Ravi's POV
Nakabihis na ako ng tawagin ako ni Mommy. Tiningnan ko ang wristwatch ko, 6:20 na ng hapon. Oh my God! Patay ako kay Megha nito. Usapan kasi namin 6:30 naming sya susunduin. Dali dali akong nag spray ng perfume sa buong katawan ko tapos patakbo na akong lumabas ng bahay. Nakita ko si Mommy nasa loob na ng kotse, pumasok
na ako sa loob para makaalis na
kami.
"Hanggang anong oras ba ang
party nyo Ravi?" tanong ng
Mommy ko.
"Until morning yata mommy
pero baka uwi din kami ni Megha
bago mag 12:00am."sabi ko sa
Mom ko.
"Ok, before 12:00 midnight nasa tapat na ako ng school nyo para sunduin kayo."
"Ok Mommy, thank you po."
After 15 minutes nasa harap na kami ng bahay nina Megha. Ilang sandali lang lumabas na si Megha kasama nya ang
kanyang mga magulang.
Napako ang tingin ko kay Megha.
Bumilis nanaman ang t***k ng aking puso .Napakaganda kasi nya sa light pink nyang gown. Lalong nagpatingkad sa kanyang kaputian. Simple lang ang ayos nya, nakalugay ang itim na itim
at straight nyang buhok. Konting
lipstick sa dati ng mapula nyang
labi at pulbos sa mukha.
Napakasimple lang nya ngunit
elegant pa ring tingnan. At napakaganda lalo na sa paningin
ko. Lalo ng parang malulusaw ang puso ko ng ngumiti nanaman sya ng napakaganda.
"Oh ang mahal ko, wag kang ngumiti ng ganyan baka hindi ko na mapigilan ang
nararamdaman ko." sabi ng isip ko.
"Hi Tita Sylvia, good evening po." bati ni Megha sa mommy ko.
"Hello Megha,Good evening din at sa inyo Mr & Mrs Guerrero." nakangiting bati ng Mommy ko sa mag-anak.
"Good evening too Mrs. Sarmiento at Ravi." nakangiti ding sabi ng mag asawa.
Binati ko din sila, tapos tuminigin ulit ako kay Megha. Napakasap kasi sa pakiramdam kapag nasisilayan ko sya.
Kung maaari mga lamang lagi ko nalang syang makasama.
"Sumakay ka na Hija ,baka malate na kayo."sabi ng mommy nya kay Megha..
Bumaba naman ako sa kotse.
"Ok poh Tita." Humalik ito sa mga magulang. Binuksan ko naman ang pinto ng kotse, sumakay na sya.
"Bye poh Tita,Tito."
" Bye, mag iingat kayo ha, ikaw na bahala sa bestfriend mo Ravi."sabi ni Tito Jimmy.
"Ok poh Tito,uuwi poh kami ng maaga." tugon niya dito. Sumakay na rin ako tapos pinatakbo na ni Mommy ang kotse.
"Wow! Ang pogi naman ng bestfriend ko." malapad ang ngiting sabi ni Megha sakin. Napansin ko naman na nakangiti rin si Mommy at halatang nakikinig samin. Namula tuloy ang pisngi ko sa hiya. Pero salamat naman na-appreciate nya kahit papano, di nasayang effort ko sa pagbibihis.
"Salamat, ikaw din napakaganda mo sa attire mo." puri niya dito.
"Talaga? Thanks God, nagustuhan mo kahit papano. Nag effort talaga ako para maging maganda sa party para dimo ako ikahiya." nakangiting sabi ni Megha sakin.
"Bakit mo naman nasabi na ikahihiya kita? Ei kumpara sa mga classmates natin wala makakapantay sayo no! Kaw kaya ang most beautiful, most
talented and most kind na girl sa buong campus, diba Mommy tama ako?" nasabi ko nalang sabay tanong kay Mommy.
" You are beautiful Megha, inside and out, kaya nga kung magkakaron ako ng daughter inlaw ikaw ang gusto ko."
tatawa - tawang sabi ni Mommy na ikinagulat ko naman. Napansin ko rin na parang nagulat din si Megha, tapos nong tinitigan ko sya makikita sa mga mata nya ang excitement.
" Teka para saan yon? Naguluhan din ako, di kaya? Same lang kami ng nararamdaman!?" pinagalitan ko sarili ko, nababaliw na yata ako kasi kung ano-ano naiisip ko.
"Naku si Tita talaga, bestfriend lang po kami ni Ravi." biglang sabi ni Megha.
Sabi ko na nga ba, mali talagang mag isip ako ng kabaliwan. Magkaibigan lang talaga kami para sa kanya,sakit diba?!
"Tama si Megha mom, magkaibigan lang poh kami."
"Bakit? Porke bat magkaibigan kayo dina kayo maiinlove sa isat-isa? Mas malaki ang chance na madevelop ang love sa magkaibigan mga dear ko, tandaan nyo yan."cool na cool pa rin si Mommy habang nagsasalita, samantalang ako pinagpapawisan na ng malagkit. Si Megha naman nafeel ko na parang naiilang din sya sa topic. Parang gusto ko tuloy pumalakpak at sumayaw ng matanaw ko na ang school namin. Nagkatinginan kami ni Megha at ngumiti. Naiintindihan ko ang ibig nyang sabihin.
" Ligtas na daw kami kay Mommy" ngumiti na rin ako bilang pag sang-ayon.
Nasa tapat na kami ng gate ng school, kaya bumaba na kami ni Megha. Nang makababa na kami, nagpaalam na rin si Mommy na uuwi na. Sabi nalang namin
mag-ingat sya. Nang tuluyan makaalis si Mommy pumasok na kami ni Megha sa School. Marami rami na ang estudyanteng dumating. Sa paglalakad namin sa entrance, ng gym kung san gaganapin ang party, napakaraming mga matang nakatingin samin. Mga lalaking may gusto sa aking mahal at mga babaeng naiinggit sa kanyang kagandahan. Umupo na kami sa table ng kung saan nakatalaga sa section namin.
"Tingnan mo ang mga girls, galit sila sakin kasi napagkamalan nanaman nila tayo, nanlilisik mga eyes nila oh!" Pilyang sabi nito sakin.
" No mali ka dyan, lahat ng girls nakatingin kasi naiinggit sila sa beauty ng bestfriend ko. At tingnan mo
mga boys, halos sambahin ka nila. Baka sa sobrang jelly nila, masapak ako ng wala sa oras!" tatawa-tawa kong sabi pero deep inside it hurts again. Kasi kinakainggitan nga ako ng mga boys pero ang totoo wala naman akong karapatan, at wala naman talaga silang dapat kainggitan.
" Yaan mo sila,wala akong paki! Ravi,wait lang ha may pupuntahan lang ako, balik din ako agad."
"Ayaw mong magpasama?"tanong ko.
"Hindi na, madali lang ako."
"Okey, ingat ka."
Ngumiti muna sya ng napakaganda napansin ko nga pati mga mata nya nagning-ning. At assussual ang puso
kong nagmamahal heto at parang nakipaghabulan nanaman sa sobrang bilis ng t***k. Haayyy, hanggang ganito nalang ba? Nakita kong pumunta sa backstage si Megha. Ano kaya gagawin nya don? Ilang sandali lang bumalik na rin sya.
"Anong ginawa mo sa backstage?" tanong ko sa kanya.
"Nothing, uhmm.. Ravi, diba
alam mo na wala pa akong first dance."
"Oo naman, alam ko yata lahat ng tungkol sayo kahit kung kelan ka nagkaron ng fever tanda kung lahat yon."
"Yan ang bestfriend ko! Kaya naman mahal na mahal kita ei!" Nakangiting sabi ni Megha. At ayan nanaman sya binanggit nanaman nya ang magic words. Kahit siguro ilang milyong beses kong marinig ito mula sa kanya di magbabago ang hatid na saya sa puso ko kahit alam kong bilang kaibigan lang.
Ngumiti nalang ako bilang tugon.
"Ano tungkol sa first dance mo bakit ba nabanggit mo yon?" tanong ko.
"Mamaya, mararanasan ko na
ang first dance ko." masayang sabi nito sakin.
Bigla naman akong natahimik. Kasi nasasaktan ako sa isiping hindi ako ang magiging first dance nya. Matagal ko ng pangarap yon, hindi man ako ang first boyfriend nya kahit lang sana first dance. Pero ngayon, malabo na parang gusto ko tuloy umiyak. Nawalan na ako ng gana hanggang nagsimula na ang party. Nagsasayawan na ang lahat. Kahit ng yayain ako ni Megha na sumayaw kasama ang iba naming classmate hindi ako sumama. Nawalan talaga ako ng gana ei. Mga one hour sigurong walang kapagurang sumasayaw ang mga studyante, biglang itinigil ang music. At nagsalita ang Emcee. Si Megha naman umalis na at nagtungo sa backstage.
"Sorry sa naudlot nyong kasiyahan, meron lang isang nag request para sa kanyang first dance gusto nya kasi
itong maging special para sa kanya. So guys! Let's give them around of applause!"
Hindi ko malaman kung ano nararamdaman ko, ang alam ko lang sigurado masasaktan nanaman ako kapag sumayaw na si Megha at ang maswerteng lalaking kanyang magiging first dance. Aahh... gusto ko ng maglaho sa lugar na ito! Nakita ko si Megha na papunta na sa gitna ng gym. Sigawan naman ang mga estudyante nandodoon. Kumakaway pa si Megha bago mag salita. Hindi ko na makakayanan marinig pa mula sa bibig ni Megha ang pangalan ng lalaking kanyang napili kaya tumayo na ako sa upuan at dahan dahang naglakad palabas ng gym. Hindi pa akong tuluyang nakakalabas ng magsalita si Megha.
"Good evening everyone. Pasensya na kayo kung naudlot ang kasiyahan nyo
dahil sakin. Gusto ko lang sana maging part kayo ng isa sa pinakamasayang araw sa buhay ko."
Doon na ako tuluyang naluha! Lalo namang lumakas ang palakpakan ng mga nandoroon, may mga humihiyaw pa ng ibat-ibang papuri kay Megha. Mga lalaking sumisigaw ng "I Love You kay Megha." Nagpatuloy si Megha sa pagsasalita.
"Nakakatawa man o kakaiba para sa iba kasi babae ang mag-aaya sa lalaki para isayaw sya ng sweet. Pero wala akong pakialam dahil masaya ako sa ginagawa ko tsaka importante ito sakin kaya ako ang magdedecide kung sino magiging first dance ko."
Nagtawanan ang karamihan sa sinabi ni Megha. Ako naman andito pa rin sa Gym, ewan ko ba parang may kung anong pumipigil sakin. Kaya nakatayo lang ako sa may entrance ng Gym. Pero ang puso ko sobrang nahihirapan na. Nagpatuloy si Megha sa pagsasalita.
"Kaya mga friends. Gusto kong ipakilala sa inyo ang lalaking aking magiging first dance! Ang lalaking handa akong damayan sa lahat ng oras, sa lungkot , saya o sa kalukuhan man. Ang lalaking mahal na mahal ko. At alam kong mahal na mahal rin ako bilang kaibigan. No other than, my loving bestfriend! Ravi Sarmiento!"
Tinginan lahat ang mga tao sakin. Tama ba narinig ko? Sino daw?! Nanlamig ang buong katawan ko, ako ba talaga yon?Hindi ako makapaniwala. Pero sana ako na nga iyon.
ITUTULOY