RAVI'S POV
Parang kidlat na tumakbo ako para masalo si Megha pero huli na dahil nagpagulong-gulong na ito.
"M-Megha," bigkas ko sa pangalan niya, duguan ang ulo nito ng yakapin ko sya.
Agad akong napaiyak dahil para itong lantang gulay na kinakausap ako pero hindi ko naman maintindihan ang sinasabi niya. Malakas ang pag-agos ng dugo sa ulo nito kaya halos maligo na ito sa sariling dugo. Pilit kong pinipigilan ng kamay ko pero wala pa rin.
"Hayop kang lalaki ka! Mapapatay kita!" galit na galit na sigaw niya sa tila natulalang asawa nito.
"H-Hindi ko sinasadya! M-Megha!" sagot nito ng tila natauhan at akmang bababa ng hagdan para lapitan si Megha.
"Wag na wag mong tatangkaing bumaba sa hagdan na iyan! Wala kang karapatan kahit tawagin sya sa pangalan, hayop ka! Pagbabayaran mo ang lahat ng ito!" galit na sigaw ko dito.
Tila nataranta naman ito at tumakbo.
"Megha, lumaban ka ha. Please, isipin mo kami na nagmamahal sayo." umiiyak kong pakiusap sa kanya.
Napansin ko na maumbok ang tiyan niya. Napamura ako dahil natitiyak kong buntis ito at nakuha pang saktan ng hayop nitong asawa. Kaya naman maging okey lang ang lahat titiyakin kung mananagot ang hayop na asawa nito. Binuhat ko si Megha, kailangang madala ko sya sa ospital. Tamang-tama naman ang biglang pagdating ng ambulansya, siguro tumawag ang hayop nitong asawa. Inilapag ko muna saglit si Megha at tinskbo ang pinto. Pagkuway bumalik ako at binuhat ito.
Agad naman kaming tinulungan ng isang lalaking bumaba sa ambulansya. Naisakay ng maayos si Megha,sumama ako sa loob. Wala akong magawa kundi ang umiyak at hawakan ng mahigpit ang kamay ng Mahal ko. Agad namang nilapatan ng first aid ng nurse na andodoon si Megha. Lumuluha ito habang nakatingin sa akin, ganon nalang din ang kaya kong gawin, ang lumuha. Hinawakan ko ang mukha niya habang pinapahid ang luha nitong patuloy na umaagos sa kanyang pisngi.
"Mahal ko, magpakatatag ka ha. Lumaban ka, kahit hindi na para sakin para nalang buhay na nasa sinapupunan mo. Kailangan ninyong mabuhay na dalawa ha, mangako ka. Kailangan mong lakasan yang loob mo, kailangan mong lumaban," umiiyak kong pahayag.
Sa pinakamalapit na ospital kami dinala ng ambulansya. Agad naman kaming inasikaso ng doctor at napag-alamang may namuong dugo sa ulo ni Megha kaya kailangan siyang operahan. Pinapirma ako bago ito madala sa operating room. Pero pinamili ako sa dalawa. Kung si Megha o ang baby. Si Megha ang pinili ko, alam kong maiintindihan din ako nito kung bakit ko yon ginaws. Pero napakabigat sa loob ko na gawiniyon, ewan ko ba. Na kahit alam ko naman anak iyon ng hayop na asawa nito,nakokunsenya pa rin ako.
May chance naman daw na mabuhay ang baby pero 50/50 at kung mabuhay man may deperinsya ito dahil siguradong makakaapekto dito ang mga gamot na ituturok kay Megha. Pero wala akong choice, ang magagawa ko nalang ay ipagdasal ang mga ito. Ipagdasal na mabuhay ang dalawa. Dahil kahit pa sabihing anak ito ng hayop na lalaking iyon. May puwang pa rin ang baby sa puso ko lalo pa at nanggaling iyon mismo sa mahal ko.
Sobrang tagal ng operasyon. Hindi ako mapakali, pabalik-balik ako sa paglalakad habang patuloy na lumuluha at taimtim na nananalangin. Maya-maya pa ay dumating na ang mga magulang ni Megha. Agad na lumapit ang mga ito sa akin. Tila nahihiya ang mga ito pero dahil sa pag-aalala ng mga ito. Sa anak ay napilitan ang mga itong kausapin ako.
"Kumusta na ang anak namin Ravi?" tanong ng Daddy ni Megha. Sinagot ko naman ito at ipinaliwanag dito ang nangyari.
"Napakawalang hiya talaga ng hayop na lalaking iyan!" galit na pahayag nito.
"Sabi ko na! Kung bakit kasi pinilit mo pang magpakasal ang anak ko sa lalaking iyon ei! Tingnan mo nga ang nangyari! Kapag may nangyaring masama sa anak ko hinding-hindi kita mapapatawad!" galit na pahayag ng Mommy ni Megha sa asawa.
"Bakit?! Alam ko ba na magkakaganyan sila? Alam ko ba na nananakit pala ang hayop na iyon!" galit din na bulyaw nito sa asawa. Umiyak naman ang ginang, habang patuloy na tinatawag ang pangalan ng anak.
"Kung sana hindi natin pinilit noon si Megha na ikasal sa hayop na lalaking yon. Kung sana pinagbigyan natin sila ni Ravi. Sana hindi ganito, sana wala sa bingit ng kamatayan ang anak ko Meghaaaa... " umiiyak na pahayag nito. Nakita kong pasimpleng nagpahid ng luha ang lalaki.
"Magdasal lang po tayo Tita, alam ko po na kayang malampasan iyan ni Megha. Mahal po kayo ng anak ninyo kaya hindi nya gugustuhing maiwan kayong mag-isa." sabi ko sa kanya at niyakap ito.
"Patawarin mo sana kami Ravi, naging sakim kami sa pera. Hindi manlang namin naisip ang kalagayan ni Megha." umiiyak na hinging paumanhin nito.
"Ang lahat ay may dahilan kung bakit nangyari ito Tita. Wag na po kayong humingi ng tawad dahil alam ko na inisip nyo lang na malagay sa mabuti si Megha. Hindi naman po ninyo ginusto na mangyari ito. Kaya ngayon po may panahon pa para bumawi tayo sa kanya," madamdaming pahayag ko dito.
"Oo hijo, makaligtas lang dito si Megha. Gagawin namin ang lahat para maging masaya sya. Para maging masaya kayong dalawa. Pati na ang apo ko, gusto kong mabuo ang kanyang pamilya. Kasama ka, ang anak nyo at si Megha," napakunot ang noo ko sa narinig.
"A-Anong ibig ninyong sabihin Tita?" takang tanong ko dito.
"Ikaw ang ama ng ipinagbubuntis niya hijo. Ipinagtapat niya sa akin ang lahat, may nangyari daw sa inyo bago kami umalis patungong Amerika. At natuklasan niyang buntis siya noong malapit ng mag two months ang tiyan niya. Kaya palagi sa kanyang galit si Rocky dahil gusto nito na ipalaglag ni Megha ang bata pero ipinaglaban ng anak ko ang baby nyo. Isa pang ikinagagalit nito sa kanya ay hindi nagawa ni Megha na makipagtabi dito simula ng ikasal ito sa kanya. Mahal na mahal ka ng anak ko Ravi, patawarin nyo sana kami. Pangako hinding-hindi na kami hahadlang, pangako kami mismo ang gagawa ng paraan para maiannul ang kasal nila at ng kayo ay maikasal ng anak ko. Pero ang anak ko, nasa bingit ng kamatayan siya ngayon. Ito na yata ang parusa sa amin ng Diyos dahil sa pagkagahaman namin sa pera. Patawad anak ko, patawad..." mahabang paliwanag nito habang umiiyak.
Ako naman ay tila wala sa sariling napatayo. Agad akong napaluha dahil sa natuklasan. Kaya pala ganon kabigat ang nararamdaman ko kanina habang pumipirma dahil anak ko pala ang ipinagbubuntis ni Megha. Dyosko pano ko nagawang mamili sa kanilang dalawa na parehas na mahalaga sa akin. Lalong bumigat ang sakit na nararamdaman ko sa isiping isa ang maaaring mawala sa kanila.
Umusal ako ng taimtim na dalangin, hinihiling ko sa maykapal na pagbigyan naman sana niya kaming lumigaya ni Megha. Pagbigyan naman niya kaming mamuhay bilang mag-asawa kasama ang aming anak. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyaring masama isa man sa kanila. Hindi kakayanin ng konsensya ko yon.
Umiyak ako ng umiyak.
Napapaisip tuloy ako, bakit naman puro nalang pasakit ang nararanasan namin ni Megha. Wala naman kaming ginagawang masama. Minamahal lang namin ang isa't-isa bakit kaylangan pa naming magdusa. Kailangan ba talagang magdusa muna bago lumigaya? Pero wala sa bukabularyo ko ngayon ang pagsuko. Alam kong kakayanin ng mag-ina ko ito. Alam kong hindi basta-basta isusuko ni Megha ang aming anak. Alam kong parehas silang makakaligtas. Ngunit hindi pa rin mawala-wala ang matinding kaba sa kanyang puso. Pakiramdam niya anumang oras, may masamang balitang darating.
Noon naman, bumukas ang pintuan ng operating room. Agad akong napalapit, ngunit malungkot na umiling ang Doctor na lumabas doon.
"Sorry po Sir, ginawa namin ang lahat pero hindi po niya kinaya. Wala na po ang asawa nyo." malungkot na pahayag nito.
Natulala ako.
"D-Doc, naman wag nyo naman pong sabihin yan." animo wala sa sariling nasabi ko. Parang namanhid ang buong katawan ko, nanlamig at parang hindi makakilos. Narinig kong pumalahaw ng iyak ang Mommy at Daddy ni Megha.
"Sorry Sir, nakikiramay po ako." mslungkot na muling sabi ng Doctor.
Napailing ako ng sunod-sunod tsaka mabilis na tumakbo papasok sa loob ng operating room. Nakita ko ang mahal ko, na kasalukuyang tinatakluban ng puting tela. Doon na tila bumigay ang sakit na nararamdaman ko.
"M-Mahal ko, Megha..." umiiyak kong tawag sa kanya.
Agad kong tinabig ang babaeng nagtatakip ng puting tela dito. Walang humpay sa pagtulo ang aking luha. Niyakap ko si Megha ng buong higpit at umiyak ng malakas habang isinisigaw ng paulit-ulit ang pangalan nya.
"Dyosko, bakit mo po sya pinabayaan? Maawa na po kayo, ibalik nyo sya sakin! Huhuhu..." umiiyak kong hiyaw habang yakap-yakap ang wala ng buhay na katawan ni Megha.
ITUTULOY