RAVI'S POV
"Anak, napapano ka ba?!" narinig kong sabi ni Mommy ng ganap na siyang nakapasok sa kwarto ko. Naabutan niya akong dahan-dahang bumabangon mula sa pagkakalugmok sa sahig. Agad itong lumapit at tinulungan akong tumayo at iginiya akong umupo sa kama.
"Ano bang nangyayari sayong lalaki ka ha? Bakit luhaan ka? May masakit ba sayo?" nag-aalalang tanong nito sakin.
"Wala po ito Ma, medyo sumama lang po ang pakiramdam ko kaya nawala ako sa balanse kanina. Magpapahinga nalang po muna ako para mamaya mawala na to." sabi ko nalang sa kanya. Ayoko kasing mag-alala si Mommy.
"Sigurado ka ha? Sige na mahiga kana, iaakyat ko nalang dito ang pagkain mo para makapag-almusal ka."sabi nito, tumango nalang ako para hindi na ito magtanong pa. Pagkuway bumaba na si Mommy.
Muli nanaman akong naluha ng maalala si Megha, akala ko panaman magiging okey ang lahat. Akala ko pa naman kaya nya akong ipaglaban. Ngayon, malayo na sya, wala na kaming pag-asang matulad pa ang mga pangarap namin. Bakit hindi manlang niya ako tinawagan o nagpaliwanag manlang sya. Mahal na mahal ko sya at kaya kong tanggapin kong anuman ang magiging desisyon nya. Hindi sana yong ganito, hindi yong ganitong iniwan nya ako sa ere.
Parang nais kung magalit kay Megha, pero hindi ko magawa. Na kahit ganito ang ginawa niya nais ko pa rin syang intindihin at umaasa pa rin ako na babalik sya. Pero batid ko na malabo na, gustuhin ko man syang habulin sa Amerika. Hindi ko rin naman alam ang address nya, isa pa tiyak ko na hindi siya sasama sakin kasi mas pinili na nya ang lalaking kanyang pakakasalan. Marahil niloko lang niya ako, o baka naman mahal nya talaga ako pero hindi niya kayang tanggihan ang mga magulang nya. Nagkunyari lang siya na sang-ayon sa mga plano ko pero ang totoo, gusto lang niyang ipagkaloob sa akin ang iniingatan nyang virginity para siguro hindi kung sino lang na lalaki ang makakuha non.
Kung tama ang hinala ko, sh*t na buhay to oh! Hindi ko naman kailangan ang virginity nya ei! Sya ang kailangan ko dahil gusto ko syang makasama habang buhay, pero ano to? Pano nya nagawa to sakin? Umupo ako sa kama at kinuha ang picture namin ni Megha. Pinahid ko ang luha ko, muling nahiga at niyakap ang picture namin. Wala na ba talagang pag-asa pang maging kami? Parang hindi kaya ng puso ko, parang ikakamatay ko kapag nawala sya. Ilang oras din akong umiyak hanggang sa diko namalayan na nakatulog na pala ako. Naalimpungatan ako ng magring ang telepono na nasa table na malapit sa aking kama. Dinampot ko ito at tila wala sa loob na sinagot.
"Hello?!" sabi ko, walang sumagot...
"Hello, sino to?" wala pa ring nagsalita kinabahan na ako.
"M-Megha?" pagbabakasakali ko pero diko naiwasang gumaralgal ang boses.
Wala pa ring nagsalita pero narinig ko ang mahihinang paghikbi. Doon ko natiyak na siya na nga iyon. Agad na tumulo ang luha ko, pinigilan ko ang bibig ko para hindi kumawala doon ang boses ko. Alam nyo yong pakiramdam na parang tinutusok ng maliliit na karayom yong puso ko tapos parang may nakadagan sa dibdib ko na napakabigat na nagpapahirap sakin huminga. Pigil-pigil ko pa rin ang bibig ko, hindi ko napigilan ang di mapaiyak ng malakas ng marinig ko ang paghagulhol ni Megha sa kabilang phone.
Mga ilang minuto din kaming ganon, wala ni anumang katagang masabi kundi parehas lang kaming umiiyak.
Hanggang sa tila nagkaron ako ng lakas ng loob na magsalita. Pero ilang beses kong sinubukang magsalita ngunit walang lumalabas na boses. Inulit ko ang sinabi ko. Ngunit, iisa lang ang katagang nasabi ko pero nahirapan pa akong masabi ng maayos.
"B-bakit?" matapos kong banggitin ang tanong na iyan napahagulhol nanaman ako, at ganon din sya.
"S-Sorry, sorry Ravi." umiiyak na hinging paumanhin nito.
"Megha, nag-usap na tayo diba? P-pano na tayo? Bakit naman mo n-nagawa ito sakin? Pano na ang mga pangarap natin? Parang awa mo na, wag kang magpakasal sa kanya. Ikamamatay ko kapag tuluyan kang mawala sakin. M-maawa ka naman sakin oh. K-kung may pagkakamali ako, patawarin mo na ako oh. Sorry na, kahit diko alam kung ano ang kasalanan ko sorry pa rin. Sige na naman oh, bumalik kana dito ha. " mahabang pahayag ko sa kanya, halos walang tigil sa pagdaloy ang luha ko habang sinasabi ang mga katagang yan. Narinig kong mas lumakas ang pag-iyak niya. Tila hinamig niya muna ang sarili bago nagsalita.
"Gustuhin ko man Ravi h-hindi pupwede ei, mahal kita, mahal na m-mahal. Pero mahal ko rin si Daddy, ayaw kong isakprisyo ang buhay niya para lamang sa kaligayahan ko. Alam kong napakalaki ng k-kasalanan ko sayo, at hindi kita masisisi kung hindi mo ako mapapatawad. Pero Ravi, sana maintindihan mo ako may tungkulin ako bilang anak nila. Sana balang araw mapatawad mo rin ako." tila hirap na hirap na paliwanag nito. Ramdam ko ang pait at sakit sa bawat katagang binibitiwan niya.
"Mahal na mahal din kita Megha, at napatawad na kita kahit hindi ka humingi ng kapatawaran sakin. Ganyan kita kamahal, kaya sana pagbigyan mo naman ako. Pagbigyan mo tayong dalawa na maranasan ang mamuhay ng magkasam. Y-yong bubuo tayo ng pamilya at magiging maligaya tayo. Alam ko maiintindihan din tayo nina Tita at Tito." humihikbi pa ring pakiusap ko sa kanya.
"Hindi Ravi, hindi mo kasi naiintindihan ei. Gusto kitang makasama pero hindi talaga pwede, hindi sila papayag kung magpipilit tayo, ayokong m-mawalan ng ama." gumaralgal ang boses nito ng banggitin ang huling salita nito.
"Hindi kita maintindihan Megha, ipaliwanag mo naman oh. Masama bang hangarin nating maging maligaya? Mahal ka nila kaya alam ko maiintindihan nila tayo." parang nawawalan na ako ng pag-asa pero hindi ako susuko.
Humikbi nanaman ito, hiyaan ko na muna sya. Nang makabawi ito saka lang nagsalita. Marami siyang sinabi, ipinaliwanag niya pero wala akong naintindihan sa lahat ng sinabi nya kundi isa lang. Iyong paulit-ulit niyang binabanggit na mahal niya ako pero hindi pwedeng maging kami. Pakiramdam ko ay sasabog ang ulo ko sa sakit, yong puso ko parang dinudurog at paulit-ulit na sinasaksak ng punyal. Alam nyo yong pakiramdam na wala kang magawa, alam nyo yong pakiramdam na ayaw mo syang mawala pero wala kang karapatang pigilan sya. Yong pakiramdam na sobrang sakit pero hindi mo maipaliwanag kung saan nagmumula.
Naninikip ang dibdib ko, pinipigilan ko nanaman ang bibig ko na hindi lumabas ang boses ko habang umiiyak pero hindi kinaya ei. Naghalo na ang sipon at luha ko pero wala akong pakialam, naririnig ko rin na ganon ang ginagawa nya alam ko na pigil-pigil din niya ang bibig niya para hindi ko marinig ang boses niya.
Nasa isip ko, bakit pa kami binigyan ng pagkakataong magkaaminan. Na malasap ang pagmamahal ng bawat isa tapos sa huli hindi rin naman pala kami pwede.
Napakasaklap naman ng tadhana. Bakit ganito? Ano bang nagawa naming kasalanan para parusahan ng ganito. Naiintindihan ko sya, nagdesisyon siya ng ganon dahil sa pagmamahal niya sa kanyang Ama. At sino ba naman ako para maging hadlang sa kagustuhan ng magulang niya. Hindi ko na napigilan, napahagulhol na ako ng tuluyan wala na akong pakialam kahit pa marinig niya. Pero ganon din ang ginawa nya habang paulit-ulit na binabanggit ang pangalan ko, kung gaano nya ako kamahal at sorry.
Ano pa ba ang magiging sagot ko?
Syempre, okey lang, naiintindihan ko, mahal na mahal kita. At hangad ko na maging maligaya sya sa desisyon niya. Nang kapwa na kami nakabawi sa pag-iyak. Nagkaron ako ng lakas ng loob na magtanong.
"K-Kailan ang k-kasal?" halos hindi lumalabas ang boses na tanong ko. Parang hinihiwa ang puso ko sa mga kataga na yan pero kahit yon lang gusto kong malaman.
"S-Sa isang araw." sagot niya, maiksing sagot pero laksa-laksang sakit ang hatid nito sa puso ko. Muli nanaman akong umiyak at narinig kong ganon din sya.
"Okey lang mahal, p-pinapalaya na kita. Basta lagi mong t-tatandaan na mahal na m-mahal kita at hinihiling ko na sana maging maayos ang kalagayan mo sa piling n-niya. At sana hayaan mo a-akong patuloy kang m-mahalin, kahit lang yan s-sana wag mong i-ipagkait sakin. Wag mo akong intindihin, kaya ko to hanggat andito ka sa p-puso kakakayanin ko lahat." mahabang kong pahayag na kahit hirap na hirap kong masabi ei nagawa ko pa rin kahit hindi tumitigil ang pagluha ko. Umiyak siya ng malakas, ganon din ako. Maya-maya narinig kong may sumigaw at boses ng Daddy nya yon.
"S-Salamat Ravi, s-sorry, s-sorry.." humikbi nanaman siya. "M-mahal na mahal k-kita....paalam." huling katagang nasabi niya at natapos na ang tawag.
Napahawak ako sa dibdib ko habang humahagulhol. Sobrang sakit, parang hindi ko kaya to. Pero para lang maging maligaya sya, kakayanin ko.
Ngayon, wala na, tapos na.
Wala na ang mahal ko dahil pag-aari na sya ng iba.
ITUTULOY