Ravi's POV
Nagising ako sa mahinang pagyogyog sa balikat ko. Nang imulat ko ang aking mata, si Megha pala na nasa may bintana
ng kotse.
"Gising na Ravi,malapit na mag- 12. Kain na tayo, medyo nagugutom na kasi ako ei,"sabi ni Megha sakin.
"Ah ganon ba? Sige, Lika na. Kaya lang malamig na pagkain natin,"sagot ko dito habang pababa ako ng kotse.
Nang nasa loob na kami ng tent,inasikaso ni Megha ang aming pagkain. Napansin ko rin na may mainit na Sinigang na baboy na siguradong binili ni Megha sa canteen,wala kasi akong binili kaninang ganyan. Pinagmamasdan ko lang sya habang inihahanda ang aming pagkain,gusto ko sanang pigilan sya ng maglagay sya sa plato ko ng pagkain.
Ngunit hinayaan ko nalang kasi nasisiyahan din ako, iniisip ko kasi na kapag mag-asawa na kami ganito rin ang gagawin nya.
"Salamat,pwede bang ako din ang maglagay ng pagkain sa plato mo?" sabi ko sa kanya. Nais ko rin kasi maranasan na pagsilbihan sya. Tumingin sya sakin ng nakangiti, tsaka nag nod.
Nakangiti naman ako habang linalagyan ko ng kanin at ulam ang kanyang plato.
Nang matapos...
"Salamat,ang sweet naman ng besfriend ko. Maswerte talaga ang magiging future wife mo. Sweet na mabait pa."
Natawa naman ako sa sinabi nito.
"Ikaw nga din ei,ang sweet mo, pwedeng- pwede ng mag-asawa," nakangiti kong sabi kay Megha.
Ngunit di sya umimik,tila nagbago din ang timpla nito. Nagpatuloy lang ito sa pagkain . Kumain na rin ako,pero diko
natiis,tinanong ko sya kung may nasabi akong mali.
Sabi lang nyang wala daw.
Nang matapos kami sa pagkain, nanatili lang syang tahimik. Ako naman dina
mapalagay.
Mga Ilang sandali wala kaming imikan, nanahimik lang din ako. Pagkuway kinuha nya ang plastic na naglalaman ng alak na binili ko kanina at tinungga iyon. Inabot nya ang isang in can sakin. Kinuha ko ito at tinungga din.
"Pwede bang doon tayo sa tabing dagat?" sabi ni Megha.
"Okey, lika na," tumayo na ako sabay inalalayan ko din sya sa pagtayo.
Tahimik lang kami habang naglalakad.Umupo kami sa mismong buhangin ng makarating kami sa tabing dagat. Patuloy lang din sa pagtungga ng beer si Megha.
"Ravi,pwede bang itakas mo ako?" walang gatol na sabi ni Megha sakin.
"Huh?!"gulat kong sabi.
Hindi ko talaga inaasahan ang sinabi ni Megha.
"Alam kong narinig mo ako Ravi," seryosong sagot ni Megha,ngunit halata ang bahagyang paggaralgal ng boses nito.
"Tell me,what happened. Bakit bigla bigla ka nalang nagsasalita ng wala sa lugar?Alam ko may problema ka."
Tiningnan ko sya ngunit umiwas lang sya ng tingin. Nanatili itong tahimik habang patuloy sa pagtungga ng beer. Ilang sandali lang narinig ko na ang bahagyang paghikbi nito. Walang sabi-sabing bigla akong niyakap ni Megha at umiyak ng umiyak sa balikat ko. Di ako nagsalita,hinayaan ko lang syang umiyak ng umiyak Habang hinahagod ko ang kanyang likod.
Nang tumigil sya sa pag iyak. Bumitaw sya sa pagkakayakap sakin at sinimulang punasan ang sariling luha.
"Sorry kanina huh, nababaliw na yata ako," parang wala sa sariling sabi nito.
Nakangiti pero alam ko na huwad lang itong ngiti.
"Ano bang nangyari?"tanong ko.
" Pinagkasundo ako ni Daddy sa anak ng kaibigan nya," muling napahikbi si Megha ng banggitin ito.
Ako namay sobrang nashock sa sinabi nya. At agad agad nakadama ng di maipaliwanag na lungkot. Lungkot dahil sa isiping tuluyan ng mawawala sakin ang mahal ko.At sa kadiliman ng gabi dooy tahimik akong lumuha.Patuloy ang katahimikan at alam ko katulad ko ring tahimik na lumuluha si Megha. Ito na siguro ang katapusan ng lahat. Kailangan ko ng pag aralang kalimutan and pag ibig ko kay Megha.
"Ayokong magpakasal sa kanya Ravi,ngunit wala akong magagawa.Diko maaaring suwayin sina Daddy at Mommy.Anong gagawin ko?!"umiiyak na pahayag ni Megha.
"Hindi ko rin alam bestie, ngunit mas mainam siguro kong susundin mo ang kagustuhan ng iyong parents," hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob upang masabi ng maayos ang mga katagang alam ko na magbibigay katuparan upang tuluyan ng mawala ang aking pinakamamahal na si Megha.
"Sigurado kaba na yan ang gusto mong gawin ko?Magpakasal sa lalaking hindi ko naman mahal?!"parang puno ng hinanakit na tanong nito sakin.
"Oo naman bestie,alam ko na hangad lang ng iyong magulang ang lahat ng makabubuti para sayo,"sabi ko nalang ito.Kahit ang totoo nais ko ng umiyak at hilingin sa kanya ang kabaliktaran ng mga sinabi ko.
Katulad nalang ng wag syang magpakasal at ako ang tunay na nagmamahal at nais kong sya ay maging akin lamang. Ngunit ako ay isang napakalaking duwag at malaking tanga!Hindi ko alam kung saan ko namana ang katorpehang ito.
"Ok! Kung ano ang sinabi mo, yon ang masusunod. Magpapakasal ako kay Dave.Ano masaya kana?!"walang pakundangang tumayo ito at naglakad pabalik sa aming tent.
Natitigilan naman akong tumayo na rin at sinundan si Megha.Hindi ko maintindihan kung bakit parang galit sya sakin, pero baka marahil dahil sa problema nya. Nakahiga na sa isang panig ng tent si Megha. Anyong natutulog,ngunit alam kong hindi pa. Nahiga nalang din ako at makaraan ang mahabang oras nakatulog din habang iniisip ang mga problema.
Nagising ako ng mabibining haplos sa aking pisngi. Parang panaginip pero alam ko na totoo ang mga haplos na iyon. Nang imulat ko ang aking mga mata nakita ko si Megha na nakaluhod sa may tagiliran ko. May butil ng luha at mababanaag ang lungkot sa kanyang mga mata.Bigla syang pasimpleng nagpunas ng luha ng makitang nagising na ako at pinasaya ang mukha.
Bumangon ako.
"Uwi na tayo,I'm sure hinahanap na ako nina Mommy," sabi nito sakin na pinasaya rin ng bahagya ang boses.
"Ok,coffee muna tayo before tayo magbiyahe,"sabi ko nalang. Habang diko maiwaglit sa isip ko ang haplos nito sa pisngi ko at ang luha at kalungkutang nabanaag ko sa mga mata nito.
Alam ko ito na ang huling beses na makakasama ko sya. Ang panandaliang kasiyahan sa unang halik na aking nalasap mula sa aking pinakamamahal ay magiging una at huling halik.
Dahil may nagmamay ari na sa kanyang iba. Nakakabaliw isipin,ngunit wala akong magagawa.
"R-Ravi..." malungkot niyang tawag sa pangalan ko.
Nilingon ko sya.
Napatitig ako sa malungkot niyang mga mata. Hindi ko napigilan ang pagtulo din ng luha ko dahil damang-dama ko ang lungkot na bumabalot sa kanya. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ng mga sandaling iyon. Bugso ng matinding pagkahabag dito, niyakap ko siya ng mahigpit. Umiyak siya sa balikat ko. Nag-iyakan kaming dalawa, awang-awa ako sa kanya pero wala akong magawa.
Hinawakan ko ang mukha nya,ikinulong ko sa palad ko. Pinagmasdan ko ang maganda nyang mukha na basa sa sarili nitong luha. Pinahid ko ang luha nito gamit ang daliri ko. Tumingin ako sa mata niyang luhaan na mababanaag ang lungkot doon. Napatingin din siya sa mata ko at ewan ko kong anong mahika ang bumalot saming dalawa ng mga sandaling iyon.
Tila naging blanko ang aming mga isipan. Napatingin ako sa mamula-mula niyang mga labi na medyo basa pa nga dahil sa luha. Animo naghihintay iyon na halikan ko dahil medyo iniawang pa iyon ni Megha. Dahan-dahang lumapit ang labi ko sa labi ni Megha, kinakabahan ako dahil baka tumutol ito o pigilan ako ngunit bagkos na gawin iyon. Pumikit siya, ikinawit ang dalawang braso sa aking leeg at sinalubong ang aking labi.
Nagulat ako sa ginawa nya, pero nagbubunyi din ang aking kalooban. Dahil sa wakas, tuluyan ko ng maaangkin ang labi niya na kusa niyang pinagkaloob hindi katulad kahapon na naangkin ko nga ito,pero panakaw nga lang.
ITUTULOY