CHAPTER 2
LUNA
Hinintay ko talaga na makaalis si Dylan bago ako lumabas sa aking kwarto. Hanggang ngayon kasi ay ramdam ko pa rin ang takot dulot ng nangyari kagabi. No one will protect me so I have to be more careful. Ngayong alam ko na wala na talagang pag-asa na pahalagahan ako ni Dylan ay ibinaon ko na sa limo tang nararamdaman ko sa kanya.
Pagdating ng katanghalian ay umalis na ako ng bahay namin. Medyo tanghali na rin kasi ako nagising dahil hindi agad ako nakatulog ng maayos. Kinailangan ko kasing puntahan yung isa branch ng Salon namin sa Valenzuela. Nagkaroon kasi ng problema doon.
Nag-concentrate nalang ako sa pag-drive hanggang sa makarating ako sa Salon. Pagkapasok ko ay sinalubong ako ng mga empleyada ko.
"Good Afternoon po, Ma'am Luna." nakangiting bati nito sakin.
"Good Afternoon. Kamusta?" Ganting bati ko sa kanya. Ibinaba ko ang bag ko sa lamesang nakalaan para sakin.
Pinalibutan ako ng mga empleyada ko. Nag-aalala ang mga mukha nito. "Naku, Ma'am. Medyo matumal po tayo ngayon. Bumaba rin po yung satisfaction rate natin."
Huminga ako ng malalim. "We can't please everybody, right? Gagawa nalang tayo ng paraan. Mag-iisip ako ng mga solusyon. As soon as possible."
"Atsaka, Setyembre palang naman ngayon. Madalang talaga ang customer ngayon pero panigurado pagdating ng Disyembre at Enero, dadagsa ang mga gusto ng make over." dagdag ko. Tumango ang mga ito.
Napatingin ako sa pinto nang tumunog ang bell nito na nasa taas, tanda na may pumapasok o lumalabas na tao. Nakita kong pumasok ang isang maputing babae. Nakasuot ito ng leather short na mas lalong naka-emphasize sa mahaba nitong hita at naka-pink hanging blouse. Wavy at makintab ang mala-tsokolateng buhok nito.
"I need a trim." ma-awtoridad na sabi nito nang mapunta sa akin ang titig nito.
Natigil ako sa tangkang pagtayo nang tumunog muli ang bell. Nanlaki ang mata ko. Si Dylan. Malamig nya akong tiningnan at pagkatapos ay lumapit na ito sa babaeng kararating palang.
"Hey, babe. Bakit bumaba ka pa ng kotse?" Sabi ng babae at yumakap sa bewang ni Dylan.
"I missed you." Malambing na sabi ni Dylan at bumaba ang mukha nito. Napakuyom ang kamay ko nang maglapat ang labi nila. Lahat ay napatingin sa dalawa.
Umungol ang babae nang laliman pa ni Dylan ang halik. Napatakip ako sa bibig ko para hindi makita ng empleyado ko ang panginginig ng labi ko dahil sa pinipigilang iyak. Ilang beses din ako lumunok para mapigilan ang luha ko. Nag-iwas rin ako ng tingin.
Bakit kailangan pa nyang ipamukha sakin na wala siyang pakielam sa nararamdaman ko? Bakit kailangan pa nyang ipamukha sakin na wala akong karapatan sa kanya?
Minsan na akong lumaban. Nakasama lang. Pumunta kasi ako sa opisina nya noon. Nang makita kong may kahalikan itong babae ay nag-eskandalo ako at ininsulto ang babae. Ang bunga? Nawala ang isa sa pinakamalaking deal ng kumpanya namin. Ako ang may kasalanan. Ako. Ulit. What's new?
Kaya madalas, nagpapanggap nalang akong walang pakielam kahit sa loob-loob, sobrang sakit. Takot akong makita na naman ang galit ng ama ko at ni Dylan. Parang ang liit-liit ko sa mga mata nila.
"Wait. Magpapa-trim muna ako." Mahinang inilayo ng babae si Dylan. Ngumiti ito at binigyan ng mabilis na halik si Dylan sa labi.
Umupo ang babae sa upuan na nakalaan rito at marahang inaasikaso ng empleyada ko. Panakanaka kong tinitingnan si Dylan. Nakaupo ito at nakatingin lang sa babae. Ni lumingon sa akin ay hindi ito nag-abala. Huminga ako ng malalim at yumuko.
Ilang minuto lang ay natapos ng i-trim ang buhok ng babae. Tumayo ito. Tumayo rin si Dylan at nilapitan ito. Yumakap ang babae sa bewang nito.
Hinawakan ni Dylan ang mukha ng babae at ngumiti. "Beautiful."
Napangiti ako ng mapait. Kahit kailan ay hindi ko iyon maririnig sa kanya.
Nag-angat ako ng tingin nang may bulto na lumapit sa harap ng mesa ko. Nasalubong ko ang malamig na titig ni Dylan. Napalunok ako.
Nagbaba ito ng pera sa ibabaw ng lamesa ko. "Keep the change."
Sinundan ko ito ng titig nang tumalikod na sya. Pinagmasdan ko kung paano nito ilagay ang kamay sa bewang ng babae at kung paano nito halikan sa noo ang babae. Hanggang sa paglabas nito ay nakatingin pa rin ako sa pintong nilabasan nila.
Ayos lang, Luna. Tama na.
Naging maingay ang mga empleyada ko. Nag-usap sila tungkol sa dalawang kalalabas palang ng salon. Pinag-usapan nito kung gaano kagwapo si Dylan, yung PDA nung dalawa at kung gaano kaswerte ang babae kay Dylan.
Kumirot ang dibdib ko. Hindi ko masabi sa kanila na 'Uy! Asawa ko yun at kabit nya yun! Astig diba?'.
Tapos ano? Iispin nilang napakatanga at masokistang asawa ko? Hindi ko ipapahiya ang sarili ko.
"K-Kailangan ko nang umuwi. Sumama kasi yung pakiramdam ko." pagsisinungaling ko at lumabas na.
Pagbalik ko sa bahay ay kinuha ko ang aking maleta at isinilid ang lahat ng gamit ko doon. Kung hindi ako aalis sa puder nito ay patuloy lang ito sa p*******t sa akin. Hindi na kaya ng puso ko ang mga ginagawa niDylan. Isinakay ko ang maleta sa aking sasakyan at nag-check-in sa isang hotel. Hindi naman siguro niya ako hahanapin, kasi hindi naman ako mahalaga sa kanya.
Nakatingin ako sa labas ng bintana at pinagmasdan ang mga ilaw mula sa nakapaligid na building. Ngayon lang ako nakaramdam ng kapayapaan na katulad nito.
Binuklat ko ang aking gamit upang kuhanin ang sketch pad ngunit wala ito roon. Siguro ay naiwan koi yon sa ibabaw nang aking kama dahil sa pagmamadali. Nag-drive ako papunta, mag-a-alas-siyete pa lamang kaya paniguradong wala pa roon si Dylan.
Nang maiparada ko na ang aking sasakyan ay dahan-dahan akong pumasok sa loob ng bahay. Pag-akyat ko sa hagdanan ay nagulat ako nang makita si Dylan na nakahiga sa flooring malapit sa pinto ng kanyang kuwarto.
Agad ko itong nilapitan. "Dylan?"
Mabigat ang bawat paghinga nito. Nang hindi ito gumalaw ay hinawakan ko na ang braso nito. Dumaiti sakin ang mainit na balat nito. "Nilalagnat ka Dylan."
Dumilat ito at matalim akong tiningnan. "'Wag mo kong hawakan!"
"Tutulungan kitang tumayo."
"Sinabing—" bigla itong umubo.
Sa pangalawang beses kong tulong dito ay tinanggap na nya. Pagkarating sa kwarto ay inihiga ko na ito.
Tinanggal ko ang sapatos nito. Ngunit pinigilan nito ang aking kamay ng tangkain kong tanggalin ang polo nito. "Kailangan mong magbihis. Para maginhawahan ka."
Dahil siguro sa panghihina ay sumuko na ito. Mapalunok ako nang makita ang kakisigan nito. Mainit ata? Kumuha ako ng white t-shirt sa cabinet nito. Buti naman ay nakipag-cooperate ito kaya mabilis ko syang nabihisan.
"Ang sakit ng ulo ko." Daing nito.
"Kumain ka na ba?" Umiling ito. "Kumain ka muna bago uminom ng gamot."
"Lumabas ka na. Matutulog nalang ako. Labas." malamig na sabi nito at itinakip ang braso sa mukha.
"Dylan..."
"Labas." Inalis nito ang braso at matalim na tumingin sakin.
Huminga ako ng malalim at tumayo. Pagkalabas ko ng kwarto ay dumiretso ako sa kusina para ipagluto ito ng lugaw. Kailangan nitong uminom ng gamot para mas madali itong gumaling.
Inilagay ko ang lugaw sa may mangkok at inilagay sa tray. Naglagay rin ako ng tubig at gamot. Dinala ko iyon sa kwarto ni Dylan. Nilagay ko iyon sa may lamesa sa gilid ng kama nito at umupo ako sa kama nito.
Kinilabit ko sya. "Dylan, wake up."
Dumilat ito at nagkunot-noo. "Hindi ba sinabi kong lumabas ka?"
Kinuha ko ang mainit na lugaw at ipinakita rito. "N-Nagluto ako. Kumain ka muna para makainom ng gamot."
"Ayoko." Tumalikod ito.
"Sige na, Dylan. Para gumaling ka na." Pilit ko rito.
"Gagaling ako kung lalabas ka dito. Lalong sumasakit ulo ko, eh!" Medyo pasigaw nitong sabi.
"Pero, Dyla—"
"Sinabing ayoko, eh!" Bigla nitong tinabig ang mangkok na may mainit na lugaw.
Tumapon iyon sa braso at hita ko. Bigla akong tumayo at napasigaw sa hapdi.
Bumangon ito at galit na tiningnan ako. "s**t! Binalaan na kasi kita!"
Tumakbo ako sa CR nito at nagmamadaling binuksan ang shower. Tiniis ko ang hapdi habang ibinababad ko ang paso sa malamig na tubig. Tinapat ko rin ang hita ko sa shower. Napapapikit nalang ako. Namula ang braso at hita ko.
Pagkatapos ko iyong ibabad sa tubig ay lumabas na ako ng banyo. Bumungad sakin ang malamig na titig ni Dylan.
"Linisin mo ang kwarto ko. Badtrip." Pagkasabi nya nun ay tumalikod na ito at umupo sa sofa.
"S-Sorry." Mangiyak-ngiyak kong sabi.
Lumabas na ako at bumaba papunta sa kusina. Dahil sa liwanag ng ilaw ay mas lalong naging malinaw ang pamumula ng balat ko. Kumuha ako ng ointment at pikit-matang ininda ang hapdi. Nang mahupa ang sakit ay dinala ko na ang mga palangganang may lamang tubig at basahan.
Maingat ko iyong dinala sa kwarto ni Dylan. Sinimulan kong punasan ang semento.
"Ang tagal! Gusto ko ng magpahinga!" sabi nito habang hinihilot ang ulo nito.
"Pasensya na."
"Sa susunod. Kapag sinabi kong ayaw ko, ayaw ko." madiin nitong sabi.
Sinunod kong palitan ay ang bedsheet nitong natapunan din ng lugaw. Pati punda at kumot nito ay pinalitan ko.
Tiniis ko paghapdi ng paso ko habang nililinis ang kwarto nito. Pagkatapos kong linisin iyon ay humiga na ito agad. Lumabas na ako dala ang palanggana at bedsheet nito na nakapatong sa balikat ko.
Inilagay ko ang bedsheet sa labahan at pagkatapos ay kumain ng kaunti. Dahil sa pag-aalala ko kay Dylan ay umupo ako sa gilid ng pinto nito at pinakikiramdaman kung dadaing ba ito. Naglagay din ako ng baso na may tubig sa gilid ko sakaling kailanganin nito.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto nito. Sumilip ako. Nakita kong pabaling-baling ito sa kama. Natatakot mang magalit ito sa akin, ay nilapitan ko parin sya. Hinipo ko ang noo nito. Mas lalong tumaas ang lagnat nya.
Pinunasan ko ang pawisan nitong noo. Hininaan ko rin ang air conditioner para hindi ito masyadong ginawin.
Inaayos ko ang kumot nito nang bigla syang dumilat. "Camille."
Kinagat ko ang ibabang labi ko. I'm not her.
"Camille, you came back." Umangat ang kamay nito at dumapo sa pisngi ko. "H-Hindi mo na ako iiwan, 'diba?"
Hinawakan ko ang kamay ni Dylan. Ayokong magsalita. Nakikita ko kasi ang pag-aasam nito na makita at makasama si Camille. Ang ekspresyon sa mga mata nito ang nagbalik sa dating Dylan na kilala ko. Unti-unting pumikit ang mga mata nito. Nakatulog na sya.
"Sorry, Dylan." Maingat kong binaba ang kamay nito at kinumutan. Kumuha ako ng unan sa kama nito at umupo sa sofa. Unti-unti ay dinalaw na ako ng antok.
Naalimpungatan ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mata ko. Umayos ako ng upo at tiningnan si Dylan. Nakahiga pa rin ito at nakapikit.
Nagdadalawang-isip ako kung hihipuin ko ba ito. Pero mas pinili ko nalang salatin ang noo nito. "May sinat ka pa."
Bumaba ako at tumawag ng delivery. Pagdating nun ay inihanda ko kaagad iyon. Dinala ko iyon sa kwarto ni Dylan. Nakaupo na ito sa kama at malamig na nakatingin sakin.
"Ahm. Kumain ka na. Nagpa-deliver ako, alam ko namang hindi mo kakainin yung luto ko."
"Ibaba mo nalang jan." Malamig nitong sabi.
"Eto na rin yung gamot." Sabi ko pagkababa ng tray.
Pagbaling ko kay Dylan ay nakatingin ito sa braso ko. Itinago ko iyon. "L-Labas na ko."
"Luna." Napatigil ako sa paglabas at tumingin dito. "Nevermind. Labas na."
Pagkasarado ko ng pinto ay biglang tumunog ang cellphone ko. Dali-dali kong dinukot iyon sa bulsa ko. Nagmamadali kong sinagot iyon nang makita kung sino ang caller.
"H-Hello, Pa?"
"Wala ka talagang kwenta! Hinayaang mong magkasakit si Dylan! Iyun na nga lang ang maitutulog mo sa akin, hindi mo pa magawa ng maayos." bumungad sakin ang galit na boses nito.
"Hindi po. Umuwi lang siyang nilalag—"
"Nagdadahilan ka pa! Kinailangang tuloy i-cancel ang general meeting! Wala kang kwenta! Pabaya! Peste!" Naiiyak ako sa paninisi nito.
"P-Pa—" Hindi na nya ako hinayaang magpaliwanag. Pinutol na agad nito ang tawag.
Huminga ako ng malalim at kinalma ang nararamdaman. Hinaplos ko ang napaso kong balat at tinanong ang sarili, may pagkukulang pa ba ako?