RAVI'S POV
Patuloy ako sa pag-iyak habang yakap-yakap ang walang buhay na katawan ni Megha. Bakit ganito ang kinahinatnan ng lahat, may pagkakataon na sana kaming lumigay kasama ang aming anak. Tapos na sana ang operasyon nito, akala na lahat ay okey na pero bigla itong nanghina at tuluyan ng bumigay ito. Hinaplos ko ang mukha niya, at hinalikan ito sa noo. Malambot pa ang katawan niya, at mainit pa.
Bigla akong napatingin sa tiyan nito na maumbok na. Lalo lamang akong napaiyak, dalawang mahal ko ang nawala ang mahal kong si Megha at ang baby sana nila. Dahan-dahan kong binitiwan ang wala ng buhay na katawan ni Megha. Sinimulan kong pisilin ang talampakan nito, hita, braso, animo minamasahe niya ito.
Naalala ko ang napanood noon na video sa f*******:. Merong isang bata ang nakuryente at agad na nawalan ng buhay ngunit sa kagustuhang mabuhay pa ito ng Ama, minasahe nito ang buong katawan ng bata, binigyan ng hangin sa pamamagitan ng mouth to mouth resuscitation. Pinapump din nito ang dibdib ng bata after nitong bigyan ng hangin habang patuloy na umuusal ng panalangin sa isipan. Bahala na pero malakas ang paniniwala kong totoo ang video. Walang imposible kapag ipinagkatiwala mo sa Panginoon ang lahat. Agad kong ibunuka ang bibig ni Megha, binigyan ito ng hangin at saka pinump ang dibdib niya. Ilang beses kong ginawa yon habang umiiyak at umuusal ng panalangin sa isipan.
"Please mahal ko, bumalik ka! Wag mo akong ewan oh, please tutuparin pa natin na magkasama ang naudlot nating mga pangarap diba? Please Megha, maawa ka sakin. Bumalik kayo ni Baby, pleasee.. Oh Diyos ko... Maawa na po kayo," umiiyak na sabi niya sa isipan.
Pasimple namang nagpahid ng luha ang ilang nurse at Doctor na nandoon. Damang-dama nila ang lungkot at paghihinagpis ng lalaki dahil sa pagkawala ng minamahal nito. Lumapit sa akin ang Doctor. Tinapik ang aking balikat at saka umiling. Indikasyon na wala na talaga, na itigil ko na ang ginagawa. Napahagulhol ako, tila nawalan ng lakas ang aking mga tuhod dahil agad akong napalugmok sa sahig. Inalalayan ako ng isang nurse na tumayo.
"Sir, sa labas muna po kayo ha. Aayusin lang namin ang katawan ng inyong asawa bagao namin siya dalhin sa Morgue," sabi nito.
Tila wala siya sa sariling napasunod nalang sa pag-akay nito palabas ng operating room. Ngunit biglang may tumunog ang aparato na nagmomonitor ng t***k ng puso ng pasyente. Ang tuwid na guhit na lumalabas doon ay biglang gumalaw.
"Doc! Bumalik ang heartbeat ng pasyente!" bulalas ng isang babae na parang Doctor din pero parang assistant lang ito ng talagang doctor na nag-opera kay Megha.
Agad akong tumakbo pabalik sa nakahigang si Megha. Nakita kong huminga ng malalimito na tila nanggaling sa isang malalim na balon. Pinaalis ako ng Doctor at agad na tsinek kung talagang buhay nga si Megha.
"Mahabaging langit! Isang napakalaking himala nito! Buhay ang pasyente!" bulalas ng Doctor.
Agad na inasikaso ito ng Doctor. Ako naman ay hindi maampat-ampat ang pag-iyak dahil sobrang kasiyahan. Paulit-ulit ang pag-usal ko ng pananalangin na sana tuluyan na itong mabuhay.
"Dyosko! Iba talaga ng nagagawa ng pag-ibig! Hijo, congratulation muling nabuhay ang asawa mo pati na ang baby ninyo na nasa kanyang sinapupunan," tuwang-tuwa pahayag ng Doctor.
"T-Talaga po?! Oh Diyos ko, salamat po," nausal ko nalang habang umiiyak.
Nagpalakpakan naman ang mga taong nadoroon habang di rin napigilan ang hindi maluha. Isang himala ang kanilang nasaksihan at dahil iyon sa tunay pag-ibig at lubos na pananampalataya sa itaas. Agad akong lumapit kay Megha, hinalikan ito sa noo at mahigpit kong hinawakan ang kanyang kamay. Hindi ito nagsasalita pero tumutulo ang luha nito habang mahigpit din na nakahawak sa palad niya.
"Shhhh, wag ka ng umiyak mahal ko ha. Bumalik ka, kayo ni baby. Maraming salamat, salamat dahil hindi mo ako tuluyang iniwan," umiiyak kong sabi dito.
Tumango ito, gumalaw ang bibig at animo sinasabi ang pangalan niya pero wala pang lumalabas na boses don. Hinalikan muli niya ito sa noo.
"Okey lang mahal ko ha, wag ka ng magsalita. Wag ka ng umiyak dahil paggaling mo, hinding-hindi na ako papayag na magkahiwalay pa tayo. I love you so much Megha," muli kong sabi sa kanya, pinahid ko din ang luha niya sa mata.
Sinabi ng Doctor na kailangan ng ilipat sa pribadong silid ito kaya pinalabas muna ako.Ang mga magulang naman ni Megha ay umiiyak habang paulit-ulit na binabanggit ang pasasalamat sa Diyos ng sabihin ko ang magandang balita sa mga ito.
"Salamat din hijo sa kabutihan mo, nakuha mo pa kaming mapatawad sa kabila ng ginawa namin sa inyo ng anak ko," umiiyak na pasasalamat ng Ama ni Megha, sising-sisi ito sa nagawa.
"Wala pong anuman iyon Tito, magpasalamat nalang po tayo dahil kahit papano ay ligtas na sa kapahamakan si Megha at ang baby namin," sabi ko nalang dito.
Maya-maya ay inilabas na si Megha sa operating room at inilipat sa isang pribadong silid. Tulog si Megha kaya nagpasya ang mag-asawang umalis muna may aasikasuhin daw ang mga ito. Kaya ako ang naiwan sa tabi ng mahal ko. Nakaupo ako sa tabi niya habang pinagmamasadan siya. Hindi matawaran ang kasiyahan sa aking puso, ngayon hindi na ako makakapayag pang magkahiwalay kami ng mahal ko lalo pa at may anak na kami.
"Salamat po Lord sa napakalaking himalang ipinagkaloob mo sa aking mahal. Pangako po aalagaan at pakamamahalin ko siya habang akoy nabubuhay," naluluhang pasasalamat niya sa Poong Maykapal.
Halos isang linggong namalagi si Megha sa ospital, napakabilis din ng pagrecover ng lakas niya. Kaya matapos ang isang linggo nakauwi na siya sa bahay nila. Sa dating bahay nila na na malapit sa bahay namin. Parang bumalik sila sa dati, palagi siyang nasa bahay ng mga ito. Ngunit hindi na bilang bestfriend kundi bilang fiancee nito.
Matapos ang isang buwan, nakulong ang dati nitong asawa na si Rocky, hindi naman ito kinunsinti ng mga magulang nito kaya madali lamang ang naging proseso ng kaso. Agad palang nagsampa ng kaso ang mga magulang ni Megha nong araw na nailigtas niya ito. Nanganib ang buhay ng anak ng mga ito kaya hindi sila nagpadala sa pagmamakaawa ng lalaki na patawarin ito ng mag-asawa.
Nagfile na rin ng annulment ang mga ito na pinirmahan ni Megha, at hindi na rin tumutol pa ang dati nitong asawa. Agad na pumirma ito kaya naman wala ng hadlang pa sa pangarap nila ni Megha. Nang maging okey na ang lahat, agad kong kinausap ang kanyang Mommy. Namanhikan kami kina Megha.
Napag-usapan na sa susunod na buwan na ang kasal. Kahit medyo malaki na ang tiyan ni Megha. Nais ko kasing maikasal agad kami para bago lumabas ang baby namin agad kong maibibigay ang apelyido ko sa kanya. Nasa terrace kami ngayon ni Megha habang magkayakap.
"Salamat sa lahat-lahat mahal ko. Salamat dahil kahit napakaraming pagsubok ang dumating satin, heto pa rin tayo. Sa huli, tayo pa rin pala talaga," madamdaming pahayag ni Megha sakin.
Hinalikan ko ang kamay niya, noo, pisngi at labi.
"Dahil mahal natin ang isa't-isa love ko, lahat magagawa ko sa larangan ng pag-ibig. Walang imposible basta nagmamahalan tayo, maging si Lord hinayaan ka nyang manatili sa tabi ko diba?" nakangiti kong sabi sa kanya.
Inalis nito ang ulo na nakahilig sa kanya. Tinitigan ako na mababanaag ang mga mata nito ang kaligayahan.
"I love you Ravi," nakangiti nitong sabi.
"I love you too Megha," buong pagmamahal na tugon ko sa kanya.
Saka sinakop ang kanyang mamula-mulang mga labi, labi na kaylanman ma'y hindi niya pagsasawaang halikan. Umaapaw sa kaligayahan ang puso ko. Tila wala na akong mahihiling pa ng mga sandaling iyon. Nasa bisig ko si Megha, damang-dama ko ang init ng katawan niya. Damang-dama ko ang pagmamahal niya at sakop ng aking labi ang napakalambot niyang mga labi.
Tunay ngang mahiwaga ang pag-ibig na kahit napakarami naming pinagdaanan heto pa rin kami. At kahit akala ko ay imposible ng maging masaya pa kami pero pinanghawakan ko pa rin ang pagmamahal ko sa kanya kaya heto,malapit na kaming ikasal at matutupad na namin ang lahat ng naudlot naming pangarap.
"Salamat po Diyos ko, salamat po,"
ITUTULOY