bc

Married By Mistake

book_age16+
30.6K
FOLLOW
173.3K
READ
billionaire
possessive
contract marriage
love after marriage
pregnant
arranged marriage
arrogant
badboy
drama
sweet
like
intro-logo
Blurb

TAGALOG/FILIPINO | COMPLETED

Veronica Luna fell inlove with Dylan Caden the first time she saw him. But she's not the the one he loves. Dylan Caden was in a relationship with her twin sister, Veronica Camille, who is loved by many. One day, Luna didn't make it on her sister's wedding due to misfortune event. But when she arrives at their house, her father was furious. Dylan was looking at her like she killed somebody.

When Luna learned the reason behind their anger, she was shocked. The name on the marriage contract was not Camille but hers. How did that happened?

——-

NOVEL BY: SWEETKITKAT

Published date: 2014 - 2017

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
PROLOGUE VERONICA LUNA "Luna, I want you to meet my boyfriend." Saad ng kakambal kong si Camille habang hila-hila ako papunta sa labas. Tumindig ang balahibo ko nang lumabas ang isang matangkad na lalaki mula sa sasakyan. I was at a loss for words over his sheer hotness, and far too fascinated by the man walking toward us. Niyakap ni Camille ang lalaki sa braso. Hindi ko alam pero parang napipilitan si Camille na kumilos. "Luna, I want you to meet, Dylan Caden. My boyfriend." "Hi." He smiled. I saw him extend his hand, but couldn't bring myself to shake it. And I couldn't tear my eyes away from his face. When his brows snapped together at the delay, I lurched back to reality and hastily placed my cold hand in his large, warm one. "Luna." I murmured breathlessly. His strong handshake sent tingles up my spine and through my body. "Veronica was right. Identical nga kayo." His laughed was music to my ears. "Ahm, yeah." Ngumiti ako ng matipid at nag-init ang magkabila kong pisngi. Veronica pala ang tawag nito kay Camille. Pareho kaming may Veronica sa pangalan, ako ay Veronica Luna at ang aking kakambal naman ay Veronica Camille. It was our mother's name, ngunit hindi na namin ito nasilayan dahil namatay siya sa panganganak sa amin. "Gaano na kayo katagal?" Tanong ko habang naglalakad kami papasok sa bahay. Lumingon sa akin si Dylan at nag-iwas ako ng tingin. Napakabilis ng t***k ng aking puso. "Let's see, six months." Tumango lang ako at pumasok kami sa loob. Nadatnan namin si Papa na nakaupo na sa one sitter sofa. Malamig ang mga mata nito nang tingnan ako. I bowed my head at nagpahuli sa paglalakad. "What's wrong?" Bulong ni Camille. "I should leave. Baka magalit si Papa." "No. Don't leave. Stay with me." Pagmamakaawa nito. Nagtataka man sa tono ng boses nito ay pinili kong huwag itong iwanan. Tumayo si Papa nang lumapit si Dylan. "Dylan Caden! Ang akala ko ay hindi ka na pupunta." Ngumiti si Dylan at kinamayan si Papa. "Hello, Sir." Umupo na kami at nagdala ang katulong ng merienda sa sala. "Any special reason why you visited at this hour? It's past dinner time." Tumikhim si Dylan at hinawakan ang isang kamay ni Camille. "Tito, I want to marry your daughter." Hindi ko nakitaan ng pagkabigla si Papa. Ngunit naramdaman ko ang paninigas ni Camille sa tabi ni Dylan. Naramdaman ko ang pagkabalisa nito. "Parang ang bilis naman ata. Ilang buwan palang kayo ni Camille, hindi ba?" Singit ko. Tumalim ang tingin ni Papa sa akin. "Hindi ka kasali sa usapang ito at hindi ikaw ang magdedesisyon dito. So, leave." "P-Pero, 'Pa—" "I said, leave! Now!" Tumayo ako at tinungo ang kinaroroonan ng pool namin. Inalis ko ang aking sandals at inilubog ang binti ko sa tubig. Hindi ko alam kung gaano katagal na nakatulala sa kawalan. Naramdaman ko nalang na may tumabi sa akin. Inilusong din ni Camille ang mga paa sa tubig. She sighed. "I going to get married, Luna." "You didn't reject him? You've only dated for six months." Bahagyang nilaro ng mga paa nito ang tubig. "We need him, Luna." "What do you mean by that?" "Natalo si Papa sa sugal at nagkaroon ng malaking pagkakautang. Palubog na tayo, Luna." Napatingin ako sa malayo. "Camille." "Yeah?" "He's you're boyfriend and you love each other, I think everything will be alright. You're kind and understanding, I'm sure magwowork ang relationship niyo." Natawa ito ng mahina. "Minsan naiisip ko mas gusto kong maging ikaw. I want to be invisible too." "Hindi mo alam ang pakiramdam na tratuhin kang hangin, Camille. Mahirap. Bakit pa kasi namatay si Mama dahil sakin?" Akala nila Papa ay isa lang ang anak nila. Hindi kasi ako nakita sa Ultrasound dahil natabingan daw ako ni Camille at nang inilabas ako ni Mama, n'un siya nalagutan ng hininga. "Hindi mo naman kasalanan ang lahat. Sadyang makikitid lang ang utak ng ibang tao, Luna. One day, he will realize that he's lucky to have a daughter like you." Mahinang sabi ni Camille habang nakatingin sa tubig. "Congratulations. Magiging Reyes ka na." "Yeah." Tumawa siya ng pagak. "Someday, I'm going to be free as a bird." Hindi ko na natanong pa sa kanya kung ano ang ibig niyang sabihin doon. Nang mag-gabi na ay umuwi na si Dylan. Pinagmasdan ko ang kotse nito hanggang sa hindi ko na makita pa. Ilang araw ang lumipas at sobrang busy na ni Camille sa kakaayos ng kanyang kasal. Halos hindi na nga kami nagkikita dahil sa dami ng ginagawa niya. Samantalang ako naman ay gumagawa ng maraming desinyo ng damit dahil kailangan na iyon makita ng customer ko bukas. Halos ilang kape na ang ininom ko para lang huwag antukin, malait na kasi ang deadline at kulang pa ako ng tatalo pang disensyo. Nakaupo ako sa harap ng aking table at napipikit na ang aking mata nang bumukas ang aking pinto at pumasok si Camille. Nakapantulog na ito. Tumingin ako sa aking relo at napag-alamang alas-kwatro na pala ng umaga at hindi pa rin ako natutulog. "Hi." Sabi nito. "Ang aga mo naman nagising?" Humikab ako. Nag-iwas ito ng tingin. "Ano, kasi, may gusto lang akong papirmahan sayo." Tiningnan ko ang hawak nitong folder. "Huh? Ano?" "Ahm, gusto kasi kitang gawing partner sa ipapatayo kong bagong negosyo. Ano lang 'to, pirmahan mo nalang." Nabahid ko ang kaba sa kanyang boses. Inilahad ko ang aking kamay. "Akin na." Nang mahawakan ko ang folder ay nakaramdam ako ng hilo. Agad na lumapit sa akin si Camille. "Pirmahan mo na iyan at matulog ka na." "Teka, babasahin ko pa." Hinanap ko ang aking reading glasses ngunit pinigilan ako ni Camille. "Huwag na. Hindi naman kita lolokohin dahil kapatid kita. Pirmahan mo nalang dito." Sabi nito. Tumango ako at kinuha ang ballpen at pinirmahan iyon. Matipid ko itong nginitian at naglakad papunta sa akin kama. Pagkatapos ng dalawang araw ay lumipad na ako papunta sa CDO para maihatid ang drafts. Nagpaschedule ako ng flights sa araw mismo ng kasal ni Camille, iyun nalang kasi ang available na araw dahil peak season ngayong Disyembre. Pagkapasok ko sa airport ay may ilang pasahero na nagkakagulo dahil sa delay ang flight. Nagpanic ako dahil ilang oras nalang ay magsisimula na ang seremonya. Tinawagan ko si Camille upang sabihin dito ang sitwasyon ko "I'm sorry, Veronica Camille. Hindi ako makakabot sa kasal mo." Naiiyak kong sabi. Hindi ko naman ginustong mawala sa kasal ng nag-iisa kong kapatid. Pero kasi, hindi ko rin inaasahang nasira ang eroplanong sasakyan ko sana pabalik sa Bulacan. "What?!" "I'm sorry. Made-delay kasi ang flight ko. Nasira kasi yung eroplano, eh." Ilang beses na akong palakad-lakad sa airport at hindi mapakali. "K-Kahit sa r-reception?" Nakagat ko ang ibabang labi ko. "Sorry." "N-No, Luna. A-Ako ang dapat mag-sorry sayo." Her voice was trembling. Kumunot ang noo ka sinabi nito. Medyo magulo. "Huh? Bakit? May nangyari ba?" "W-Wala. Sige. Mag-iingat ka." "T-Teka—" "Bye, Luna." halos pabulong nitong sabi. "Huy, wait!" Hindi na nito hinintay na makapagsalita ako. Ilang beses ko siyang tinawagan ngunit hindi na nito sinasagot ang tawag. Pagkatapos ng araw ng kasal ni Camille ay saka ako palang ako nakasakay sa eroplano. Mabilis akong bumiyahe papunta sa Bulacan. Nagbayad ako sa taxi nang makarating na ako sa subdivision namin. Naglakad ako patungo sa bahay. Binuksan ko ang pinto at napasinghap nang makita si Papa at Dylan sa sala. Lumiwanag ang aking mukha. Nandito pa si Dylan kaya ibig sabihin, nandito rin si Camille. "Nasaan si Camille?" Mabilis na tumayo si Papa at nabigla ako ng ibato nito sa akin ang flower vase na nasa tabi niya, mabuti nalamang at naiwasan ko ito. Halos mapasigaw ako sa pagkagulat. "B-Bakit po?" "Nagmamalinis ka pa! Nasaan si Camille!?" Napatingin ako kay Dylan. Ito ang unang beses na nagtaas ito ng boses at galit na galit. "A-Ano? Hindi ko alam." Nagtataka kong tanong. Lumapit sa akin si Papa at hinawakan ang aking buhok. Naluha ako nang makita ang galit sa mga mata niya. "Nagmamaang-maangan ka pa! Ano ang sinabi mo sa kanya at ginawa niya ito sa akin?!" Hinila niya ako palapit sa kinaroroonan ni Dylan. Napangiwi ako sa sakit na naramdaman. Binitiwan ako ni Papa at tinulak para maupo sa tabi ni Dylan. Napatingin ako kay Dylan. Namumugto ang mga mata nito na parang kagagaling lang sa iyak. "Hindi ba't ikaw ang mas nakakaalam kung nasaan siya? She's your wife." "No. She isn't." Madiin na sabi ni Dylan. "Huh?" Pinakita nito sa akin ang isang papel. Nanginginig ko iyong kinuha. It was their marriage certificate. Pero mas nagulat ako nang makitang pangalan ko ang nakasulat doon at nakapirma ako roon. "Tell me, Luna." Hinawakan ni Dylan ang aking braao. Napangiwi ako sa sakit. "Nasaan si Camille at ano ang ibig sabihin nito?!" "Hindi ko alam!" Nalilito kong sabi. "Nalilito rin ako kung bakit pangalan ko ang nasa marriage certificate." "Bullshit!" Inis nitong sabi. "Sumama ka sa akin, at ipapasuri natin kung wala k aba talagang kasalanan." PUmunta kami sa isang lugar at ipinasuri ang pirma ko roon. Kapag nalamang hindi ko iyon pirma, null and void ang kasal. "What's the result?" Napalunok ako nang marinig ang ma-awtoridad na boses ni Dylan. Napayuko ako at umayos sa aking kinakauupuan. Nakaharap sa amin ang isang lalaki na sumuri sa aking pirma at isang lawyer. "This is authentic. Miss Garcia, base sa strokes ng pirma mo at pirma mo sa marriage certificate ay magkamukha." Sabi ng propesyonal na sumuri sa aking pirma. "P-Paano—" Napalunok ako. "Hindi ba pwedeng ipawalang bisa ang kasal?" "Annulment." Sabi ng attorney na inimbitahan rin namin. Napatingin ako kay Dylan. Nakita ko ang galit sa kanyang mga mata. Nangangalit rin ang kanyang panga. Naalala ko bigla ang pagpasok ni Camille sa aking kwarto at may pinapirmahan sa aking dokumento. Ito ba ang marriage certificate? "f**k!" Mariing mura ni Dylan. "Kailangan kong maikasal para makuha ang pamana sa akin ni Papa! Ikinasal nga ako pero hindi naman sa babaeng mahal ko." Nasaktan ako sa kanyang sinabi. "Let's have an annulment." I said. "Hindi pa pwede. Ayon sa batas, hindi pwedeng mag-file ng annulment one day after being married." Huminga ng malalim ang abogado at tumingin kay Dylan. "Mister Reyes, hindi ba't kailangan mong makuha ang mana mo? Bakit hindi muna kayo magtiis ng kaunti? You can file an annulment after mong makuha ang mana mo." "Damn it!" Mariing sabi ni Dylan. Tumayo ito at umalis ng conference room. Napapitlag ako sa malakas na pagsara ng pinto. Tumulo ang aking luha. I feel so unwanted.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Payment of Debt

read
90.0K
bc

Billionaire's Twins

read
266.7K
bc

Seducing The CEO - (COMPLETED) Filipino

read
553.1K
bc

His Property

read
950.5K
bc

The ex-girlfriend

read
141.2K
bc

The Secret Wife (Filipino)

read
635.2K
bc

That Billionaire Is My Husband

read
441.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook