Chapter 18

1729 Words
Kabanata 18 MEGHA'S POV Masakit ang ulo ko ng magising, napagtanto ko na nasa sasakyan ako. Napatingin ako sa taong nagdadrive, natiyak kong si Rocky nga iyon. "Walang hiya ka! Itigil mo ang kotse, bababa ako!" galit na sigaw niya dito. "Hindi! Akin ka lang Megha! Pumirma man ako ng annulment papers natin pero para sakin asawa pa rin kita. Aalis tayo, lalayo tayo sa lugar na ito at natitiyak kong matututunan mo rin akong mahalin," pahayag nito. "Rocky, ilang beses ko bang kelangan sabihin sayo na si Ravi lang ang mahal ko. Hayaan mo ng mabuo ang pamilya namin. Ayokong lumaking walang kinikilalang ama ang aking anak," pakiusap niya dito. "Hindi mo kailangan ang lalaking iyon sa buhay mo Megha, ngayon handa na akong tanggapin ang magiging anak mo. Handa akong maging ama niya at ipinapangako na mamahalin ko sya ng buong puso. Kaya pumayag kana ha, please Megha mahal na mahal kita," halata sa boses nito ang sakit habang sinasabi nito iyon. Medyo naawa ako dito. Mabait naman talaga ito ei, nayabangan lang ako nong college days namin dahil nga maki-chiks ito at akala ang lahat ay magkakandarapa dito. Pero nagbago ng makilala ko siya, oo nasaktan siya nito nong mga huling araw na magkasama kami pero kasalanan ko naman yon ei. Kahit sino sigurong matuklasan na buntis ang kanyang asawa sa ibang lalaki ei magwawala talaga. Pero iba naman ang storya ng buhay namin ei. Pinagkasundo lang ako sa kanya at nagkataong may itinitibok ng iba ang puso ko. Kaya naman kahit anong kabutihan ang ipakita nito sakin ei hindi ko talaga magawang siya ay mahalin. Kaya hindi na kailangang idaan ko ito sa init ng ulo. Alam ko na mapapakiusapan ko din ito. "Hindi Rocky, alam kong mabuti kang tao marami ang nagmamahal sayo. Please hayaan mo na akong lumigaya sa piling ng mahal ko," sabi ko dito. Pero di ako nito pinansin, bagkus kinuha ang cellphone nito. May tinawagan. "Hello pards, pwede bang diyan muna kami tumuloy ni Megha. Mga tatlong araw lang naman ei bago kami lumipad patungong Amerika." sabi nito, nanlaki naman ang mata niya sa narinig. Talagang balak pala siya nitong ilayo sa pamilya niya at kay Ravi. "Oo pards, nakapagpyansa sina Mama ei. Basta diyan ko na ipaaliwanag sayo ang lahat. Pakibili mo na rin kami ng ticket, tsaka ipagshopping mo na rin ng damit si Megha babayaran nalang kita pagdating ko diyan," sabi muli nito sa kausap. Natitiyak niyang ang bestfriend nitong si Celine ang kausap nito. Pards ang tawag nito dito ei. Napailing ako. Napakabulag talaga ni Rocky, ako bilang isang babae alam ko na mahal ito ng bestfriend nitong si Celine. Kaya nga para itong tangang sunod ng sunod kahit nasasaktan na. Parang katulad lang namin ni Ravi ang kaibahan lang ei nagmamahalan kami ni Ravi simula't sapul pa pero dahil nga sa takot umamin ang bawat isa ei umabot pa sa ganito katagal. Nasadlak tuloy kami sa mahirap na sitwasyon, pero malalampasan din namin ito. Malapit na, kunting-kunti nalang. Mas pinili ko ang matahimik, ayoko ng makipagtalo kay Rocky pero may plano na ako pagdating doon. Sana umobra. Sana talaga para kahit papano matuloy pa rin ang aming kasal. Samantala sa simbahan. RAVI'S POV Kanina pa ako pabalik-balik sa may pinto ng simbahan tinitingnan ko kong nakarating na sila Megha pero hanggang ngayon wala pa rin. Nasa 20 minutes na itong late sa semonya ng kanilang kasal. Tumawag naman ang Mommy nito kanina, nakasakay na daw sila sa bridal car at pstungo na dito sa simbahan pero bakit hanggang ngayon wala pa rin sila. Kanina pa naman ako nagtetext sa phone ni Megha di naman ito nagrereply. Maya-maya ay nakarinig siya ng tunog ng sasakyan, agad akong lumabas ng simbahan. At nakahinga ako ng maluwag ng makita ko na amg bridal car na nga. Nakangiti akong lumapit sa kotse, nakita kong lumabas ang Mommy ni Megha at ang Daddy nito pero napakunot noo ako ng hindi lumabas si Megha. Agad akong napatakbo patungo sa kanila. "Tita, nasaan po si Megha bakit di nyo po kasabay?" nag-aalala kong tanong. Kahit pinipilit ng mga ito na Mommy at Daddy na rin ang itawag ko sa kanila ei nahihiya pa rin ako, kaya Tito at Tita pa rin. "Anong nasaan Ravi? Wala pa ba dito? Nauna na syang magtungo dito ah, naglakad sya kasi malapit naman na dito sa simbahan, naiwan pa nga nya itong cellphone niya dahil nagmamadaling bumaba ng kotse." tanong ng Mommy ni Megha. "Ano ho? P-pero wala pa po siya dito. Kanina pa nga ho ako nagtetext sa kanya at tumatawag ei Dyosko, nasan na ba sya?" nag-aalala kong sagot dito. "Nakasilent siguro ang phone niya Hijo kasi wala naman kaming naririnig ei, may banggaan kasi kanina kaya hindi kami makadaan agad. Kaya bumaba si Megha ng kotse para maglakad na, asan na ba ang batang iyon?!" nag-aalala na ring sabi ng Mommy nito. Agad akong nagkaron ng hinala. "Tita, may balita po ba kayo sa dating sawa ni Megha? Baka po kasi siya ang may kagagawan nito," tanong ko. "Ang balita ko ay nakapagpyansa siya, pero humingi na ng tawad ang batang iyon alam ko na hindi na siya gagawa pa ng ikakasama niya," sabi naman nito. "Pero wala po akong ibang maisip na dahilan ng pagkawala ni Megha ei," naluluha ko ng sabi. Parang gusto ko ng bumigay ng mga oras na iyon, hindi na ba talaga matatapos ang problema namin? Hindi na ba kami pagbibigyang lumigaya? Samantala sa bahay ng kaibigan ni Rocky. MEGHA'S POV Ikinulong ako ni Rocky sa isang silid doon, tsaka iniwan ako. Kinakusap ko sya pero hindi niya ako pinapansin. Bahala na pero kelangan kong makatakas dito, alam kong naghihintay si Ravi sakin sa simbahan. Halos dalawang oras na akong late sa aming kasal pero alam kung naghihintay siys, ang katangahan ko kasi naiwan ko ang cellphone sa bridal car kanina. Hindi kalayuan sa pagdadausan ng aming kasal ang bahay ni Celine. Kung makakagawa ako ng paraan na makatakas, maaari pang matuloy ang aming kasal. Gusto niyang makausap si Celine, hihingi siya ng tulong dito ang dasal lang niya ay tulungan siya nito. Mabait din kasi ito, ilang beses na niya itong nakasama kaya nga natiyak ko na mahal nito si Rocky, akam kong darating ang panahon magiging masaya din ito kapiling si Rocky parang sila din ni Ravi kaya hindi ako susuko. Hindi pwedeng hindi matuloy ang kasal. Para namang nagdilang anghel ang isip niya, pumasok sa silid na pinagkulungan sa kanya si Celine para ibigay ang mga pinamili nitong damit para sa kanya. Napatitig ito sa kanya tila nagtaka ito ng makitang nakadamit pangkasal siya. "K-Kasal mo ngayon Megha?" takang tanong nito. "Oo Celine, kinidnap lang ako ni Rocky kanina sa may tapat ng simbahan mismo. Ikakasal ako sa talagang taong mahal ko at ama ng baby ko," sagot niya dito tsaka hinimas ang maumbok na niyang tiyan. "Mahal na mahal ka talaga nya, kasi kahit napakaimposibleng bagay nagagawa nya," sabi nito na mahahalata sa boses nitong ang lungkot. "Celine please tulungan mo ako, tulungan mo akong makatakas sa kanya," pakiusap ko dito. Lumapit ako at hinawakan ang kamay nito. "Alam kong mabuti kang tao, at mabuting tao rin ang bestfriend mo. Ayokong masadlak sya ng tuluyan dahil lamang sa tinatawag niyang pagmamahal. Tulungan mo siyang kalimutan ako Celine, alam kong mahal mo si Rocky," sabi ko dito. Medyo nagulat ito sa sinabi niya. "Oo Celine, babae rin ako at alam ko ang ibigsabihin ng mga tingin at pagcare mo sa kanya. Mahal mo si Rocky kahit hindi mo aminin alam ko yon at kung mahal mo talaga siya. Tutulungan mo siyang itigil ang kabaliwan niya," patuloy ko. Hindi ito sumagot. "Please Celine," sabi ko muli, pero inalis nito ang pagkakahawak ko sa kamay niya. "Pasensya na Megha, lalabas na ako baka hinahanap na niya ako," seryoso nitong sabi pero nakita niyang tila naluluha na ito. Wala na akong nagawa kundi ang hayaan nito. Napaupo ako sa gilid ng kama, parang nawawalan na ako ng pag-asa. Pano na, anong gagawin ko? Wala na yata talagang pag-asa pang ako ay makaalis dito. "Ravi, sorry," nabanggit ko nalang, tsaka hindi ko napigilan ang maluha. Ngunit bumukas ang pinto ng kwarto. Si Celine iyon, biglang tila nagkaron ako ng kahit konting pag-asa. "Megha, sige na umalis kana. Habang naliligo sya, diba marunong ka namang magdrive ng kotse? Ito ang susi ng kotse ko, bilisan mo habang dipa sya lumalabas," sabi nito sa kanya ng pabulong. "Diyos ko, salamat Celine! Salamat!" sabi ko sa kanya at niyakap ito tsaka nagmadali na akong lumabas ng bahay. Nagtungo ako sa garahe at agad na sumakay sa kotse. Ngunit kakastart ko palang nakita ko na ang papalabas na si Rocky sa bahay mukhang galit ito habang nasa likuran naman ito ni Celine. Hinahawakan ito ng babae na animo pinipigilang makalabas. Ngunit galit itong sumigaw at itinulak si Celine, agad ko namang minaniobra ang kotse palabas ng garahe, dati ng nakabukas ang gate kaya mas madali na sa kanya ang makalabas. Mabilis na tumakbo si Rocky palapit sa kotse pero ganap na akong nakalabas ng gate. Nakita ko sa review mirror ko na akmang sasakay ito sa motor pero agad itong nilapitan ni Celine. Sinampal nito si Rocky tila natigilan naman ang lalaki pero muli itong tinabig ng lalaki. Nagulat ako at napangiti ng makita ang ginawa ni Celine para mapigilan ito. Hinalikan ito ng babae sa labi. Ngayon natitiyak ko ng matutuloy ang kasal namin ni Ravi at magkakaron na rin ng panibagong yugto ang buhay ni Rocky kasama si Celine. Nasasabik na akong makita ang mahal ko, at nasasabik na rin akong maging ganap na asawa niya. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD