CHAPTER 5
LUNA
Maaga kaming umalis ng Dylan ng bahay sakay ng private helicopter nito. Ayaw daw kasi niyang magmaneho ng matagal. O baka ayaw lang nya ako makasama ng matagal. Bumaba ang helicopter sa helipad ng resort. Unang bumaba si Dylan at sumunod ako.
Pagbaba ko ay agad akong sinalubong ng yakap ni Tita Vivian. Hinalikan nya ako sa pisngi. "Hello, Dear! I'm so glad you two made it!"
"Of course! Ayokong nadi-disappoint ang maganda kong Tita." I said while hugging her back.
"Tara na sa loob. Mainit. Shocks! Umiiyak na ata ang kili-kili ko." Binitawan ako nito saka hinila papunta sa loob ng hotel nito.
Tahimik na sumunod si Dylan sa amin. Dinala kami ni Tita sa Chapel, ilang minuto pa ay magsisimula na ang misa. Pinadala nalang namin sa Bell Boy ang mga gamit para dalhin sa magiging kwarto namin.
Iniwan muna kami ni Tita Vivian sa may upuan dahil tinawag siya ng mga amiga niya. Katabi ko ang tahimik paring si Dylan.
"Lulay?!"
Napalingon ako sa likod dahil doon nagmula ang boses. Lumiwanag ang mukha ko nang makilala kung sino ang dalawang lalaki na kumakaway sa akin.
"Kristian! Trey!" Sigaw ko. Tumayo ako at mabilis na pumunta sa kinaroonan ng dalawa. Sabay kong niyakap ang dalawa sa bewang dahil hindi ko na abot ang mga batok nito. "I missed you both!"
Narinig tumawa ang mga ito at niyakap din ako pabalik.
"We missed you, too, Lulay." Bulong ni Trey sa akin. "Nalaman namin ang tungkol sa pag-alis ni Cammy. We miss her, too. Bakit siya umalis ng walang paalam? Ano ba ang iniisip niya?"
Umiling ako para malaman nitong hindi ko rin alam kung ano ang nasa isip ni Camille. Naibaon ko ang mukha ko sa dibdib ni Trey. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanila ang sitwasyon. Baka ikapahamak pa ni Papa iyon.
Lalo na si Dylan, alam kong ayaw niyang ipagkalat ang nangyari nung kasal niya.
We both miss her.
Huminga ito ng malalim at mas hinigpitan pa ang yakap nito sa akin.
Humiwalay ito at saka mahinang kinurot ang pisngi ko. Ngumiti ito. "She'll be fine, okay? Party ni Mama ito, 'di tayo dapat maging malungkot."
Tumango ako.
Kristian and Trey are twins. Mas matanda ako sa kanila ng dalawang taon. May lahi talaga kaming kambalin. Pero hindi sila identical 'di tulad namin ni Camille. Ang pagkakaiba lang namin ni Camille ay yung nunal, may maliit na nunal ako sa may noo at si Camille naman ay wala. Kasabay ko silang lumaki. Kaya sa lahat ng mga pinsan ko si Trey at Kristian ang pinakamalapit sa akin. Seven years old ang dalawa nang umalis ito ng bansa.
Dahan-dahan akong lumayo ng may tumikhim. Hinarap ko si Dylan. Nakakunot ang noo nito at nakapamulsa ang isang kamay.
Pumunta ako sa gitna at sinimulang ipakilala ito sa isa't-isa. "Uh.. Cousins, this is Dylan Caden Reyes. M-My husband."
"Hindi namin nabalitaang ikinasal ka. O sadyang 'di mo lang kami inimbita." May bahid ng pagtatampo ang boses ni Trey. Samantalang si Kristian naman ay nakamasid lang kay Dylan na parang sinusuri ito.
"Uh.. Hindi. Ano kasi—" May mainit na kamay ang dumantay sa balikat ko.
"Pasensya na kung 'di namin kayo naimbitahan. Nagmadali kasi kami. Alam niyo na." Bumaba ang kamay ni Dylan sa bewang ko at hinapit ako palapit sa kanya. Naitukod ko ang magkabilang kamay ko sa matigas na dibdib nito. Diretso niya akong tiningnan sa mata habang patuloy na pagsasalita. "Gusto kasi agad makasal kami. Baka makawala pa, e."
Rinig na rinig ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Ako na ang unang nag-iwas ng tingin. Pinagdikit ko ang ibabang labi ko at nang mapunta ang tingin ko sa mga pinsan ko ay ngumiti ako pero 'di iyon abot sa mata.
No! Enough! Hindi na dapat ako mahulog sa bitag niya. Hindi na dapat ako makaramdam ng pag-asa na maaayos ang samahan namin. Alam ko na, umaarte lang siya dahil nasa harap namin ang mga pinsan ko. Pero bakit 'di ko mapigilan ang abnormal na pagtibok ng puso ko.
Ngumiti si Trey at saka inilahad ang kamay kay Dylan. "Trey nga pala, Pare."
Binitiwan ako ni Dylan at saka tinanggap ang kamay ni Trey. Tumango ito at saka bumitiw.
"Kristian." Walang emosyong sabi ni Kristian. Tinanggap ni Dylan ang kamay nito. Napansin kong pinisil ni Kristian ang kamay ni Dylan. Samantalang ang isa ay mataman ding nakamasid kay Kristian. "You break her heart, I break your face. And I'll make sure surgeons can't even fix it."
Tumaas ang isang gilid ng labi ni Dylan. Oh, No.
"Naglalaro ka pa rin ba ng soccer, Trey?" Sabi ko para maibsan ang tensyon sa kanila.
Lumawak ang ngiti ni Trey. Nawala na rin ang atensyon nito sa dalawa. Naghiwalay na rin ang mga kamay ni Dylan at Kristian ngunit hindi pa rin tapos magbigay ng matatalim na tingin ang mga ito. Kinagat ko ang ibabang labi ko at ibinalik kay Trey ang tingin.
"Yep! Actually, kasama ko yung co-player ko. Nasaan ba yun?" May hinanap ito sa likuran ko kaya napalingon din ako. "Skyler!"
Nanigas ang katawan ko nang banggitin niya ang pangalan ng kasama nito. It can't be. Lalong kumabog ang dibdib ko nang lumingon ang isang lalaki sa gawi namin at magsimulang lumakad.
Skyler.
Humarap ulit ako kay Trey habang nakakuyom ang mga kamay. Tingnan mo nga naman ang pagkakataon. Nakakagago.
Mula sa pheriperal vision ko, inakbayan ni Trey si Skyler. "Tara dito, P're. Ipagmayabang mo ako sa pinsan ko!"
Kinagat ko ang ibabang labi ko at nag-isip kung paano ko pakikiharapan ito.
"Hi, Luna." Nanindig ang balahibo ko nang banggitin nito ang pangalan ko.
Huminga ako ng malalim. Madiin kong pinikit ang aking mata para maibsan ang kaba. Pagkatapos ay dumilat at hinarap sila. Nangiwi ako nang magtama ang mga mata namin. "L-Long time no see, Skyler."
Nabigla si Trey. "You knew each other? How---"
"She's her, Trey." Mahinahong sabi ni Sky habang hindi inaalis ang tingin sa akin.
Kumunot ang noo ko sa sinabi nito. Anong ibig sabihin niya? Kinukuwento ba niya ako sa pinsan ko?
"What?! Siya yung ex mo na mahal na mahal mo pa rin at iniwan mo lang para matupad ang pangarap mo?! Si Lulay yung sinabi mong babalikan mo at babawiin?! Yung ex mo na sinabi mong pakakasalan mo? Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin?!"
Katahimikan ang naghari pagkatapos ni Trey magsalita. Wala ni isa ang gustong magsalita. Napayuko ako. Ayokong salubungin ang mainit na tingin ni Sky. Nakayukom ang kamay nito na parang pinipigilan ang sarili.
Hindi ko rin matingnan si Dylan. Ngayong nandidito si Skyler, ano kaya ang mga masasakit na salita ang sasabihin nya sa akin mamaya?
"Awkward." Narinig kong sabi ni Kristian. Malamang ay naagaw namin ang atensyon ng dalawa para maputol ang pagbibigay nila ng matatalim na tingin.
Napapitlag ako nang may kamay na pumaikot sa bewang ko. Tiningala ko kung sino ang nagmamay-ari ng kamay na iyon. Nakita ko ang matigas na anyo ni Dylan. Matalim itong nakatingin kay Skyler. Gumagalaw rin ang panga nito.
Napalunok ako nang mapunta sa akin ang titig nito. "Uh.."
Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil sumulpot na si Tita Vivian. "Mga anak, tara na sa puwesto natin. Magsisimula na ang misa."
Hinila ako ni Dylan nang tumalikod na si Tita Vivian. Napasinghap ako nang sungguin nito si Skyler sa balikat. Mabigat ang paghinga nito kaya pinili ko nalang manahimik kaysa mag-away kami dahil sa ginawa nito kay Skyler.
Umupo kami sa unahang linya. Si Tita Vivian ang nasa unang upuan, katabi nito ang dalawang anak, at pagkatapos ay puuwesto si Skyler sa tabi ni Trey. Papaupo na sana ako sa tabi ni Sky nang hilahin ako ni Dylan. Ito ang umupo sa bakanteng upuan sa tabi ni Sky at ako naman ay sa gilid nito. Tahimik lang ako hanggang sa magsimula ang misa.
"Magbigay kayo ng kapayapaan sa bawat isa. Peace be with you." Masiglang sabi ng pari.
"Peace po. Peace be with you po." Nakangiti kong bati sa mga taong nakaupo sa likod na linya. Gumanti rin ng bati ang mga ito. Humarap ulit ako at tumingin sa gawi ni Dylan. Tumikhim ako para kunin ang atensyon nito at hindi naman ako nabigo doon. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. "P-Peace be with you, Dylan."
"Yeah." His head dipped down before I could move. My eyes widened, my lips parted and he caught the gasp that escaped my throat. Bombs exploded in my head. Fire rushed along my nervous system. "'Peace' be with you, too."
Ibinalik na nito ang tingin sa harap. My hands rose to my lips. I can't believe this. He kissed me. Hindi ako alam kung ilang minute akong nakatanga dahil sa ginawa niya. Nag-init ang mga pisngi ko dahil alam kong maraming nakakita ng ginawa ni Dylan, nasa unahan kasi kami. Bago ako makaharap, napansin ko ang isang lalaking nakasilip sa gawi ko. Si Skyler. Mababasa ang lungkot sa mukha nito. Nakaramdam ako ng guilt dahil alam kong ako ang may gawa n'un. Lumunok ako bago ito nginitian pero hindi iyon umabot sa mata saka ako humarap muli sa Altar.
Natapos ang misa. Nagmano ako kay Tita Vivian. Sinusundan namin ang pari sa bawat lugar na babasbasan nito. Ang ibang bisita naman ay pinauna na ni Mama sa buffet table. Naramdaman kong may humawak sa kamay ko. Nilingon ko kung sino iyon. Napatigil ako sa paglalakad. Napatingin ako sa magkahawak naming kamay at pagkatapos ay luminga sa paligid. Marahil ay hindi iyon napansin ni Dylan dahil may mga kausap itong mga businessman.
"Luna." Tiningala ko ito.
Lumunok ako bago sumagot. "Sky—"
Hindi ko na rin naituloy ang pagsagot dahil may mga kamay na humawak sa bewang ko. Inilayo ako ni Dylan kay Skyler ngunit humigpit ang hawak ni Skyler sa kamay ko. Tinaliman nito ng tingin ang kamay ni Skyler na nakahawak pa rin sa kamay ko. Ako na mismo ang bumitiw. Napayuko ako nang makita na naman ang lungkot sa mga mata ni Skyler.
"Let's go, Luna." Matigas na sabi ni Dylan. Papatalikod na sana kami ngunit humarap ulit si Dylan kay Skyler. Umangat ang isang gilid ng labi nito. "Don't be pathetic, Pare. Akin na siya, 'wag mo nang ipapilitan ang sarili mo sa kanya."
"Bakit mo sinabihan ng ganoon si Skyler, Dylan?!" Sabi ko habang hinihila niya ako papunta sa hindi mataong lugar.
"Shut the f**k up, Luna. Kanina pa ako naiinis sayo." Bawat pagdiin ng salita nito ay siya ring pagdiin ng kamay niya sa braso ko. Napapangiwi nalang ako.
Idiniin niya ako sa pader at saka inilagay ang kamay sa magkabilang gilid ko. Handa na sana akong sigawan ito ngunit na lunok ko rin iyon dahil napansin ko kung gaano kalapit ang mukha nito sa akin. Parang ang liit ko dahil sa ginawa nito. Napalunok ako nang bumaba ang tingin nito sa labi ko. Agad kong binasa ang ibabang labi ko. Anong gagawin ko kapag hinalikan niya ako uli?
Hinuli nito ang mga mata ko. Nakita ko ang pagtigas ng anyo nito. "Siya yung kausap mo sa party, right? Tsk! Hanggang dito ba naman dinala mo yung kakirihan mo, Luna?"
Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi nito. "Wala kaming ginagawang masama ni Skyler."
"Inaakit mo siya!" Gumalaw ang panga nito tanda na galit ito.
Napapikit ako ng mariin at dumilat. Nakakainis!
"You're delusional, Dylan. Kung ako sa'yo, magsisimba ako araw-araw." Tinaliman ko ang tingin ko sa kanaya. Tinulak ko ito ng malakas at inayos ko ang damit ko nang makawala rito. Ilang beses akong lumunok para maiwasang lumubas ang mga luha ko. "Para naman hindi puro kahalayan ang nasa isip mo!"
Muntik na akong mapasinghap nang dumampi ang palad nito sa pisngi ko. "Nagiging palaban ka na, Luna. Namimiss ko tuloy ang mahinang ikaw."
"Dahil sawang-sawa na ako sa pang-aapi niyo sakin. Tao ako, pero parang gamit kung ituring mo. May sarili akong utak, hindi mo ako kailangang kontrolin!" Pagkasabi ko nun ay tumalikod na ako. Nakayukom ang mga kamay ko habang naglalakad palayo rito.
Why can't I hate him?
Nahabol ko sila Tita Vivian sa gazebo, ilang minute lang ay sumunod na si Dylan. Hindi ito pinapansin hanggang sa matapos ang pagbasbas. Hindi ko na rin nakita si Skyler hanggang sa matapos iyon. Inaya na kaming pumunta sa Buffet Table para makapagtanghalian na. Nagulat ako nang ipagdusog ako ni Dylan ng upuan. Umugong ang tuksuhan sa lamesa namin, knowing Kristian and Trey. Palabas lang naman niya ang lahat ng ito. Binigyan ko ito ng ngiti ngunit hindi umabot sa mga mata ko at saka umupo sa upuan dinasog nito,
"Sige mga anak, magsikain kayo ng marami. Naku, lalo na kayo Dylan at Luna, ang layo pa naman ng biniyahe niyo." Sabi ni Tita Vivian. Mas pinili nitong sumalo sa amin dahil 'Family first' daw at mamaya na siya makikipagchismisan sa mga amiga nito.
"Okay lang po kami, Tita." Sagot ni Dylan habang hinihiwa ang karne na nasa plato nito.
"Oh, Skyler, bakit hindi mo ginagalaw ang pagkain mo? Hindi mo ba nagustuhan ang luto?"
Napatingin ako sa gawi ni Skyler. Nasa harap ko ito nakapuwesto. Tinutusok nito ang broccoli at saka sinubo.
"Okay lang din po ako, Tita. May.." Tumingin ito sa akin. I can see longing in his eyes. Napakagat ako sa ibabang labi ko. "..iniisip lang po ako."
"Naku, kung sino man ang iniisip mo ngayon, napakaswerte niya." Sabi ni Mama saka sinubo ang pagkain sa kutsara ito.
Tinaliman ko nang tingin si Kristian nang tumikhim ito saka ngumiti nang nakakaloko. Naramdaman ko ang mainit na palad ni Dylan sa kamay ko na nasa ibabaw ng lamesa. Kahit na gustong-gusto ko ang init niyon, kailangan ko pa ring maging matatagtag, ayoko ng malaman niya na sa bawat haplos niya ay naghihina ako. Pasikreto kong ibinaba ang kamay ko at inilagay iyon sa kandungan ko.
Tumikhim ako. "Uh, Tita, si Papa nga po pala?"
I just want to change our topic. Saka napansin ko ring wala si Papa, samantalang ang sabi ni Tita Vivian ay tatawagan niya ito.
"Naku, hindi daw siya makakapunta at pupunta siya ng Australia. Business. Panay nalang trabaho ang inaatupag niya. Simula nung mamatay si Avery (Eyv-ri).. " Malungkot na sabi nito. Tumikhim ito saka ngumiting muli. Alam kong ayaw niyang pag-usapan ang tungkol sa Mama ko dahil sa amin ni Camille. Ayaw na niyang maging malungkot at mangulila kami sa pagmamahal ng isang ina. "Kumain nalang tayo."
Pagkatapos ng tanghalian ay nagkwentuhan kami ni Tita Vivian tungkol sa kung paano niya naisipang magpatayo ng resort. At pati na rin ang mga nakita nitong magagandang places sa mga pinuntahan nitong bansa. Nakikita ko uli ang kislap sa mga mata nito na kinuha ng taong umiwan sa kanya.
Nagpaalam kami ni Dylan na magbibihis lang kami at mamamahinga ng kaunti. Maaga kasi kaming umalis at napagod pa sa biyahe. Pumunta kami sa kwarto namin. Walang umiimik ni isa sa amin. Hindi ako sumasabay kay Dylan sa paglalakad, lagi akong nasa unahan nito. Ngunit nararamdaman ko pa ang mainit na titig nito sa likod ko.
Pagkapasok ko ng kwarto namin ay agad akong dumiretso sa bedroom nito dala-dala ang mga maleta na inilagay ng Bell Boy sa may gilid ng pinto namin. Inilapag ko iyon sa ibabaw ng kama saka inalis ang mga damit sa loob niyon. Hindi na ako nabigla nang sabihin ni Tita sa akin na iisa lang ang kwarto, alam ko na kung saan ako matutulog. Sa Sofa, saan pa ba? Wala naming awa sa akin si Dylan, siguradong hindi niya ako gustong makatabi.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto.
"Mauna ka ng magbihis." Malamig kong sabi ko habang hindi nakatingin dito. Tumayo ako saka pumunta sa kinaroroonan ng pinto. Palabas na sana ako ngunit humarang si Dylan sa may pinto. Nagtataka ko itong tiningnan.
"Okay." Sinarado nito ang pinto sa likod nito. At pagkatapos ay isa-isang inalis ang pagkakabutones ng polo. Nagulat ako nang hubarin niya iyon sa harapan ko.
"A-Anong— Palabasin mo ko." Natataranta kong sabi. I gazed up at him in admiration as he threw his shirt onto the floor. His chest was well-built, with a small spattering of hair, and his six-pack looked like something from a fitness magazine.
"Bakit?" What what?!
"Lalabas ako. N-Nakaharang ka." Nag-iwas ako ng tingin dahil sa intensity na nakikita ko sa mata niya. Ano ba ang ginagawa niya? At higit sa lahat, ano ang balak niya?! I can't read him, damn it! "Fine! Tatalikod nalang ako."
Nanginginig akong tumalikod rito. Kung iyon man ang balak niya, hindi ko iyon maibibigay. Ayokong isipin nitong siya ang kahinaan ko. I need to fight my feelings for him. Pero bakit iba ang isinisigaw ng katawan ko? Gusto nitong harapin ko si Dylan at kung ano man ang gusto nitong mangyari. Pinilig ko ang ulo ko para maalis sa isipan ko ang malaperpektong katawan nito.
Nanigas ako nang may mainit at malambot na bagay ang dumikit sa balikat ko. Napasinghap ako nang maramdaman ang hininga nito sa bandang tainga ko. "You're so cold to me."
Mabilis ko itong hinarap. "A-Ano bang—"
His lips sealed over hers. His mouth covered mine, stopping any more words from getting out. Hindi ko alam kung sino ang nagtulak sa akin para pumikit at ilagay ang magkabilang kamay ko sa balikat nito. Kailangan ko siyang itulak, pero hindi ko magawa. Nalulusaw ako sa mga braso nito. Ang mga braso nito ay pumaikot sa bewang ko at mas diniin pa sa kanya.
Bakit niya 'to ginagawa sa akin? Pinaparusahan ba niya ako?
Idiniin niya ako sa pader sa mas magkalapit pa ang katawan namin. Ibinaba nito ang isang strap ng dress ko.
Why am I responding to his touch?! God, I'm dying for his touch! Hindi ko alam kung ilang beses kong inisip kung kalian ko mahahawakan ng ganito si Dylan?
Bumaba ang halik nito sa leeg ko, napaungol ako sa ginawang pagkagat nito doon. Napasabunot ako sa buhok niya at lalong humigpit iyon nang pumaba ito sa collarbone ko.
Itinigil nito ang paghalik sa akin at saka tinitigan ako sa mga mata. Nag-init ang mga pisngi ko. Hingal na hingal kami pareho. Dream come true na ba ito? Nagsisimula na bang magkaroon ako ng puwang sa puso niya?
Umangat ang isang labi nito at ibinaba ang tingin sa dibdib ko. "Okay na 'yan. Para malaman ni Skyler kung saan siya lulugar."
Nalito ako sa sinabi nito. Lumayo siya ngunit seryosong nakatitig pa rin siya sa akin. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin na malapit lang sa may pinto. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mga pulang hickeys na nasa leeg at dibdib ko. Namula ako sa galit.
"You son of a b*tch!" Lumapit ako rito at sasampalin kung hindi lang nasalo ni Dylan ang kamay ko.
"No, Luna. You're the b***h. " Sabi nito. Nasaktan man sa sinabi nito ay hindi ko pinahalata. "Palatandaan lang 'yan na, kahit 'di kita gusto. Akin ka pa rin."
"Get your hands off me, Dylan!" Pilit kong binabawi ang mga kamay ko.
Binitawan nga ni Dylan ang mga kamay ko pero agad din nitong hinawakan ang braso ko. "Mahal mo ako 'diba? Kung mahal mo ako, susundin mo lahat ng gusto ko!"
Paano nito nalaman ang tungkol sa nararamdaman ko sa kanya?
"Akala mo, hindi ko alam ang tungkol doon? I read the letter Camille left for you." Nabigla ako sa sinabi nito.
"Pumasok ka sa kwarto ko?"
"That room is part of my house. Gagawin ko ang lahat ng gusto kong gawin sa pag-aari ko."
Napakagat ako sa aking ibabang labi. "I know you'll never love me back."
"You're right." Mahina nitong saad.
"Hindi ko naman pinipilit ang sarili ko sa'yo. Sinukuan na kita, Dylan. Hinihintay ko nalang 'yung araw na ilalabas mo ang annulment papers para makaalis ka na at mahanap si Camille. She's the one you love, I'm just her substitute." Nakayuko kong sabi, mabilis na tumulo ang luha sa aking mga mata. This is the first time na nag-usap kami ni Dylan ng ganito katagal.
Ang madiin nitong hawak sa braso ko ay unti-unting lumuwag. "You're not her substitute. I've never looked at you that way."
Napaangat ako ng tingin. "Huh?"
"You cry a lot. You're clumsy. You don't know how to stand for yourself. You know how to cook, it was delicious." He ate the food I made for him? "You're a total opposite of her. Which is why, I won't fall in love with you."