RAVI'S POV
Halos limang buwan na agad ang matuling lumipas matapos ang kasal ni Megha, wala na akong nabalitaan pa tungkol sa kanya kung nakabalik na ba siya dito sa Pilipinas o kung doon na sila nanirahan. Maging ang mga magulang nito ay hindi na rin bumalik sa dati nitong bahay, ang balita ko pinaupahan nalang nila ito. Hindi ko alam kung papano ko nalampasan ang limang buwan na iyon na nananatiling buhay. Sabagay sabi ni Mommy, buhay nga ako pero para rin daw akong patay. Simula kasi ng mangyari yon, ibinuhos ko na ang sarili ko sa trabaho at pagkatapos ng office hours alak naman ang kaharap ko para makatulog agad at ng hindi ko maisip ang sakit na dulot ng pagapakasal ni Megha sa iba.
Pero ganon, hindi pa rin umuobra ei. Halos gabi-gabi akong umiiyak habang inaalala ko ang mga masasayang sandali namin noong magkaibigan pa kami at lalo na nong araw na may nangyari samin kung saan bumuo kami ng pangarap. Pangarap na nauwi lang sa wala dahil mas pinili nitong sundin ang mga magulang nito. Halos dalawang buwan din akong nawala sa sarili noon, ilang beses din akong nagtangkang magpakamatay kasi yong sakit at sugat sa puso ko parang hindi ko na kayang dalhin pa ei. Gusto ko ng tapusin pero sa tuwing gagawin ko yon agad kong naiisip si Megha. Pano kapag nalaman niya, siguradong iiyak siya. At ayoko ng ganon, ayokong umiyak siya dahil sakin.
Katulad ng maraming gabi, heto at tumutungga nanaman ako ng alak para lamang makatulog agad. Pero alam ko na mababasa nanaman ng luha ko ang aking unan dahil maiisip ko nanaman siya. Minsan gusto kong tanungin ang Diyos, napakasama ko ba para pahirapan ako ng ganito? Nagmahal lang naman ako ei, bakit hindi pa ako pagbigyang lumigaya. Nang maubos ko ang alak, humiga na ako at katulad ng gabi-gabing nangyayari sa kanya nakakatulugan nalang niya ang pag-iyak.
"Megha!" sigaw ko sa pangalan niya. Agad akong napabalikwas. s**t! Napakasamang panaginip naman niyon.
Tiningnan ko ang oras, nakatulog na pala ako ng ilang oras. Agad na bumalik sa isipan ko ang panaginip ko. At agad akong napaluha, si Megha humihingi ng tulong sakin sa panaginip ko.
Napausal ako ng panalangin.
"Diyos ko, wag mo po sana syang pababayaan. Ipinaubaya ko po ang mahal kong si Megha kahit pa napakasakit nito sakin. Ang hangad ko nalang po ngayon ay ang malagay sya sa mabuti,wag nyo po sana siyang pabayaan. M-mahal na mahal ko po yon. Kahit ako nalang ang mapahamak h'wag lang sya." lumuluha kong panalangin.
Humihingi si Megha ng tulong sa panaginip ko habang tumatakbo siya at may mga pasa sa mukha. Hindi na ako nakatulog,umiyak nalang ako ng umiyak dahil yon lang naman ang magagawa ko. Ni hindi ko sya makumusta dahil hindi ko alam kung nasan na siya. Ni hindi naman sya sakin kumontak kahit hindi ko pinalitan ang number ko para nga kung sakali man na gusto nyang mangumusta makokontak pa rin nya ako. Hanggang sa makapasok na ako sa trabaho hindi pa rin mawala-wala ang pag-aalala ko sa kanya. Lutang ang isip ko kaya minabuti kong maghalfday nalang.
Pagdating ko sa bahay wala pa si Mommy kaya dumeritso ako sa kwarto para magpalit ng damit. Kakahubad ko palang ng polo shirt ng biglang magring cellphone ko. Number lang iyon ng tignan ko, kinabahan ako. Pero sinagot ko iyon, walang nagsalita pero may naririnig akong tila galit na sumisigaw. Hindi ko masyadong maintindihan, maya-maya ay narinig ko ang mahihinang paghikbi.
"H-Hello, M-megha ikaw ba yan?" kinakabahan kong tanong. Hindi ito sumagot, pero natiyak kong si Megha nga ito.
"Megha, please magsalita ka naman oh. Anong nangyayari, okey ka lang ba? Please, kanina pa ako nag-aalala dito." umiiyak ko ng sunod-sunod na tanong sa kanya.
"T-Tulungan mo ako R-Ravi, t-tulungan mo kami..." sabi nito habang umiiyak.
"Dyosko Megha, ano ba? Ano bang nangyayari sayo ha? Asan ka pupuntahan kita, please bigay mo address mo sakin, pupuntahan din kita agad ngayon!" alalang-alala kong tanong dito, habang umiiyak.
Mapatunayan ko lang talaga na sinasaktan siya ng hayop na asawa nya, papatayin ko talaga ang demonyong yon. Narinig ko ang pagbasag ng kung anong bagay. Napasigaw si Megha, napasigaw din ako. Alam nyo yong pakiramdam na alam mong nasa panganib ang mahal mo pero wala kang magawa. Namatay ang call, agad kong idinayal ulit iyon pero wala ng sumasagot. Ilang ulit pero wala talaga. Naghihiyaw ako, sobrang sakit ng nararamdaman ko. Sobra akong nag-aalala pero pakiramdam ko napakainutil ko. Dahil wala akong magawa, pano ko matutulungan ang mahal ko? Pano ko sya maililigtas kung hindi ko manlang alam ang lugar kung saan sya nakatira.
Nag-isip ako ng maayos, kinalma ko ag sarili ko ng sa ganon may maisip akong paraan. Naisip ko ang dati naming classmate na si Ronel. Si Ronel ay isa na ngayong NBI agent,baka sakaling matulungan ako nito. Tumawag agad ako dito at nakiusap na baka may kakilala syang pwedeng ipatrace ang location ng cellphone number na ipinantawag sa kanya ni Megha. Laking pasasalamat naman niya dahil tumugon agad ito may kinontak itong tao at ng makuha ang exact location ay ibinigay agad sakin. Agad kong hinanap iyon sa google map, at nagmamadali akong bumaba ng bahay namin. Laking pasasalamat ko dahil malapit lamang ang address nito. Sa may Las Pinas lang pala.
Ngunit, ng nasa may tambo na ako, halos hindi gumagalaw ang traffic buti nalang itong motor ko ang dinala ko. Nagpasingit-singit ako para mapadali ang paglalakbay ko, iyong masigawan o mabusinahan na ako ng mga sasakyang nadadaanan ko pero wala pa rin akong pakialam. Ang isip ko ay ang makarating agad sa lugar kung nasaan ang mahal ko. Napatingin ako sa mapa, nakasaad doon na 15 mins nalang.
"Malapit na ako mahal ko, hintayin mo lang ako ha please wag kang bibitaw. Please Lord, tulungan mo po ang mahal ko." piping dalangin ko.
Pasiko na ako sa tinuturo na daan ng mapa ng di ko mapansin ang pagtigil ng kasunod kong kotse. Hindi ako nabangga pero sa biglang pagpreno ko natumba ako at nadaganan ang kaliwang hita ko . Napasigaw ang mga nakakita pero hindi ko iyon pinansin, nagpilit akong tumayo pero hindi ko magawa dahil naipit ang aking hita. May lumapit naman na lalaki at tinulungan ako. Nagpasalamat ako dito at muling sumakay sa motor ko, napangiwi ako dahil sa sakit na nararamdaman ko sa kaliwang hita.
"Pare, ihatid nalang kaya kiya sa ospital. Baka kelangan masuri yang hita mo," nag-aalalang suhistyon ng lalaki.
"Salamat nalang pre, pero nagmamadali kasi ako ei. Salamat ulit ha." iyon lang at pinaharurot na niya ang motor.
Nang maisip ko si Megha tila nawala ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Agad na narating ko ang lugar. Sa isang subdivision na mga pang mayaman ang itinuturo ng mapa.
Pagtapat ko sa gate, nilapitan ako ng guard tinanong ako kung saan ang punta ko, sinabi kong sa kaibigan ko lang. Hiningi nito ang lisensya ko, agad ko naman itong ibinigay at ng sumenyas na ng go. Mabilis ko nang pinaharurot ang motor ko.
Walang two minutes narating ko na ang mismong labas ng bahay na kinaroroonan ni Megha. Iniwan ang motor at tinakbo ang gate non, mabilis ko naman itong nabuksan. Agad akong nagtungo sa main door pero sarado iyon, tumakbo ako sa may bandang likod ng bahay kahit na iika-ika dahil sa masakit na paa ay hindi ko na alintana iyon.
Dalawang pintuan ang nandon pero pawang mga nakalock, naghanap ako ng bintanang pwede kong madaanan. Laking tuwa ko ng may isang bintanang nakaawang, wala iyong bakal kaya malaya akong makakapasok doon. Medyo nahirapan akong akyatin iyon dahil sa masakit na paa pero dahil ang nasa isip ko ay si Megha, parang nagsisilbing lakas ko siya. Sa wakas nakapasok na ako sa loob. Narinig ko ang galit na boses na asawa nito, tila may pilit na binubuksan dahil may hinahampas itong animo matibay na bagay.
Agad akong kinabahan at nagmadaling magtungo sa pinanggagalingan ng ingay. Tila nabuksan na ang kung anong pilit na binubuksan ng lalaki.
"Tigilan mo na ako Rocky! Kaylanman ay hindi ako papayag sa kagustuhan mo! " narinig kong sigaw ni Megha habang umiiyak.
Nakahinga ako ng maluwag ng marinig ko ang boses ni Megha pero kailangan kong matiyak na okey lang siya. Tumakbo ako ngunit tamang-tama namang nasa may hagdan noon si Megha habang hawak-hawak sa buhok ng hayop na asawa nito.
"Hindi ko kaylanman matatanggap ang kataksilan mo hayop ka! Hindi ko hahayaang mapunta ka sa kanya!" galit na sigaw ng lalaki kay Megha.
"Aray! Nasasaktan ako!" umiiyak na sigaw ni Megha.
"Hayop ka! Bitiwan mo sya!" galit na sigaw ko sa lalaki.
Tila nagulat ito, at ganon din si Megha.
"R-Ravi..." bigkas ni Megha sa pangalan ko tila hindi ito makapaniwala.
"Megha..."bigkas ko sa pangalan niya, at agad akong naluha ng masilayan ko sya.
Napansin ko ang pasa niya sa mukha at may bahid pa ng dugo ang labi nito. Marahil sinampal ito ng hayop nitong asawa.
"Bitiwan mo sya hayop ka!" muli kong sigaw tsaka mabilis akong umakyat sa hagdan. Pero pilit itong kinaladkad ng lalaki palayo, ngunit nagpumiglas si Megha at hindi sinasadyang nabitiwan ito ng asawa nito. Agad na nawalan si Megha ng balanse at tuluyang nahulog sa hagdan.
"M-Megha!!!" sigaw ko.
ITUTULOY