Chapter 4

1680 Words
Ravi's POV Nagpalakpakan ang lahat ng sabihin ni Megha ang pangalan ko, hindi talaga ako makapaniwala, ibig sabihin ako ang maswerteng lalaking aking pinagseselosan? Para akong baliw, lalo namang nagkagulo ang mga tao ng muling magsalita si Megha. "Ravi, iiwan mo na ba ako? Pano na ang first dance ko?!" nakangiti niyang sabi sakin. Nagtawanan din ang mga taong nadoroon,lumakad naman ako papunta kay Megha. Habang naglalakad nakatitig ako kay Megha na tulad ko, nakatitig din sakin habang nakapagkit ang magandang ngiti sa kanyang mga labi. Lalong tumindi ang kaba ko ng nasa harapan ko na sya. Lalo namang lumuwang ang pagka- kangiti nya sakin. At ang mga taong nagdodoon ay walang humpay ang ingay lalo na ang mga babaeng tili ng tili. "Hey, tutunganga ka lang ba dyan o isasayaw mo na ako?!" Nagtawanan nanaman ang lahat. Lumapit ako kay Megha sabay mahina kong sinabi na. "Pano ba Megha, diko kasi alam ei," kakamot kamot sa ulo kong sabi. Natawa naman si Megha sa sinabi ko, samantalang hiyang- hiya naman ako. Kinuha ni Megha ang dalawa kong kamay at ilinagay sa kanyang bewang. Tapos yong dalawang kamay naman nya linagay nya sa balikat ko. Alam ko na ganon talaga ang posisyon ng sweet dance. Pero nakalimutan ko kasi dahil marahil sa kaba. Nagpalakpakan naman ang mga tao, iyong iba may humihiyaw pa. Tumingin naman si Megha sa may stage kung saan nandon nakapwesto ang inarkilang banda ng school namin. Nagsimulang tinugtog ang Intro ng favorite na song ni Megha ang " Friend of Mine " biglang akong sinalinhan ng samo't-saring emosyon, bakit yon pa ang piniling kanta ni Megha. Natatakot akong maiyak nanaman sa kantang ito. Pano kung malaman nya ang nararamdaman ko. Nagsimula na kaming sumayaw, nakatingin ako sa mata nya at nakatingin din sya sakin. At ang magic na pumapaloob sakin, hindi ko maipaliwanag. Ewan ko lang kung nararamdaman din ni Megha, Pero ako ramdam na ramdam ko talaga. Napa "Ohhh" ang lahat ng imbes na ang vocalist ng banda kumanta, ang malamig na boses ni Megha ang pumailanlang sa buong paligid. I've known you for so long You are a friend of mine But is this all we'd ever be? Nagulat ang lahat, lalo na ako dahil di ko inaasahan na sya pala ang kakanta. Parang gusto ko ng mapaluha pero salamat nalang kasi nakakaya ko pang pigilan ang mga luha ko sa pagpatak! Patuloy lang kami sa pag sayaw, habang nakatitig kami sa isat isa. I've loved you ever since You are a friend of mine But babe,is this all we ever could be? Patuloy lang sya sa pagkanta,may kung ano akong nababanaag sa mga mata nya Pero diko masabi kong ano yon. Patuloy lang din kami sa mabining paggalaw. You tell me things I've never known I've shown you love You've never shown But then again,when you cry I'm always at your side Tahimik na tahimik ang lahat. Dalang dala sila sa ganda ng boses ng mahal ko. Sino ang hindi maiinlove sa kanya, napakaganda na, mabait, matalino at talented pa hindi lang sa pagkanta kahit sa pagsayaw. Pero hindi ko inaasahan na ganito pala ang gusto nyang maging first dance. I'm sure hinding hindi nya ito makakalimutan. At ganon din ako, hinding hindi ko makakalimutan ang first dance ko dahil ngayong mga sandaling ito ako na ang pinakamasayang lalaki sa buong mundo. You tell me 'bout the love you've had I listen very eagerly But deep inside you'll never see This feeling of emptiness It makes me feel sad But then again,I'm glad. Napapasinghap ang mga taong nandoon. Ang iba animo kilig na kilig. Aahh....sana ganito nalang kami palagi. Sana wala ng bukas, sana hindi na kami magkaibigan lang, sana magkaron ako ng lakas ng loob na sabihin sa kanya. Sana mawala ang takot ko na iiwasan nya ako pagkatapos ng lahat. Sana, bakit puro nalang sana? Hindi ba pwedeng totoo nalang? Ito na, hindi ko na napigilan! Tumulo na ang luha ko! Papahirin ko na ito ng dumampi ang kamay ni Megha sa pisngi ko at pinahid nya ang luha ko. Nagulat din ako kasi may luha din sya sa kanyang mga mata, gusto ko syang yakapin ng mga sandaling iyon pero pinigilan ko ang sarili ko, pinahid ko nalang din ang mga luha nya. Ang mga tao naman, nagpalakpakan ng makita nila ang pagpahid ko ng luha sa mukha ni Megha. I've known you all my life You are a friend of mine I know this is how its gonna be I've loved you then and I love you still You're a friend of mine Now I know friends are all we ever could be... Parang gusto ko ng umiyak ng umiyak pero sabi ko sa sarili ko, tama na na nakita nya akong lumuha. Natatakot akong magkaron sya ng idea kung ano ang nararamdaman ko. Malapit ng matapos ang kanta, kung sana may alam lang akong paraan para hindi na matapos ang sandaling ito kanina ko pa sana ginawa. Inulit na ni Megha na kantahin ang pangalawang Chorus. Ibigsabihin matatapos na ang kanta. Lalo kung nadama ang lyrics ng kanta. Ewan ko ba, parang ang kantang ito sinadyang gawin para paringgan ako kasi naman sapol na sapol ako sa bawat kataga ei. Masigabong palakpakan at may mga nagtitilian pa ng matapos na ang song.Pero parang wala pa rin kami sa tamang huwisyo, alam nyo yon parang ang magic hindi pa rin nawawala. Nakatitig lang kami sa isat isa,walang nagsasalita, walang gumagalaw. Bigla lang kaming natauhan ng magsalita ang Emcee na nasa stage. "Thank you so much sa napaka heart touching at nakakakilig na panoorin guys. Mabuti nalang saksi kami sa memorable mong first dance Ms. Megha, bagay na bagay talaga kayong dalawa!" kilig na kilig pang sabi ng Emcee. Nagpalakpakan nanaman ang mga tao. Sabay kaming naupo ni Megha sa table kung san ang mga classmates at teacher namin ay nandoon. Inulan ako ng kantyaw ng mga makukulit naming classmate mas lalo na don sa part na hindi ko alam ang gagawin ko para isayaw si Megha. Tatawa tawa naman si Megha. Natatawa din ako sa sarili ko. Nagsimula nanaman ang disco, pero di ako nakisali sa kanila dahil nasa gusto kong namnamin ang napakasayang pangyayaring naganap sakin kanina. Nakatingin lang ako kay Megha nagdidisco sila ng mga classmates naming mga babae. Nagsisimula nanamang maramdaman ko ang magic na yon, kagaya nong kanina. Hindi ko na maiiwas ang tingin ko sa kanya kaya ng bigla syang lumingon, huling huli ako na nakatitig sa kanya! Iiwas na sana ako ng tingin pero kumaway sya at ngumiti nanaman ng napakaganda. Ang mga mata nya ay parang nagnining-ning dahil sa pagkakangiti.Kaya ang pasaway kong puso ito nanaman sya, napakabilis nanaman ng t***k. Sumapit ang 11:30pm. Oras na ng pag uwi namin ni Megha. Naubos ang oras pero hindi manlang ako nag abalang makigulo sa kanila, dahil abala ako sa pag iisip sa nangyari kanina. Sa tuwing iisipin ko ang mga nangyari parang may kakaiba ei. Bakit ako ang gusto nyangmaging first dance? Bakit umiyak sya kanina? Bakit ginawa nyang napakaespesyal ang mga sandaling iyon. Di kaya... Hayyyy! Puro ako kalokohan, pwede ba naman yon! Imposibleng magkagusto din sakin si Megha. Kung ano-ano na naiisip ko, siguro antok lang to. Ayaain ko na nga si Megha na umuwi, konting sandali nalang andito na si Mommy para sunduin kami. Lumapit ako kay Megha at inaya na syang umuwi, di naman sya tumanggi. Nagpaalam muna kami sa teacher namin at mga classmates bago kami lumabas ng gym. Pagdating namin sa may gate ng campus wala pa rin si Mommy kaya umupo muna kami sa may bench na malapit sa may gate. Ligtas dito kahit gabi kasi malapit sa may guard house. "Uhmm..salamat sa pagpayag mo na maging first dance ko ah," biglang sabi sakin ni Megha. Napangiti naman ako, kasi parang iniisip nya na malaking utang na loob nya na pumayag ako hindi lang nya alam kung gano nya ako pinasaya ngayong gabi. "Welcome, basta ikaw! Tsaka masaya ako na ako pala ang maswerteng magiging first dance mo, salamat," sabi ko naman. "Welcome, gusto ko andon ka sa lahat ng mahahalagang pangyayari sa buhay ko," nakangiti nitong sabi. "Talaga?Bakit?" tanong ko ng di manlang nag iisip kong ano magiging dating non sa kanya. "Anong bakit?" balik tanong ni Megha. "Aahh, I mean, bakit ka umiyak kanina?" nasabi ko nalang. Huli na para marealize ko na mas hindi ko dapat tinanong ang bagay na yon. Kinakabahan tuloy ako kung ano isasagot nya sakin, pero andun ang pag asam na sana marinig ko ang mga katagang matagal ko ng inaasam asam na makapagbibigay sakin ng lakas ng loob na magtapat sa kanya. "Ahh,yon ba? D-Dahil sa hangin, napasok ng hangin ang mata ko," ang sabi ni Megha. Nanghina ako dahil dito, nawala ang kahuli-hulihang pag-asa sa puso ko. "Ah,ganon ba?" walang kabuhay-buhay kong sagot sa kanya. "Ikaw, bakit umiyak ka kanina?" balik tanong nito. "Napuwing lang din ako," walang siglang nasabi ko nalang habang nakatingin sa kanya. Pero bigla akong may napansin sa reaksyon ni Megha at sa kanyang mga mata, tinitigan ko sya ng matiim pero umiwas sya sakin ng tingin.Tamang tama namang paparating na ang kotse ni Mommy, kaya tumayo na sya. Natitigilan naman akong tumayo na din para sumakay ng kotse kasi dina nya ako hinintay pang pagbuksan sya. Bumati lang sya sa Mommy ko tapos dina sya nagsalita ulit. Hindi nalang din ako nagsalita pero patuloy kung iniisip kung ano nabanaag ko sa kanya kanina. Teka, diba lungkot ang nakita ko sa mga mata nya kanina? Pero bakit? Napatingin ako sa kanya na ngayon ay nakapikit na pero diko sure kung talagang tulog na sya. Tahimik lang kami lahat, hanggang makarating na kami sa bahay nina Megha. Lumabas ang mag asawa para salubungin ang anak. Pagkatapos magpasalamat ng mga ito, nagpaalam na rin kami. Bago paandarin ni Mommy ang kotse,tumingin ako kay Megha. Nakatingin din sya sakin, kumaway sya sakin at ngumiti nanaman sya ng napakaganda na palaging nagpapabilis ng t***k ng puso ko. Ilang sandali lang nakarating na rin kami sa bahay. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD