Chapter 2

1373 Words
Ravi's POV Isang taon nanaman ang nakalipas hindi pa rin nya alam ang feelings ko sa kanya. Hindi naman bago ito ei. Simula ng lumipat kami sa lugar na ito at masilayan siya sa unang pagkakataon minahal ko na si Megha, ngunit ayoko malaman niya ang tunay kong nararamdaman, alam ko masasaktan siya kapag nalaman niya ang totoo, sabi nya nga bestfriend forever! Natakot din ako na iwasan niya kapag nalaman nya ang totoo. Hindi ko makakaya iyon. Many months past. School Days end again. Nagkakaron kami ng party kapag ganitong panahon. Isang araw bago ang grand school end year party,tumawag sya sa akin. Dalidali kong sinagot ang phone ko ng makita sa screen na si Megha ang tumatawag. "Hello." "Hi Ravi." masigla nyang bati sakin. At ang pasaway kong puso ito nanaman at parang gusto ng lumabas sa lungga nya ng marinig ko ang napakagandang boses ni Megha. "Bakit napatawag ka Megha? May kelangan ka ba? Ano ba 'yon?" masigla kong tanong sa kanya. "Ask ko lang kung pwede ba kitang maging dance partner sa party natin.Wala kasi ako maisip na iba ei." malambing nitong sabi. " Last option nalang ang bestfriend ngayon?" pabirong sabi ko sa kanya. " Hindi ah, pasaway ka talaga! Actually ang totoo nyan, ikaw talaga gusto ko makasama sa party walang iba kaya lang baka may magalit nanaman sakin, mapagkamalang tayo!." "Ahah! May nakita ka ba na nililigawan ko? Tsaka wala saking magkamali na magkagusto no?!" "Hmmpp! Lier! As if naman diko alam na ikaw lagi ang topic ng mga girls sa school natin no! Bakit kasi di mo sila pansinin?!Ako tuloy napuputukan ng mga yon! Kesyo siguro daw may relasyon tayo kaya super close tayo at isnabero ka pa naman daw!" " Totoo?Topic talaga ako? Sige na nga papansinin ko na sila para dina sila maghinala." sabi ko nalang. "No need na po." sagot ni Megha. "At bakit naman no need na?" napangiti ako alam ko na kasi kung bakit, ayaw nya kasi ako nakikita nakikipag usap sa ibang babae. Likas na selosa ang bestfriend ko na yon kahit magkaibigan lang kami. Nahiling ko nalang na sana nagseselos nalang sya ng totoo. "Basta!Aisshhh!" asar na sabi nito. "Ok ,Ok!hindi na asar ka nanaman ei." masaya kong sabi sa kanya. Kapag kasi ginamit na nya ang words na "Aisshhhh" alam ko na asar na sya. At napakacute para sakin ng words na yon kapag kanyang binibigkas . "Ok, so papano pagtiyagaan mo nalang ang presensya ko sa party." tumatawang sabi nya sakin. Natawa ako sa sinabi nya, pagtiyagaan daw, hindi lang nya alam kung gaano ako kasaya. Dahil sa bawat sandaling kasama ko sya, sumasaya ang mundo ko. "Salamat sa pagpili mo sakin kahit alam ko na maraming nakapila dyan na gustong imaging partner mo." Sabi ko sa kanya. "Welcome my dear bestfriend. Alam mo naman kung gano ka kahalaga sakin, kaya gusto ko andyan ka parati sa mahahalagang araw para sakin." "Ay sus ! Nagdrama pa ang beautiful princess ko, wag kana mag drama kasi darating ako." "Okay po,thank you so much my bestfriend! Love you, mhuuaahh!"sabi nya sakin at ayan nanaman sya ginamit nanaman nya ang sagradong salitang yon. "Welcome, love you more." kung pwede sana kapag babanggitin ko ang salita na ito. Kami na at ako na ang nagmamay-ari ng puso nya, pero hindi ei nakakalungkot man pero wala akong magagawa. "Okay,bye na."paalam nya. "Bye."sagot ko. Napabuntunghininga nalang ako. Napatingin ako sa picture namin na nasa study table ko. " Mahal kita Megha, mahal na mahal kita. Sana lang masabi ko na sayo ito ng personal, at sana kapag nalaman mo wag ka sanang magalit sa akin at sana mapatawad mo ako dahil hindi ko napigilang mahalin ka." malungkot na kausap ko sa litrato ni Megha. Kinuha ko ito,hinalikan at dinala sa aking dibdib. Hindi ko namamalayan na tumutulo na pala ang aking luha. Pinahid ko ang aking luha at bahagyang natawa, kung bakit kasi napakababaw ng aking luha kapag tungkol sa kanya. Araw ng party. Nagkagulo-gulo na ang kwarto ko, maghapon na yata akong di makapagdecide kung ano ang aking isusuot sa party mamayang gabi. Hanggang sa nakita ko ang polo shirt at pants na padala ng Papa ko nong isang buwan. Nasa ibang bansa kasi ang Papa ko. Isa syang seaman. Napangiti ako ng i-check ko ito, pwedeng pwede sya sa party. Semi-pormal kasi ang required na damit para dito. Nagdecide ako na isukat ko muna para masiguro ko kung fit sakin, baka mamaya nyan hindi pala. Hinubad ko na ang shirt ko tsaka sinunod ko na rin ang short ko. Nang biglang bumukas ang pinto. "Ahhhhhhhh!!!!!" "Aaahhhhhhhh!!!!" sigaw naming dalawa ni Megha dahil sa pagkagulat. Diko malaman gagawin ko kong pano itatago kay Megha ang sarili kong tanging brief lamang ang suot! Bigla kung hinablot yong cover ng kama tsaka pinulupot sa katawan ko.. Nang mabalot ko na sarili ko nakita ko si Megha na nakatakilod. Hiyang hiya talaga ako. "T-tapos ka na bang magbihis?" tanong niya habang nakatalikod. "Hindi pa Megha ei,pwede ba labas ka muna ng room, magbibihis lang ako saglit." nahihiya kong sabi sa kanya. "Ah,O-ok." lumabas na ito ng room. Mabilisan kong sinuot and short ko at t-shirt tsaka ako lumabas ng room para puntahan si Megha. Nakita ko syang nakaupo sa sofa sa aming sala. Nang makita nya ako,ngumiti sya ng may pagkapilya tapos nakatitig sya sakin hanggang makalapit ako sa kanya. "Sorry kanina ha."sabi ko ng tuluyan akong makalapit sa kanya. "Sorry?Para san naman? Kaw talaga Ravi dapat nga ako nagsosorry sayo ei dahil di ako kumatok bago pumasok sa room mo." nakangiti nyang sabi sakin. "Okey lang yon Megha, kaya lang nakita mo ko sa ganong ayos, ano ei nakakahiya!" nakangiwi kong sabi sa kanya. "Wala naman akong nakita ei. Liban sa maganda mong katawan. Aiiyyyy! Ngayon ko lang napansin na maganda pala body mo bestie." biglang sabi nya na ikinagulat ko naman. Napatingin ako sa kanya, nakangiti nanaman sya na may pagkapilya. Nailang nanaman tuloy ako. "Kaya naman pala ang mga girls sa school di magkandatoto sa pagpapansin sayo ei,now I know na. " tumatawang sabi nito. " Pasaway ka talaga Megha ohh, galing mo talaga mambola." tumatawa ding sabi ko nalang. Naiilang kasi ako sa mga sinasabi nya, samahan pa ng pilyang ngiti niya bumibilis tuloy ang heart beat ko. "Bakit ka nga pala pumunta dito? Tinawagan mo nalang sana ako ng di kana napagod." "Grabe ka naman, napagod talaga?? Para namang napakalayo ng bahay nyo sa bahay namin." "Alam ko po,ayaw ko lang napapagod ka." nakangiti kong sabi sa kanya. "Pumunta ako dito para siguruhin na ikaw na nga ba partner mamayang gabi. Baka ikako may mag alok sayong mas maganda sa bestfriend mo at mas sexy ei, makalimutan mo na ako." pairap na sabi nito sakin Sobrang natawa talaga ako sa sinabi nya. Para namang may papantay pa sa kanya para sakin. " Kelan ba ako sumira sa pangako sayo?! Alam mo naman hindi ko gugustuhing mapahiya ang bestfriend ko, ikaw pa ba? Alam mo namang malakas ka sakin." sabi ko sa kanya. "Alam ko po,nagsisiguro lang." tumatawang sabi nito. Natawa nalang ulit ako. "Tawa ka pa dyan! Alis na din ako Ravi, kelangan ko na maghanda, remember dapat 7:00 pm andon na tayo." paalala nito. "Okey po, magreready na rin ako, ihahatid tayo ni Mommy ng 6:30 pm so agahan mo po ha." sabi ko kay Megha "Okey po." Tumayo na sya sa sofa, tumayo na din ako at ihinatid ko sya hanggang sa may gate. Nang makarating kami sa gate. Nagpaalam na sya. Tinitiningnan ko sya habang papalayo. Pero bigla syang lumingon, kumaway sakin habang nakapagkit ang napakagandang ngiti sa mga labi, tinaas nya iyong dalawang kamay nya at lumikha ng hugis puso. Ayan nanaman sya, sign yon ng "I love you" words. Ginaya ko yong ginawa nya na sign ng "I love you too" words. Haayyy, sana lang dumating ang araw na sasabihin nya sakin na i love you hindi bilang kaibigan,kundi bilang lalaking minamahal. Bigla lang akong nalungkot sa isipin kong yon. Kasi alam kong imposibleng mangyari . Kapag kuwa'y nagtuloy na sya sa paglalakad. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD