KABANATA 04

1654 Words
“HI Odessa! Ang ganda mo ngayon.” Nginitian lang ni Odessa ang bawat estudyanteng bumabati sa kanya. Karamihan kasi ng mga ito ay mga lalaki. Meron din namang mga babae at kadalasan sa mga ito ay tinatanong kung anong make-up ang gamit niya. Masasabing sanay na siya sa mga papuri ng mga schoolmates at nagpapasalamat siya dahil ibig sabihin noon ay may appeal siya. Mas nakakatakot kapag wala nang makaka-appreciate sa hitsura niya dahil baka isang repleksyon na iyon na hindi siya magugustuhan ng mga nagsa-scout ng mga models. Pumasok siya sa isang classroom at agad nakita si Lucy. Ang kaibigan at kaklase na rin sa halos lahat ng subjects niya. Pareho kasi silang nasa first year ng kursong business management. “Friend, kanina ka pa hinahanap ni Carl.” Ininguso ni Lucy ang isa pa nilang kaklase na nasa dulong upuan. Nakita niyang ngumiti si Carl sa kanya at saka tumayo bitbit ang isang folder. Kinse anyos lang si Carl. Napakabata niya para maging kaklase ang mga tulad niyang 20 years old sa kolehiyo. Pero hindi naman ordinaryong bata si Carl. Isa raw itong genius dahil sa angkin nitong katalinuhan. Nag-aaral ito ng kursong B.S. in Physics sa St. Matthew College. Kaya lang naman din sila naging magkaklase ay dahil sa minor subject nila ang Filipino. Inilapit niya kay Lucy ang mukha at saka bumulong. “Naalala mo ‘yong report natin sa math? Pinagawa ko kasi sa kanya. Baka tapos na kaya hinahanap ako.” “At ano naman ang kapalit niyan?” Nagdududang tanong sa kanya ng kaibigan. “Walang kapalit ‘yon.” “Uy grabe ka ha. Inaabuso mo ‘yong bata.” “Oy hindi ah! Siya nagpresinta. Sayang naman! At saka mani lang para sa kanya ‘yong math ‘no.” Natahimik silang dalawa nang nasa harap na niya si Carl. “Uy, Carl! Kumusta?” bati niya rito. “Hi, Ate Odessa. ‘Eto nga pala ‘yong report mo sa math. Natapos ko agad kagabi.” Tipid na ngumiti si Carl na mukha pang nahihiya sa kanya.      “Uy! Salamat ha? Nakakahiya naman sa’yo,” pasasalamat niya sa binatilyo. Totoo talagang nagpapasalamat siya. Tagilid siya sa subject na math. Pero kahit alam niyang hindi siya magaling doon ay business management pa rin ang kinuha niya na hitik sa math subjects. Napagplanuhan na kasi niya na ang perang kikitain sa pagmomodelo ay ii-invest niya sa pagnegosyo. Alam niyang walang panghabangbuhay sa pagmo-model kaya nagpapakawais lang siya. Magnenegosyo siya kaya tama lang na business management ang kurso niya.      Planado na lahat, siyempre!      “Walang anoman, Ate Odessa. Buti nga at nakatulong ako sa’yo.” Napakamot ito ng ulo at saka muling ngumiti.      Hindi naman sa assuming pero mukhang crush talaga siya ni Carl. Nakakatuwa kasi pati mga bata ay napapansin siya. “Uy, baka naging abala sa’yo ang paggawa rito. Nakakahiya naman.” “Hindi! Ayos lang. At saka naka-leave si Prof. Jimenez. Busy doon sa bisita niyang scientist galling sa ibang bansa. Kaya marami akong extra time.” Narinig na rin niya ang Prof. Jimenez na iyon bilang henyo din sa physics. Kaya naman kahit siguro hindi ganoon kaprestihiyoso ang kanilang eskwelahan ay mayroong tulad ni Carl na nais pa ring mag-aral doon. Iyon ay dahil mayroong isang magaling na propesor na magtuturo. “Naku, salamat talaga. Di bale, makakabawi din ako sa’yo Carl.“      Doon na biglang lumiwanag ang mukha ng binata. Ilang sandali pa ay malapad ang ngiti nito habang pabalik sa upuan.      “Uy, kawawa naman ang bata pinapaasa mo,” saway sa kanya ni Lucy.      “Hindi ah! Wala naman akong pinaasa. Siya naman ang nagpresinta. Alam mo namang hirap ako sa math. Ano ba naman ‘yong magpatulong ako nang konti. At saka ayokong mai-stress. Kailangan kong magpaganda para sa nalalapit na model scouting.”      “Tuloy na ba talaga ‘yon?”      “Confirmation na lang ang hinihintay ko sa kanila. At pag nakuha ko ‘yon, didretso na ako sa audition!”      “Yay! Exciting ‘yan!”      Nagtilian silang dalawa ni Lucy. Sakto namang dumating si Ms. Javier na guro nila sa Filipino.      “Hindi ko alam na ganoon pala kayo ka-excited na makita ako,” may kalakip na sarkasmong puna ng kanilang may edad na professor. Kilala itong may pagka-terror sa mga estudyante kaya naman agad silang tumahimik ni Lucy at saka naupo nang maayos.      Nilapag ng guro ang dalang libro at saka nakapaymaywang na humarap sa kanila. “Makinig ang lahat. Dahil malapit na ang Christmas vacation ay iiwanan ko kayo ng mga tulang Filipino na gagawan niyo ng sanaysay. Isang dalawang pahinang analysis, reaksyon o komento tungkol sa tula.”      Pinigilan niyang gumawa ng reaksyon at baka makita pa siya ng matandang dalagang guro. Pero grabe naman talaga ito. Sinusulit ang Christmas vacation nila. Wala yata itong pagkakaabalahan sa pasko kaya malakas ang loob na tablahin sila.      Pero ano pa nga ba ang magagawa niya? Dapat siyang sumunod sa guro para hindi lumagpak sa subject na ‘yon. Uulitin na naman niya. Gastos lang.      Matapos ang klase ay may kanya-kanya na silang hawak na papel na may nakasulat na tula. Sinubukan niyang basahin ang sa kanya na may pamagat na Dyosa.      “Wow! Title pa lang bagay na sa akin,” biro niya. Binaba niya ang mga mata sa mga saknong at nagpatuloy sa pagbabasa.   Minsan sa aking buhay isang himala ang naganap Naglakbay ako sa mundo kung saan ang kalayaa’y napakasarap Sa mundong iyon ay tuluyang nawala ang aking paghihirap Dahil aking nakilala ang dilag na aking—      Naputol ang kanyang pagbabasa nang biglang nagvibrate ang cellphone niya sa bulsa. Nang tingnan ang screen ng cellphone ay agad lumakas ang kabog ng kanyang dibdib. Mayroon kasing notification roon. One email received umano!      Sandali siyang nanalangin na sana ay iyon na nga ang matagal na niyang hinihintay. Huminga siya nang malalim at saka nagdesisyong pindutin na ang mensahe.      Dear Ms. Odessa Salazar, Congratulations! You are one of the few who are invited to Elite Model Management’s Asian Model Scouting in Manila, Philippines this December 23, 2011.      Tama ba ang nababasa niya? Hindi ba siya nagkakamali?      Muli niyang binasa ang email nang dalawang beses upang makasigurado at mukhang hindi talaga siya nagkakamali. Inimbitahan siya ng Elite Model Management! Her first step to become a model in the US is here!      Oh my God! Matutupad ko na sa wakas ang mga pangarap ko!  ***** “LORD, thank you po!”      Hindi agad umalis ng simbahan si Odessa kahit na tapos na ang unang misa ng simbang gabi. Nakaluhod pa rin siya roon at taimtim na nagpapasalamat sa biyaya ng Panginoon sa kanya. Bukod sa pasasalamat ay nanalangin din siya na sana’y magtagumpay ang kanyang audition. December 16 ngayon kaya eksaktong isang linggo na lang ay pupunta na siya ng Maynila para sa audition.      “Sana Lord, bigyan Niyo po ako ng lakas para makuha ko po ang aking pangarap. Para sa pamilya ko po ito kaya naman po nagsusumamo ako sa Inyo. Sana po ipadala Ninyo sa akin ang taong magpapabago ng akin buhay. Sana ang taga-Elite Model Agency na nga iyon. Amen.”      Nang matapos magdasal ay saka niya pinuntahan ang kasama niyang magsimba. Si Lola Lina. Nasa may bentahan ng puto bumbong lang daw ito at maghihintay sa kanya. Nang makita niya ang lola ay may bitbit na ito ng supot ng puto. Mukhang tapos nang mamili.      “Uwi na tayo, apo?” magiliw na tanong sa kanya ni Lola Lina nang makalapit na siya.      Malapad ang ngiting humawak siya sa braso ng kanyang lola. “Opkors, my beautiful Grandma. We are going home!”      Narinig niyang tumawa ang kanyang lola. “Aba, mukhang dobleng saya ang dinulot ng pagkakasali mo sa audition na ‘yan, apo, ha?”      “Opo, La! Ito na ang simula ng katuparan ng aking mga pangarap!”      “Ay maganda ‘yan apo. Support na support ako sa’yo d’yan!”      Nagtawanan silang mag-lola hanggang sa marating ang parking area ng simbahan. Kung mayroon man siyang talent bukod sa pagmomodelo ay iyon na sigurong pagmamaneho ng antigo nilang Volkswagen. Hindi basta-bastang magmaneho sa lumang kotseng iyon. Kailangan ng matinding power! Pasensya Power!      Ang pagmamaneho ng kotse ang isa sa mga bagay na natutunan niya sa kanyang ama. Dating driver ito ng taxi at kapag may pagkakataon ay tinuturuan siya nito. Sabi ng kanyang ama ay ang kotse ay parang sapatos din. Dinadala ka kahit saan mo gustuhin. Kaya dapat daw matuto talaga siyang magmaneho. Kaya naman disisais pa lang siya ay natuto na siyang magmaneho ng kotse. At ang lumang Volkswagen nilang iyon ang pinagpa-praktisan niya. Kahit uugod-ugod na iyon ay kahit papaano ay umaandar pa rin naman.      Nakalabas na sila ng parking area at nagsimulang binaybay ang ‘di simentadong daan sa gilid ng simbahan. Mas malapit kasi ang daan doon pauwi kesa sa highway.      Madilim pa rin ang langit kaya sinigurado niyang buhay ang headlights ng kotse. Pero bago pa man sila makatodo nang takbo ay parang naglololoko ang ilaw noon. Patay-sindi kasi.      “Hay naku, nagsisimula ka na naman Boni! ‘Wag ngayon. Di ako ready.” Ang kinakausap niya ay ang Volkswagen nilang sasakyan. Palayaw nila rito ay Boni. Boni as in Bonifacio. Kasi naman ‘atapang na kotse’ kasi ang sasakyan nila. Ilang dekada na ang lumipas pero tumatakbo pa rin!      “Hay naku apo, papatingnan na lang natin ulit tong sasakyan sa mekaniko. Mukhang sira na naman o,” payo ng kanyang lola sa kanya na ‘di naman niya tinutulan.      “Oo nga po, La. Kasi naman ang luma na nitong si Boni. Mas matanda pa sa akin ‘to eh. At saka--”      “Apo, may tao!”      Agad niyang natapakan ang break ng kotse. Wala naman siyang naramdaman bumangga sila sa kung ano pero hindi siya sigurado… parang may nakita nga rin siyang taong bumagsak!      Nanginginig ang kamay niyang lumabas sa kotse. What if nakadisgrasya nga siya ng tao? OMG! Magkakasala siya sa Diyos! Makukulong pa siya! Paano na ang mga pangarap niya sa buhay? Paano na lang ang pamilya niya?      Kung ano-ano na ang naglalaro sa kanyang isipan pero pinilit pa rin niyang buksan ang pintuan ng kotse at lumabas roon. Kahit halos lumuwa na sa kanyang puso mula sa dibdib ay agad niyang pinuntahan ang unahan ng kotse. At doon na siya nanlumo. May tao nga roon!      Isang lalaki na walang malay at may dugo sa noo.      Oh no! What the heck has she done?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD