Chapter 1
#WARNING
Ang kwentong ito ay maraming error, grammar, typos basta po marami, hindi ko na po ito inedit kaya pasensya na po. Pero sana kahit papano ei magustuhan nyo rin po. Free naman po ito forever kaya no worries di kayo magagastusan sa pagbabasa nito. Salamat ng marami.
Ravi's POV
Nakaupo ako ngayon sa room namin, habang nakatingin sa babaeng nasa tabi ko.
She is my bestfriend.
Meron siyang napakagandang buhok, palagi siyang nakangiti, mabait at nagtataglay ng gandang kaiinggitan ng lahat.
Ako nga pala si Ravi Dantes, labinlimang taong gulang. Matangkad , moreno, basta gwapo daw ako sabi ng Mommy ko. Magkapit bahay kami ng bestfriend ko at iisa ang aming school na pinapasukan, parehas kaming Grade 8 at magkaklase din kami.
Iisa lang ang pangarap ko,na kahit minsan masabi ko sa kanya na mahal na mahal ko sya pero hindi ko magawa dahil sa takot na mawala siya sakin ng tuluyan,kaya masaya na ako bilang bestfriend lang niya. Masaya na akong sarilinin ang nararamdaman ko. Minsan nga naiisip ko,bakit kaya hindi maramdaman ng bestfriend ko ang feelings ko sa kanya. Palagi naman kaming magkadikit na dalawa,ako nga, halos mabingi na sa lakas ng kabog ng dibdib ko kapag kasama ko sya. Lalo na kapag yinayakap nya ako, bakit kaya hindi nya naririnig yon.
Katulad ngayon, pakiramdam ko nga hindi ako makahinga dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Pero sya walang pake, sige lang siya sa pakikipagkuwentuhan sa kaklase naming si Mariz. Bigla kong binawi ang paningin ko ng bigla syang humarap sa akin.
"Ravi, can I borrow your note book?
Hindi kasi ako nakapag take note kanina habang naglelecture si Ma'am."
sabi nya sakin wearing a sweet smile in her lips. Tapos sobrang nagnining-ning pa ang mata niya habang nakatingin sakin.
Sino ba ang hindi maiinlove sa kanya.Lagi syang ganito lalo na kapag may hihingin syang favor sakin.
"Sure,basta ikaw Megha."
Nakangiti kong sagot sa kanya at puno ng pagmamahal na tiningnan ko sya. Ito nanaman si puso ko, parang napakaraming dagang naghahabulan sa loob. Tumikhim ako at pagkuway kinuha ko na ang ilang notes ko sa bag.
"Salamat,your the best bestfriend ever!"
Masayang sabi ni Megha sabay yakap sakin.
Nagulat ako sa ginawa nya.
Lagi naman nya ginagawa ito pero ewan ko kung bakit dipa rin ako sanay.
Lagi pa ring bumibilis ang t***k ng puso ko. Nang bumitiw na sya sa pagkakayakap sakin kinuha nya ang notes at naglakad na sila palabas ng lecture room.
Bago sila tuluyang makalabas ng room.
Tumingin ulit sya sakin sabay kaway habang nakangiti ng napakaganda.
Kumaway din ako sya kanya.
Napakaaliwalas ng kanyang mukha.
Sinundan ko sila ng tingin hanggang tuluyan na silang nawala sa paningin ko.
Ganito lang palagi. Natapos ang buong taon tinago ko pa rin ang feelings ko sa kanya. Pero sa puso at sa isipan ko palagi kong hinihiling na sana'y higit pa sa pagkakaibigan ang maging turingan namin, dahil siya lamang ang nag-iisang babaeng pinakamamahal ko.
Isang araw, biglang tumunog ang cellphone ko,siya pala ang tumatawag.
Sinagot ko ang tawag nya,narinig ko umiiyak sya.
" Anong nangyari Megha?Please tell me." sobra talaga akong nag alala ng marinig ko syang umiiyak.
"Ravi,iniwan na ako ni Matt! Pinagpalit nya ako kay Jenny!Ano gagawin ko?!"
umiiyak na sabi sakin sa phone ni Megha. Napakasakit nito para sakin,umiiyak sya ng dahil sa walang kwentang lalaki. Ang pinakamamahal kong babae na halos sambahin ko,pinaiyak lang ng gag* ng yon! Parang gusto kong manapak, patuloy lang sya sa pag-iyak.
"Please stop crying ,wag mong iyakan yong mga ganyang tao. Napakaganda mo at napakabait pa,darating din ang lalaking nararapat para sayo.Please tumigil kana,wag mong sayangin ang luha mo sa kanya," nasabi ko nalang sa kanya,para tumigil na sya sa pag-iyak.
"Salamat Ravi, buti nalang andyan ka palagi,para damayan ako sa lahat ng bagay."
"Bakit ka ba nagpapasalamat?
Makita lang kitang masaya,masaya na rin ako.Yon lang ang kaisasang pangarap ko sa buhay ang makita kang nakangiti palagi." narinig ko na humikbi nanaman sya.
"Tahan na Megha nahahawa na tuloy ako sayo."sabi ko sa kanya para patawanin sya. Hindi naman ako nabigo,narinig ko na natawa sya ng bahagya. Napaluha naman ako,salamat nalang napatawa ko sya. Mababaw talaga luha ko pagdating sa kanya.
"I love you Ravi, lagi mo nalang akong napapangiti kahit sobrang sama na ng loob ko." narinig ko nalang na biglang sabi nya. Medyo nagulat ako.Pero lagi naman syang ganyan,alam ko na mahal nya ako bilang kanyang kaibigan. Pero maraming beses akong nangarap na sinasabi nya ang sagradong salita na yan, hindi bilang kaibigan kundi bilang isang kasintahan.
"Masaya ako sa ginagawa ko kaya wag kana umiyak kasi nahihirapan ako."
Sagot ko nalang sa kanya.
"Okey poh! Iyakin ka pa nman!You are the best bestfriend in the the whole world!!Salamat Ravi, mahal na mahal kita."
Medyo masayang sabi nito ,pero alam ko na malungkot pa rin sya.
"At kaw naman ang pinaka best girl in the universe,kaya wag kana ulit iiyak ha!"
"Opo,salamat."
"Welcome."
"Ravi,punta ka naman dito,samahan mo kung gumala, kasi pagnananatili lang ako dito sa room mas maaalala ko lang ang panloloko ng kumag na yon sakin,please."
"Ok ,wait for me in 10 minutes." sabi ko.
"Ok,thank you."
"Welcome,bye."
" bye."
Malapit lang naman ang bahay nina Megha sa bahay namin pwede lakarin pero dinala ko na and motor ko para dina kami mag commute. Wala pang sampung minuto nasa harap na ako ng bahay nila,nakita ko na sya na palabas ng bahay. Isang simpleng T-shirt and jeans lang suot nya pero hindi pa rin matawaran ang kagandahan nya. Ito nanaman po si heart ko, animo may naghahabulan nanamangndaga
Napakaganda ng ngiti nya habang papalapit sakin.
"San mo gusto pumunta?" nakangiti kong sabi sa kanya.
"Kahit saan,basta kasama kita." sagot nya sakin. Habang naghahanap ng song sa music player nya. Sumakay na sya sa motor,linagay nya ang headset sa tenga nya at yong kabila linagay nya sa tenga ko.
Lagi nya itong ginagawa. At same song lang parati. "Friend of Mine "by Mymp
favorite nya kasi itong song na'to.
At favorite ko na rin sya dahil tumutugma sakin yong lyrics. Mga 30 minutes siguro pagdadrive,nasa isang kilalang mall na kami. Napakasaya nya,habang magkasama kami dimo mahahalata na broken hearted. Matapos ang dalawang oras na pagsasaya at pagala sa mall,okey na agad sya. So bumalik na kami sa bahay nila at katulad kanina,habang nagbibiyahe pinakikinggan namin yong "Friend of Mine."
Matindi ang impact sakin ng lyrics. Diko napigilan napaluha nanaman ako,katulad ng maraming beses ko ng pagluha sa song na yan. Tinabi ko ang motor.
Malabo kasi paningin ko dahil sa luha. Naupo muna kami sa damuhan sa may lilim ng punong mangga na nandoon.
Nagtanong sya kung bakit,sabi ko napuwing ako. Aalisin ko na sana yong luha sa mata ko pero hinawakan nya kamay ko.
"Wag mong kusutin ang mata mo,masama yan baka mabulag ka." walang sabi-sabing inalis nya luha ko sa mata at hinipan nya ito sa pag aakalang napuwing talaga ako.
Biglang bumilis t***k ng puso ko. Parang may nararamdaman akong kuryenteng dumadaloy sa katawan ko ng hipan nya ang mata ko. Napakabango ng hininga nya. Bigla nya akong binitawan. Napatingin ako sa kanya. Pero umiwas sya ng tingin.
Kaya diko mabasa kung ano nasa isip nya. Kinabahan tuloy ako.
Di kaya narinig nya t***k ng puso ko?!Tumayo na sya at inaya na akong umuwi.
Ilang sandali lang nasa bahay na nya kami,sinamahan ko sya hanggang sa room nya. Sanay naman kami ng ganon,kapag sya ang nasa bahay nasa room ko lang kami palagi.
Sigurado akong okey na siya ,kaya nagpaalam na ako. Pero hinintay ko muna syang mahiga sa kama at ng paalis na ako. Tumingin sya sakin,I mean, sa mga mata habang nakangiti siya ng napakaganda. May nababasa ako don.Pero hindi ko masabi kung ano. Nakatitig lang sakin yong malamlam nyang mga mata. Tapos,umahon sya mula sa kama sabay niyakap nya ako ng mahigpit.
Aahh... Ang mahal ko,pano ba ako magkakaron ng lakas ng loob na magtapat sayo. Niyakap ko rin sya ng napakahigpit. Alam ko na yong sa kanya yakap ng pasasalamat dahil dinamayan ko sya . Pero ang yakap ko na ito ay puno ng pagmamahal at pagsamba. Umalis na rin ako ng bumitiw na sya sa pagkakayakap sakin.Napakasaya ko dahil napangiti ko nanaman sya.
ITUTULOY