EPISODE 21

1252 Words
NGAYON ang simula ng trabaho ni Bernadette sa boutique ni Mommy. Gusto ko sanang magreklamo, ngunit hindi ko magawa. Wala akong lakas ng loob na sabihin kay Mommy na ayokong magtrabaho si Bernadette doon. Mas gusto kong sa company ko na lang ito mag-work atleast nakikita ko siya. Si Luna ang nag-aalaga kay baby Abigail. Minsan dinadala ko sila sa opisina para mas lalo kong natitingnan ang kalagayan ng anak ko. Tuwang-tuwa naman si Luna dahil madami daw siyang nakikitang pogi sa opisina. Nagpagawa ako ng isa pang silid dito mismo sa opisina ko para kapag nandito sila doon lang sila. Sa gabi ako ang nagluluto ng hapunan. Hindi na nga namin nakakasama sa pagkain si Bernadette dahil gabi na siya umuuwi. Wala naman akong magawa kahit gusto kong sabihing hindi maganda na umuuwi siya ng gabi. Baka naman sabihing ano ang pakialam ko? At isa pa hindi na kami mag-asawa para umaktong meron pa. “Aru! Si Sir may pabulaklak pa, ah? Pero mukhang magiging lantutay na ’yan kapag dumating si ate Berna. Gagabihin po yata uli sa pag-uwi,” sabi ni Luna. Bigla akong nalungkot. Napatingin ako sa bulaklak na binili ko nang umuwi ako kanina. Mukhang tama nga si Luna malalanta itong bulaklak na binili ko. Nagbuntonghininga ako. “Matulog ka na Luna. Alam kong napagod ka sa pag-aalaga kay Abigail. Ako na ang maghihintay kay Bernadette.” Sabi ko. “Okay po, Sir. Ilagay niyo na lang sa flower base ang flower para hindi malantutay.” She suggested. Napangiti ako at tumango. Kumuha ako ng flower base at nilagyan ng tubig. Nilagay ko ang bulaklak sa lamesa para makita agad ni Bernadette. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko kung bakit ako ganito at ginagawa ang mga ito? Gudto ko na ba si Bernadette? Nagpasya akong lumabas muna upang magpalamig. At upang mawala itong nasa isip ko. Ayokong maramdaman ang nararamdaman ko ngayon. I have reason why? Inilabas ko ang isang kaha ng sigarilyo na nasa bulsa ng pantalon ko. Kumuha ako ng isa at sinindihan iyon ng lighter. Humitit ako at ibinuga pataas ang usok. Nakaramdam ako ng ginhawa sa dibdib ko. Habang naninigarilyo may humintong sasakyan sa harapan ng gate. Naituwid ko ang katawan ko at napatingin doon sa gate. Nangunot ang noo ko nang may lalaking lumabas sa deiver’s seat at pumunta sa passenger seat at binuksan ang pinto niyon. Bumaba ang babae, walang iba kundi si Bernadette. Mas lalong nangunot ang noo ko nang makita kong inalalayan pa ng lalaki si Bernadette at ngumiti pa ang huli. Nakaramdam ako ng inis sa ginawa ng lalaki. Itinapon ko sa paanan ko ang sigarilyo at inapakan iyon. Naglakad ako patungo sa gate upang pagbuksan si Bernadette. Tumikhim ako ng malakas para makuha ang kanilang atensyon. Napatingin sila sa akin. Kunot noong napatingin sa akin ang lalaki. Aminin ko man hindi maitatangging may hitsura ang lalaki, mukhang artista. He looks familiar. Saan ko nga ba nakita pagmumukha ng lalaking ito? “Hi, by the way I’m Braden Palma.” Pakilala nito sa sarili. Napatinting ako sa kamay nitong nakalahad sa harapan ko. Tinanggap ko iyon at nakipagkamay sa lalaki. So he is a famous model. Kaya naman pala familiar siya. “Fernan Velasco.” Pakilala ko sa aking sarili. “Parang familiar ang pangalan mo. Oh, well,” natawa ito na ikinainis ko. Sarap tadyakan ng pagmumukha niya. Napangiti ako ng peke. Parang gusto ko siyang bugahan ng apoy! Sarap niyang isalang sa apoy. Pinapatay ko na siya sa isip ko. “Thank you pala sa paghatid mo and sa palibre mong dinner sa akin.” Sabi ni Bernadette sa lalaki. Napangiti ito sa lalaki. “It’s okay, Berna. It’s my pleasure to take you home.” Sagot naman ng lalaki. Naparolyo ako ng mga mata ng nagtitigan ang dalawa. Tumikhim ako. “Salamat sa paghatid sa kanya.” Sabi ko sa lalaki. Napasulyap sa akin si Bernadette. Tiningnan niya ako ng may pagtataka. Alam ko naman hindi siya sanay na sabihin ko iyon. But this time masanay na siya. I’ve changed. Umalis na si Braden. Nakalayo na ang sasakyan nito pero nakatingin pa din doon si Bernadette. “Pumasok ka na sa loob baka malamigan ka. Malamig na dito sa labas.” Mahinahon kong sabi sa kanya. Kahit gusto kong tanungin siya na bakit ngayon lang siya? For god sake 9:00 PM na. But I am afraid to confront her. Naduwag ang lolo niyo. “Gusto mo bang kumain? May natira pa sa niluto kong ulam kanina.” Natigil sa paglalakad si Bernadette sa sinabi ko. Ilang segundo niya akong tinitigan na parang manghang-mangha sa sinabi ko. “Okay.” Sagot nito. “What do you mean, okay?” Ani ko. Napakamot ako sa batok ko nang tingnan ako ni Bernadette ng hindi makapaniwala. Mukha yatang humina ang intindi ko ngayon lalo at kaharap ko siya. Nilagpasan niya ako at ako naman ay sumunod sa kanya. Napapakamot ako sa ulo ko. Pumasok kaming kusina. It means gusto niyang kumain. Sumilay sa akin ang ngiti. “Iinit ko lang ang ulam mo. Madali lang ito.” Sabi ko na natataranta. Hindi ko alam kung anong uunahin ko. Nanginginig ang mga kamay ko habang nilalabas ang plate, spoon and fork. Nilagay ko sa oven ang ulam na iinit ko at i-set ang timer. Sinusundan lang ako ng tingin ni Bernadette kaya mas lalo akong ninenerbiyos. Ngayon ko lang naramdaman ito sa tanang buhay ko. I am not that kind of guy na madaling kabahan dahil lang sa titig ng babae. Sila ang kinakabahan kapag tinititigan ko na sila. “Are you okay, Fernan? Gusto mo bang tulungan kita?” She suggested. I shook my head and I gave her a smile to show that I am okay which is not. “How was your day at work?” I asked para maibsan ang awkwardness namin sa isa’t isa. “Very tiring today dahil madaming client. May event na mangyayari this week kaya madami kaming order na mga suit.” Parang ang haba ng sandali. Katahimikan ang namayani sa aming dalawa. Tumunog ang microwave oven napapitlag ako. My god, what is happening to me? “Here's your food. I hope you like it.” Sabi ko nang maisalin ang ulam sa mangkok. Nagsalin na din ako ng tubig sa baso at inilapag sa tabi ng plate niya. “Thank you. Hindi mo na sana ako hinintay makuwi baka pagod ka na din.” Sabi niya. Naupo ako sa katapat niya. Ibang-iba na ngayon si Bernadette. Nakasuot ng formal attire at may kaunting makeup sa mukha. Sa totoo I want her simple. Yun bang nakadamit lang siya ng pambahay at walang kolorete sa mukha. “It’s okay. Hindi pa naman ako inaantok. And also I checked some papers and tuck our baby to bed.” Napatango lang siya sa sinabi ko. I watch her eat. Napakagaan sa pakiramdam habang pinanonood ko siyang kumain. Ipinilig ko ang ulo ko. I shouldn’t have felt like this. It’s wrong! “Salamat dahil kahit galing ka pa sa work nakuha mo pang alagaan si Abigail at nagluto ka pa ng ulam.” Sabi niya. Napangiti ako. Gusto ko lang bumawi sa lahat Bernadette at gusto ko ring alagaan ang anak natin. Siya ang dahilan kung bakit nagbago ako. She is my angel. Isinaisip ko na lang ang sasabihin ko. It’s better this way. Maybe we should be civil with each other for the sake of our daughter. Hindi namang maganda na nagkakailangan kaming dalawa.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD