PINUNTAHAN si Bernadette ng Mommy ni Fernan upang pag-usapan ang nalalapit na pagpapakasal niya kay Fernan.
“Hija, naihanda ko na ang mga kakailanganin ninyo sa kasal ni Fernan. Kaya wala na kayong aalahanin pa,” sabi niya. When it comes to our wedding, she is very hands-on. She appears to be happy, and no one can take that happiness away from her smile.
Nagpapasalamat siya dahil mabait ang Mommy ni Fernan sa kanya kahit noong bata pa siya. Naging mabuti ito sa kanila ng kaniyang Nanay. Niyakap siya nito. Ramdam kong mahal niya ako bilang anak niya. Masaya ako at magiging Nanay ko na din siya.
Bigla ay nalungkot siya dahil naalala niya ang kanyang ina. Kung buhay lang ang kanyang ina isa din ito sa mag-aasikaso sa nalalapit na kasal nila ni Fernan.
“Masaya ako at magiging parte ka na din ng pamilya namin. Excited na din ako sa apo ko.” Nakangiting sabi ni Tita na nakatingin sa tiyan niya. Hinaplos niya ito.
“Aalagaan ko po siya,” sabi niya. Aalagaan niya ang magiging supling nila ni Fernan. Ang anak nila ang magbubuo sa aming dalawa. Naniniawala akong mangyayari iyon. Ang anak nila ang magiging daan sa pagbabago ni Fernan.
Alam niyang hindi pa ito handa sa ngayon dahil sa nangyari sa kanila ni Isabella. Hindi niya maiwasang magalit sa babaeng iyon dahil minahal siya ni Fernan ngunit sinaktan lang niya ito.
“Huwag kang mag-alala sa isusuot mong wedding gown meron na akong kinuha na gagawa ng damit mo. Sisiguraduhin kong kahit sa huwes lang ang kasal niyo ni Fernan, ikaw ang pinakamagandang bride.” Napangiti siya sa tinuran nito.
Nagpaalam si Tita dahil makikipagkita ito sa isang kaibigan. Naiwan siya sa bahay. Imbes na mag-isip ng kung ano-ano inabala na lang niya ang sarili sa paglilinis ng silid ni Fernan.
Pagkabukas ng pinto ay nakita niya kung gaano kagulo ang silid nito. Napabuntonghininga siya at napailing na lang. Hindi pa rin ito nagbabago sa ugali nitong makalat.
Naalala niya noon na siya ang minsan naglilinis ng silid ni Fernan kapag tinutulungan niya ang kanyang ina sa pagliligpit ng nilabhan nito. Walang araw yatang hindi malinis ang silid ni Fernan. Hindi niya alam kung sinasadya niyang guluhin ang silid nito. Nagkalat kasi ang unan sa sahig at pati ang kumot nito na nasa harap na ng pinto ng bathroom.
Habang inaayos ang mga damit ni Fernan may nakita siyang malaking kahon na nasa ilalim ng sabitan ng damit. Nag-alangan pa siyag buksan ang kahon at baka may mahalagang bagay siyang makita doon. Ngunit malakas ang nag-uudyok sa kanyang buksan iyon.
Wala naman sigurong masama kung sisilipin lang naman niya iyon. Habang unti-unti niyang binubuksan ang takip ay hindi niya maiwasang kabahan at nanginginig ang mga kamay niya. Dahan-dahan niyang inalis ang takip ng kahon. Tumambad sa paningin niya ang madaming sobre at may stuffed toys pa at iba pang bagay na pangbabae. Parang alam na niya kung kanino ang mga bagay na ito.
Natigil siya sa pagkuha sa mga sobre dahil nagdalawang isip pa siya kung pakikialaman niya ito. Masasaktan lang siya kung ipagpapatuloy niya ito. Ngunit malakas ang bugso ng kagustuhan niyang malaman ang nilalaman ng mga sobre kahit alam niyang masasaktan siya sa mababasa.
Napalingon siya sa pinto para tingnan kung may papasok. Nang masigurong wala naman papasok hinarap niya ang kahon. Kabang-kaba siya. Kinuha niya ang isang sobre. Isang card ang nakuha niya. Marahan niyang binuksan ang sobre. Nilabas niya ang laman niyon at tama siya card nga ang laman. Nanginginig ang kamay niya habang binubuklat ang card.
Napakaganda ng disenyo ng card at may nakaguhit pang malaking puso at nakapaloob doon ang salitang I love you. May mga puso na nasa paligid ng card. Binasa ko ang nakasulat.
Dear my love Isabella,
It hurts that you chose Chris more than me but because I love you I can accept all of that. Even if it hurts, I can let you go because I love you so much. My one and only love.
Sa nanginginig na mga kamay ay naibaba niya ang card. Nag-init ang sulok ng kanyang mga mata. Napakagat labi siya nang magsimulang tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata. Nakaramdam siya ng pinong kirot sa kanyang puso. Masakit na kahit niloko na siya ng babaeng iyon ay mahal pa rin niya ito.
Ano ba ang meron sa babaeng iyon at ganun na lang ang pagmamahal ni Fernan sa kanya? Bakit siya, hindi nitong magawang mahalin. Mahal niya ito at hindi kailanman sasaktan. Hindi niya maiwasang makaramdam ng inggit kay Isabella. Napakasuwerte nito na minahal siya ni Fernan ng walang pag-aalinlangan.
Pinahid niya ang mga luhang pumatak sa kanyang pisngi. Gusto niyang tuktukan ang sarili dahil bakit binasa niya pa ang card kung alam naman niyang masasaktan siya.
Gusto niya yatang mas pahirapan pa ang kanyang kalooban. Sadyang manhid na siya sa ipinapakita ni Fernan sa kanya. Sa araw-araw wala itong ginawa kundi ipamukha sa kanyang hindi siya mamahalin kailanman. Ngunit sadyang tanga ang puso niya dahil kahit ganoon nanatili pa ring matatag ang pag-ibig niya rito.
Nagpasya siyang hindi na basahin ang iba pang sulat dahil baka mas lalo lang siyang masasaktan. Habang inaayos ang sobre ay may nakita siyang maliit na pulang kahon. Hindi niya alam kung ano ang laman niyon ngunit nakaramdam siya ng kaba. Mas rumagasa ang mga luha niys nang buksan ang maliit na kahon. Naglalaman iyon ng singsing. Napakagandang singsing.
May malaking bato sa gitna at may maliliit na bato na nakapaligid sa singsing. Mukhang mamahalin base sa mga batong nakalagay sa paligid niyon. Rumagasa na naman ang masagana niyang mga luha. Buti pa ito kayang bigyan ng singsing ni Fernan. Ganoon na ba siya kawalang kuwenta at hindi niya siya kayang mahalin?
Siya ang lalaking minahal ko ng ganito peoro bakit ang hirap niyang mahalin?
Napahawak siya sa tiyan niya nang makaramdam ng p*******t ng puson. Napakagat labi siya dahil palala nang palala ang pagsakit ng kanyang puson. Pinilit niyang tumayo ngunit bumalik siya sa pagkakaupo. Kahit hirap ay ibinalik niya ang singsing sa loob ng box at ipinasok sa cabinet.
Napahawak siya sa pinto ng cabinet upang maging suporta. Nang makatayo ay dahan-dahan ang paghakbang niya. Masakit kapag iginagalaw niya ang mga paa. Naglakad siya palabas ng silid ni Fernan habang hawak ang puson niya.
Kailangan niyang tawagan si Tita Lily. Gusto niyang panghinaan ng loob nang maalalang nasa kusina ang cell phone niya. Hindi na niya maihakbang ang mga paa niya dahil sa matinding sakit na nararamdaman sa ibaba ng kanyang puson.
Napayuko siya nang maramdamang parang may dumadaloy sa kanyang mga hita. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang may dugong dumadaloy sa kanyang mga hita. Umawang ang kanyang labi. Bigla ay natakot siya.
Hindi ito maari! Hindi puwede!
Anak huwag mong iiwan si Mama. Huwag mo akong iiwan.
HINDI makapaniwala si Fernan nang sabihin ng kanyang ina na ikakasal na sila ni Bernadette at naka-set na iyon. She went here in his office just to tell him she already set his wedding with Bernadette that there's nothing to worry about. She’s unbelievable. Gumagawa siya ng plano na wala man lang siyang kaalam-alam. He was running out of patience with his mother. She always do a decision without even consulting him. Para bang kapag nag-decision siya ay ayos lang sa kanya. Nasaan ang hustisya doon?
“I told you, Mom, I will not marry her. I will take responsibility for our baby. Marriage is not an option to it.” Napabuga suya ng hangin.
“Bakit si Isabella pa rin ba? My god! Fernan, mas pinili niya ang lalaking nanakit sa kanya over you. Magising ka sa katotohanan na ginamit ka lang ng babaeng iyon! She doesn’t love you. Walang pakialam ang Isabella na iyon sa naramdaman mo kaya kalimutan mo na siya. Magkakaanak na kayo ni Bernadette at magbubuo na ng pamilya. Bernadette is for you. Because she loves you and will not hurt you. Even at the start I don’t like Isabella dahil alam kong sasaktan ka lang ng babaeng iyon. Nangyari na nga, hindi ba?”
Hindi totoo ang sinabi niya. “Hindi masamang babae si Isabella, Mom. She's been good to me,” sagot niya sa paratang niya kay Isabella. Siya ang dapat sisihin dito hindi si Isabella. Biktima lang sila ng pagkakataon at wala ng pagpipilian si Isabella kundi sumama sa asshole na Chris na iyon!
“Mabuti? Saan ang mabuti doon? Sinaktan ka niya Fernan at pinaasa. Wake up, Fernan. Si Bernadette ang tamang babae para sa iyo dahil mabuti siyang tao at hindi manloloko.”
I can see the anger in her eyes. Bakit ba gustong-gusto niya si Bernadette para sa kanya? Ilang beses niya na bang sinabing hindi niya mahal ang babaeng iyon. Ayaw niyang matali sa taong hindi niya mahal at hindi kailanman mamahalin. Tanging si Isabella lang ang mahal niys kahit nasa iba na siya.
“Sa ayaw at sa gusto mo Fernan pakakasalan mo si Bernadette. Kung ayaw mong magalit ako sa iyo sundin mo ang gusto ko! Para din naman sa iyo ito. Ayokong lumaki ang apo ko na walang makagisnang ama. Look at yourself magmula nang iwan ka ng Isabella na iyon hindi mo na maayos ang sarili mo. Walang direstion ang buhay mo. Pinababayaan mo na ang sarili mo. Nasaan ang babaeng iyon para tulungan ka?” Napaiiling si Mommy.
“Don’t worry sa huwes lang kayo ikakasal at pili lang ang bisita. Alam ko namang ikinahihiya mo si Bernadette sa mga tao. Sana makita mo naman ang kahalagahan niya sa iyo. She’s a good woman na kahit sino mamahalin siya. Hindi si Isabella ang palaging nasa isip mo. Wala naman pakialam sa iyo ang babaeng ’yun mula nang pinili niya ang lalaking nanakit sa kanya. Fernan , anak, ilang taon na ba ang lumipas siya pa din ang iniisip mo? Hindi na magiging kayo at kahit tumambling at sumuka ka pa ng dugo diyan. Hindi mangyayari ang gusto mo.”
Kahit ano pa ang sabihin niya hindi magbabago ang pasya niya. Hindi niya pakakasalan si Bernadette at kahit magkakaroon pa sila ng anak.
“Pag-iisipan ko Mom.”
Hindi na nagsalita si Mommy nang sabihin niya iyon. Tinalikuran siya at agad na lumabas ng opisina niya. Marahas siyang napahilamos ng mukha.
Bakit ba ang napakadali sa kanyang sabihing kalimutan ko si Isabella? I love her more than they think.
Pinagkaabalahan niya na lang ang mga papeles na nasa harapan niya. Kahit inis na inis siya sa nangyari ngayong araw. Pagkauwi ng bahay tanging yabag lang ang maririnig niya sa buong kabahayan.
Nasaan na kaya ang babaeng 'yun?
Nagtaka siya dahil walang sumalubong sa kanya. Dati rati ay nasa labas pa lang siya ay sinasalubong na siya ni Bernadette. Bakit ba niya iniisip kung walang Bernadette na sumalubong sa kanya? Mas mabuti ngang wala ang babaeng iyon.
Nang makapasok sa bahay ay agad siyang dumiretso sa upuan at naupo. Ibinaba niya ang dalang bag sa center table. Isinandal niya ang nananakit na likod at saka ipinikit ang mga mata. Sobrang pagod ang nararamdaman niya dahil sa dami ng trabahong ginawa niya sa araw na ito.
Ilang minuto ring nakaupo siya sa sofa ngunit wala pa ring lumalapit sa kanya. Nakakapagtaka lang. Nagpasya siyang tumayo at pumunta ng kusina. Baka nasa kusina ang babaeng iyon.
Pagkapasok sa kusina nagulat siya nang makita si Bernadette na nakabulagta at walang malay tao. Napansin niya ang dugo sa pagitan ng mga hita nito. Umawang ang kanyang labi. Sa sobrang pagkabigla niya ay hindi siya nakagalaw sa kanyang kinatatayuan. Ilang segundo ding nakatitig lang siya sa walang malay na si Bernadette.
Nang mahimasmasan ay agad niyang binuhat si Bernadette. Bigla ay nakaramdam siya ng takot. Hindi niya alam para saan ang takot na naramdaman niya. Takot ba siyang mawala si Bernadette o takot siya sa magiging reaksyon ng kanyang ina kapag nalaman ang nangyari kay Bernadette.
Pabalik-balik siya sa paglalakad sa pasilyo ng ospital kung saan niya dinala si Bernadette. Halos kalahating oras na ngunit hindi pa din lumalabas ang doktor.
Tinawagan na niya ang kanyang ina. Hindi na nga niya pinakinggan ang sermon nito at galit. Ang nasa isipan niya ay kung ayos ba si Bernadette at ang batang dinadala nito.
Kung bakit hindi man lang nag-iingat ang babaeng iyon. Alam niyang buntis pero nakukuha pa nitong magtrabaho ng mabigat. Wala siyang kasalanan dahil siya itong mapilit na magtrabaho sa bahay niya kaya hindi dapat siya sisihin sa nangyari rito.
Nilapitan niya ang doktor nang lumabas ito mula sa emergency room. Inalis nito ang nakatakip na facemask at hinarap siya.
“Dok, kumusta na po siya?” tanong niya sa doktor. Napansin ko ang lungkot sa mga mata ng doktor. Hindi pa man niya sinasabi parang bad news ang hatid nito.
“I am so sorry. Ginawa namin ang lahat para iligtas ang anak niyo. Your wife had a miscarriage due to dehydration. Kung naidala ng mas maaga sa ospital ang asawa mo baka mailigtas pa ang batang nasa sinapupunan niya.” Parang gusto niyang sabihing hindi niya asawa si Bernadette.
Sa sinabi ng doktor umawang ang labi ko. Hindi man niya tanggap ang ipinagbubuntis ni Bernadette ngunit nakaramdam siya ng kaunting panghihinayang at awa para sa batang nasa sinapupunan nito. Nanghina ang mga tuhod niya. Napahawak siya sa wall upang maging suporta. Naupo siya sa sahig at napatulala na lang.