RAVI'S POV
Parang dinudurog ang puso ko habang nakikita ang live video na nakapost sa f*******: account ng Mommy ni Megha. Nakapublic ito at parang sinadyang dumaan mismo sa wall ko. Sabagay nakatag sa account ni Megha kaya makikita ko talaga. Napakaganda niya sa wedding gown na suot niya, bagay na bagay dito ang elegante at mamahaling gown. Noon palagi kong pinapangarap na nakasuot siya ng wedding gown habang ako naman ay nag-aantay sa kanya sa altar. Pero heto at sa video nakasuot nga siya ng wedding gown pero ibang lalaki ang nag-aantay sa kanya sa harap ng altar.
Hindi mapatid ang aking pagluha, na kahit sobrang sakit na, na kahit parang pinipiga ang puso ei heto ako at patuloy pa ring pinapanood ang pinakamahalagang araw ng mahal ko. Ang kanyang kasal, ang araw na ikakasal ito at ang araw na alam na alam kong ikamamatay ng puso ko. Napapahagulhol ako kapag nagpofocus kay Megha ang video dahil alam ng puso ko na malungkot siya, na hindi siya masaya. Ngumingiti siya kapag binabati ng ilang bisita pero hindi ang kanyang mga mata. Hindi katulad ng mga ngiti nito kapag magkasama silang dalawa. Iyong napakagandang ngiti, iyong ngiting masaya, iyong ngiting umaabot sa tenga at nagpapaningning ng mga mata nito. Ibang-iba ngayon, at alam ko ang dahilan.
Labag sa kalooban niya ang magpakasal ngunit wala siyang magawa. Ako ang mahal niya pero kailangan niyang sumunod sa magulang niya. Bakit naman kasi napaka unfair nila, bakit kailangang si Megha ang pumasan ng lahat. Minsan naiisip kong magalit sa mga magulang nito. Hindi ba nila hangad ang kaligayahan ng anak nila. Na mahalaga pa ang negosyo nila kesa sa kaligayahan ng nag-iisa nilang anak. O mahalaga sa magulang nito na ubod ng yaman ang mapangasawa ng anak ng mga ito. Nang sa gayo'y pati sila ay mabiyayaan ng yaman ng magiging asawa ni Megha.
Pero hindi ei, naiisip ko man yon ayaw ko pa ring tuluyang magalit sa kanila. Gusto kong igalang ang naging pasya niya kahit sobrang sakit. Ito yong part sa kasal na kahit sino sigurong lalaki ang mapapanood na naglalakad sa aisle ang kanilang minamahal habang naghihintay ang lalaking papakasalan nito ay ikababaliw talaga nila. Tila naninikip ang dibdib ko dahil mahigpit kong hawak-hawak iyon habang humahagulhol, walang patid ang pagtulo ng aking luha maging ang sipon ko. Na kahit sobrang sakit na, hindi ko pa rin maalis-alis ang mata sa babaeng aking pinakamamahal habang naglalakad.
Wala na, huli na ang lahat.
Kung sana noon pa ako nagtapat.
Kung sana hindi ako naduwag pa.
Kung sana hindi ako natakot noon, disin sana hindi umabot sa puntong ganito. Sana may pagkakataon pa akong makasama ang mahal ko.
MEGHA'S POV
Parang nais kong tumakbo palabas ng simbahan habang nakikita ko ang mukha ng lalaking pinakamumuhian ko sa lahat. Nakangisi ito habang ako ay papalapit sa kanya. Ang anak pala ng kaibigan ni Daddy ay ang pinakamayabang at pinakamasama ang ugaling naging classmate niya noon sa college.
Si Rocky.
Nong college days nila, kabi-kabila ang naging girlfriend nito at pinaka ayaw niya dito ang pagyayabang nito ng kayamanan nila. At onetime nakasama niya ito sa isang group project, at doon mas lalo siya ditong namuhi dahil pinagpustahan siya nito kasama ang tatlo pa nitong barkada. Na kesyo kapag napasagot daw siya ni Rocky ei, pagbibigyan daw ng mga ito na maikama ni Rocky ang mga girlfriend nito at kapag naman daw natalo ito ei iyong sports car nito ang kapalit.
Tamang-tama namang patungo ako non sa cr at narinig ko ang lahat ng pinag-uusapan nila. Kaya sobra talaga ang inis ko sa lalaking ito na sobrang yabang pa dahil pinagmalaki pa sa mga barkada nito na bigyan lang daw siya ng tatlong oras at siguradong sasagutin ko na daw ito. Kapal ng mukha ei, so ayon nga nagsimula ang pustahan at wala ngang nangyari. Talo ito, gustong-gusto kong matawa sa hitsura nito ng barahin ko ito na kesyo hindi ko sya type at may mahal akong iba.
Halos takasan ito ng kulay sa mukha dahil doon, syempre nga naman hindi biro ang halaga ng sports car nito at siguradong lagot ito sa Papa nito. Simula non, palagi ko ng nahuhuling nakatitig ito sakin. Ewan ko ba kung balak ba nito akong gantihan o ano.
Pero mga isang buwan after ng insidenteng iyon ei, may nagpadala sakin ng isang boquet ng flowers. Araw-araw na yon, walang patid.
Lahat na yata ng kulay na meron ang roses ei naipadala na ng secret admirer nya. Bilang babae, syempre kinikilig din ako ng konti pero syempre iisang tao lang ang tinitibok ng puso ko at si Ravi iyon kaya wala lang sakin ang mga roses na yon. Nadadala lang ako sa mga pang-aasar ng mga classmates ko.
Malapit na ang vacation namin non ng lumantad ang estrangherong nagpapadala ng mga bulaklak at iyon pala ay si Rocky. Nagtapat ito ng pag-ibig sakin at humingi ng paumanhin sa inasal niya before. Kesyo nong una daw ay nachallenge sya sakin kasi ako palang daw ang nag-iisang babaeng tumanggi sa kanya pero kalaunan ei nahulog na talaga sya sakin ng totoo.
Pero gaya nga ng sinabi ko noon sa kanya, hindi ang tipo nya ang magugustuhan ko at may mahal na ako. Nagalit sya at ano pa daw ba ang hahanapin ko sabi nya. Gwapo daw ito, matangkad, mabait naman daw sya at mayaman pa ang pamilya. Doon ko lalo syang hindi nagustuhan. Natapos ang graduation namin na hindi ko na sya nakita. Tapos bigla nalang ngang kinausap ako nina Daddy na ipapakasal ako sa anak ng kaibigan nito. Halos dalawang araw na kami dito sa Amerika pero diko pa manlang nakikita kung sinong poncio pilato ang papakasalan ko at ito na nga, mismong dito ko sa simbahan nakilala kong sino. Si Rocky, ang classmate ko at manlilugaw na dalawang beses ko binasted.
Nakangisi dahil siguro sa halata sa mukha ko ang pagkagulat pero nababanaag ko sa kanyang mga mata ang kasiyahan. Marahil ito ang gumawa ng paraan para ako ay maging pag-aari niya pero nagkakamali ito. Kung inaakala niya na tuluyan niya akong magiging pagmamay-ari pwes nagkakamali ito. Si Ravi pa rin ang nag-iisang lalaking mahal ko at pakamamahalin ko habang ako ay nabubuhay. Sa pagkaa-lala ko sa lalaking pinakamamahal ko, naluha nanaman ako. Ilang beses akong kumurap habang hinihiling na sana si Ravi ang nasa harap ng altar habang hinihintay ako pero hindi ei. Si Rocky talaga, napakaimposibleng mangyari na maging si Ravi iyon.
Napalingon ako sa pinsan kong may hawak ng phone ni Mommy, napatitig ako don. Alam ko na live iyon at alam ko na maraming nanonood doon kasama na ang lalaking itinatangi ng aking puso. Si Ravi, tumigil ako saglit sa gitna ng aisle ngumiti ako sa camera at sinenyasang lumapit ang aking pinsan sakin.
"Ano bang ginagawa mo Anak? Bilisan mo ng maglakad, naiinip na si Rocky oh." tila galit ng sabi ng aking Daddy pero ngumiti lang ako dito.
Kinuha ko ang cellphone sa kamay ng aking pinsan. At lumuluhang itinapat iyon sakin.
"Alam ko na, na aa-ndiyan ka, na kahit masakit para sayo p-pinapanood mo pa rin ako habang ikinakasal ako sa iba. Mahal na m-mahal kita R-Ravi, ikakasal lang ako sa iba. Maaaring ang aking katawan ay maging pag-aari niya pero, ang puso at isipan ko ay pag-aari mo dahil ikaw lang, ikaw lang ang pakamamahalin ko habang ako ay nabubuhay. Ikaw lang ang nilalaman ng puso at isipan ko. Patawad mahal... Patawad." umiiyak na pahayag niya sa video.
Naguluhan ang mga dumalo sa kasal, ang iba ay naluha marahil damang-dama nila ang bigat ng nararamdaman ko, ang sakit na dinadala ko sa puso ko. Gusto ko lang naman kasi humingi ng patawad sa huling sandali na malaya pa ako.
Nakita kong nanlisik ang mata ni Rocky sakin, galit naman ang mga matang ipinupukol ng side ng pamilya nito pero wala akong pakialam doon. Alam naman ng lahat na pinagkasundo lamang kami at walang kung anumang namamagitan samin.
RAVI'S POV
Papatayin ko na sana ang cellphone ko, ayoko ng tapusin pa ang panonood. Ayoko ng umabot pa sa puntong nagpapalitan na sila ng vow pero pipindutin ko nalang ang cancel ei biglang humarap sa camera si Megha. Kitang-kita ko ng tumulo ang luha nya kaya naman naudlot ang gagawin ko sanang pagpatay. Bagkus, tila nanikip nanaman ang dibdib ko ng makita ko ang pagluha niya. Ngunit hindi ko akalain na magsasalita sya sa video. At kinausap ako, damang-dama ko ang hirap na pinagdadaanan nya. Damang-dama ko sa bawat kataga ang tunay na niloob ng puso nya. Napahagulhol nanaman ako.
Kung mapwepwede lang sana na lumipad ako ngayon patungo sa tabi nya, gagawin ko. Kung pwede lang na itakas ko sya o ilayo sa lugar iyon kanina ko pa ginawa. Pero hindi ei, ang daya. Napakaramot ng tadhana samin ng mahal ko. Wala akong ginawa kundi umiyak ng umiyak habang paulit-ulit na tinatawag ang kanyang pangalan. Paulit-ulit hanggang sa halos wala ng lumabas na boses sa bibig ko. Puro iyak at paghihinagpis nalang.
Natapos ang kasal.
Nagpalakpakan ang lahat.
Ngunit kitang-kita sa mukha ng mahal ko ang kalungkutan. Kalungkutan na dadalhin na siguro naming dalawa hanggang kamatayan.
ITUTULOY