para po sa anak ko.” Nagyakapan muli kami. Nagpaalam na din ako dahil hapon na. Pagkalabas namin ng village napatingin ako sa dumaang sasakyan. Nagtago ako ng makita ko si Fernan. Napakabilis ng t***k ng puso ko ng makita ko siya. Buti na lang nakaalis na kami bago dumating si Fernan. Ayokong magkrus ang landas namin. Hindi na pagmamahal ang nasa puso ko kung hindi pagkamuhi. Ito na yata ang sinasabi nilang hangganan. Narating namin ang condo ni Cyrus, madilim na. Bumili na lang ng ulam sa isang restaurant si Cyrus. Nagtataka naman ako dahil mukhamg mamahalin ang pinagbilhan niya. Sabi niya kakilala niya daw ang may-ari ng restaurant kaya nakalibre daw siya. Isang tinging paghanga ang ibinigay ko sa kanya. “Wow, yayamanin pala mga friends mo. Ako lang yata ang purita.” Sabi ko sabay tawa. “Hindi naman, ito naman.” Inayos na niya ang mga pagkain na binigay daw ng kaibigan niyang mayaman. Biglang may nag-doorbell. Napahinto sa pag-aayos si Cyrus. Akmang tatayo ako ng pinigilan niya ako. “Ako na lang.” Presinta nito. Ako na ang nagtuloy sa ginagawa niya. Nagtataka ko siyang tiningnan nang humahangos si Cyrus nang bumalik ng kusina. Hinawakan niya ang kamay ko. “Please tell her ikaw ang may-ari ng condo at naibenta na ng dating may-ari ito. Huwag mong sasabihing kilala mo ako. Okay?” Sabi niya. “Bakit?” Napakamot ako ng ulo. Nagtago sa silid si Cyrus. Nang binuksan ko ang pinto isang babae ang nakatayo. She looks so young. Mukhang teenager palang ang babae. Nakasuot ito ng medyo hapit na t-shirt at punit-punit na maong. Nakasuot ito ng rubber shoes at nakasukbit sa likod nito ang backpack. Tila galing sa school. Napatingin sa akin ang babaeng maganda. “Nandito ba yung may-ari ng condo unit? Ano ka ba niya katulong?” Saglit akong hindi ako nakapagsalita. Umiling ako. “A-Ako yung bagong may-ari ng condo. N-Nabili ko na kasi ito. Sino ka?” Tanong ko. Kabang-kaba ako. Baka kasi madulas ako at masabi ko ang pangalan ni Cyrus. “N-Nabili mo itong unit?” Tanong nito nang hindi sinagot ang tanong ko. Tumango ako. “Hindi nga? Kasi sabi sa front desk si Cyrus Andrada daw ang may-ari nito. Bakit iba na ang may-ari?” Napatikhim ako para hindi ako mautal. “Ah, oo si Cyrus nga ang pangalan ng dating may-ari. Binenta niya sa aming mag-asawa. Kailangan kasi nami ng matutuluyan malapit sa ospital. Malayo kasi yung bahay namin sa ospital para sa panganganak ko.” Napakamot ako sa kilay ko. “Ganon ba?” Nalungkot ang mukha ng babae. Para ngang maiiyak na. Gusto ko sana siyang aluin pero baka mabuko ako. Umalis agad ang babae at naiwan akong nakatitig sa likuran ng babaeng palayo. Ano naman kaya ang kaugnayan ng babae kay Cyrus? Maingat kong isinara ang pinto. “Cyrus, kaano-ano mo ba yung babae? Kawawa naman.” Sabi ko. “Wala yun. iIang batang desperada na patay na patay sa akin. Kaya nga ako naglayas sa bahay para iwasan ang babaeng iyon. Ayokong makasal sa kanya. For god sake halos 10 years ang tanda ko doon. Tsaka hindi pa ako handang magpatali.” Kita ko kay Cyrus ang kaserysohan habang sinasabi niya iyon. “Eh di sana kinausap mo ang magulang mo about sa nararamdaman mo.” Napatawa ng mahina si Cyrus. “Arrange marriage kami kaya kahit ayoko gagawin pa din nila na maikasal ako sa batang yun.” Ganito din siguro ang nararamdaman ni Fernan ng pinipilit ko ang sarili ko sa kanya. Para naman nasense ni Cyrus ang pananahimik ko. “Sorry. Iba ka naman sa case ko.” Napangiti ako ng mapait. Kahit bali baliktarin pareho lang yun. Isa din akong desperadang nagmahal sa isang lalaking sagad hanggang langit ang galit sa akin. KAHIT alam kong galit sa akin si Mommy dinalaw ko pa din siya. “Mom, kumusta na po kayo?” Binalingan niya ako ng nagbabagang tingin. “Ayos lang ako kahit hindi mo tanungin. Ayokong makita ang pagmumukha mo! Paano mo maatim na magsinungaling sa sarili mong ina?! Alam ko na ang totoo kung bakit lumayas si Bernadette!” Nagpupuyos sa galit si Mommy. “H-How did you know? Alam niyo po ba kung nasaan si Bernadette. Tell me Mom.” Sabi ko. Napangiti ng nakakaloko si Mommy. “Hindi ko alam kung nasaan si Bernadette. Huwag mong tanungin kung sinong nagsabi. Ngayon alam ko na kung gaano ka kasama! Hindi kita pinalaking ganyan! Alam kong sumobra ako ng pilitin kitang pakasalan mo si Bernadette. Ngayon nagsisisi ako sa maling desisyon ko.” Naghihinanakit na sabi ni Mommy. Natahimik ako. I want to find Bernadette para naman walang masabi si Mommy sa akin at makabawi na rin ako sa mga kasalanan ko sa kanya dahil sa hindi ko pagsunod sa mga kagustuhan niya. “Kung iniisip mong balikan pa si Bernadette. Utang na loob Fernan pabayaan mo na siya. Huwag mong pilitin ang sarili mo dahil sa guilty ka. Hindi mababago niyon ang naramdaman niyang sakit na idinulot mo sa kanya. Kaya utang na loob tigilan mo na si Bernadette.” Pagkasabi niyon tinalikuran na ako ni Mommy. Naiwan akong natulala. Akala ko dahil sinabi kong babalikan ko si Bernadette matutuwa siya. Nagkamali ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD