EPISODE 19

1736 Words
Tinawagan ko si Luna upang kamustahin si Bernadette. “Sir, alam mo bang naubos ni Ma’am Berna yung niluto mong umagahan? Akala niya nga ako ang nagluto. Diyos ko! Sir, lahat ng santo tinawag ko kasi naman bakit naman yayamanin ang mga niluto niyo, Sir. Pangkaraniwang putahe lang ang kaya kong lutuin. Nakapagsinungaling ako ng bonggang-bongga. Ang alam ko lang pong lutuin ay piniritong mahabang hotdog at dalawang naglalakihang itlog.” Gusto kong matawa sa sinasabi ni Luna, mahabang hotdog at naglalakihang itlog. Sa unang kita ko kay Luna napansin ko na ang pagiging masayahin nito. “Okay, next time yun na lang ang lulutuin ko.” Sabi ko. “Ay! Sir, tinatawag na ako ni Ma’am. Bye po!” tinapos na agad nito ang tawag at hindi na niya ako hinintay pang magsalita. Napailing na lang ako. Masaya ako at nagustuhan ni Bernadette ang niluto. Dumaan muna ako sa bahay para kumuha ng damit ko. Plano kong matulog doon. Sabi ni Luna may isa pang silid doon na hindi naman ginagamit. Sinigurado kong tulog ang mag-ina bago pumasok ng bahay. “Sir, sabi ni Ma’am masarap daw yung luto ko. Eh, pinainit ko lang naman yung niluto niyo kaninang umaga.” Sabi ni Luna nang pumasok ako sa loob. Napangiti ako. Napag-isipan kong magpakita na kay Bernadette. Mukha kasing nakagawa ako ng krimen sa pagtatago ko kay Bernadette. Kailangan kong harapin kung ano mang galit niya o anong gagawin niya kung sakaling magpakita ako sa kanya. Hindi pwedeng ganito ako, nagtatago. Sumapit ang araw ng sabado. Ito ang araw na itinakda ko sa sarili ko. Haharapin ko na si Bernadette. May takot akong nararamdaman ngunit kailangan kong lakasan ang loob ko. Upang maibsan ang kabang nararamdaman ko. Nagbuga ako ng hangin. Nakaramdaman ako ng kaginhawan sa ginawa ko. “Sir, sigurado ka na bang magpakita kay Ma’am Berna? Paabutin mo pa kaya ng isa pang taon.” Umiling ako sa payo ni Luna. Bakit ko pa paaabutin ng isang taon? Masyadong matagal. “Pagiging duwag kung paabutin ko pa ng isang taon. And besides kailangan kong gawin ito para magkaayos na kami ni Mommy. Mahirap ang magtago.” “Kung iyan ang pasya niyo wala naman po akong magagawa. Pero sana po kung magpakita kayo kay ate Berna ayusin niyo po ang gusot na namamagitan sa inyong dalawa. Hindi na po magandang may away pa kayo lalo ngayon may baby na po kayo.” Sabi ni Luna. Napaisip ako sa sinabi niya. May point naman siya doon. Pero ayokong pilitin ang sarili ko na maging kami ni Berna kahit may anak na kami. Mas okay sigurong maging civil kami sa isa’t isa. Nagdala ako ng prutas para kay Bernadette. Makabubuti iyon sa kanyang katawan. “Puntahan niyo na po si Ma’am. Gising na po siya.” Sabi ni Luna. Naglakad na ako patungo sa silid ni Berna. Hindi ko alam ngunit nakaramdam ako ng kaba at takot. Marahan kong binuksan ang pinto. Nakita ko si Bernadette na nagtutupi ng mga damit ng anak namin. Pinahid ko ang butil-butil na pawis sa noo ko. Hindi ko mapigilang tibukan ng mabilis ang puso ko. Hindi ko alam kung sa kaba o sa takot. Tumikhim ako bago nagsalita. “Bernadette. . .” tawag ko sa kanyang pangalan. Mahina lang iyon ngunit parang malakas sa pandinig ni Bernadette. Napalingon siya sa kinatatayuan ko. Nanigas ako sa aking kinatatayuan nang mapatingin sa gawi ko si Bernadette. Nanlalaki ang mga mata nito at umawang ang labi nangmakita niya ako. “F-Fernan. . .” sambit niya sa aking pangalan. “Anong ginagawa mo dito? Paano mong nalaman ang nandito ako?” sunod-suno nitong tanong. “I am so sorry basta na lang akong nagpunta dito ng hindi mo alam. Sinundan ko si Mommy kaya nalaman ko kung saan ka tumitira.” Pag-amin ko. Nang magtama ang aming mga mata bigla ay nakaramdam ako ng kakaiba sa puso ko. No. Hindi ko dapat maramdaman ito sa kanya. Pinilit kong balewalain ang tila kabog sa dibdib ko. Napasulyap ako sa hinihigaan ng baby. “Am I the father of that baby?” turo ko sa kuna ng bata. Kahit alam kong ako naman ang ama. Gusto kong makasiguro at gusto kong magmula mismo sa kanyang bibig ang katotohanan. Napatitig siya sa akin at tila ayaw niyang magsalita. Tahimik itong napasulyap sa baby at ibinalik ang tingin niya sa akin. She slowly nodded. Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko. May saya siyang naramdaman na siya ang ama. Bago lang sa kanya ang pakiramdam na ito. Hindi ganito ang naramdaman ko nang tanggapin kong magiging anak ko ang anak ni Isabella. Kakaibang kasiyahan ang nararamdaman ko ngayon. Nag-init ang sulok ng mga mata ko. Bago pa tumulo ang mga luha ko nagpaalama na muna ako kay Bernadette. Tila natakot akong masilayan ang anak ko. Takot akong matitigan siya sa mga mata. Pakiramdam ko kapag tumitig ako sa kanyang mga mata, huhusgahan niya ako. “Babalik na lang ako sa ibang araw. Salamat sa pagtanggap mo sa aking makita ang anak natin.” Totoong saloobin ko. “ Huwag kang mag-aalala hindi ko ipagdadamot sa iyo ang anak ko.” Aniya na ikinangiti ko. “Salamat, Bernadette. Sa kabila ng ginawa ko sa iyo hindi mo ipinagdamot ang anak natin,” sabi ko. May kung anong kasiyahan sa puso ko sa salitang binitawan kong anak natin. Ganito ba ang pakiramdam ng isang ama? Kung ganito, para sa akin ito na ang pinakamasayang pangyayari sa buhay ko. Sa abot ng aking makakaya gagawin ko ang parte ko bilang ama ng aking anak. Hindi man ako perpektong tao, sisikapin kong maging perpekto para sa anak ko. Tumango lang ito sa sinabi ko. GUSTONG kong i-open sana kay Fernan ang annulment ng kasal namin, ngunit sa tingin ko ay hindi ito ang tamang oras. May iba pa namang pagkakataon. Ayokong sirain ang araw ni Fernan kung sasabihin ko ngayon. Baka magbago ang mood ng lalaking ito. Mukhang bumait na siya base sa pagkakangiti niya. Sinusubukan kong hindi maging mahina sa ngiti niyang iyon. Mahina pa naman ako pagdating kay Fernan. Ayokong magpakatanga na naman. Siguro nga’y hindi kami para sa isa’t isa. Dapat mas higit kong isipin ang sarili ko. Tama na ang nangyari sa akin. Ang pagsuko ay hindi kaduwagan bagkus ito ay dapat gawin ng isang taong nagmamahal para sa kanyang sarili. NAKIPAGKITA ako kay Gavin upang ibalita sa kanyang nagkita na kami ni Bernadette at nasilayan ko na ang anak ko. “Mabuti naman at hindi ka naging duwag na humarap sa mag-ina mo.” Natatawang sabi ni Gavin. Natawa din ako ng mahina. Tama siya sa sinabi nito. Mabuti at hindi ako naduwag. “Nag-ipon ako ng maraming lakas ng loob.” Sabi ko saka tinungga ang baso ng alak. “Anong pakiramdam na nakita mo ang anak mo?” Natigilan ako sa tanong niyang iyon. Nahihiya akong sabihin sa kanyang natakot ako. Malalim akong nagbuntonghininga. “Ano’ng ibig sabihin ng malalim na buntonghininga na iyan?” “Sa totoo natakot akong titigan ang anak ko ng matagal. Pakiramdam ko kapag tinitigan ko siya usigin niya ako sa pamamagitan ng tingin. Alam kong kabaliwan ang iniisip kom ngunit iyon ang naramdaman ko kanina. Mukhang ang anak ko ang karma ko.” Pag-amin ko sa totoo kong saloobin. Tinapik ni Gavin ang balikat ko. “Alam ko ang pakiramdam na iyan. Ganyan din ang naramdaman ko nang makita ko ang anak ko sa unang pagkakataon. Nakaramdam ako ng takot at guilt sa sarili ko. Dahil ipinagbubuntis palang siya nagawa ko ng sabihin ipalaglag ni Jane ang anak namin. Napakasama ko para gawin iyon dahil lang sa pera. Ang laki kong gag*.” Malungkot na sabi nito. Kita ko ang pagsisisi sa kanyang mga mata. Hindi lingid sa akin ang problema nito sa dati nitong asawa. Hindi naman kasi masisisi si Jane na ilayo ang anak nito kay Gavin. Naisip ko ang anak ko. Natatakot akong malaman niya ang p*******t ko sa kanyang ina. Ayokong sumbatan ako ng anak ko pagdating ng panahon. Umuwi ako sa bahay nila Bernadette nang nakainom. Naparami ang inom namin ni Gavin. We both have the same problem kaya kaming dalawa ang madalas mag-inom. At saka malapit lang ang tinitirhan naming dalawa. “Sir, bakit kayo lasing? Kapag nakita kayo ni ate Berna patay kayo doon.” Bungad agad sa akin ni Luna nang papasok ako ng bahay. Napangiti lang ako sa kanya. “Hindi naman ako ganoon kalasing. Nakainom lang. Kung lasing ako hindi na ako nakauwi dito?” sabi ko sa kanya. Napailing si Luna. “Kahit na po. Ayaw pa naman ni ate Berna ng nakainom.” “Nakatulog na ba siya at ang anak namin?” tanong ko rito. “Kuya Fernan, anong oras na? Inistorbo mo pa ang tulog ko? Nasa dream land na nga ako, eh?Alas dose na kaya ng gabi. Ay! Madaling araw na pala. Siyempre tulog na yun, no? Alangan naman sa ganitong oras nasa kusina si ate, nagluluto. Si Kuya talaga.” Napangiwi ako sa sinabi niya. Napaiiling na lang ako sa pagkapilosopo ni Luna. “Matulog ka na. I am sorry nagising kita. Goodnight! Sweet dreams!” sabi ko na lang at naglakad patungo sa silid ni Bernadette. Plano kong silipin sila at matutulog na din ako. Marahan kong binuksan ang pinto. Napangiti ako ng makitang mahimbing ng natutulog si Bernadette at ang anak ko sa kanyang kuna. Nagdalawang isip pa ako kung lalapitan ko ang anak ko. Sa huli ay nagpasya akong lapitan ito. Wala naman sigurong masama. Although kabang-kaba ako. Napangiti ako ng masilayan ko ang anak ko. Nag-init ang sulok ng mga mata ko. Nakita ko na siya ng malapitan. She’s so beautiful. Hinaplos ko ang kanyang pisnging mamula-mula. Naramdaman ko na lang ang mainit na likidong naglandas sa aking pisngi. “I will love you, baby. Kahit hindi man ako perpekto sa paningin ng Mommy mo, pipilitin kong maging mabuting ama sa’yo. Ikaw ang pinakamagandang regalong natanggap ko. Nang dahil sa iyo naramdaman kong may silbi pa pala ang buhay ko magmula nang mawala sa akin ang babaeng mahal ko. Magbabago ako para sa iyo, anak ko. Mahal na mahal kita.” Kung maibabalik ko lang ang nakaraan ay gagawin ko. Gusto kong baguhin ang lahat ng naging pagkakamali ko. Bakit ba ganoon kung kailan abot kamay ko na, ngunity parang hindi umaayon sa akin ang pagkakataon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD