NAGISING si Bernadette. Puting kulay ng pintura ang nabungaran niya nang imulat niya ang kanyang mga mata. Hindi malinaw sa kanyang isipan kung paano siya napunta dito.
Ilang minuto ang lumipas ay may na-realized siya. Bigla ay bumalikwas siya ng bangon. Bumaba ang tingin niya sa kanyang tiyan. Ngunit bago pa niya hawakan ang kanyang tiyan ay nakaramdam siya ng sakit. Napansin niya ang swerong nakalagay sa ibabaw ng kanyang kamay.
Ang anak ko. Diyos ko wala naman po sanang nangyari sa kanya. Taimtim niyang dasal habang nakapikit. Bigla ay narinig niya ang pagbukas ng pinto. Nagmulat siya ng mga mata. Pumasok ang doktor at nurse.
“Dok, kumusta po ang baby ko?” tanong niya agad ng makalapit sa tabi niya ang doktor. Lumapit ang nurse sa tabi niya at inayos ang nakakabit na swero sa kamay ko. Kinunan niya ako ng blood pressure.
“Dok,” ulit kong tawag sa kanya. Nagbuntonghininga ang doktor. Tila ayaw niyang magsalita.
“I am so sorry you had a miscarriage.” Parang huminto ang inog ng mundo niya sa narinig mula sa doktor. Hindi niya alam kung anong mararamdaman sa sandaling ito at tila pinoproseso pa ng isip niya kung ano ang ibig sabihin ng doktor. Baka naman binibiro lang siya ng doktor.
“H-Hindi totoo ang sinabi niyo, dok.” Sabi niya na tila ang sinabi ng doktor ay isang prank lang.
“I am not joking. I am so sorry we can’t able to save your baby.” Hinging paumanhin nito. Umawang ang labi niya. Nagsimulang mag-init ang sulok ng mga mata niya. Hindi siya naniniwala sa sinabi nito.
Iniling niya ang kanyang ulo at saka tinakpan ang tainga. “Hindi totoong nawala ang anak ko! Hindi totoo ang sinabi mo!” Umalog ang balikat niya at nagsimulang umiyak. Sa una mahina lang at parang pinipigilan pa niya ngunit nang tumagal ay lumakas. Wala ni isa ang nagsalita sa nakapaligid sa kanya. Awa ang nakikita niya sa mga ito. Kumuyom ang kamao niya habang umiiyak.
Kasalanan niya kung bakit nawala ang anak niya. Sana nag-ingat siya. Hindi sana mawawala ang anak niya. Naramdaman niya ang isang kamay na humaplos sa kanyang likod. Napalingon siya sa taong iyon.
“Nandito lang ako, Bernadette hindi kita iiwan,” mas lumakas ang iyak niya nang makita ang kanyang Mommy Lilly.
“I am sorry po. Sorry po kasalanan ko po kaya nawala ang baby ko. Sorry po,” hinging paumanhin niya habang walang tigil ang kanyang pag-iyak.
“Wala kang kasalanan, Bernadette. Hindi mo naman ginusto ang nangyari. Sadya sigurong hindi para sa inyo ang baby. Meron pa namang pagkakataon na magkaroon muli kayo,” pagbibigay niya ng lakas ng loob sa akin at kapanatagan.
Ngunit parang hindi yata siya magiging panatag sa nangyari sa anak. Kasalanan niya kaya nangyari ito. Wala na ang baby ko, wala na ang baby ko.
Pinipilit siyang kumain ng Mommy ni Fernan ngunit parang babaliktad ang kanyang sikmura sa tuwing napapatingin siya dito. Iniisip niya pa din ang kanyang anak. Hindi niya matanggap ang nangyari. Naiisip niyang pabaya siyang ina. Tumulo ang kanyang luha. Tanging paghaplos na lang ang nagawa ng Mommy ni Fernan para pagaanin ang nararamdaman niyang sakit sa dibdib.
Dalawang buwan ang lumipas at naka-move on siya sa pagkawala ng anak niya. Although nandito pa din ang sakita sa kanyang puso. Hindi mawawala sa alaala niya ang kanyang munting anghel.
Sa dalawang buwan hindi nagbago ang pakikitungo ni Fernan sa kanya. Sa akin niya isinisisi ang pagkawala ng anak namin. Tanggap ko naman na ako ang may kasalanan dahil ako ang ina at nagdala. Ngunit masakit pala kung galing mismo sa kanya ang masasakit na mga salita.
He hurt me physically kasi tanga daw siya kaya nawala ang baby namin. Hindi daw siya naging mabuting ina isa daw siyang pabaya. Noong una masakit ngunit kalaunan ay nasanay na siya sa p*******t ni Fernan sa kanya.
“Come here!” tawag nito sa akin. Hindi siya gumalaw upang lumapit sa kinaroroonan nito. Lasing ito kaya natatakot siyang lumapit. Tila gusto niya akong tirisin sa pamamagitan ng masamang tingin nito.
“Berna, don't wait for me to lose control! Don’t wait for me to grab you there! I told you to come here!” He yelled. His fist curled into a ball. He was enraged.
Nagagalit siya dahil sa ginawa niya kanina. Kaninang umaga ay may pumuntang babae dito. Hinahanap si Fernan at sinabing nobya daw siya ni Fernan.
Hindi niya alam kung bakit bigla na lang siyang nakaramdam ng galit na hindi naman niya gawain noon. Hindi niya napigilan ang sariling sabihin sa babae na asawa siya ni Fernan at may anak na sila. Sa sinabi niyang iyon ay nagalit ang babae at inaway siya. Ngunit hindi siya nagpatalo sa babae. Sinabunutan niya ito at hindi niya napagilang doon ibuhos ang galit niya. Para siyang leon na inagawan ng pagkain. Inupuan niya ito sa tiyan at saka sinampal. Hindi niya ito tinigilan. Dumating ang Mommy ni Fernan kaya natigil siya sa p*******t sa babae.
Nagsumbong ang babae kay Fernan kaya galit na galit itong isa sa kanya. Tumayo siya at dahan-dahang lumapit rito. Nanginginig ang mga tuhod niya dahil sa takot. Napasigaw na lang siya nang sakalin siya ni Fernan. Hinawakan niya ang kamay nito upang alisin ang kamay nitong nakakapit sa kanyang leeg. Tila mapupugto ang hininga niya sa higpit ng pagkakahawak niya.
“Wala kang karapatang saktan ang kaibigan ko! At anong karapatan mong sabihing ikaw ang asawa ko? Hindi kita asawa! Sinabi mo pang may anak ako! Hindi ba pinatay mo?” Nanlalaki ang mga mata niya at saka siya nito binitawan.
Napaubo siya habang hawak ang leeg niya. Napaiyak na lang siya at walang nasabi. Naikuyom niya ang kamao. Bakit gustong-gusto siyang saktan? Hindi ba niya nararamdamang mahal niya ito. Kaya niyang sikmurain ang pagtrato niya sa kanya basta kasama niya lang ito. Ganoon niya ito kamahal.
Ang akala niya tapos na siya sa p*******t sa akin. Hindi pa pala. He grabbed my hair. I winced in pain. I hold his hand to get his hand out of my hair, but he doesn’t seem to want to.
“F-Fernan n-nasasaktan ako.” Umiiyak na sabi niya. He tightened his grip on my hair.
“Talagang masasaktan ka!” Halos basang-basa na sa luha ang pisngi niya. Inilapit ni Fernan ang mukha niya sa kanya. Habang nakatitig ay biglang natigilan si Fernan habang nakatingin sa mukha niya.
Nagulat siya ng bitawan siya nito. Muntik pa siyang ma-out of balance dahil sa lakas ng pagkakatulak niya sa akin. Umalis agad si Fernan na parang may nakitang hindi maganda sa kanya. Napaiyak na lang siya habang nakatayo. Ito lang ang kaya niyang gawin-ang umiyak. Hindi niya kayang lumaban sa lalaking mainamahal niya.
NABITAWAN niya si Bernadette nang matitigan niya ito. Nakaramdam siya ng awa ng makita ang mga luha nito sa mga mata.
Gustong kutusan ni Fernan ang sarili dahil sa naramdamang awa sa babaeng iyon. Hindi niya dapat maramdaman ang awa. Wala siyang kuwentang babae dahil pinatay niya ang anak namin!
Upang makalimutan ang ginawa ng babaeng iyon nagpasya siyang umalis ng bahay. Pinuntahan niya ang bestfriend niyang si Leila. Nahihiya siya sa ginawa ni Bernadette sa kanya. Wala siyang karapatan saktan ito dahil wala namang ginawang masama sa kanya.
“Sweety,” bati niya nang marating ang bahay nito. Niyakap niya ang bestfriend. Hinaplos niya ang pasa sa gilid ng labi nito. May kaunting sugat din ito sa gilid ng kanyang pisngi.
“I’m okay Fernan masyado lang over acting ang babaeng ’yun? My god parang asawa lang ang tingin niya sa sarili kung makapanakit akala mo inagawan ko. Bakit kayo ba ng babaeng ’yun?” Napailing ang bestfriend niya.
“I am so sorry sweety sa ginawa niya. I’d already confronted her. Hindi na mauulit ’yun. Wala kami ng babaeng ’yun. Siya lang itong isinisiksik ang sarili sa akin porke’t gusto siya ni Mommy para sa akin,” sabi ko sa kanya.
Umupo ito sa kandungan niya at saka inihilig ang ulo sa dibdib niya habang hinihimas ang ibabaw ng dibdib niya.
“Dapat lang dahil kapag ginawa niya ’yun kakasuhan ko na talaga siya. Take a look at what she did to my face. My commercial shoot was canceled because I had bruises.” Hinaplos ko ang pisngi niyang may pasa.
“I am so sorry.” Hinging paumanhin niya.
Leila is a commercial model. Kapag may mga taping siya sinasamahan niya ito minsan. Kaya napagkakamalan silang may relasyong dalawa. Lagi naman nilang itinatanggi. We are best friend with benefits.
“Don’t worry napagsabihan ko na. Hindi na niya gagawin yun sa iyo,” sabi niya na may paniniguro at saka hinagkan ang kanyang noo.
BUMANGON siya para makauwi na. Napalingon siya kay Leila na mahimbing na natutulog sa tabi niya. Matapos naming mag-usap nauwi sila sa kama. Well, we used to do it everytime we see each other. Wala naman sa kanila kung gawin man nila iyon. It just a part of their relationship as friend with benefits. Ayos lang naman sa amin iyon dahil nakasanayan na lang nilang gawin iyon.
Naging busy kami these past years kaya madalanh na lang kami magkita. Kapag nagkikita kami we end up in bed. Before he got up I kissed her forehead.
PAGKAPASOK sa loob ng bahay napansin niya si Bernadette na nakahiga sa sofa, mahimbing na natutulog. Sumulak na naman ang inis sa kanya.
“Hey! Wake up!” gising niya sa kanya at saka niyugyog ang balikat nito. Napaungol lang ito sa ginawa niya. Nagtagis ang bagang niya sa inis. Talagang pinaiikli ng babaeng ito ang pasensya niya. Bigla niyang hinampas ang arm rest kaya naglikha ito ng ingay. Napabangon bigla si Bernadette dahil sa gulat. Masamang tingin ang ibinigay niya rito. Inayos nito ang magulong buhok bago tumayo sa pagkakahiga sa sofa.
“P-Pasensya na d-dito ako nakatulog. Hinintay kasi kita n-nagluto ako ng hapunan mo. Gusto mo bang ipaghain na kita?” tanong nito. Nang hindi siya nagsalita tumalikod na ito ngunit hinigit niya ang isang braso nito.
“Nagsasayang ka lang ng panahon at pagkain! Sa palagay mo kakainin ko ang mga niluto mo? May gana ka pang humarap sa akin sa ginawa mo sa kaibigan ko. Alam mo bang hindi siya nakapagtrabaho ng dahil sa p*******t mo sa kanya? Pasalamat ka’t hindi ka niya kinasuhan! Sana nga itinuloy na lang niya para mawala ka na sa landas ko.”
Hindi ito nagsalita sa sinabi niya bagkus ay nagsimula itong umiyak - na mas lalo niyang ikinainis.
Nagpapaawa ba ang babaeng ito para maawa ako sa kanya? I'm not sorry for her. Naiinis siya kapag ginagawa niya ang pag-iyak na parang inapi siya. Siya itong nanakit at nagsalita laban sa kaibigan niya.
“Get out of my way! Para kang basurang pakalat-kalat sa tabi!” aniya. Nakayukong gumilid ito sa isang tabi habang umiiyak ng mahina. Wala siyang nararamdamang awa sa kanya.