Chapter 17

1341 Words
Kabanata 17 MEGHA'S POV Naluluha ako habang nakatingin sa salamin, habang pinagmamasdan ang aking sarili suot ang wedding gown na pangarap niyang isuot pero si Ravi ang groom. Pangalawang beses man akong nagsuot ng ganito pero ibang-iba ang feelings kapag mahal mo talaga ang nakatakda mong pakasalan. Hindi ko rin masisisi ang dati kong asawa na hindi magalit sa akin dahil kahit hawak man o halik ay hindi ko ito pinayagan. Mahal ako ni Rocky kaya nga nagtiyaga itong hintayin na mismong ako na ang humingi ng bagay na iyon sa kanya. Pero wala talaga ei, kahit anong kabutihan at pagmamahal ang ipakita nito sa akin si Ravi pa rin talaga ang nilalaman ng isip at puso ko. Nagkaron lang ng tensyon sa pagsasama namin ni Rocky ng matuklasan nitong buntis ako. Buntis ako at si Ravi ang ama, doon ito nag-iba ang uugali. Natuto na itong uminom, binubulyawan siya at ito ngang huli ay nasaktan na siya nito. Nais kasi nitong ipalaglag ko ang baby namin ni Ravi at ng makapagsama kami ng maayos. Ano nalang daw ang sasabihin ng mga kaibigan at kamag-anak nito kapag nalamang buntis ako kahit hindi naman niya ako ginagalaw. Kahit papano naaawa din ako sa kanya pero hindi kaylanman ako papayag sa kagustuha niyang ipalaglag ang anak ko. Mahal na mahal ko ang baby namin ni Ravi, sabi ko nga noon kahit na hindi ko makasama si Ravi basta nasa tabi ko lang ang bunga ng pagmamahalan namin ay magiging okey na ako. Pero naging makasarili at nginatngat ng matinding selos si Rocky kaya ayon muntik na ako nitong mapatay. Ngayon ikakasal na kami ng mahal ko. Ang bestfriend ko na ngayon ay future husband ko na. Sobrang nakakatuwang isipin na sa kabila ng lahat ng pagsubok na aming pinagdaanan ay kami pa rin pala talaga sa huli. Sabagay hindi rin naman sumuko si Ravi ei, at maging ako ni minsan hindi ako nawalan ng pag-asa na makasama siya. Na matupad lahat ng pangarap namin na binuo nong araw na nagkaroon kami ng lakas ng loob na aminin sa isa't-isa ang aming nararamdaman. Pumasok ang kanyang Mommy sa loob ng room niya. Nginitian niya ito na dina nag-abala pang lumingin kasi nakatingin naman ito sa kanya sa salamin. "Happy?" nakangiting tanong nito sa kanya, tsaka lumapit sa kanya at tila minasahe ang kanyang balikat. Tumango ako at ngumiti ng ubod tamis sa kanya. "Thank you Mom, thank you sa inyo ni Dad kasi hinayaan nyong makasal kami ni Ravi," pasasalamat ko sa kanya. "Bumabawi lang kami ng Daddy sa pagkakamali namin. Dahil sa maling desisyon namin muntik ka ng mawala sa amin, pati na ang aming apo," malungkot na pahayag nito, napansin ko na nangingilid na ang luha nito sa mata. Tumayo ako at yinakap siya. "Kalimutan na natin yon Mommy, dapat happy tayo ngayon kasi ito ang pinakamasayang araw sa buhay ko," nakangiti kong sabi dito tsaka kiniss ito sa pisngi. "Sorry anak, dapat pala walang kadramahan ngayon. Muntik ko na tuloy makalimutan, oras na pala Nak. Oras na para magtungo tayo sa simbahan baka pinagpapawisan na ng malalamig si Ravi sa kakahintay sayo," natatawang sabi nito. Bigla tuloy siyang napatingin sa orasang pambisig. "Hala! Mommy, 8:30 na! Malapit ng mag 9:00 am, baka malate tayo sobrang traffic pa naman kapag umaga!" bulalas ko. Nalibang ako sa pag-aayos ng make up artist na nag-ayos sa akin habang nagmumuni-muni sa mga nangyari hindi niya namalayan ang oras. Agad kong inaya si Mommy, paglabas namin ng bahay naghihintay na ang bridal car na sasakyan namin nina Mommy at Daddy. "Manong tayo na po, naku malilate na po ako," sabi ko sa driver. Sumakay na rin si Mommy sa tabi ko at si Daddy naman sa unahan. "Alam mo Nak, mas maganda si Mommy mo sayo nong time na ikakasal kami. Pero parang mas nagtitwinkle ang mata mo kesa sa kanya," tatawa-tawang biglang banat ni Daddy. "Mas maganda naman po talaga si Mommy sakin, syempre photo copy lang po niya ako mas maganda pa rin yong original," natatawa ko ding sagot dito. "Hay naku, kayo talagang mag-ama! Syempre noh, inlove si Megha sa groom nya ei ako dinaan mo ako sa dahas," pairap na sabi ni Mommy. "Aha, dinaan pala sa dahas ha ei halos magmakaawa ka nga sakin na pakasalan kita non ei," panunudyo lalo ng Daddy ko. Nakikita ko na tila napipikon na si Mommy. Natatawa talaga ako sa dalawa kapag ganitong nag-aasaran ang mga ito. Minsan kasi parang nakakalimutan ng mga itong matatanda na sila. Sana ganon din kami ni Ravi, sana kahit tumanda na kami manatili ang pagmamahalan namin sa isa't-isa. "Naku Mam, may banggaan pa yata mukhang matatagalan tayo bago makarating sa simbahan," pagkuwa'y sabi ng driver. "Po? Naku Kuya, pano yan malapit ng mag 9am malililate tayo sa kasal ko," nag-aalalang sabi ko dito. Tumingin ako sa orasan at nagulat ako ng mapagtanto kong 10mins nalang magsisimula na ang aming kasal. "Mom, pano to malilate na po tayo," nag-aalalang sabi ko kay Mommy. "Okey lang yan Nak, wala naman tayong magagawa ei. Hintayin nalang natin na matapos ang traffic ha," sabi naman nito. Pero ayokong paghintayin si Ravi ei. Baka mag-alala pa ito kung malilate ako. "Mommy, uuna na ako sa simbahan ha sumunod nalang po kayo ni Daddy," sabi ko sabay baba ng kotse. "Teka Nak, wag mong sabihing maglalakad ka?" eksahederang tanong ng Mommy ko. Tumawa ako at tumango. "Naku, pasaway kang bata ka!" narinig ko pang sabi ni Mommy pero tuluyan na akong nakababa ng kotse. Malapit naman na ang simbahan kaya pwede ko na itong lakarin. Habang naglalakad pinagtitinginan ako ng mga tao. Siguro nagtataka sila dahil nakapangkasal ako tapos naglalakad. Napapawow ang ilang taong napapatingin sa akin, siguro nagagandahan sila sakin. Sabagay maging ang baklang nag-ayos sa akin kanina ei tuwang-tuwa ng matapos akong ayusan nito. Bumagay kasi sakin ang pagkakamake up nito,lalo na ang buhok ko na itinaas nito at nilagyan ng isang tila hairclip na desinyo ay sa bulaklak at may nakadikit na mga rhinestone. Lalo na ng isinuot ko na ang wedding gown na mismong si Ravi ang pumili. Isang itong simple pero eleganteng wedding gown na off shoulder kaya litaw na litaw ang aking makinis at maputing balikat. Maging ang aking collarbone na tila mas bumagay pa sa aking gown ay nakalitaw din. Ngumingiti nalang ako sa kanila feeling ko tuloy para akong artista. Nakalagpas na ako kung saan may nangyaring banggaan, napailing ako kasi medyo malaking banggaan pala ang naganap. Patay ang driver ng kotseng nabangga ng isang truck, yuping-yupi ang unahan niyon. Napangiti ako ng matanaw na ang dulo ng simbahan. Worth it naman yong paghihirap kong maglakad suot ang sandals niyang mataas ang takong. Atlease nakarating siya meron pa siyang limang minutong palugit bago magsimula ang seremonya. Mas binilisan ko pa ang paglalakad, pinapawisan man pero hindi ko yon alintana. Ang isip ko ay makarating sa simabahan dahil alam kong naghihintay doon si Ravi. Ang aking pinakamamahal na si Ravi. Ilang minutong paglalakad sa wakas narating ko na rin ang tapat ng simbahan. Ngunit bigla nalang may yumakap sakin mula sa likuran, may kung anong itinakip sa ilong ko na naghatid ng matinding pagkahilo. Bago ako tuluyang nawalan ng malay, nakita ko pa ang singsing ng lalaking gumawa non sa kanya. Isang singsing na ginto na may nakaulit na letter R, na kilalang-kilala niya kung kanino. "Si Rocky!" ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD