HINDI maka-focus si Odessa habang hinahanda ang gamit para sa skwela. Nakatuon kasi ang pansin niya kay Lucas na kasama nila na nag-aagahan sa mesa. Bumabalik pa rin kasi sa isipan niya ang sinabi ng matandang professor kanina.
“Kamukhang-kamukha mo ang Lucas del Castillo na siyang may-ari ng bahay na bato na ngayon ay museo na sa bayan natin. Nasa museo ang nakapinta niyang larawan. Baka gusto niyong tingnan. Magsabi lang kayo sa akin. Isa ako sa namamahala roon. Naku! Kapag nakita mo na ang larawan, msasabi niyong hindi ako nagkakamali. Kamukhang-kamukha ni Lucas ang nasa larawan!”
Shocks! Baka naman magkamag-anak ang Lucas na ito at ang Lucas na may-ari ng bahay na bato? Descendants kung baga! Kasi pareho din naman ng apelyido. Malamang ay magkamag-anak nga. Ibig sabihin noon, hindi pala ganoon kahirap si Lucas. Hindi kasi lingid sa mga taga-San Simon na mayayaman ang may-ari ng bahay na iyon. Idinonate lang iyon for historical preservation.
Pero paano naman iyong unang sinabi ni Lucas na siya mismo ang may-ari ng bahay? Hindi kaya tama si Prof? Na totoong may time-space churvaness na nagaganap sa bayan nila. At itong si Lucas ay ang kaparehong Lucas na siyang may-ari sa bahay? At na nagtransport lang ito from the past?
Wow, Odessa! Nagiging weird ka na din!
Nakakahawa pala ang kawirduhan. Una si Lucas. Pagkatapos ay si Professor Jimenez naman. Shocks! Nahawa na yata din siya! Did she actually hypothesize that Lucas is the same Lucas who’s from the past? Naloloka na talaga siya!
“Okay ka lang apo?”
Napaangat ng mukha si Odessa at doon na niya napansing nakatunghay na sa kanya ang lahat ng mga nasa mesa. Ang lola naman niya na siyang katabi niya ay kunot noong nakatitig sa kanya.
Kaya para mawala ang pagtataka ng mga ito ay ngumiti siya nang maluwag. “Wala po, La. Iniisip ko lang po ‘yong book report ko na ipapasa ngayon. Sana mataas ang grade noon.” And she’s not lying about a book report. Meron nga siyang ipapasaya na ganoon mamaya.
“Hay naku, hija. Siguradong okay iyon. Ikaw pa!”
“’Yon na nga La eh. Ako pa. Eh hindi naman ako magaling sa pag-aaral.”
Tinapik ng kanyang lola ang balikat niya. “Naku! Eh ano bang hindi mo kaya? Survivor ka apo. Hala sige na’t baka ma-late ka pa.”
Napatingin siya sa wallclock at napansing may kinse minutos na lang siya para sa unang klase sa umaga.
Ayan kasi! Kung anu-ano ang iniisip kaya ‘di na napansin ang oras!
Sa pagmamadali ay halos na magkandahulog-hulog na ang mga gamit niya sa sahig. Isa-isa niyang pinulot ang mga iyon. Pero ganoon na lang ang pagkagulat niya nang nasa harap na niya si Lucas at yumuko rin para tulungan siya sa kanyang mga libro.
Naptitig siyang muli kay Lucas. Hindi tuloy niya mapigilang maalala ang nangyari sa kampanaryo kanina.
What if galing nga ito sa ibang panahon? OMG! Nagpapatira siya ng isang taong ‘lost’. Lost as in lost in time! Kawawa naman si Lucas.
Kawawa ka d’yan? Shunga ka ba, Odessa? Naniniwala ka na sa mga time travel ngayon?!
She shook her head to push the stupid thoughts away. Kailangan niyang umayos dahil mali-late na talaga siya.
“Eto pang mga gamit mo, Odessa,” sabi ni Lucas habang iniaabot sa kanya ang mga libro.
Napatitig siya sa mukha ni Lucas. Sinubukan niyang isiping lagyan ng filter ang mukha nito para ibagay sa 18th or early 19th century.
Black and white?
Sepia?
Hmmm… masyado itong good looking para magmukhang luma.
Shocks! Ano bang pinag-iisip niya?! Naloloka na talaga siya! Kailangan na niyang makaalis doon.
“S-salamat.” Agad niyang kinuha ang mga iyon at saka tumayo.
Pagkatapos magpaalam ay na siyang lumabas ng bahay. Naisipan niyang papara na lang ng tricycle at hindi na gamitin si Boni. Nililimitahan talaga niya ang paggamit sa antique niyang kotse dahil baka masira na naman ito.
Akma na siyang lalabas ng gate nang may humawak sa balikat niya.
Si Lucas iyon na tila ba nagmamadali.
“Lucas? B-bakit?”
“Tungkol sa sinabi noong matadang lalaki kanina. Pwede ba mo ba akong dalhin sa kanya?”
“At bakit naman?”
“Nais ko sana siyang makausap.”
“Alam tungkol saan?”
“Gusto kong magpunta muli sa bahay ko… ibig kong sabihin, sa museo. Kung maaari lamang.”
Shit! Mali-late na talaga siya. “Ah, mamaya na tayo mag-usap. Pagkauwi ko. Nagmamadali talaga ako eh.”
“Pero Odessa…”
“Lucas kasi—”
“Hindi mo ba siya narinig? Nagmamadali siya.”
Pareho silang napalingon sa pinanggagalingan ng boses at nakita si Calvin na papalapit sa kanila.
“Kilala mo siya?” Si Lucas iyon na nakatiimbagang. Naningkit ang mga mata nito habang nakatitig kay Calvin.
“Ah-oo, ang pamilya nila ang may-ari ng tinitirhan namin…natin ngayon. At—”
“Kaibigan niya ako.” Si Calvin na ang nagtapos sa sasabihin niya.
Nakita niya ang pagtaas ng gilid ng labi ni Lucas. “Kaibigan?”
Taas noong hinarap ni Calvin ang katabi. “Oo, kaibigan ako ni Odessa. Ikaw? Sino kaba?”
“Ako? Ako si Lucas del Castillo. Ako ay—”
“Kamag-anak! Kamag-anak namin, Calvin. Nakikitira sandali dito. Pero,” napatingin siya kay Lucas, “pero… aalis din naman siya pagkalipas ng ilang araw.”
She saw Lucas frowned after hearing her. Teka… Nalungkot ba ito nang sinabi niyang aalis na ito makalipas ang ilang araw? Pero totoo naman ‘di ba? He should leave whether they like it or not. Kahit pa medyo nalulungkot din siyang isipin na aalis ito.
“Ah! Kamag-anak niyo pala.” Sa isang iglap ay nawala ang kanina’y madilim na mukha ni Calvin. Ngayon ay maluwang ang ngiti nitong habang inillahad ang kamay kay Lucas. “Ako si Calvin, pare. Tulad ng sabi ko, kaibigan ako ni Odessa.”
Tiimbagang pa rin itong tinanggap ni Lucas. “Masaya akong makilala ka.”
Parang labas sa ilong ah? Pero hindi na binigyang halaga pa iyon ni Odessa. Mali-late na talaga siya.
“Ah, Calvin. Papasok ka na ba? Baka pwedeng makisabay?” hiling niya sa lalaki. May kotse ito kaya naman hindi siya mali-late.
Agad namang tumango si Calvin. “Oo naman! Ikaw pa. Sige na’t mali-late ka na.” Pagkasabi ay lumingon ito kay Lucas. “Mauuna na kami, Pare.”
Kinuha ni Calvin ang mga gamit niya at nilagay iyon sa isang kamay. Ang kabila naman nito ay humawak sa kanyang bewang bago siya iginiya patungo sa kotse nito.
Wala nang magawa si Odessa kung hindi ay ang magpatianod kay Calvin. Pero habang naglalakad ay hindi niya magawang hindi lingunin si Lucas. At inaamin niya… hindi siya masayang makita ang tila naiinis nitong hitsura.