CHAPTER 3
LUNA
Nang maisilid ang lahat ng aking naiwang gamit sa bag ay inilagay ko na iyon sa aking balikat.
"Where are you going?"
Napatigil ako nang marinig ang malamig na tinig na iyon. Dahan-dahan akong lumingon. "I'm leaving, Dylan."
Inalis nito ang pagkakasandal sa hamba ng pintuan. "You're at Hotel Vega, right?"
Nanlaki ang aking mga mata. "Paano.."
"How many times do I have to tell you?" Lumapit ito sa aking at tumayo sa aking harapan. "That if I'm going to hell, I'll take you with me."
"Ayoko na, Dylan."
"Hindi mahala kung ano man ang nararamdana mo, Luna. Wala akong pakielam. Dito ka sa bahay na ito titira, kasama ko." Mahina ngunit madiin nitong saad.
"Natatakot na ako sa mga bagay na kaya mo pang gawin sa akin. You treat me like a trash, your friends almost r***d me— hindi ko na alam, Dylan. Pagod na ko." Hindi ko napigilan ang humikbi.
Nagpunta muli ang tingin nito sa aking braso. Napakislot ako nang dahan-dahan niyang hawakan iyon. Pinagmasdan ko lamang ang pagbabago ng ekspresyon nito.
Ngunit hindi pa man nagtatagal ay naging blangko muli ang mukha nito at binitawan ang aking kamay. "I've already called the hotel. Ide-deliver nila ang gamit mo dito bukas."
"Dylan, this isn't right anymore."
"Wala pa sa kalahati ng sakit na nararadaman mo ang naramdaman ko nang gaguhin niyo akong magkapatid." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay lumabas na siya ng aking kuwarto.
Pagkalipas ng dalawang araw ay nagulat ako nang imbitahan niya ako sa isang business party at binilhan ng damit. Iyon ang unang beses na nakatanggap ako sa kanya ng isang bagay.
"Umayos ka, Luna. 'Wag mo kaming ipahiya ni Papa." Mariing sabi sakin ni Dylan habang papasok kami sa hotel na paggaganapan ng business party.
Lahat ng investor, business partners at directors ay naroon sa party kaya hindi kami dapat mawala. Nais daw kasi nilang makilala ang asawa ng nag-iisang heredero ng Reyes dahil ang iba rito ay hindi naka-attend ng kasal. Tutal naman ay gumaling na si Dylan sa lagnat nito dalawang araw na ang nakakaraan, pinayagan na sya ng doktor na pumunta sa party.
Tumango lang ako rito at inilagay ang kaliwang kamay sa braso nito. Huminga ako ng malalim para kalmahin ang naghuhurumintadong puso ko. Minsan ko lang mahawakan si Dylan pero grabe kung bumilis ang puso ko.
Pagkapasok palang namin ay marami ng lumapit kay Dylan. Bumabati ang mga ito at nangangamusta. Dahan-dahang inalis ni Dylan ang kamay ko sa braso nya na hindi nahahalata ng mga kausap nito. Inilagay ko ang mga kamay ko sa gilid ko at ngumiti ng pilit sa mga kausap nito para naman mukhang nakikinig ako kahit na hindi ko maintindihan kung ano ang pinag-uusapan nila.
Napunta sa akin ang titig ng isang may-edad na lalaki. Tumaas ang isang gilid ng labi nito at sinuyod ang kabuuan ko. "You must be.."
"I'm Luna, Sir." Inabot ko ang isang kamay ko rito para sana makipag-shakehands, ngunit kinuha nito iyon para dalin sa mga labi nito. Ew, creepy.
"You have a very stunning wife, Mr. Reyes." Sabi nito na hindi manlang inaalis ang tingin nito sakin.
Ngumiti lang si Dylan dito at bumalik na ang atensyon sa mga kausap. Tiningnan kong muli ang lalaki at nakatingin pa rin ito sakin. Tumaas ang mga balahibo dahil sa nakikita ko sa mga mata nito. Nakakabastos. Tiningala ko si Dylan pero wala itong pakialam kahit na nababastos na ako sa mga mata ng lalaki. Nagtago ako ng kaunti sa likod ni Dylan para maitago ang kalahati ng katawan ko.
Napahinga ako ng maluwag nang magpaalam na si Dylan sa mga ito para puntahan ang dalawang matanda na nakaupo malapit sa amin. Sumunod ako kay Dylan nang maglakad ito patungo roon. Umupo kami at nagsimula ng mag-usap ang tatlo. Mag-asawa pala ang mga ito. At mag-tatlumpung taon na silang kasal. Nakakainggit nga eh. Kitang-kita parin ang sweetness kanilang dalawa.
Ano kaya ang future ko kay Dylan sakaling hindi bumalik si Camille? Huminga ako ng malalim at tiningnan si Dylan habang nakangiti sa kausap nito. 'Di nya ko tinitingnan, 'di nya ako kinakausap pero alam kong pinakikiramdaman nya ako.
"Mrs. Reyes? Luna?"
Siniko ako ng mahina ni Dylan at matalim na tiningnan. Napatuwim ako sa kinauupuan ko. "H-Huh?"
"Pay attention, Luna. Damn it." Bulong ni Dylan. Sapat lang para marinig ko.
"S-Sorry." Tumikhim ako at tumingin sa mag-asawa. "Ah, Pardon?"
"Business talk bores you, Hija?" Sabi ng ginang.
"Ah, No. Not really." Mabilis kong sagot.
"She finished Business Administration, Mr. Martinez." Singit ni Dylan.
Napayuko ako. Sa totoo lang, si Camille ang nagtapos ng B.A. Ako naman ay designer, parang si Mama. Hindi naman gusto ni Cam ang B.A, pinilit lang sya ni Papa dahil sa kanya ipapamana ang lahat ng ari-arian nito. May mamana rin ako pero, aasahan ko pa bang malaki? Bobo ang tingin ni Papa dahil designing lang ang natapos ko.
"That's wonderful!" Sabi ng ginoo. Biglang umalingawngaw ang isang malumanay na kanta. "Oh, wait.. Maganda ang kanta. Excuse us."
"Ayain mo rin sumayaw ang asawa mo, Dylan." Sabi ng ginang nang tumayo ito para isayaw ang asawa.
Tumango at ngumiti lang si Dylan. Tumayo ang mga ito at iniwan kami ni Dylan. Pagkatapos nun ay tumayo na rin si Dylan at walang sabing iniwan ako. Nagpunta ito sa isang tumpok ng mga businessman.
Huminga ako ng malalim. Ano pa ba ang aasahan ko? Magiging sweet sya sakin dito sa party? Hindi naman masamang mag-assume 'diba?
Tumayo na rin ako at nagsimulang maglakad sa mga loob ng hotel. Nakipag-usap ako sa ibang kababaihang sa tingin ko ay approchable. Since, desingning ang natapos ko, binigyan ko sila ng mga advice kung ano ang bagay sa kanila or kung ano ang 'wag nilang isusuot. Yung iba nao-offend pero yung iba naman ayos lang sa kanila.
Nagpaalam ako sa kausap ko at nagpunta sa labas ng hotel. Doon ay may gazebo at may maliit na falls sa gitna nun kaya nagmukhang malamig sa lugar. Tumayo ako sa may falls at pinagmasdan ang tubig na bumabagsak doon. Nakaka-relax na tingnan iyon. Tumingala ako sa langit. Nice! Full moon.
"Nice. It's full moon." Isang taong may baritonong boses ang nagsalita sa likuran ko.
Nilingon ko ito. Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ang lalaking nagmamay-ari ng boses. "Y-You— When— Since.. What?!"
Napangiti ito sa reaksyon ko. "Good Evening to the most stunning lady right in front me."
"Ako lang naman ang babae sa harapan mo ngayon, Skyler." Yes, he's here. Finally. Skyler. It's been a long time.
Ipinasok nito ang isang kamay sa bulsa ng kanyang slacks. "I know ten year's been a long time but I figured you'd wait for me."
----
"So, aalis ka na nga? Kailan mo 'to balak sabihin sakin?" nagtatampo kong sabi rito. Narinig ko kasi ang pag-uusap ng mga kabarkada nito sa may soccer field. Pupunta na pala itong Canada at doon na ipagpapatuloy ang kolehiya.
Skyler's my boyfriend. Nine months palang kami pero iiwan na nya agad ako? Akala ko ba walang iwanan?
"W-Wala kasi akong lakas ng loob na sabihin sayo." Hinawakan nito ang magkabilang balikat ko."Pero, Babe----"
Tumulo ang luhang kanina ko pinipigilan. "Iiwan mo ko?"
"No. No. I won't. Never. I love you so much." Sabi nito at hinalikan ako sa noo.
Kung hindi sya aalis, hindi nya matutupad ang pangarap nyang maging isang sikat na soccer player. Baka ako ang sisihin nya sa huli kung bakit nahadlangan ang pangarap nyang iyon. At ayokong mangyari iyon.
"Skyler, ayokong maging hadlang sa pangarap mo. I know you want to be the best football player." I cupped his jaw and looked straight to his eyes. I smiled sadly. "Nandito lang ako."
"Hintayin mo ko. Babalikan kita. Pangako." Niyakap nya ako ng mahigpit."Kahit nasaan ako, kung kailangan mo ako, darating ako, Babe."
"Oo. Hihintayin kita."
"Luna, I want you to remember this. I love you. Whatever happens, it will stay that way. Babalikan kita. Ano man ang mangyari babalikan kita."
-
Nag-iwas ako ng tingin rito. "Let us not talk about the past, Skyler."
Wala man lang kamustahan o kung ano pa man. Hay, siya talaga ang Skyler na kilala ko. Straight-forward Jerk!
"You've never change, my love. You're still the warm-hearted girl I loved and still love. I can feel it." naalarma ako nang unti-unti na itong lumapit sa kinaroroonan ko.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Hindi ko maigalaw ang mga paa ko na lumayo rito. "Sky."
Napasinghap ako nang yakapin nya ako ng mahigpit. "I missed you so much."
"Don't. Sky." I tried to push him. "I'm marrie—"
"You're married to Dylan Reyes. I know." Lumayo ito ng kaunti sakin. Ginamit nito ang hintuturo para iangat ang mukha ko at magpantay ang mga mata namin. "You love him?"
Nabigla man sa sinabi nito ay agad rin akong nakabawi. "YES. But he— it's a long story, Skyler. I-I need to go back."
Lalagpasan ko na sana ito pero bigla nitong hinawakan ang braso ko at hinila ako paharap muli sa kanya.
Nakita ko ang lungkot sa mga mata nito. "Kinalimutan mo na ako? 'Diba ang sabi ko babalikan kita. Bakit hindi ka nakapaghintay, Luna?"
Napayuko ako. "N-Nakita ko kasing nakakalimutan mo na rin ako."
Nabalitaang kong nagkaroon ito ng girlfriend doon. Minsan kasi ay tinatawagan ko ito at ang nakasagot ay si Manager Shaun, ang manager ni Skyler, at sinabi sa aking may bagong babae na si Sky.
Nung una, hindi ako naniwala. Pero isang araw ay napanuod ko nalang ito sa telebisyon na may kasamang babae, marami itong litrato na kasama ang babae. Isa na roon ang labis na nakabigla sakin, ang litrato nitong naghahalikan sila. Kasabay nun ay ang pagkawala ng komunikasyon namin.
"How can I forget the only girl I fell inlove with?"
Nag-iwas ako ng tingin rito. "I-I fell out of love, Sky."
"Yeah. I can see that." sarkastikong sabi nito.
"Sky—"
"You looked lonely. Parang iiyak ka na anytime. Let me guess, your father?" Hinawakan nito ang magkabilang pisngi ko at tiningnan ako ng diretso sa mga mata.
Comfort. Ito yung matagal ko ng hinahanap at ngayon ko nalang ulit naramdaman. Sa bisig ni Skyler. Isang pamilyar na init ang naramdaman ko. Ngayon ko lang napansin kung gaano ko namiss si Sky.
Bigla ko itong niyakap. Awtomatikong bumuhos ang mga luha ko. Simula nung nawala ito ay wala na akong mapagbuhusan ng sama ng loob, wala nang nag-cocomfort sa akin. Namiss ko ang bestfriend ko.
"Sorry. Nabasa tuloy yung suit mo." Natatawa kong sabi habang hinahawakan ang bahagi ng polo nito.
Lumayo ako rito at tumalikod para mag-ayos ng sarili. Pagharap ko rito ay mataman itong nakatingin sakin. Hindi man ito nagsasalita ay kita ang pagtataka nito. Nakatingin ito sa may braso ko na medyo namumula pa dahil sa lapnos. Nawala na pala yung make up na nilagay ko roon. Hindi na naman gaanong mahapdi eh! Itinago ko iyon sa likod ko. Ibinuka nito ang labi pero inunahan ko na sya sa pagsalita.
Tumikhim ako. "Sky, I need to go back. B-Baka hinahanap na ko ni Dylan."
"When can I see you again?" Seryosong sabi nito at hinawakan ang kamay ko.
"I don't know, Sky. Please, let me go."
"I have my ways, Luna. I'll have you again." determinadong sabi nito at binitawan ang kamay ko.
Tumalikod ako rito. "I waited for you, Sky. But I can't wait that long. I'm sorry." Sabi ko bago pumasok ulit sa loob. Tanggapin na nyang, hindi na kami magiging tulad ng dati.
Pagkapasok ko ay dumiretso ako ng comfort room para mag-retouch. Nagulo kasi ang make-up ko dahil sa pag-iyak ko kanina. I let my guards down. Damnit! Pero si Skyler lang naman 'diba? He understands.
Walang tao sa loob. Malamang ay busy ang mga ito sa pakikipag-usap o pakikipagdeal sa iba. Once in a lifetime opportunity lang kasi ang maimbitahan sa mga party na katulad nito. Maraming pwedeng makilalang tycoons all over the world.
Nakarinig ako ng ungol ng babae. Minumulto na ba ako? Pagtingin ko sa dulong cubicle ay halatang dalawa ang taong naroroon.
Ano ba yan! Dumayo pa ng comfort room. Walang modo! Hindi ba nila alam na public toilet ito? Grabe! Gaano na kaya sila kataga—
"Oh, Dylan.." nanigas ako dahil sa narinig na pangalang inungol ng babae.
Dali-dali kong ini-lock ang pinto ng CR bago pa may makapasok na ibang tao. Hanggang dito ba naman? Wala na ba syang pinipiling lugar?
Sa wakas ay bumukas rin ang pinto ng naturang cubicle. Unang lumabas ang babae na may magulong buhok at make-up. Napatayo ako ng tuwid nang sumunod na ang lalaki. Hindi na ako nagulat. Nagulat pa ito ng makita ako ngunit agad ding bumalik sa panlalamig ang ekspresyon nito.
"Oh. It's your wife." Sabi nito habang pinapasadahan ng mga mata nito ang kabuuan ko. Pumunta ito sa may salamin at nag-ayos ng sarili. "See you, Dylan." Hindi nagsalita si Dylan. Tumango lang ito. Lumabas na ito.
Tumikhim ako at huminga ng malalim. "H-Hintayin nalang kita sa l-labas."
"Wait."
Tumigil ako at humarap dito. "Bakit?"
"Ayusin mo yung necktie ko." Utos nito.
Tiningnan ko ang necktie nito na naalis sa pagkakatali. Lumapit ako rito at sinimulang ayusin iyon. Pinanatili ko ang distansya namin. Hangga't maari ay 'wag itong madikit sakin. May hangganan ang bawat pasensya ng tao.
"Bakit parang nandidiri ka sakin? Lumapit ka pa, Luna." Hinawakan nito ang braso ko pero agad kong inalis ang kamay nito roon.
Nagsalubong ang kilay nito. Binilisan ko ang pag-ayos sa necktie nito at pagkatapos ay tumalikod. Bago pa man ako makalabas ay hinatak nito ang mga braso ko at idiniin ako sa dingding.
"Bitawan mo ko, Dylan!" asik ko rito.
"Lumalaban ka na ngayon, ha?" galit na sabi nito. Naamoy ko ang alak sa hininga nito.
"Get your filthy hands off me! You disgust me!" Minsan kailangan na nating lumaban dahil sobra na ang sakit.
He smirked. "Filthy, huh?!"
"Bitawan mo ko, Dylan! Masakit, ano ba?!"
"Nakita mo lang ang lalake mo, tumapang ka na." Madiin nitong sabi.
Nanlaki ang mga mata knm. "Paanong—"
"Akala mo 'di ko nakita?" Tumawa ito ng pagak.
Natatakot ako sa nakikita kong galit sa mga mata nito. "Sto—"
Hinawakan nito ang aking buhok. Halos mapapikit ako nang maramdamang humadi ang aking anit. "Kapag may ibang nakakita sa inyo, lagot ka sa akin. Naiintindihan mo?! Sagot."
"Oo. Please, let me go." Pagmamakaawa ko.
"Good." Iniwan niya ako at bumalik na sa party.
Inayos ko ang aking sarili. Tumutulo pa rin ang luha ko kapag naaalala ko ang ginawa ni Dylan. Naramdaman ko ang paninikip ng dibdib ko kaya agad kong kinuha ang inhaler ko sa loob ng purse.
Paglabas ko ay agad kong hinanap si Papa. Kausap nito si Dylan. Nanlamig ang buo kong katawan nang mapunta sa akin ang mata ng dalawa. Ngumiti si Dylan at lumapit sakin.
Napaigtad ako ng hawakan niya ako. "Scared? That's good."
Kahit nanginginig sa takot ay hinayaan ko itong hawakan ako. Ngumiti ako ng pilit nang makalapit na kami sa kinaroroonan ni Papa. "H-Hi, 'Pa."
Kita sa kilos nito na napipilitan lang syang yakapin ako. "Kung makikipagkita ka sa lalaki mo, siguraduhin mong walang makakakita sa inyo. Ipinapahiya mo ko." Mariin nitong bulong sa tapat ng tenga ko.
Nanlaki ang mga mata ko. Lumayo ako rito. "H-Hindi, Pa. I can expl—"
"May iba pa bang nakakita sa kanila, Dylan?"
"Wala na. Ang mag-asawang Sandoval lang." sagot ni Dylan at binigyan ako ng matalim na tingin.
"Tingnan mo na?! Mabuti pang hindi ka dinadala sa mga ganitong event. Pati ang apleyido ni Dylan, ibinababa mo!" Mariin nitong sabi. Mabuti nalang at wala masyadong tao sa paligid namin dahil nagsisimula ng magsiuwian ang mga ito.
Ako talaga? Ako na naman. Grabe. Kung alam mo lang 'Pa. Naiinggit ako sa mga taong may mapag-arugang ama. Akala ko ba tatay ang tagapagligtas ng babaeng anak. Napapayuko nalang ako sa mga sinasabi nito.
"That's enough, 'Pa. Ako na ang bahala sa kanya." Pigil ni Dylan.
Huminga ng malalim si Papa at hinilot ang sentido. "Mabuti pa nga. Iyang babae na iyan ang papatay sakin."
Ilang beses ko pang sasabihin sa sarili kong kaya ko pa? Hanggang saan ko pa kayang tiisin?