CHAPTER 1

1298 Words
CHAPTER 1 VERONICA LUNA GARCIA-REYES Halos madaling-araw na ay hindi pa rin umuuwi si Dylan. Hindi ganoon kalaki ang bahay na tinitirhan namin ngunit malimit kaming magkita. Maaga itong aalis ng bahay at umaga na rin uuwi. Talagang pinaparamdam niya sa akin na hindi ako ang nais niyang uwian sa bahay na ito. Narinig ko ang pagkalabog ng pinto namin kahit nasa loob ako ng aking kwarto. Tumayo ako sa aking kama at bahagyang binuksan ang pinto. Nanigas ang aking katawan nang hindi lang siya ang nag-iisang dumating. Nakayakap ang isang babae sa bewang nito at halos pambatang damit na ang kanyang suot dahil sa ikli niyon. This is his way of torturing me. "Ikaw lang ang nakatira dito?" Malanding saad ng babae. "Nope. May katulong ako dito." Walang ganang saad ni Dylan. "Baka marinig niya tayo kapag.." HInalikan ni Dylan ang leeg nito. "I don't care. Hindi naman siya mahalaga." Nanikip ang dibdib ko sa sakit ng sinabi ni Dylan. It wasn't my fault that Camille chose to leave him. Why can't they believe me? Lumabas ako ng aking kuwarto dahil rinig na rinig ko mula roon ang halinghing ng babae. Pumunta ako sa kusina at doon nagpalipas ng oras. Camille, you're so damn selfish. Akala ko si Papa lang ang nag-iisang tao na hindi tatanggap sa akin, ngunit heto at dinagdagan mo pa ng isa. Pagbalik ko sa sala ay nakita kong pababa si Dylan at ang isang balingkinitang babae sa hagdanan. Hawak nito ang bewang ng babae. "Dylan, next time ulit ha?" Malanding sabi ng babae. Ngumiti si Dylan. "Of course." Para lang akong hangin sa kanila. Hindi ito tumingin sa akin hanggang sa maihatid niya ang babae palabas ng bahay. Narinig ko ang pag-alis ng kotse ng babae. "Ahm, Dylan.." Malamig niya akong tiningnan. "What do you want?" "C-Could you stop bringing all your bitches in this house?" Natatakot kong sabi. Tao lang ako, may karapatan rin naman akong magalit. "Para kasing—" Hinaklit nito ang akong braso. Bumabaon ang mga daliri niya kaya napangiwi ako. "My bitches? The only b***h in this house is you, Luna." Nag-init ang sulok ng aking mata. "I'm not a bitch." "Yeah, you're right. You're a pest that needs to be vanished." Mariin nitong sabi. "Pasalamat ka at kailangan pa kita. Kapag nakuha ko ang mana ko, masahol sa basura ang itatrato ko sayo." Basura? "Hindi ko naman kasalanan ang pagkawala niya. Hindi ko nilason ang isip ni Camille. Wala akong ginawa." Dahilan ko. "Sino ang ginagago mo sa ating dalawa? Alam mo, Luna, 'wag ka ng magmalinis dahil matagal ka ng marumi." Hindi ko napigilan ang pagsampal rito. Minsan kailangan ding lumaban. Agad namula ang kanyang pisngi. Napasigaw ako ng malakas niya akong itinulak. Napaupo ako sa sahig. "How dare you, a piece of trash, slap me?" Lumuhod ito. Napaungol ako sa sakit nang hawakan nito ang aking panga. "You don't deserve this angelic face. You don't deserve anything in this world. So, Luna, go to hell!" Marahas niya akong binitawan. Nanginig ako sa sobrang sakit na nadarama. Hindi ako makatayo, tumakas na ang lakas sa aking binti. "Sa makalawa ay kaarawan ng isang board of director natin." Malamig nitong sabi. "Imbitado lang tayong dalawa pero ako lang ang pupunta. Sasabihin ko nalang na may sakit ka. Ayaw kong makita ka nila. Nakakahiya ka." "S-Si Papa.." He smirked. "Umaasa ka pang may pakielam sayo ang tatay mo?" Umakyat ako sa aking kwarto na may luha sa aking mata. Nanghihina akong umupo sa aking kama at tinitigan ang sulat na iniwan sa akin ni Camille. Luna, I'm sorry I did this horrible thing to you. I know you love Dylan. I can feel it. I want you to be happy. I know someday he will love you too. I'm not coming back anymore. I'm sorry. Camille Stupid Camille. She really is the most selfish b***h na nakilala ko. Hindi man lang niya naisip ang mararamdaman ko at ni Dylan. At dahil sa ginawa niya, mas kinamuhian ako ng mahahalagang tao sa aking paligid. Nanikip ang aking dibdib. Kinuha ko ang inhaler at inilagay sa aking bibig hanggang sa makahinga ako. Humiga ako sa aking kama. Bakit hindi nila ako kayang pakinggan? Bakit sa aming lahat, ako lang ang may kayang umintindi? Bakit masyado ko silang mahal kaya hindi ko sila maiwan? Umuwi ako ng maaga para ipagluto si Dylan ng hapunan. Lumabas ako ng pinto nang makarinig ako ng mga ingay mula sa labas. Nang buksan ko iyon ay tumambad sa akin ang tatlong kotse na nakaparada sa labas ng aming bahay. Lumabas si Dylan sa kanyang sasakyan. Malamig niya akong tiningnan. Dalawang kalalakihan naman ang lumabas sa puting kotse at dalawa rin sa itim na kotse. "Oh. Nandito pala ang fake bride mo, Dylan!" Sabi ng lalaki na may braces ang ngipin. Alam nila? "'Wag niyo nalang pansinin." Sabi ni Dylan habang naglalakad sila papasok ng bahay. Isa-isang pinasok ng kaibigan nito ang napakaraming alak at inilapag iyon sa lamesa sa sala. Naiilang ako sa klase ng tingin ng mga kaibigan ni Dylan. Kasalukuyan akong naghuhugas ng mga plato na pinagkakainan nila nang may humatak sa aking braso. Nakita ko si Dylan, namumula na ang pisngi nito na parang lasing na. "Dylan? Teka, bakit?!" Hinatak niya ako papunta sa sala. Ang apat na kaibigan nito ay pawang mga lasing na rin. Tumigil kami sa harap ng mga kaibigan niya. Nakaramdam ako ng kaba. "Strip." Dylan said. "W-What?" "I said, strip." Mariin nitong sabi. Tinangka kong kumawala sa hawak nito ngunit mas lalo lang iyong humihigpit. "Oh, come on! We are bored! Why don't you entertain us? You're a w***e, right?" "Dylan, ano ba! Ayoko! Hindi ako ako ganoon." Pilit akong kumakawala sa kanya. Lumapit ang mga kaibigan nito sa akin pwera ang isa nanatili lang itong nakaupo sa sofa at umiinom ng beer habang nanunuod. Hinawakan ng isa ang aking kamay. "Teka, huwag!" Nag-panic ang sistema ko. Hinawakan ng lalaki ang aking panga. Ngumiti ito ng nakakatakot. "Pakipot ka pa. Alam namin ang ginawa mong pagset-up kay Dylan kaya 'wag ka ng umarte na parang ang linis mo." Tumulo ang aking luha at buong lakas na nagpupumiglas. "Bitiwan niyo ako!" Napakislot ako nang may humawak sa aking hita. "s**t! She has a porcelain skin. Ang swerte mo, Dylan." Dinilaan ng lalaking may braces ang kanyang ibabang labi. "Huwag, please!" Tumingin ako kay Dylan. Blangko ang kanyang ekspresyon habang hawak ang isang kamay ko. "Dylan, tama na! Help me, please!" Nanginig ang aking tuhod nang maramdaman ng halik ng lalaking may braces ang aking leeg. Umiwas ako. Tinangka kong lumayo pero hawak ni Dylan at ng isang lalaki ang aking dalawang kamay. "Taste like pearl." Nagsusumamo akong tumingin kay Dylan. Nanlaki ang mga mata nito. Help me, somebody. Hindi ko na kaya. Ayoko na. Lumakas ang hikbi ko at pilit na pumipiglas. Naramdaman kong nakawala ang kamay ko na hawak ni Dylan. Pinigilan nito ang kaibigan at inilayo sa akin. "That's enough. She's too boring. Let's just call a professional whore." Sabi ni Dylan. Nagkaroon ako ng pagkakataong tumakas kaya agad akong tumakbo sa kwarto ko at nagkulong roon. Nanginginig ang buong katawan ko sa takot. Nanghihina ang mga tuhod ko kaya napasalampak ako sa carpeted floor ng aking kwarto. Walang humpay ang pagtulo ng aking luha. Nasaan na ang mabait na Dylan? Hindi ko akalaing dadating ako sa punto ng buhay na itatrato ako ng lahat na parang laruan. Patuloy akong umiiyak. Sobra ang takot na nararamdaman ko. Napapitlag ako nang may kumatok sa aking kwarto. Hindi ko iyon binuksan. Hindi ko kaya. "Luna?" Kay Dylan ang boses na iyon. Napalunok ako sa takot kaya hindi ako sumagot. "Tama na, please." Bulong ko habang humihikbi. "Damn it." Wala na akong narinig pang iba pagkatapos niyang sabihin iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD