Chapter 11

1652 Words
RAVI'S POV Kinabukasan. Excited kong kinuha ang phone pagmulat palang ng mata ko. Tatawagan ko kasi si Megha, gusto kong marinig ang boses niya. After kong makausap siya, kakausapin ko na rin si Mama para sa pamamanhikan namin mamaya. Alam ko biglaan pero maiintindihan din ako ng Mommy ko. Dinial ko ang number ni Megha, unattended. Ilang beses ko pang inulit pero ganon at ganon pa rin. Medyo kinabahan ako pero umaasa akong mali ang nasa isipan ko. Bumaba ako sa aming sala para sa telepono nila sa bahay ko siya tawagan. Ngunit putol na ang linya, paulit-ulit kong dinayal pero ganon at ganon pa rin. Ang lakas-lakas na ng kaba ng dibdib ko, pero alam ko mahal ako ni Megha kaya hindi niya magagawa sakin ito. Marami kaming pangarap na binuo habang magkayakap kahapon sa loob ng tent sa tabi ng dalampsigan. Magsasama kami hanggang sa pagtanda kaya hindi pwedeng mangyari ito. Agad akong bumalik sa kwarto ko sa itaas at nagsuot ng aking t-shirt. Mabilis din akong bumaba, balak kong puntahan si Megha sa kanilang bahay. "Oh anak tamang-tama gising kana pala, magbre," dinig niyang sabi ng kanyang Mommy pero diko na narinig ang karugtong dahil dali-dali na akong lumabas ng bahay. Patakbo akong nagtungo sa bahay nina Megha. Pagdating ko sa gate, nagdoorbell agad ako ng paulit-ulit ngunit walang nagbukas. Kaya kinalampag ko na ang gate nila habang sinisigaw ang pangalan ni Megha. "Hijo, wala ng tao diyan. Kaninang madaling araw lumipad na sila patungong Amerika," narinig kong sabi ng isang aleng kapitbahay nila. Tila nanigas ang buo niyang katawan dahil sa narinig. "A-Ano pong sinabi nyo?" nauutal na tanong niya sa Ale. Tila may nakabikig sa aking lalamunan at pakiramdam ko ay may nakadagang mabigat na bagay sa aking dibdib. Siguro nagkamali lamang siya ng rinig sa sinabi ng Ale. Baka naman nagsisinungaling lang ito, o binibiro ako. "Umalis na sila diyan kaninang madaling araw Hijo, ikakasal na daw kasi ang kanilang anak at sa Amerika gaganapin ang kasal," mahinahong sagot nanaman nito. Agad na nagsumiksik sa aking isipan at aking puso ang sinabi ng Ale. Si Megha, ikakasal sa iba. Bakit ganon? Bakit nagkaganon? Maayos ang aming usapan pero bakit ganito ang nangyari? Hindi ko na napansin na nag-unahan na palang tumulo ang aking masaganang luha sa aking pisngi, marahil dahil sa namamanhid kong pakiramdam kaya hindi ko na ito namalayan. "Ayos ka lang ba Hijo?" nag-aalalang tanong ng Ale sa akin. Tumango lamang ako at nagpaalam na dito ngunit sa huling sandali nilingon ko ang abandonadong bahay nina Megha. Ang bahay na kung saan napakaraming alala naming dalawa ni Megha. Hindi ko alam kung babalik pa sila dito o sa Amerika na talaga sila maninirahan. Nagkulong ako sa kwarto ko ng makauwi ako, wala akong tigil sa kaiiyak habang paulit-ulit kong binabalikan ang mga naganap sa amin ni Megha. Napakaraming tanong sa aking isipan. Di kaya nagalit sya sakin dahil kinuha ko ang pinakaiingatan nyang p********e? Pero hindi ei, kusa nya itong isinuko sa akin at alam ko na bukal sa loob nya iyon. Kilala ko si Megha kaya alam ko na totoo sa puso nya ang mga planong binuo naming dalawa. Pero bakit ganito? Anong nangyari? Sa isang iglap nawala ng lahat dahil sa paglayo nya? At magpapakasal na siya sa iba? Tuluyan ng mawawalan ako ng karapatang makasama sya. Bakit Megha? Bakit? Parang sasabog na ang aking ulo dahil sa sobrang sakit, yong puso ko hindi ko maintindihan parang may nakadagang mabigat, parang may tumutusok at naninikip. Tila ako hinahapo dahil habol-habol ko na ang aking paghinga,sabayan pa ng walang humpay kung pag-iyak. Kailangan kong uminom ng tubig, kung hindi baka ako bumigay nito. Tumayo ako ngunit biglang tila walang lakas ang aking mga tuhod kaya para akong gamit na bigla nalang bumagsak sa sahig. Malakas ang pagkakabagsak ko kaya narinig yata ni Mommy, napasigaw ito at narinig ko ang mga yabag nito paakyat ng hagdan. MEGHA'S POV "Mom, kahit tawagan ko nalang po si Ravi. G-Gusto ko pong magpaalam sa kanya, gusto ko pong magpaliwanag sa kanya," umiiyak kong pakiusap kina Mommy at Daddy, lulan kami ngayon ng eroplano patungong Amerika. Pag-uwi namin ni Ravi kagabi, naabutan kong nagkakagulo sa bahay. Si Mommy umiiyak habang pinipigilan si Daddy. Tinangka kasi nitong magpakamatay dahil akala ay tumakas na ako. Tumakas na ako sa responsibilidad na iniatang niya sa akin. Iyon ay ang magpakasal sa anak ng kaibigan nito. Hindi lamang pala pagkalugi ng negosyo ni Daddy ang pinoproblema nito kundi pati na ang napakalaking halaga ng utang niya sa kaibigan nito at sa iba pang mga banko. Kapag hindi nabayaran ang lahat ng iyon, makukulong si Daddy at pati na ari-arian namin ay mawawala. Ngunit nangako ang kaibigan nito na kapag pinakasalan ko ang anak nya, mabubura na ang utang nito, tutulungan pa siyang bayaran lahat ng pinagkakautangan nito at tutulungan nito ang aking Daddy na maibangon muli ang negosyo. Hindi ko kayang makita ang aking Daddy na magpakamatay sa mismong harapan ko. Isa lang ang paraan para makatulong ako sa kanya iyon ay ang magpakasal sa anak ng kaibigan niya. Pero papano si Ravi? Papano ang mahal ko? Papano ang mga plano namin kanina? Siya ang gusto kong makasama hanggang sa pagtanda. Pero papano si Daddy? "Wag na po kayong mag-alala, magpapakasal na po ako sa anak ng kaibigan nyo. Wag lang po kayong magpakamatay," umiiyak kong sabi sa aking Papa habang yakap-yakap ito. Nakatapak kasi ito sa upuan habang hawak-hawak ang lubid na inilagay nito sa kanyang leeg. "Talaga anak? Salamat anak ko, salamat dahil mahal mo talaga si daddy," masiglang sabi nito sabay alis ng lubid sa leeg nito, bumaba sa upuan at niyakap ako. "Daddy, please po wag mo ng uulitin yon ha. Susundin ko na po ang gusto nyo," umiiyak kong sabi dito. "Akala ko kasi anak hindi kana babalik, akala ko tuluyan ka ng sumama sa kaibigan mong si Ravi," sabi nito. Natigilan ako ng maalala ko si Ravi, papano na kami? Papano na ang pangarap namin? "Daddy, mahal po kita, kayo ni Mommy kaya gagawin ko ito. Pero Daddy, nakapangako na po ako kay Ravi. Nagmamahalan po kaming dalawa, kapag naman po naikasal kami pangako po na tutulungan ka namin sa mga utang mo," nag-aalangan kong pahayag kay Daddy, nagbabakasakali akong baka magbago ang kanyang pasya kapag nalaman niya ang tungkol samin ni Ravi. Ngunit nagkamali ako, namula ang mukha nito sa galit at muling umakyat sa upuan. "Wala kang kwentang anak! Akala ko pa naman bukal sa loob mo na tulungan ako pero yon pala nakipagmabutihan kana sa lalaking iyon!" galit na pahayag nito. At muling inilagay sa leeg ang lubid. " Daddyyy, wag! Wag po! Hindi na po, promise po susundin ko na ang gusto mo. Bumaba kana po diyan." umiiyak kong pakiusap dito. "Mangako ka na simula sa oras na ito, puputulin mo na ang kaugnayan mo sa lalaking iyon!" galit n sabi nito. "Pero Dad," umiiyak na tutol sana niya pero bigla nitong itinumba ang upuan. "Daddyyyy!" "Honneeyy!" Panabay na sigaw namin ni Mommy, sabay yakap sa bewang nito ang Mommy ko at ako naman ay itinayo ang natumbang upuan. Abo't-abot naman ang pag-ubo ni Daddy, tila kinakapos ito ng paghinga. "Ano ba Megha! Hahayaan mo bang mamatay ang Daddy mo!"galit na sabi ng aking Mommy sabay hampas ng kamay nito sa balikat ko. Ako naman ay walang humpay sa pag-iyak. Inaalala ko si Ravi, napakasaya pa naman namin bago kami naghiwalay. Napakarami naming pangarap. Pero mahal ko si Daddy kaya handa kong magsakripisyo wag lang syang mawala samin ni Mommy. "Opo Daddy, simula sa oras na ito pinuputol ko na lahat ng kaugnayan ko sa kanya," halos di lumalabas ang boses na sabi ko dito. Sobrang sakit nito para sakin pero.wala akong magagawa. Nakita kong napangiti ito, muling inalis ang lubid sa leeg at bumaba. "Salamat anak, salamat at di mo ako binigo. Mamayang madaling araw ang flight natin patungong Amerika, ang lahat ay planado na anak. Ang pagsang-ayon mo nalang ang kulang," masigla ng pahayag ni Daddy sakin. "A-Amerika po?" takang tanong ko habang pinapahid ang aking luha. "Oo anak, doon gaganapin ang kasal ninyo ni Kelvin. At sa isang araw na iyon kaya kailangan na nating magtungo doon," para akong pinagbagsakan ng langit at lupa ng mga oras na iyon. Wala na akong magagawa pa kundi ang sumabay nalang sa agos. Nang okey na ang lahat, nagpaalam na ako sa mga ito na matutulog na pero ang totoo gusto niyang mapag isa. Sa kwarto, umiyak ako ng umiyak maraming beses kong pinag-isipang tumakas at puntahan si Ravi, maraming beses kong tinangkang tawagan siya pero pinipigilan ako ng konsensya ko. Dahil alam ko kapag ginawa ko yon magpapakamatay si Daddy. Hanggang sa magising muli ang aking Mommy at Daddy at hanggang sa makasakay na kami sa eroplano wala pa rin akong tigil sa pag-iyak. Paulit-ulit kong naiisip ang mga pangarap na binuo namin ni Ravi. "Mommy sige na, pakiusapan mo naman si Daddy kahit ito lang. Kahit sa huling sandali lang," patuloy kong pakiusap habang walang humpay sa pag-iyak. Tila awang-awa naman sakin si Mommy ng tumingin. "Honey, pagbigyan mo na ang anak natin. Wala na rin namang magiging hadlang sa kasal nya ei. Kahit sa huling sandali lang. Payagan mo na ang anak natin," pakiusap ng Mommy ko kay Daddy. "Okey sige, pagdating natin sa hotel na tutuluyan natin, doon mo sya tawagan." tila walang emosyong pagpayag ni Daddy. "T- Talaga po Daddy? Salamat po," masaya kong sabi dito. Kahit sa huling sandali lang, gusto kong marinig ang boses ng mahal ko. Kahit sumbatan nya ako o magalit sya sakin. Alam kong maiintindihan nya ako. "Patawad Ravi, patawad mahal ko," lumuluha kong sabi sa aking sarili. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD