MEGHA'S POV
Hindi ko alam kung bakit sobrang manhid ni Ravi pagdating sakin. Hindi ba niya nahahalata na gusto ko sya, na mahal ko sya, na sya ang gusto kong makasama? Kaya nga halos lunukin ko na ang pride ko kagabi ng sabihin ko sa kanyang itakas nya ako. Pero ayon, ang manhid na lalaki nakuha pang tanungin ako. Kaya tumanggi nalang ako, na kesyo nagbibiro lang ako. Napakahirap pala talaga ang maging babae, kung maari lamang sana na ako nalang ang unang magtapat dito at manligaw dito. Pero hindi kasi pwede ei, hindi siya ganon pinalaki ng kanyang mga magulang.
Simula pa lamang ng maliliit kami ni Ravi, mahal ko na ito. Inilihim ko iyon hanggang sa umabot na nga sa puntong ito. Iyong mismong magulang ko na ang maglalayo sa amin ni Ravi. Oo marami akong naging boyfriend, dahil na rin sa pag-iingat kong malaman ni Ravi ang nararamdaman ko para dito. Tsaka nagbabakasakali din akong mabaling sa iba ang feelings ko pero wala talaga ei, hanggang sa niloloko nalang ako ng mga naging karelasyon ko dahil sa totoo lang hindi naman talaga ako umaastang girlfriend nila. Kapag nakatingin lang si Ravi saka ako kunyari sweet sa kanila. Pero kapag wala na, parang tropa nalang. At kapag niloko ako ng mga yon, kunyari umiiyak akong magpapacomfort kay Ravi. Pero ang totoo,gusto ko lang madama ang pagcare nito sakin. Yon bang gagawin nito ang lahat mapasaya lamang ako. Tsaka sa totoo lang, gusto ko palagi siya kasama at kausap.
Kaya nga sobrang lungkot ko ng magkahiwalay na kami ng university ng magcollege na kami. Kaya kahit mahirap,pinipilit ko pa ring umuwi ng friday ng hapon para makasama ko sya buong maghapon ng sabado at linggo. Minsan,nararamdaman ko na parang may kakaibang feelings din sya sakin pero agad ding nawawala iyon kasi naman, napakaimposible ng iniisip ko. Kung may feelings sya ei di noon pa sana siya nagtapat sakin. Yong hindi naman niya pagkakaron ng girlfriend nong high school kami, para sakin natural lang yon kasi mahigpit ang Mommy niya pagdating sa pag-aaral niya. Kahit naman kasi hindi sya masyadong matalino ei tutok pa rin siya sa pag-aaral. Hindi rin sya nawawala sa top.
Kahit nong siya iyong inaya kong maging first dance, alam ko wala ring epekto yon sa kanya. Kahit kinapalan ko na ang mukha ko at talaga ginawa ko ang lahat para masense nya yong feelings ko pero wa epek pa rin. Pero ng kausapin ako ng aking Daddy at Mommy tungkol sa pinagkasundo ako ng mga ito na ipakasal sa anak ng kaibigan ng mga ito. Doon na ako bumigay, sinabi ko sa kanila na hinding-hindi ako magpapakasal kahit kanino. Kundi kay Ravi lang, nagalit ang mga ito at pinagbawalan akong makipagkita kay Ravi. Nagalit siya sa mga magulang ngunit bigla ring naawa sa mga ito ng sa pagdaan ko sa kwarto ng mga ito bago ako lumabas ng bahay para makipagkita kay Ravi ay narinig ko ang usapan ng mga ito.
Matagal na palang nalulugi ang kompanya ng aking Papa. Baon na rin kami sa kabi-kabilang utang at pinakamalaking utang namin ay sa kaibigan nito na Ama ng lalaking ipinagkasundo sa sakin. Malaki ang pagkakautang ng Daddy, at may kundisyon na kapag pumayag akong magpakasal sa anak nila. Kakalimutan na ang pagkakautang namin dito at tutulungan pang makaahon ang kanilang kompanya mula sa pagkalugi.
Umiiyak ang mga ito noon dahil sa awa sa kanya pero wala daw itong magagawa. Bago umalis, naipangako ko sa sariling hindi bibiguin ang mga magulang pero nais ko munang makasama si Ravi kahit sa huling sandali lamang. Pero ng makita ko na ito parang ang pagnanais na matulungan ko sina Daddy ay tila naglaho. Ang nais ko ng mga sandaling iyon ay ang makasama ito habang buhay, hindi bilang bestfriend kundi bilang asawa ko.
Hanggang sa nasabi ko na nga dito ang problema at wala manlang itong nasabing matino sa akin. Na kesyo sundin ko nalang ang gusto ng mga magulang ko. Gusto kong sampalin ito at ipagsigawang mahal ko sya at siya ang nais kong makasama habang buhay pero napakakapal naman yata ng mukha ko kapag ginawa ko iyon kaya mas pinili ko nalang na manahimik. Hanggang sa ayain ko na siyang matulog at maaga naman akong nagising. Pinagmasdan ko sya ng matagal hanggang sa hindi ko napigilan ay hinaplos ko ang kanyang mukha.
At hindi ko napigilan ang maluha, ito na kasi ang huling beses na makakasama ko ito. Nangako ako sa sarili na iiwasan ko na ito hanggang sa maikasal ako sa lalaking ipinagksundo sakin ng mga magulang ko. Nang ganap na itong magising,pasimple kong pinahid ang aking luha at ngumiti ako sa kanya na tila walang nangyari. Inaya ko na syang umuwi pero sabi nya ay magcoffee muna kami. Bumangon na siya at patalikod na ng bigla akong nakaramdam ng matinding pangungulila para dito. Wala pa man at dipa man nangyayari ay heto at sobra-sobra na agad ang pangungulila ko sa kanya.
Tinawag ko sya.
Tinawag ko ang pangalan niya kalakip ang totoo kong nararamdaman para sa kanya. Kalakip ang matinding lungkot na bumabalot sa aking pagkatao. Mahal na mahal ko si Ravi pero wala akong kakayahang ipagtapat dito at wala akong kakayahang makasama ito.
Nagkatinginan kami ng mata sa mata, nababanaag ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Marahil nalulungkot ito dahil ganon naman talaga ito kapag malungkot ako malungkot din ito, kapag masaya ako,masaya din ito.
Bigla niya akong niyakap na ikinagulat ko, kadalasan kasi ako ang yumayakap sa kanya. Bihirang mangyari na siya ang unang yumayakap sakin. Naiyak ako sa gesture nyang iyon, mas nadama ko ang higpit ng kanyang yakap ng magsimula na akong humikbi. Hanggang sa hinayaan nya akong umiyak ng umiyak, at ng wala na akong maiiyak ay ikinulong niya sa palad niya ang mukha ko.
Nang mga sandaling iyon, parang magic. Hindi ko maipaliwanag pero ng maghinang ang aming mga mata. Hindi ko na napigilan ang nararamdaman ko, nararamdaman kong nais niya akong halikan dahil napatingin siya sa mga labi ko. Bahagya kong iniawang ng kusa ang labi ko para mahalata niya na nais ko rin na mahalikan niya at ipinikit ko ang aking mga mata.
Kinakabahan ako na baka mali lang ako ng akala kaya napapamulat na ako ngunit naramdaman ko ang paglapat ng mainit niyang mga labi sa labi ko. Animo may kung anong pakiramdam akong naramdaman non. May tila kuryenteng tumutulay sa bawat himaymay ng aking katawan ng mga sandaling iyon. Sa wakas, nalasap ko na rin ang halik mula dito, ang halik na palagi kong pinapantasya at napapanaginipan ko pa nga.
Sa totoo lang, ilan na ang mga naging boyfriend ko pero ang first kiss ko ay nirereserba ko talaga para kay Ravi. Sa aking bestfriend na pinapangarap kong maging future husband. Pero dahil nga sa wala yata itong gusto sakin ei nagkasya nalang ako sa pantasyang mahalikan ito. Pero heto, totoong-totoo na. Hinahalikan ako ng aking bestfriend. Ang lalaking pinapangarap kong makasama habang buhay. Ngayon pinapalasap niya sakin ang luwalhati ng unang halik. Ang unang halik na tila ayaw ko ng matapos pa. Ang unang halik na tila yata nagpapalasing sa aking buong pagkatao at nagpapawala ng aking katinuan.
Mga ilang sandali kaming nanatili sa paghahalikan hanggat sa bumitaw ako ng kusa dahil parang hindi na ako makahinga. Ngunit halos dipa ako nakakalanghap ng hangin ay agad nanaman niyang sinakop ang labi ko. At bigla din nyang binawi, ikinulong niya ang mukha ko sa kamay niya at sabay sabing....
" Mahal Kita Megha, Mahal na mahal kita at ayaw kong mawala ka!" maluha-luha nitong sabi sakin.
Nagulat ako sa sinabi nya.
Hindi ako makapaniwala.
Ni hindi ako nakapagreact.
ITUTULOY