Chapter 6

1263 Words
RAVI'S POV Day's, week's, month's and years. Parang kaylan lang 4 years na ang nakalilipas, graduating na ako sa college ganon din si Megha. Hindi ko alam kong pano ko napalipas ang bawat sandali sa loob ng apat na taon na wala si Megha. Sabagay regular naman kami nagkikita kapag linggo, minsan naman nagkikita rin kami ng Sabado pero hindi regular katulad ng Sunday kasi minsan may klase o praktis kami kapag Sabado. Wala namang nagbago sa turingan namin sa loob ng apat na taon. At wala pa ring kaalam-alam si Megha sa nararamdaman ko. Ganon ako ei,galing kong magtago. Napakagaling kong maglihim. Sinubukan ko ring makipag-relasyon sa isa sa mga classmate ko na matagal ng may gusto sakin. Pero wala pang isang month, nakipaghiwalay ako sa kanya kasi ayoko ng nanloloko ng tao. Alam ko na masasaktan ko lang sya dahil wala akong nararamdamang pag ibig sa kanya. Dahil ang puso ko at kaluluwa ay pagmamay-ari na ni Megha. Alam ko rin na nakailang boyfriend si Megha,hindi yon maiiwasan dahil napakaganda nya at matalino pa. Wala naman akong magagawa sa bagay na yon dahil ako ay isang dakilang torpe. Ilang araw bago ang graduation. Nakatanggap ako ng tawag mula kay Megha. "Hello," sabi ko ng sagutin ko ang phone. Pero walang nagsalita, ngunit narinig ko ang mahinang paghikbi ni Megha sa kabilang linya. "Megha,anong nagyari?!" natataranta kong tanong dito. Ngunit wala akong tugon na narinig mula sa kanya. Hindi ko malaman kung pano aaluin si Megha sa kanyang pag iyak. Kanina, bahagyang paghikbi lang pero ngayon malakas na ang kanyang pag iyak. Lalo akong nataranta,pero wala naman akong magawa. "Gusto mo ba pumunta ako dyan ngayon?" iyon nalang ang nasabi ko.Alam ko kasi na kelangan nya ako ngayon. Di man kasi sya magsalita alam ko na malaki ang problema nya. Natahimik naman sya marahil dahil sa sinabi ko. "Pwede bang sa malayo tayo pumunta, yong malayo sa mga parents ko?!" sabi nito sa kabilang linya habang gumagaralgal ang boses. Naguluhan man sumang-ayon ako sa kanya. Tinanong ko sya kung san nya gusto. "Pwede ba sa beach tayo,don sa dati nating pinuntahan nina Tita nong magbakasyon si Tito rito sa Pilipinas?" hindi na umiiyak na sabi nito. Ang tinutukoy ni Megha ay ang isang beach resort sa Batangas na pinabakasyunan namin noon kasama nina Mommy at Daddy. Ngayon mas nasiguro ko na malaki ang problema ni Megha. Diko maipaliwanag, pero kung bakit parang kinakabahan din ako. Pilit kong inalis sa isipan ko ang nararamdan ko. "Ok susunduin kita dyan," sabi ko nalang. "Salamat Ravi, salamat at andyan ka," garalgal nanaman ang boses na sabi nyang sakin. "Please Megha,wag kana umiyak. Alam mo na naman na lagi akong karamay mo sa lahat ng bagay," sabi ko nanaman sa kanya. "Salamat." "Okey, hintayin mo lang ako saglit dyan huh." "Ok,ingat ka sa pagdadrive," paalala into. "Sige, salamat." Pagkuway binaba ko na ang phone. Naglagay ako ng ilang pirasong damit sa bag tsaka madaliang nagshower. Katatapos ko lang lasing mag exercise kaya puno ng pawis buong katawan ko. Ilang sandali pa lulan na ako ng kotse patungo sa bahay nina Megha.At ilang minutong pagddrive natanawan ko na si Megha na naghihintay sakin sa labas ng gate ng bahay nila. Nakasuot ito ng simpleng T-shirt at jeans. Nakarubber shoes din ito at may bag sa kanyang likod. Simpleng pananamit pero hindi maitago ang kanyang angking kagandahan. Nang makalapit na ako ng tuluyan, binati nya ako ng "hi" umikot ito at umupo sa tabi ko. Hindi lang ako umiimik,dahil nakatingin ako sa mga mata nya. Namumugto ang mga ito at halatang magdamag na umiyak si Megha. Nasasaktan ako sa nakikita ko sa kanya, pero mas pinili ko ang tumahimik. Tahimik lang syang nakatingin sa labas habang nasa biyahe kami. Napansin ko na ginagamit nyang phone nya. Sinalpak nya ito sa chord na nakakonekta sa speaker ng kotse at Ilang sandali pa pumailanlang ang pamilyar na kantang yon. Ang "Friend of Mine" matagal-tagal na rin ng huli ko itong marinig. Liningon ko si Megha at nakita ko na nakapikit sya habang ninanamnam ang lyrics ng kanta. Ako naman,hindi maipaliwanag kung ano nararamdan ko basta ang alam ko,andon nanaman ang pamilyar na magic na yon! Naluluha nanaman ako, for God sake! Napakatanda ko na para maluha nananaman ng dahil lang sa isang kanta. Patuloy lang ang kanta,paulit ulit hanggang makarating kami sa aming paroroonan. Gabi na ng kami ay makarating. Nananatili pa ring nakapikit si Megha, at ng galawin ko sya natuklasan ko na nakatulog na pala sya. Hinayaan ko lang syang natutulog, ako naman inayos ko ang tent na dala namin. Hindi na kami umupa ng cottage don sa kagustuhan na rin ni Megha. Nang maayos ko na ang lahat, nagpasya akong bumili ng makakain namin ni Megha sa isang canteen na nandoroon, pati na alak,pulutan at softdrinks. Pagkuway bumalik na ako sa aming tent. Tulog pa rin si Megha sa kotse pagdating ko. Marahil ay napuyat sya kagabi. Ilinagay ko sa loob ng tent ang aking pinamili. At nagpasya akong pumasok muli sa loob ng sasakyan. Doon malaya kung napag-mamasdan ang mukha ng aking mahal. Napakaganda ni Megha, para itong anghel na natutulog. Napadako ang paningin ko sa mamula-mula nitong labi. Napalunok ako ng wala sa oras. Kaakit-akit kasi ang labi nito,lalo pa at bahagyang nakabuka. Parang nahahalina akong tikman ang mga labing iyon, ngunit alam ko na bawal. Ngunit ang utak ko at tila nalason na. Hindi ko napigilan ang aking sarili dahan- dahan kong nilapit ang mukha ko sa natutulog na si Megha. Ilang sandali lang buong kapanabikan kong ilinapat ang aking mga labi sa napakalambot nyang labi.Sa una,nagkasya na ako sa pagkakalapat ng aming mga labi. Ninamnam ko ang tamis,init at kalambutan nito. "Oh mahal ko, parang hindi ko kayang mawala ka sakin. Hindi ko mapapayagang may ibang aangkin sayong mga labi," sabi ko sa aking sarili. Wala na ako sa aking sarili,lalo na akong nalasing sa napakasarap na labi ni Megha. Ngunit alam kung mali ito. Ngunit ang puso ko at ang utak at parehas na sinisigaw na ipagpatuloy ko ang aking paghalik sa kanya.At wala akong nagawa diko malabanan ang tukso. O mas tamang sabihin na gusto ko talagang malasap ng matagal ang kanyang mga labi. Kaya bahagya kung iginalaw ang aking labi. Halos maluha-luha ako dahil sa wakas nahalikan ko rin ang babaeng matagal ko ng minamahal. Ang kaninang bahagya pagalaw ng aking labi ngayon ay medyo marahas na, mas lalo akong nababaliw, nakapikit ako at ninanamnam ang sarap ng bawal na halik. Nang bigla akong napamulat, tumugon kasi si Megha sa halik ko.Nakita ko na nananatili syang nakapikit, napagtanto ko na nanaginip lang sya. Kinabahan ako pero nasiyahan ako na ngayon mas malaya kong nalalasahan ang tamis ng kanyang labi. Kahit ito ay isang panaginip lang para sa kanya, para sakin ito na ang pinakamasayang araw sakin. Ang araw na nahalikan ko ang mahal ko. Patuloy lang kami sa paghahalikan, napakasarap sa pakiramdam ang mahalikan ang aking minamahal. Ngunit alam kung hindi ito tama at natatakot ako na baka magising na ng tuluyan si Megha. Kaya kahit ayaw kung matigil ang sandaling ito. Ako na ang kusang tumigil sa paghalik dito. Bahagyang umungol si Megha, waring hindi nya gusto na ako at tumigil. Ngunit hindi ito tama ayaw kong samantalahin siMegha. Umayos ako ng pagkakaupo isinandal ko ang aking likod sa upuan. Pumikit ako at sinariwa ang aking unang halik na nalasap ko mula sa aking pinakamamahal. Marahil dahil siguro sa pagod sa biyahe at sa pangyayari kaya nakatulog ako ng diko nalalaman na may ngiti sa aking mga labi. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD