Ravi's POV
Days,weeks,months agad ang lumipas. Graduation na namin, napakasaya namin non, super excited kasi sa wakas natapos din namin ang High school. Pero hanggang ngayon, wala pa ring magandang nangyayari about sa nararamdaman ko kay Megha. Nakatago pa rin sa kaloob-looban ko ang aking feelings para sa kanya.
Mas gusto ko na yong ganito, nakakasama ko sya, nakikita, nakakausap. Kesa naman masabi ko nga sa kanya tapos bigla nya akong iwasan. Mas masakit yon. Kaya ok lang, kaya kong mag tiis. Ang inaalala ko lang, after this graduation. Pano kung sa ibang school na sya mag aral. Ako kasi balak ko na dito nalang din sa school namin mag-aral ng college.
Nang makarating kami ni mommy sa school, dumeritso na kami sa gym. Kami lang ni Mommy dahil hindi nakauwi si
Daddy dipa kasi tapos contract nya. Hinanap ko si Megha at ang parents nya pero marahil hindi pa sila dumarating, diko kasi sila makita. Sabik na akong makita ang mahal ko na suot ang
graduation gown.
Si Megha ang aming valedictorian,hindi ako matalino katulad ni Megha kaya
hindi ako salutatorian. Pero kabilang pa rin ako sa may mga honor. Ako ang first honorable mention.
Ilang sandali lang dumating na iba kung classmates at ang ibang mga taga ibang section na gagraduate din na tulad ko,
kasama ang kani-kanilang pamilya. Nakakainggit nga sila pero naiintindihan ko naman ang sitwasyon kaya ok lang.
Naiinip na ako,bakit kaya wala pa si Megha at ang family nya. Pero ilang sandali lang natanaw ko na itong papasok ng gym, kasama ang parents at ilang relatives.
Napakaganda ni Megha sa suot niyang graduation gown. Nagpasya akong lumapit sa kanila para batiin sya pati na
sina Tita at Tito. Nakangiti akong lumapit sa kanila, naabutan ko silang nakaupo sa mga silyang andoon.
Nag bless ako sa mag asawa pati na sa ilang matatandang kasama nila Megha. Sa palagay ko sila ang mga lolo at Lola nya sa side ng kanyang Mommy. Kasi ang Lolo at Lola nya sa side ng kanyang Daddy ei dati ko na itong kilala.
"Congratulation sayo hijo." nakangiting bati ng mga ito sakin. Si Megha naman
nakatingin lang sya sakin habang nakangiti nanaman.
Nagpasalamat ako at binati rin ang mga ito.
"Salamat poh and congratulation din sa inyo." nakangiti kong sabi.
May nakita akong bakanteng silya sa may tabi ni Megha, umupo ako doon.
"Anong plano mo Ravi after nito? Mag eenrol kapa rin ba uli dito o sa ibang school na?" tanong sakin ni Megha, na
gustong gusto ko rin itanong sa kanya.
"Dito ko pa rin balak mag-enroll Megha, maganda rin naman mag aral dito satin. Mahuhusay din ang mga
professor lalo na sa Engineering at isa pa ayoko ng panibagong pakikisama."
mahaba kong sabi sa kanya.
"Ikaw ba ano ba ang balak mo?" kinakabahan kong tanong. Natatakot kasi ako na baka ito na ang huli naming pagkikita sa school.
"Sila Mommy kasi ang masusunod, gusto nila akong mag aral sa isang sikat unibersidad pero kung ako lang ayaw kong lumipat ng school." malungkot nitong sabi na ikinalungkot ko
rin.
Iniisip ko palang na diko na sya makikita araw araw nahihirapan na ako. Naiiyak ako na diko mawari basta ang alam ko
napakalungkot ko ng mga sandaling yon.
Masaya na ako na makita sya araw-araw, hindi na ako naghahangad ng iba pa pero
bakit naman pati ang makita sya
ipagkakait pa sakin. Ang sakit naman, parang diko makakaya to.
"Mamimiss kita bestfriend."
maluha luha nitong sabi sakin.
"Mamimiss din kita ng sobra."malungkot kong sabi.
Nakita kong tumulo ang luha ni Megha, nabahala naman ako kasi baka masira ang make up nya. Ok lang sana kung tapos na ang graduation ceremony.
Kinuha ko ang panyo ko at dahan-dahan kong pinunas ang kanyang luha.
"Wag kana mag alala,magkikita pa rin naman tayo kapag sabado at linggo ei.
Marahil gusto lang ng parents mo na sa mas magandang school ka mag aral dahil nasa gusto nila masiguro ang
kinabukasan mo."
"Alam ko naman yon Ravi, kaya lang mamimiss kita. Pero wala akong
magagawa. Basta promise mo di mo ako makakalimutan kahit marami
magagagandang girls na umaaligid sayo huh, tsaka kahit magkaron kana ng girlfriend gusto ko ako pa rin
first priority mo."
"Don't worry,kahit kelan hinding hindi ako magbabago. Kung ano tayo ngayon ganon pa rin tayo kahit may mga new friends or girlfriends/boyfriends ang dumating sa buhay natin. Walang magbabago,tayo yata ang best of all bestfriend in the whole world," nakangiti kong sabi sakanya, pero ang totoo umiiyak ang puso ko.
Wala na talagang pag asa na malaman nyang ang nilalaman ng dibdib ko.
"Salamat Ravi,kaya mahal na mahal kita ei," nakangiti na nyang sabi sakin.
Ginamit nanaman nyang ang magic words na yon,na kahit kelan walang araw na hindi ko pinagdasal na sabihin nya sakin ito hindi bilang kaibigan kundi bilang lalaking minamahal.
Biglang nagsalita ang isa sa mga teacher hudyat na sa pagsisimula ng programa.
Nagpaalam na ako kay Megha at sa mga parents into para pumunta sa sarili kong upuan.
Ilang sandali lang tinawag na isa-isa ang mga pangalan ng mga nag-graduate upang kuhain ang kanilang diploma.Pero wala ang utak ko sa program,pero ng si Megha na ang tinawag parang nagising ang diwa ko. Hindi ko mapigilang di sya pagmasdan,sa napaka elegante na paraan nyang paglakad. Bagay na bagay talaga sa kanya kahit ano ang kanyang isuot.
Pagkatapos nyang kamayan ang mga nandoon na bisita, tamayo si Megha sa gitna ng stage at winagayway ang kanyang diploma sa magulang habang nakangiti ng napakaganda. Humarap din sya sakin at ngumiti ng napakaganda habang kumakaway, at ito nanaman ang puso kong nagmamahal. Umaapaw nanaman sa paghahangad ng kelanman ay di magiging akin.
Ilang sandali lang mga boys na ang tinatawag ngunit wala nanaman sa programa ang utak ko, iniisip ko kasi ang magiging buhay ko kapag hindi ko na palagi makakasama si Megha. Kaya naman hindi ko napansin ang ilang ulit ng pagtawag sa pangalan ko ng aming teacher.
"Ravi Sarmiento!Ano bang iniisip mong bata ka?!bakit di mo naririnig ang pagtawag sayo?!" Bigla akong napatayo ng tapikin ako ni mommy at marinig ko ang pangalan ko na binabanggit ng teacher na halatang naiinis na. Nagtawanan naman ang karamihan.
Nakayuko ang ulong naglakad ako patungo sa stage, kinuha ko ang diploma ko at kinamayan ang mga panauhing pandangal na nandoon sa stage. Humingi din ako ng paumanhin sa teacher na tumatawag sakin kanina. Napatingin ako sa karamihan, nakita ko si Megha na kumaway sakin,ngumiti lang ako tapos bumalik na rin ako sa aking upuan.
Nagpatuloy ang program ng halos wala akong naintindihan. Hanggang sa nag awarding na at ng matapos,nag speech ang Valedictorian na walang iba kundi si Megha.
Nagpasalamat lang sya sa mga teachers, sa mga classmates, nagbigay ng inspirasyon sa ibang mga estudyanteng nandoon. Naiyak sya ng time na nagpapasalamat sya sa kanyang mga magulang. At nagulat ako pati sakin nagpasalamat sya.
Hindi ko na napigilan ang nararamdaman ko kanina pa. Naluha na rin ako, hindi pala basta luha lang dahil wala na itong humpay sa pagtulo .
Napatingin sakin ang ilan sa mga classmate ko. Mabuti nalang lumabas muna si Mommy para gumamit ng comfort room.
Natapos ang speech ni Megha, nagpalakpakan ang lahat.Pinahid ko ang mga luha ko sa takot na makita nya ito.
Nagpatuloy ang program at ng matapos, nag picture taking na ang bawat pamilya ng mga naggraduate.
Kinuhanan din ako ng picture ni mommy, karamihan mag isa lang ako. Pero marami rami din ang magkasama kami ni Mommy.
Nais ko sanang puntahan si Megha at ayain syang magpicture. Pero nakita ko syang busy sa pagpipicture kasama ang iba nyang friends at parents.
Parang nawalan ako ng gana, inaya ko ng umuwi si Mommy. Pumayag naman ito pero didiritso muna sila sa isang restaurant para don icelebrate ang pag graduate ko. Hindi na rin ako tumutol.
Naglalakad na kami ni Mommy palabas ng gym ng may marinig akong tumatawag sa likuran ko. Lumingon ako at nakita ko si Megha na nakasimangot.
"Aalis ka ng di nagpapaalam sakin, ni wala pa tayong souvenir na magkasama." nakasimangot na sabi sakin ni Megha.
"Kala ko kasi busy ka kanina," sabi ko nalang.
"Hmmmm..." sabi nalang niya.
"Tita,pwede poh ba samin nalang kayo ni Ravi magcelebrate may konti po kasing niluto si Mommy sa bahay," sabi ni Megha sa Mommy ko na ikinatuwa ko naman.
"Naku hija,nakakahiya naman sa parents mo,wag nalang," tanggi ni Mommy sa alok ni Megha. Napapasagot na sana ako ng dumating naman ang parents ni Megha.
"Ano kaba naman Sylvia, hindi na iba ang turing namin sa anak mo. Magbestfriend silang dalawa,kaya nararapat lang na magkasama sila ngayon. Pumayag kana please. Gusto ko maging masaya ang dalawang yon," nakangiting sabi ng Mommy ni Megha sa Mommy ko.
"Ok Mrs. Guerrero, and congrats nga pala sa inyo at sayo din Hija."
"Thank you,pano sabay sabay na tayong didiretso sa bahay."
"Oo Mrs. Guerrero,salamat," nasanay ang Mommy ko na tawaging Mrs. Guerrero si Tita dahil hindi naman sila close ng mga ito. Dahil ang aming mga parents ay pare parehong busy sa kani-kanilang work.
Bago kami umalis ng gym, natupad din ang kagustuhan kong mag picture kami ni Megha. Napakarami naming picture, may picture kaming kasama ang mga parents namin, meron ding picture na kasama ang ilan naming classmate. Pero marami ang picture namin ni Megha. Ang mommy ko at Mommy nya ang nagpipicture.
Nang matapos kami nagpasya na kaming magtungo sa bahay nina Megha. Sa kotse namin sumakay si Megha dahil puno na ang van na dala ng family nya.
Habang nagbibiyahe masaya kaming nagtitingin sa mga kuhang picture ni Mommy. Ang cucute ng mga kuha namin, isang picture ang kumuha ng pansin namin ni Megha. Nakaupo ako sa isang bench, nasa likuran ko sya nakayakap ang kanyang braso sa may leeg ko. Magkalapat ang aming mga pisngi habang parehas kaming nakangiti.
"Pasa mo to sakin mamaya ah, ang cute natin dito ei," nakangiting sabi ni Megha.
"Okey,mamaya nalang." nasisiyahan kong sagot sa kanya.
Nang makarating kami sa bahay nila, hindi lang ito simpleng kainan kundi isang malaking party. Inaya ako ni Megha para kumuha kami ng pagkain,matapos kumuha pumunta kami sa may Hardin ng bahay para don kumain. Habang kumakain nagkukuwentuhan kami.
"Kapag sa ibang school kana pumapasok, mag iingat ka ha. Pipiliin mo ang iyong magiging mga kaibigan. At kung magbbf ka siguruhin mong mahal ka talaga nya ng totoo, kapag sinaktan ka nanaman humanda sya sakin babalian ko sya ng buto."
"Salamat, don't worry magiging maingat ako sa pagpili ng mga taong kakaibiganin ko. Ikaw din ah, baka mapasama ka sa mga gang dyan o praternity. Wag kang sasali sa mga yon huh." mahabang sabi nito.
"Kilala mo ako Megha, wala akong hilig sa mga ganyan. Kahit barkada wala ako ni isa,ikaw lang ang nag isa kong bestfriend."
"Alam ko yon,kung hahanap ka rin ng gf yong matino ha,wag iyong malandi," nakangiti nyang sabi.
Natawa ako sa sinabi nya, sa palagay ko kasi hindi ko poproblemahin ang girlfriend, dahil si Megha lang ang mamahalin ko habang buhay.
"Kaw poh ang masusunod aking mahal na prinsesa," nakangiti kong sabi. Pero ang totoo, kanina ko pa pinagsusumikapang itago ang totoong nararamdaman ko.
"Salamat," nakangiti nyang sabi.
Pero hindi katulad ng kanyang mga ngiti, ang ngiti nya ngayon ay may halong lungkot.
"Ravi, nalulungkot ako. Ayokong magkahiwalay tayo," malungkot nyang sabi, may bahid na rin ng luha ang kanyang mata.
Andun ang bugso ng damdamin, hindi na ako nakapag isip pa. Bigla ko syang yinakap ng mahigpit, kalakip ang lahat ng damdaming aking iniingatan sa aking dibdib. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nayakap ko sya ng ganito. Napakabilis ang t***k ng aking puso,andun ang pag asam na sa pamamagitan ng yakap na yon maramdaman nya ang wagas kung pagmamahal sa kanya.
Naramdaman ko nalang ang mga braso nyang yumakap din sakin. Mahigpit,pahigpit ng pahigpit habang ang kanyang pagluha ngaun ay isa ng hagulhol. Pati na ang sarili kong mga luha,hindi ko na mapigilan. Ngayon malayang naglalandas ang mga ito sa aking pisnge. Alam ko ang nararamdaman ni Megha. Katulad ko hindi rin sya sanay na wala ako sa tabi nya. Pero alam ko umiiyak sya ngayon dahil ayaw nya akong mawala sa tabi nya bilang isang bestfriend.
Ngunit ako,ayaw kong mawala sya hindi bilang bestfriend kundi bilang isang minamahal. Hindi ko alam kung papano ko palilipasin ang maghapon ng di sya nakikita. Nanatili kami sa ganong ayos,hinalikan ko ang buhok nya.
Napakabango ng mahal ko, nais kong ganito nalang kami habang buhay pero alam kung hanggang pangarap nalang ako. Pangarap na kaylanman ay di matutupad.
Ang aming mga puso ng sandaling iyon ay nababalutan ng ibayong kalungkutan. Lungkot na kakambal ko na yata habang akoy nabubuhay.
ITUTULOY