CHAPTER 4
LUNA
Kumikirot ang katawan ko nang magising ako. At suot ko pa rin ang gown ko na sinuot ko kagabi. Bumangon ako at nagpalit ng damit saka umupo ulit sa ibabaw ng kama ko. PAgdating kasi namin kagabi ay sobrang ang pagod ng aking isip at katawan.
Bakit kailangang mahalin ko si Dylan ng ganito? He doesn't worth my love, my tears, even my soul! But why him? Please. Answer me, Heart. Why do you still love him? Why can't we hate him? Bakit siya parin yung tinitibok mo kahit na sinasaktan nya tayo?!
Napaigtad ako nang may biglang kumatok sa pintuan ko. Tumayo ako at unti-unting binuksan iyon. Bumungad sakin ang blangkong mukha ni Dylan. Wala kaya siyang pasok ngayon?
Ayan na naman ang pahamak kong puso. Mabilis na namang tumibok. Nag-iwas ako ng tingin.
Tumikhim ito. "May bisita ka. Nasa baba."
Tumango ako. "Ah. Sige."
Tumango rin ito at tumalikod na. Lumabas ako at sinarado ang pinto ng kwarto ko. Sumunod ako rito. Gusto ko itong hawakan at yakapin pero wala akong karapatan. Hindi siya akin. Hanggang papel lang ako.
Nabangga ako sa likod nito nang bigla itong huminto. Agad akong lumayo nang lumingon ito.
"I-I'm sorry."
Handa na sana ako para saluhin ang galit nito.
"It's Okay." Kamuntikan na akong mapasinghap dahil ito ang unang beses na sinabi nitong ayos lang.
Hindi niya ako sinagawan o kaya naman ay binigyan ng matalim na tingin. Kahit na blangko ang mukha nito, nagulat pa rin ako sa sinabi nito. Kumunot ang noo nito nang mapansing nakatingin pa rin ako sa kanya. Nag-iwas ako ng tingin at kinagat ang ibabang labi. Na-amaze lang ako dahil alam pala niya yung salitang 'okay'.
Tumikhim ito at tumingin na sa harap. Sinundan ko ang tinitingnan nito. Gumuhit ang ngiti sa aking labi nang makita kung sino iyon. Ang babaeng nakaupo ngayon sa sofa na nasa gitna ng sala namin. Kahit na naka-shades ito ay nagawa ko pa rin siyang kilalanin. Tumayo ito. Awtomatikong napatakbo ako sa kanya at yumakap.
"Tita Vivian! What a pleasant suprise!" Masaya kong sabi.
Gumanti ito ng yakap. "I missed you, Honey."
Si Tita Vivian ay ang nag-iisang kapatid ni Papa, Malapit ako sa kanya. Siya ang tumayong nanay-nanayan namin ni Camille dahil sobrang bait nito. Ito kasi ang takbuhan ko kapag pinapagalitan ako ni papa nung bata palang ako, ito rin ang nag-aalaga sa akin. Kaso pumunta ito ng ibang bansa dahil nagkagalit sila ni Papa, kaya kumuha siya ng katulong para tumingin sa akin. Alam kasi niya ang mga ginagawa sakin ni Papa. Kaya nga nagkagalit sila dahil sakin.
"Y-You came back." halos manginig ang boses ko nang sabihin iyon. Sobra ko siyang namiss.
"Of course! Nalaman ko kasi ang tungkol sa kapatid mo. Your father told me. Bakit siya umalis ng hindi nagpapaalam? Hay naku! Napakagala talaga ng kapatid mong iyan. Hindi mapirme." Kung ganoon ay hindi alam ni Tita kung bakit umalis si Camille at ang tungkol sa kasal. Hindi sa kanya sinabi ni Papa? Malamang, dahil baka magkagalit na naman sila. Pipiliin ko nalang manahimik kaysa ako muli ang maging dahilan ng pagkakagalit nila.
Patas ang tingin ni Tita Viviansa lahat ng tao, kaya nga gustong-gusto ko siya. Patas ang trato niya sayo kahit na magsasaka ka. Dahil para sa kanya, mahalaga ang existence ng bawat isang nilalang. O, diba, pwede na siya Ms. Universe.
Huminga ako ng malalim at ngumiti ng malungkot sa kanya. "I missed you, Tita. You don't know how much I missed you."
"Oh. Me too, Honey." Yumakap ito sa akin pero agad ding lumayo ng kaunti. "Anyway, you looked terrible. Why?"
"Oh. Ahm." Hindi ko alam ang isasagot ko rito. Kinagat ko ang ibabang labi ko at nag-iwas ng tingin rito. Nakita ko sa Dylan na nakamasid sa amin ng Tita ko. Malamig ang titig nito. Napalunok ako ng magtama ang mga mata namin. Bumalik ulit ang titig ko kay Tita Vivian na ngayon ay nakakunot na ang noo. "No, Tita, naglilinis kasi ako ng kwarto ko— Namin. Tapos napuwing ako."
"Oh.. Dapat kasi kumuha nalang kayo ng katulong." Lumingon ito kay Dylan at ngumiti. "What do you think, Dylan?"
"N-No, Tita. Kaya ko na—"
"I agree." simpleng sabi nito. Lumapit ito sa amin. Nagsimula ng bumilis ang t***k ng puso ko. Nagulat ako ng akbayan niya ako. Pasalamat na rin dahil hindi iyon naansin ni Tita Vivian. "Ayoko rin namang nahihirapan ang asawa ko, Tita."
Tiningala ko ito at umiling. "No, Dylan. K-Kaya ko naman."
Alam kong umaarte lang ito at hindi totoo ang lahat ng sinasabi niya.
Pinisil nito ng mahina ang balikat ko. "I insist. I'm your husband. Dapat lang na ibigay ko sa'yo ang lahat ng pangangailangan mo."
Hindi na ako nakaimik sa sinabi nito. Bakit kahit na umaarte ito ay mabilis pa rin ang t***k ng puso ko at parang gusto kong umasang totoo iyon. Tsk! Paasa!
"How sweet!" Tiningnan ko si Tita. Magkasalikop ang mga kamay nito at nakangiti sa aming dalawa ni Dylan. "Oh! Before I forgot. Iniimbitahan ko nga pala kayong pumunta sa Resort Blessing ko sa Batangas."
"Resort?"
"Yes! Isn't that cool! Villa Narcissu already opened!" She giggled. "At saka, umuwi rin galing Japan ang dalawa mong pinsan, Luna. Gusto ka nilang makita."
"Sila Kristian at Trey? They're here! Oh, Goodie!" I beamed. Nung umalis kasi si Tita ay kasama nito ang dalawa kong pinsan. Kalaro ko ito noon at malapit kami sa isa't-isa.
"Kailan ba iyan, Tita?."
"Tomorrow." sagot ni Tita.
Bigla din nalusaw ang ngiti ko. Baka may meeting si Dylan bukas or may naka-schedule na kung ano man. "A-Ah.. Tita, baka may gagawin si D-----"
"Pupunta kami." Agad na sagot ni Dylan na ikinagulat ko.
"R-Really?"
"Yes." malamig na sabi nito.
Sa sobrang excite ko, hindi ko na napigilan pa ang sarili ko nang yakapin ito. "Thank you. Thank you."
Nang humupa na ang excitement ko ay saka ko lang namalayan na tumagal ang pagkakayakap ko kay Dylan. Palayo na sana ako nang pinalibot nito ang kamay sa bewang ko para hindi ako makalayo. Nagmala-Spartan na naman ang t***k ng puso ko.
"It's Okay." Bulong nito sa may tenga ko. Napalunok ako dahil tumatama ang mainit na hininga nito sa may tenga ko. Nagsitayuan rin ang mga balahibo ko sa batok.
Ano bang nangyayari? Bakit kahit alam kong pag-arte lang ito, hindi ko maiwasang isipin na sana totoo ito. Yung marahang pagyakap sakin ni Dylan. Yung pagdantay ng mainit na palad niya sa balikat ko kanina. Ganito pala ang pakiramdam na niyayakap ka ng isang Dylan Caden Reyes. Ang sarap sa pakiramdam.
Matagal ko na itong pinapangarap. Ang mahawakan at mayakap si Dylan.
Shit! Bakit kung kailan gusto ko na siyang kalimutan saka niya 'to pinaramdam sa akin.
Nagwawala tuloy ang sistema ko. Gusto ko pa.. Gusto ko ganito lang kami. Kailan ba mangyayari iyon? Pwede bang pahintuin muna ang oras para labis ko pang madama ito? Ilang taon ko na bang hinangad namangyari ito?
Gusto kong isiping totoo iyon. Please.. kahit ngayon lang, hayaan niyo akong isipin na totoo lahat ng pinapakita niya.
"It's Okay. Your auntie's watching." Hindi pa man nagsisimula ang pagiging ilusyonada ko ay tinapos na agad ni Dylan.
Sinisikmura lang pala niyang yakapin ako dahil nanunuod ang tiya ko. Paasa ba siya o talagang assuming lang ako?
"You're heartless, Dylan." bulong ko. Mangilang beses ako lumunok para mapigilan ang nagbabadyang luha. Nakakahiya kasi kung iiyak ako sa harap ni Tita Vivian.
"I know. You don't have to tell me."