Kabanata 19
MEGHA'S POV
Agad akong bumaba sa sasakyan ng marating ko ang simbahang pagdarausan ng kasal namin. Wala na ang mga sasakyang nakaparking sa labas. Kahit bakas ng mga bisita namin ay wala na rin. Parang gusto ko ng umiyak pero sinubukan ko pa ring pumasok sa loob ng simbahan magbabakasakali lang ako.
Kahit na batid kong wala na sina Ravi dito. Tuluyan na akong naluha, ang dapat sana na puno ng kasiyahang araw nauwi nanaman sa lungkot. Napapatanong nalang ako, bakit ba puro nalang ganito ang nangyayari samin ni Ravi. Itinadhana na bang magdusa kami habang buhay? Hinayaan lang ko dumaloy ang kanyang luha sa pisngi. Walang tao sa loob, wala ni bakas ng kahit isang bisita man lamang. Napatingin ako sa unahan ng simbahan kung nasan nakalagay ang imahe ng Poong Nazareno. Tila hinahatak ako non na lumapit.
Kaya naman umiiyak akong lumapit doon, habang kinakausap ito sa isipan. Tinatanong ko dito kung bakit? Bakit ba puro paghihirap nalang ang nararanasan namin ni Ravi? Mga ganong tanong pero kalaunan, napahagulhol ako at humingi ng kapatawaran. Wala nga pala akong karapatang kwestyunin ang mga kagustuhan ng Diyos. At alam kong ang lahat ay may dahilan. Nagpatuloy ako sa paglakad hanggang sa marating ko ang pinaka altar.
At napamulagat ako ng makita doon si Ravi habang nakaluhod na parang nakaungko kaya hindi komakita kanina. Tila nagdarasal ito ng taimtim, agad akong napatingin sa imahe na kanina lamang ay kinukwestyon ko. Ito pala, ito pala ang dahilan niya. Lalo akong naiyak tinakpan ko ang aking bibig para hindi iyon makalikha ng ingay at sa isipan walang tigil na pasasalamat ang aking inuusal. Hinayaan kong matapos ni Ravi ang pagdarasal. Nakapikit ito habang taimtim na nagdarasal at lumuluha. Kaya siguro hindi ako nito namamalayan na ilang dipa nalang ang layo sa kanya.
Napakaswerte ko talaga sa kanya, kahit kelan hindi talaga siya sumuko. Hindi siya nawalan ng pag-asa, kaya marahil kahit na wala ng tao sa simbahan ay hinintay pa rin niya ako. Narinig kong nag " Amen" na ito tanda na tapos na itong magdasal. Nagmulat ito ng mata at tatayo na sana ng magawi ang tingin sa akin, ngumiti ako sa kanya ito naman ay nanlalaki ang matang napabilis ang pagtayo.
"M-Megha? Sa wakas dumating ka na! " bulalas nito tsaka mabilis na lumapit sa akin at agad kaming nagyakap ng mahigpit. Umiiyak ito habang mahigpit akong yakap.
"Shhhh, tahan na mahal ko ha, andito na ako pwede na nating ituloy ang kasal," umiiyak ko ring saway dito pero ako hindi rin maampat ang pag-iyak.
Tumawa ito tsaka hinawakan ang magkabila kong pisngi at masuyong hinalikan ako sa labi. Kusa akong napapikit, ninamnam ng buong pagmamahal ang halik nito. Pagkuway iniwan nito ang labi ko at sa noo naman ako hinalikan.
"Salamat at bumalik ka mahal ko, ano bang nangyari?" tanong nito.
"Mahabang kwento mahal ko, nasaan na ang mga bisita natin? Pano tayo magapakasal ng wala sila?"
"Nagugutom na kasi ang lahat mahal, nahiya na sina Tita at Tito sa mga bisita kaya sinamahan nalang sila sa reception para makakain. Pati si Mommy at Daddy andon din," tugon nito.
"E di hindi na matutuloy ang kasal mahal, okey lang may bukas pa naman," nanghihinayang na sabi ko.
Ngumiti ito.
"Halika mahal ko, kausapin natin ang pari itutuloy natin ang kasal kahit anong mangyari. Kahit walang witness, maghanap nalang tayo ng kahit sinong witness andiyan naman ang singsing ei at ibang gamit sa pagkakasal. Kaya pwede nating ituloy, nauna lang ang mga bisita sa reception mahuhuli lang dumating ang mga ikinasal. Oh diba ang cool non, unique nga ie," tumatawang suhestyon nito, pwede nga naman.
"Pwede nga po," sagot ko, iyon lang at nagtungo kami sa bahay ng pari na nasa likod lang naman ng simbahan.
Pumayag naman ito, inanyayahan na rin nila ang dalawang hardeniro, kusiniro ng simbahan pati na ang secretary ng pari. Tamang-tama namang may ilang kabataan ang nadoroon sa may patio ng simbahan para makinig sa mga pangaral ng mga seminarista kaya naman pati sila ay inanyayahan din nila. Kinuha nila ang isang cute na cute na batang babae at lalaki at ginawa nilang flower girl at ring bearer. Sa wakas natuloy din ang kasal.
RAVI'S POV
Titig na titig ako sa aking mahal na si Megha habang dahan-dahang naglalakad sa aisle papalapit sakin. Ito na, matutupad na rin ang pangarap namin na maging ganap na mag-asawa. Akala ko wala na kaming pag-asa pero dahil sa taimtim kong pananalangin nagbalik siya.
Napakabuti nyo po talaga Panginoon. Sa wakas makakasama ko na rin ng tuluyan ang mahal ko kasama ang magiging anak namin. Hindi ko mapigilan ang maluha, medyo nagusot ang gown nito, hindi na rin perpekto ang make up nito pero para sakin sya pa rin ang pinakamagandang bride sa buong mundo.
Laking pasasalamat ko nalang dahil pumayag ang mga taong nandito sa simbahan para maging saksi sa pag-iisang dibdib namin ng mahal ko. Ang tumayong magulang nito ay ang hardinero at sekretarya ng pari. Agad kong kinuha ang kamay nito ng ganap na makalapit sa akin, kinakabahan pa rin ako pero ito na to. Hawak ko na ang kamay niya at kaylanmay diko na bibitawan pa.
Hinding-hindi na ako papayag na mawala pa itong muli.
Umupo kami sa harap ng altar habang hindi naghihiwalay ang pagkakahinang ng aming mga mata sa isa't-isa. Hindi na nga namin naiintindihan ang mga sinasabi ng pare basta para kaming may sariling mundo na tila kami lamang ang nandoon.
"Ehhemm, hijo, hija, itutuloy pa ba natin ang kasal o magtititigan lang kayo diyan?" natatawang sabi ng pari, agad namang kaming napatayo ni Megha.
Humingi ako ng pasensya sa pare, natawa lang naman ito maging ang iilan nilang saksi sa kasal.
Itinuloy na ang seremonya.
Oras na para mag-palitan kami ng "I Do"
Naluha ako ng sagutin nito ang tanong ng pare ng I do. Maging ito ay dumadaloy na rin ang luha sa pisngi. At ng ako naman ang tinanong ng pare mabilis kong sinagot iyon, YES, I DO FATHER!
Nagpalakpakan ang lahat.
Ngunit bago i-announce ng pari na ganap na kaming kasal, nagpalitan muna kami ng minsahe sa isa't-isa.
"Megha, salamat dahil tinanggap mo ako bilang iyong asawa. Noon pa man kahit na maliliit pa tayo, pinangarap ko na ito. Ang makasal kami ng pinakamamahal kong bestfriend at ikaw yon, ikaw yon Megha. Pangako pakamamahalin kita habang ako'y nabubuhay," madamdamin kong pahayag sa kanya.
"Kahit ako, simula palang na naging magkaibigan tayo bata pa man ako noon pero ang laging nasa isip ko ay maikasal sa batang palagi kong kalaro, sa batang kalaunan ay naging bestfriend ko at tumagal man pero nauwi pa rin tayo sa magkasintahan kahit na halos isang araw lang. Pero heto na tayo Ravi, napakarami man ang naging hadlang sa mga pangarap natin pero heto n-nagtagumpay pa rin tayo. Ngayon, ang pinakamamahal kong bestfriend ay asawa ko na. Salamat sa lahat-lahat mahal ko, pangako p-pakamamahalin din kita sa hirap man o ginhawa. I love you so Much Ravi," umiiyak na pahayag nito.
Natulo din ang luha ko sa minsahe niya. Mula pala pagkabata ay parehas na kami ng nararamdaman, natatakot lamang kaming pareho na masira ang malalim naming pagkakaibigan. Pero wala ng dapat pang panghinayangan. Heto na, final na ito kasal na kami ng mahal ko.
"Sa kapangyarihang ipinagkaloob sa akin ng nasa itaas, ikaw Ravi at Megha at ganap ng mag-asawa. Maari mo ng halikan ang iyong kabiyak," anunsyo ng pare.
Agad ko namang hinawakan ang magkabilang pisngi ni Megha at buong pagmamahal na sinakop ng labi ko ang kanyang labi. Ito ang unang halik na aming pinagsaluhan bilang mag-asawa kaya naman ninamnam ko talaga ng sandaling maglapat ang aming mga labi. Punong-puno ng kasiyahan ang aking puso, wala na akong mahihiling pa sa mga sandaling iyon. Sabay kaming naiyak ni Megha, pinahid ko ang luha niya ng ganap ko ng iniwan ang labi niya.
Nagpalakpakan naman ang lahat ng mga saksi namin sa aming pag-iisang dibdib. Matapos ang seremonya, nagpicture lang kami ng ilan sa cellphone ko para may remembrance lang. Wala ei pati ang photographer na kinuha ko ay nauna na rin sa reception kaya sa cellphone konalang.
Inimbitahan niya ang lahat ng naging saksi nila. Pero iilan lang ang mga sumama dahil na rin sa may mga gagawin pa daw ang mga ito. Binati na lamang kami ng lahat. Nagpasalamat nalang kami ni Megha bago nagpasyang magtungo sa reception, kasama ang iilang napapayag nila na dumalo.
Magkatabi kami sa unahan ng kotse ko,ako ang nagdadrive habang hawak-hawak ko ang kamay ng aking asawa. May tatlong nakasakay sa likuran namin at ang iba ay sumakay sa kotseng dala-dala ni Megha ang nagdadrive naman ay ang hardeniro ng simbahan na sumama din sa kanila. May tatlo din itong kasama sa kotse. Hindi matawaran ang kaligayahan ko, pakiramdam ko tuloy nakalutang ako sa alapaap at kasama ko si Megha na aking asawa habang magkahawak kamay kami. Sarap sa pakiramdam kapag naiisip ko na asawa ko na siya, wala na talaga akong mahihiling pa.
ITUTULOY