ALAS kuwatro pa lang ng umaga ay nagising na ako. Balak kong magising ng ganito kaaga upang magluto ng agahan bago ako pumasok sa opisina. Hindi ko na hihintayin pang magising si Bernadette. Kailangan naihanda ko na ang umagahan nila bago ako umalis.
Pumasok si Luna habang nag-iinat at naghihikab.
“Good morning, Luna.” Bati ko sa kanya sa mahinang boses.
“Ay! Kabayong buntis!” gulat na sabi nito. Mahinang natawa ako. Napahawak ito sa ibabaw ng kanyang dibdib. Nanlalaki ang mga matang nakatingin sa akin. Mukhang gulat na gulat ito na nakita niya ako.
“Sir, naman bakit ba kayo nanggugulat?! Aatakihin ako sa puso sa gulat, eh? Akala ko may multong pogi!” natawa ako ng mahina.
“I merely said good morning in low tones. How did I startle you?” napaiiling ako at naupo sa upuan. Si Luna naman ay kumuha ng baso na nasa counter top at nagtimpla ng kape.
“Nakakagulat ka talaga, Sir. Huwag niyo po akong ginugulat ng ganoon. Madami akong nasasabing mga word na hindi kaaya-aya sa pandinig.” Aniya at saka inilapag sa harapan ko ang tinimpla nitong kape.
“Thank you,” pasasalamat ko at saka humigop sa tasa. Naiwan sa ere ang labi kong nakahigop sa tasa nang pumasok sa kusina si Bernadette. Medyo magulo ang buhok nito at napadako ang tingin ko sa kanyang dibdib. Bakat ang kanyang n*pple. Tumikhim ako at ibinaba ang tasa ng kapeng iniinom ko.
“Good morning, ate Berna. Gusto niyo pong ipagtimpla ko kayo ng gatas?” napasulyap sa akin si Bernadette. Nangunot ang kanyang noo. Mukhang hindi niya expected na dito ako natulog.
“Good morning, Bernadette. Pasensya ka na kung dito ako natulog. Hindi na ako nakapagpaalam sa iyo kagabi dahil nakatulog ka na.” Paliwanag ko.
“Ako po ang nagpatuloy kay Sir. Nakainom po kasi si Sir kaya sabi ko dito na muna siya magpalipas ng gabi. Baka kasi mabangga pa siya kung uuwi pa sa bahay niya. Malayo pa naman iyon.” Sabi ni Luna at napasulyap sa akin at ibinalik din kapagdaka ang tingin kay Bernadette.
Mas lalong nangunot ang noo ni Bernadette sa sinabi ni Luna.
“Paanong nalaman mong malayo ang bahay niya?” tanong ni Bernadette kay Luna. Natigilan ito at napatingin sa akin na tila humihingi ng tulong.
“Nabanggit ko sa kanya kung saan ako nakatira,” Singit ko sa usapan nila.
“Ganoon ba?”
“Oo ate Berna. Ganoon nga po,” ani Luna at saka nangamot ng ulo.
Binuksan ni Bernadette ang fridge at may kinuhang bote.
“Luna dalhin mo na lang sa silid ko yung gatas. Thank you.” Anito. Hindi na niya ako pinansin at lumabas ng kusina. Napasunod na lang ang tingin ko sa kanya.
“Luh, si Sir may pagnanasa. Kitang-kita sa mga mata niyo, eh? Luwa na ang mga mata mo, Sir!” sinamaan ko ng tingin si Luna dahil sa biro nito. Kung ano-ano ang sinasabi niya. Tinawanan niya lang ako. Napatingin lang may pagnanasa na?
NAGPASYA akong dalawin ang anak ko. Pagpasok ko sa pintuan nang makita ko agad si Bernadette. Mukhang pinapadede ang anak namin. She was singing a song that is not familiar to me. Kita ko ang pagngiti niya habang inaawitan ang anak namin. Hindi ko namamalayang nanonood na ako sa pagkanta niya.
Nagulat ako nang may sumiko sa tagiliran ko. “Ano, Sir, panonoorin mo na lang ba o lalapitan mo si ate Berna?” Napalingon ako sa nagsalita. Si Luna. Tumaas baba pa ang kilay nito. Pinatahimik ko siya. She rolled her eyes.
“Hi, ate Berna!”bati nito kay Bernadette. Nag-angat ito ng tingin at napatingin sa gawin namin. Napalunok ako ng laway ko nang magtama ang aming mga mata.
“Lulusog itong si bunso panay kasi ang dede niya.” Sabi ni Luna. Umupo ito sa tabi ni Bernadette at saka hinaplos ang pisngi ng anak ko.
Maingat akong umupo sa pang-isahang sofa na malapit kay Bernadette. Napatikhim ako kaya napasulyap sa akin si Bernadette. Hindi ko maiwasang mapatutok sa dibdib ni Bernadette na nakalabas. Although natatakpan naman iyon ng ulo ng anak namin ngunit kita ko ang pisngi nito. Biglang tinakpan nito ang dibdib nang mapansing doon naka-focus ang tingin ko.
“Good evening. I brought some fruits. Maganda ito para sa nagpapa-breastfeed.” Sabi ko. Ipinakita ko sa kanya ang basket ng prutas na dala ko. Dumaan ako sa bilihan ng prutas kanina. Dalawang basket nga ang binili ko. Tuwang-tuwa nga sa akin ang tindera dahil naubos ang tinda niya. Bibigyan sana ako ng discount tinanggihan ko. Nagbigay pa nga ako sa kanya ng sobrang pera.
“Ang dami naman yata ng binili mo? Hindi ko naman mauubos yan? Baka masira lang.” Sabi ni Bernadette.
Napangiti ako dahil nagsalita na siya at kinausap niya ako. Napatingin ako kay Luna. Nakuha naman nito na humihingi ako ng backup sa kanya.
“Ate yung isang basket para po sa akin iyon talaga.” Aniya at saka natawa.
“May nakapagsabi po na maganda po sa skin ang pagkain ng mga prutas kaya ayun nagpabili ako kay Sir. Alam niyo namang negneg ang kulay ng balat ko. Hindi ba, Sir?” hindi ko man maintindihan kung ano’ng ibig sabihin ni Luna tumango ako.
Tumayo si Luna para kunin sa akin ang basket ng prutas.
“Thank you.” Bulong ko sa kanya. Nginitian niya lang ako.
Katahimikan ang namayani sa amin. Walang ibig magsalita sa aming dalawa. Nakatulog na ang anak namin. Inayos ni Bernadette ang sarili. Itinaas na nito ang nakalaylay na damit sa kabilang side ng dibdib niya. At ibinaba ang nakataas na hem ng suot niyang blouse. Napatingin sa akin si Bernadette. Biglang ibinaling ko sa ibang direksyon ang tingin ko. Napatitikhim.
Akmang tatayo na sana ito para dalhin sa silid si baby inunahan ko na siya.
“Ako na ang magdadala kay baby.” boluntaryo ko. Hindi ko na siya hinintay pang pumayag, kinuha ko sa kanya si baby. Wala ng nagawa si Bernadette kung hindi ibigay ito. Nagtaasan ang buhok ko sa batok nang masamyo ko ang amoy ni Bernadette. Amoy baby at amoy gatas. Napalunok ako. Nakaramdam ako ng init sa aking katawan. Sh*t! Hindi ko dapat nararamdaman? Why is it so sudden? No. Hindi nararapat., Fernan. Saway ko sa sarili ko.
Nang marating namin ang silid ni Bernadette inilipag ko sa kuna ang anak namin. Kinumutan ko ito at inayos ang unan na nasa paligid. Hinagkan ko ang kanyang maliit na noo.
Pagkatapos kong maiayos ang anak ko hinarap ko naman si Bernadette. “Can I talk to you?” Tanong ko rito. She nodded. Lumabas kami ng silid at nagpunta sa sala. Naupo si Bernadette malayo sa akin.
“I talk to my lawyer this morning. Ibinigay na niya sa akin ang annulment paper. Dadalhin ko dito bukas para mapirmahan mo na at maibigay ko na sa abogado ko.”
May kung anong bumigik sa lalamuna ko. Sa hindi inaasahan nakaramdam ako ng panghihinayang. Kapag napirmahan ni Bernadette ang annulment namin isang iglap hindi na kami mag-asawa. Ganoon na lang pala iyon?
Ngunit nag-iba ang nararamdaman ko. Parang ayaw kong ituloy ang paghihiwalay namin ng tuluyan. Ano nga ba ang karapatan kong pangunahan ang kagustuhan ni Bernadette? Kung ito rin naman ang gusto ko noon pa man.
“Salamat Fernan. Don't worry malaya kang pumunta dito para dalawin ang anak natin. Hindi kita pagbabawalan. May karapatan ka sa anak natin. Ayokong isumbat mo sa akin na ipinagdamot ko si Abigail sa iyo,”
Abigail pala ang pangalan ng anak namin. Napatango ako.
“Thank you.” Tanging nasabi ko.
MADALAS sa bahay ni Bernadette ako natutulog para maalagan sa gabi ang anak ko. I want Bernadette to rest at night. Alam kong pagod ito sa pag-aalaga sa anak naming si Abigail.
Hindi ko napigilang mapangiti kapag nababanggit ko ang pangalan nito. Napakagandang pangalan.
“Luna, nabili mo ba yung mga sangkap na kailangan ko sa lulutuin ko?” Tanong ko kay Luna. Weekend nandito ako ngayon kasama ko si Mommy. Medyo ayos na ang pakikitungo sa akin ni Mommy. Pero kailangan ko pa ding kunin ang tiwala niya sa akin.
“Oo naman Sir, kompleto iyan. Grabe ang daming pogi doon sa Landers! Diyos ko ang panty ko lumuwag ang garter! Puro bago pa naman pero kusang lumuwag! Imagine-in mo yun?” Aniya na parang mawawalan ng hininga. Nagpaypay pa ng sarili si Luna.
“Diyos ko, Sir! Nag-iinit ako.” Nangunot ang noo ko sa kanyang tinuran. Ano’ng pinagsasabi niya?
“What?” takang tanong ko.
Nanlaki ang mga mata ni Luna na parang may nasabi siyang masama. “Ah, ibig kong sabihin Sir, ang hot ng mga lalaking customer doon. My god ang init sa loob kahit aircon naman! Puro mga maskels! Ang lalaki at mahahaba pa!” Napahawak pa ito sa pisngi.
“Malalaki? Mahahaba ang alin?” takang tanong ko sa kanya. Napahagikgik si Luna sa tanong ko.
“Si Sir pa-inosente pa. Char! Malalaki ang katawan at saka mahahaba ang mga biyas. Ikaw talaga Sir, iba ang iniisip mo, no?” Sabi niya at tinalikuran na ako.
Napakamot ako sa ulo ko. Wala naman akong iniisip na masama? Tinanong ko lang naman ano’ng ibig sabihin niya doon sa malalaki at mahahaba?
Pagkatapos kong maluto ang tanghalian namin namangha si Mommy sa mga niluto ko. Nagluto ako ng tinolang manok na may malunggay dahil kailangan ni Bernadette, nagpapasuso siya sa anak namin. Iyon kasi ang sabi ni Luna. Noong baby daw kasi siya puro daw may malunggay at sabaw ang kinakain ng Nanay daw nito para dumami ang gatas nito sa dibdib. Nagluto din ako buttered shrimp at lobster. Alam kong favorite ni Bernadette iyon. Naalala ko noong unang araw ni Bernadette sa bahay. Iyon ang hinain ni Mommy at gustong-gusto niya iyon. Napadami nga ng kain si Bernadette noon.
Si Luna naman ang gumawa ng juice at may pakwan pa kaming panghimagas.
“Mukhang magaling ka ng magluto ngayon Fernan. Puwede ka ng mag-asawa.” Natawa si Mommy sa sinabi. Natigilan naman ako doon. Nagkatinginan kami ni Bernadette, ngunit bigla siyang umiwas ng tingin sa akin.
“Puwede na po ba? Hayaan niyo sisimulan ko na pong manligaw.” Birong sabi ko habang nakatingin kay Bernadette na busy sa pagkain. Hindi ito nakatingin sa akin.
Napirmahan na namin ni Bernadette ang annulment at hinihintay na lang namin ang result sa korte. Si Atty. Antonio Carague ang bahala doon. Naging civil na kami ni Bernadette at wala ng ilangan kagaya ng dati. Madalas pa yata ako dito sa bahay niya kaysa sa bahay ko.
Napakabilis ng panahon. Anim na buwan na ang anak naming si Abigail. Nakakaupo na ito at kumakain na ng mga solid food. Pero konti lang muna para hindi mabigla ang tiyan nito.
“Siya nga pala Bernadette gusto ko sanang I-offer sa iyong mag-work sa boutique ko as Manager. Aalis na kasi si Harriet papuntang UK. Ayoko namang maghanap pa ng iba. Don't worry bago siya aalis ite-train ka muna niya. Three months from now pa naman iyon. Kaya may oras pa ka pang matutunan ang trabaho niya. Puwede mo ng iwanan si Abigail kay Luna.” Nakangiting sabi ni Mommy kay Bernadette.
Natigilan ako at napahinto sa pagkain. Bakit si Bernadette? Puro pa naman lalaki ang mga customer ni Mommy dahil for men ang boutique niyang yun. Napatikhim ako.
“Mom, puwede naman siyang mag-work sa company ko. Mas magaan ang trabaho niya sa opisina ko kaysa sa -” Napatingin sa akin si Mommy kaya napatigil ako.
“Mas maganda sa boutique ko dahil madaming makakasalamuhang mga tao si Bernadette. Para ma-exposed naman siya. I am planning too na pag-aralin siya ng Business Management. Kapag nag-retire na ako siya ang gusto kong mag-manage ng boutique ko. Tumatanda na din ako. Aalagaan ko na lang ang apo kong maganda.” Napatingin siya sa anak namin. Napahagikgik si Abigail. Tuwang-tuwa si Mommy dahil parang naintindihan naman ng anak ko ang sinabi niya.
Napabuntong hininga ako. Ano nga bang magagawa ko? Kapag nagdesisyon si Mommy walang makapipigil.
“Huwag po kayong mag-alala Mommy payag po ako. Gusto ko din pong magtrabaho para naman may sarili akong pera at makabayad ng utang loob po sa mga ginawa niyong kabutihan para sa akin.”
Hindi ako makapaniwalang papayag ng ganoon na lamang si Bernadette. Nawalan ako ng ganang kumain. Bakit pumayag siya? Gusto niya bang may makilalang mga lalaki doon? Bigla ako nakaramdam ng takot. Takot na baka makahanap ng iba si Bernadette.